CHAPTER 11

Chapter Eleven

Third Day


"Wow ang ganda Marcus!"

Hindi ko mapigilan ang tuwang naramdaman ko ng makita ang puting buhangin sa beach at ilang rock formations sa hindi kalayuan.

Ang kulay asul na dagat na para bang may magnet na humihila sa katawan ko para lumusong doon! I missed being exposed to nature.

Tama nga ang sabi ni Jenesa na maganda ang lugar na ito. Hinawakan ko ang braso ni Marcus at kumapit do'n.

It's still natural to me. Pakiramdam ko ay kami parin. Gusto kong matawa. Kami parin para sa'kin pero sa kan'ya ay tatlong araw ng tapos ang ilang taon naming pinagsamahan.

Ipinilig ko ang ulo ko. I don't want to think any negative thoughts about this trip. Ang mahalaga ay narito na kami ngayon at magkasama. I should make the most out of it.

Kumain kami ni Marcus. Marami namang tao sa beach pero hindi 'yon crowded kagaya ng iba. May mga iilang sun loungers malapit sa dagat. Doon ako pumwesto matapos naming kumain ng tanghalian.

Hindi ko iniinda ang init ng araw. Makita ko lang at marinig ang galaw ng dagat ay napapayapa na ang utak ko. Tumabi si Marcus sa nasa tabing lounger.

"Thank you." Sabi ko sa waiter pagkatapos ilapag ang orange juice na order ko.

"Do you want anything else?" Tanong nito.

Sumulyap ako kay Marcus. He was just staring at me. Or baka akala ko lang?

"Wala na. Nandito na ang lahat ng gusto ko..." Ngumiti ako habang patuloy ang tingin kay Marcus.

Tumango lang ang waiter bago tuluyang umalis.

Tinanggal ni Marcus ang kan'yang aviator at inilapag sa lamesang nasa gitna namin. Kinuha ko naman ang sun block sa bag ko.

"Do you mind?" Tanong ko habang hawak ang sun block.

Nakita ko ang pagdadalawang isip niya.

"Oh come on Marcus! Don't act like you haven't touched me." Ngumisi ako at mabilis na tumalikod para hubarin ang kimonong bumabalot sa katawan ko.

Napatuwid ang upo niya nang makita ang muling pagsulyap ko. My lips curved when I saw him staring at me. For real this time.

Marahan siyang lumapit sa puwesto ko.

I'm wearing a bright red two piece. Hindi naman ito ang first time kong magsuot nito pero ngayon ko lang naapreciate ang katawan ko sa ilalim ng kakapiranggot na tela.

Sa pagbawas ng timbang ko ay kitang kita ang kurba ng mas fit kong katawan ngayon.

Sa unang paglapat ng mainit niyang kamay sa likod ko ay para akong nakuryente.

I never expected my body to react like this. Paano ba naman, siya lang ang tanging nakahawak sa katawan ko.

Napakagat ako sa aking labi. Pakiramdam ko ay bumibigat na naman ang dibdib ko. I shook my head. Good vibes lang Blaire! Paalala ko sa sarili ko.

"Okay na." Maya maya'y sabi niya.

Tumayo naman ako at yumuko ng bahagya para abutin ang sun block sa kamay niya.

Gusto kong ngumiti ng makita ang paglunok niya.

"Maliligo ka ba?" Tanong ko.

"Mamaya na. Mainit pa." Tumango lang ako bago naglakad papunta sa dagat.

Masyado na akong maputla dahil sa kakalagi ko sa loob ng bahay. Kung tutuusin ay ngayon lang ako ulit naarawan ng haring araw.

Ilang langoy ang ginawa ko hanggang sa mapagod ako. Nag sun bathing din ako pagkatapos. Hindi nga siya naligo. Nananatiling nakapikit ang mga mata niya.

Siguro kung mahal niya parin ako at siya parin ang Marcus ko ay buong araw lang kaming nasa kwarto ngayon.

Nakita ko ang pagtayo ni Marcus sa lounger habang may kausap sa kan'yang telepono. I bit my lower lip again.

Sa sobrang casual namin ay ni hindi ko siya matanong kung ano na ba ang nangyayari sa buhay niya.

Kung may iba na ba siya. Kung may iba na bang nagpapasaya sa kan'ya. Sa pag ngiti niya ay nalaglag na ang luha ko.

I can't be truly happy for him. Kung magagawa ko man 'yon ay hindi pa sa ngayon.

Oo sobrang selfish ko para gawin pa ang bagay na 'to pero pitong araw lang naman di ba?

Pitong araw kumpara sa ilang taon naming pagsasama. I'm bitter. Ako na. Nasaktan ako eh, at hanggang ngayon mahal na mahal ko parin siya.

Tangina.

Sa tagal niyang nakatayo at nakikipagtawanan sa telepono ay bumalik na ako sa lounger.

I can't see him happy while on the phone. Gusto ko siyang maging masaya pero ang maging masaya sa piling ng iba? Sobrang nakakadurog.

Isinuot ko ang kimono ko at iniwan na siya doon. Hindi ko kaya...

Sorry Marcus. Hindi ko pa kaya sa ngayon eh. Masakit pa. Sobra sobrang sakit. Pinupunasan ko ang mga luhang patuloy na lumalandas sa pisngi ko habang tinatahak ang daan pabalik sa kwarto.

Sa pag-ibis ko sa pathway ay napahinto ako ng bigla akong harangin ng tatlong lalaking naroon.

Halata sa mga mukha nila ang epekto ng alak dahil sa pula ng mga 'yon at ang mapupungay nilang mga mata.

Pumito pa ang isa na nagpataas ng balahibo ko sa katawan.

"Excuse me..."

Kinalma ko ang sarili ko at sinubukang lagpasan sila pero dahil sa malalapad nilang katawan ay wala akong nagawa.

"Teka lang. Let me check you out!" Ngumisi pa ang nasa gitna na halatang may dugong banyaga bago pasadahan ang kabuuan ko.

Kumagat pa siya sa kan'yang labi ng mapukol ang tingin niya sa dibdib ko.

"Bastos!" Sigaw ko sabay takip doon.

Iibis na sana ako pero hinarangan naman ng kasama niya ang daraanan ko. Gusto ko nang maiyak. I've never been harassed by anyone.

Oo nga at ilang beses ng napaaway si Marcus dahil sa mga nambabastos sa'kin pero ni minsan ay hindi ako nakaramdam ng ganitong takot.

Parang lumaki ang ulo ko sa mga pagtawa nila. Lumingon ako sa likuran ko. I can't see anyone. Kahit anino lang sana niya. Bigo ako. Now I'm trapped with these maniacs!

"Paraanin niyo nga ako!"

Nahawakan ng isa ang braso ko.

"Ngayon lang ako nakakita ng kasing ganda mo. Sorry." Sabi niyang sarkastiko.

"Ano ba! Bitiwan mo ako!" Nagpumiglas ako.

Kung kanina ay si Marcus ang dahilan ng pagluha ko, ngayon naman ay dahil sa takot.

"Pumapalag bro! Ngayon ka lang napalagan!" Sinamaan niya ng tingin ang isa bago ako binitiwan.

"I'll see you around..." Ngumisi siya ulit at hinawi ang daan para makaraan ako.

Daig ko pa ang kasali sa marathon dahil sa pagtakbo ko paalis sa lugar nila. Natalo ng mga hikbi ko ang tunog ng alon sa dagat.

Hindi ako makahinga. Mas masakit palang marealized na wala ng magtatanggol sa'yo. Wala ng po-protekta.

Na walang ibang makakatulong sa'yo ngayon kung hindi ang sarili mo. Wala ng may pakialam kung mapahamak ka pa. Wala na. Wala na ang taong inaasahan mong gagawin ang mga bagay na 'yon.

Pagdating ko sa kwarto namin at dumiretso agad ako sa banyo. Binuksan ko ang shower at mabilis na tumapat doon.

Ibinuhos ko ang takot at sakit na nararamdaman ko. I cried my heart out.

Parang may patuloy na kumukuryente sa dibdib ko. I can't breathe properly. Daig ko pa ang may hika sa tindi ng pagbaba at taas ng dibdib ko.

I only have myself...

Nakakatakot pala,

Dapat ngayon palang masanay na akong wala si Marcus di ba?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top