Your Guardian Angel
Nang makita ko si Dominique na umiiyak sa tapat ng frat house namin, alam kong isang puso yun na kelangan ko tulugan mabuo muli at isang pangarap yun na kelangan ko tulungan itayo ulit.
Ang hindi ko alam, ung puso ko pala ang kailangan ko bantayan kasi ako pala ang malulunod sa sarili kong pagkalungkot. Ako pala yung mamatay ng ilang ulit. Pangarap ko pala ang kailangan ko hawak ng matibay dahil buong mundo ko pala ang guguho sa harap mismo ng sarili kong mga mata.
At hindi ako conyo. Kaya wag mo ako hanapan ng isang buong sentence na straight English.
Ang lahat ng ikukwento ko sayo ngayon at parang blade na gumuguhit ng sugat sa pagkatao ko kaya makinig ka ng maigi at wala na akong plano ungakatin pa ito.
Tigasin din ako. Hinding hindi ako maiin-love. Jusko, ang baduy. Imposibleng umikot ang buong mundo ko sa ngiti ng isang babae.
Pero kay Dominique, t*ngina. Walang imposible.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top