UNO • Dumating ka sa buhay ko. Ano ngayon?
When I see your smile
Tears run down my face
I can't replace
Lukot na lukot na ang suot kong polo. Lintek. Favorite color ko pa naman. Gray. Na sa kabilang balikat kulay dark gray na. Dahil na naghalong luha at hulas na make-up ng babaeng tulog sa kandungan ko ngayon.
Or so akala kong tulog na.
"Babaket ba pag ikaw tumatawag sha pangalan ko, tunog pamlalake? Dominique. Yak!"
Utal at kinakain na nya ang bawat salita dahil sa kalasingan.
Wala lang sakin 'tong si Dominique. Maniwala ka. Parang sya lang yung kaklase mo na napapansin mo pag absent pero hindi ka naman apektado na wala sya. Tapos yung kaklase mo na yun, isang araw - lumapit sayo. At alam mo sa sarili mong wala naman ibang tutulong sa kanya kundi ikaw lang. Ano gagawin mo? Yun eksakto ang sitwasyon naming dalawa ngayon.
"Eh pang lalaki naman kasi talaga pangalan mo." Sabi ko.
"Kaya nga wag na ganon itawag mo saken."
"Eh ano itatawag ko sayo?"
Sinubukan nya itaas ang ulo nya na agad din namang natumba sa hita ko. "Nikki."
"Yun ba gusto mo?"
Hindi na sumagot. Tulog na ata talaga.
Nagsindi ako ng yosi kaso naubo sya kaya pinatay ko na lang ulit. Inalis ko ang dumikit na buhok sa mukha nya dahil sa natuyong luha. Sa ilalim ng liwanag ng bwan at sa unang pagkakataon, tinitigan ko ang sya.
Kahit sa ilaw lang ng poste, kita ang pinagkaiba ng kulay namin ni Nikki. Maputi kasi sya at makinis. Mamula mula pati ang kutis. Chinita sya. Bilog pero hindi pa papasa na chubby. Maliit at matangos ang ilong. Maliit ang bibig. Maliit ang mukha. Maliit sya. Itim na itim ang hanggang balikat na buhok. Noon pa man, cute na talaga ang tingin ko sa kanya.
Balak kong dun na lang kami ni Nikki gang sa sumikat ang araw. Nasa teritoryo ko naman kami. Walang sisita sakin kahit magdamag pa kami dun. Kaso..
Nagbalik ako sa totoong mundo nang mag-ring ang cellphone nya. Kinuha ko ito sa likod na bulasa ng shorts na suot nya. Ooops. Tambok ng pwet. Hihi.
Calling. Brigette. Slide to answer.
"Hello?" Sabi ng babaeng boses sa kabilang linya.
"Hello?" Sabi ko.
"Lights? Si Niks? Gabi na wala pa sya."
"Si Tanierla 'to. Kasama ko sya. Break na ata sila. Ako muna bahala."
"Huh? Ano nangyari? Wag na nakakahiya. Sunduin ko na lang sya dyan. Asan ba kayo?"
"Ako na muna bahala."
"Ay sige. Salamat."
Pinatay ko na ang linya.
Alam kong may isa pang nagaalala sa lagay ni Dominique kaya hinanap ko ang number nya sa sarili kong telepono. Nakailang ring bago may sumagot.
"Ace. Napatawag ka?" Bungad ng kabilang linya. Kung flat ang boses ko, mas flat sya.
"Pwede ba tayo magkita?" Tanong ko.
"Ano problema?"
"Hindi ako magaabala kung hindi importante."
Ilang segundo ang lumipas bago may nagsalita ulit sa kabila. "Ah. Sige. San ba?"
"McCafe sa Katipunan. 20 minutes."
"Ge."
At binaba nya ang telepono. Bastos na nilalang.
Pumito ako at lumapit ang kaisa-isang taong pagkakatiwalaan ko sa bagay na ito. Si Kier.
"Ipasok mo na ito sa loob. Dun na lang muna kayo sa kwarto ko. Bantayan mo. Ibigay mo lahat ng gusto. Wag na wag mo lang papauwiin ng wala ako." Utos ko.
"Kopya GT."
Pinanuod kong hinalikan ni Kier sa noo si Nikki bago tuluyang ipasok sa frathouse tska ko binuhay ang makina ng Rouser ko.
Hindi naman ako pinagintay ng matagal ng kausap ko. Dumating naman sya bago ako mainip. Ipinarada nya ang puting kotse nya sa kanan ng itim na motor ko. Binuksan nya ang pinto, umupo paharap sakin pero hindi na bumaba ng sasakyan.
"Calaguas. Pare, kamusta?" Bati ko.
"Ace." Sabi nya ng may tango.
Halata sa mukha nyang malungkot sya. Nasasaktan. Pero parang hindi naman sya umiyak. Pero sabi nga nila, sobrang sakit na pag hindi na lumalabas sa mata mo. Kasi pinipili mo na maging manhid sa mundo. Kaya ayoko mainlove eh. Kita mo nagagawa ng love sa tao? Sisirain ka lang hanggang wala ng matira sayo.
"Gusto mo beer?" Alok ko.
"Meron ba?"
Naka-2 lata lang naman ako kanina kaya nagpabili pa ulit ako nang pumito ako para samin ni Calaguas. Inalok ko sya ng yosi kahit alam kong hindi sya naninigarilyo at tinangihan nya.
"Ano meron?" tanong nya habang binubuksan ang inumin na hawak nya sabay malalim na lagok.
Lumagok din ako. "Nasamin ang diwata mo. Binabantayan ng mga bata ko."
"Diwata?"
"Diwata. Yung babaeng tumupad ng lahat ng hiling at pangarap mo. Diwata ang tawag dun diba?" Paliwanag ko. "Si Dominique. Si Dominique ang diwata mo diba?
Napatingin sya sakin. "Si Doms. Nasa frathouse nyo? Binabantayan ng mga bata mo?"
Alam ko kung anong iniisip nya. "Wag ka magalala. Gigilitan ko ng lalamunan sa harap mo mismo ang siblno mang kakanti sa diwata mo."
Tumango sya. "Pero kamusta sya?"
"Sinungaling ako kung sasabihin kong ok sya. Pero plastic naman ako kung sasabihin kong hindi sya ok."
Sa puntong ito bumaba sya sa kotse nya at lumapit sakin na may inaabot. Kinuha ko. Isang silver na bracelet.
"Paki bigay naman kay Doms, tol. Paki sabi isuot nya. Hubarin na lang kamo nya pag di na nya ako mahal." Bilin nya.
Nilagay ko sa bulsa ko.
"Sige pre." Sabi ko. Sobrang korni nyo, gusto ko idagdag.
"Tol, ibibilin ko muna sya sayo. Wag mo syang papabayaan." Sabi pa nya, at ngayon, kamay na nya ang inaabot nya.
"Sige pre, makakaasa ka." Sabi ko sabay tangap ng kamay nya.
Alam kong sa pakikipagkamay ko na un, kelangan kong panindigan ang mga sinabi ko. Na pagsisihan ko pala sa hinaharap pero hindi ko pa alam sa mga puntong ito. Gaya ng kaklase mo mong walang ibang malapitan kundi ikaw.. tang*ina ka Ace, ano na naman ba yang pinasok mo?!
Tumambay muna ako sa parking lot ng ilang minuto pagtapos umalis ni Calaguas.
Iniisip kong wala akong tutulugan sa frathouse kaya sa Cavite muna ako umuwi ng gabing yon. Oks lang kasi ilang bwan ko na rin naman hindi nakikita ang nanay ko. Pero maaga rin akong bumalik kinabukasan dahil naiisip ko si Nikki. Baka gising na yun.
Naabutan ako ng red light ng papasok na ako sa university compound tska ko naramdaman na nagba-vibrate ang telepono ko. Si Kier, tumatawag na.
"Balita pre?" Sabi ko sa pagsagot ko.
"Gusto na raw umuwi ni Nikki." Sabi ng isang babae.
Nangiti ako. Para syang bata. Wala namang ibang babae dun kundi si Nikki kaya alam ko agad na sya yun. Bawal sila magdala ng babae sa frathouse. Ako lang ang pwede.
"Hintayin mo na ako dyan Nikki, malapit na ako."
Sumunod ang ilang segundong katahimikan bago sya nagsalita ulit. "Masakit na ulo ko."
"Sabihin mo sa kanila dyan kung anong gusto mong almusal. Malapit na ako."
Nagberde na ang ilaw kaya lumarga na ako.
"Kamusta?" Sabi ko ng makasalubong ko ang MKC ko sa hagdan.
"Gising na GT. Humingi na ng pagkaen si Kier e."
"Salamat Seb." Sabay tapik sa balikat nya.
Sinabi ko kay Kier na wag syang lumabas ng kwarto pagpasok ko para hindi mailang si Nikki na dalawa lang kami dun. Inabutan ko syang nakahiga sa kama at tulala lang sa bintana. Napangiti ako sa matipid na ngiting ibinibigay nya sakin habang umuupo ako sa kama. Nakatingin sya kay Kier habang umuupo sya sa tabi ko. Pero nabaling din agad ang atensyon nya sa ibinaba ko sa pagitan naming dalawa. Agad nya itong kinuha at tumingala sa kisame. Halatang gusto na naman lumabas ng lungkot at sakit mula sa mga mata nya.
"Ipinababalik nya yan. Isuot mo raw. Hubarin mo na lang daw pag di mo na sya mahal." Sabi ko.
Super korni pre, promise.
Pero hindi sya kumikibo at tuloy lang ang pakikipagtitigan sa kisame kaya ako na mismo ang nagsuot ng bracelet sa braso nya.
"Sabi ko sayo wag mo pigilan e. Ok lang maging hindi ok. Ok lang umiyak."
Tapos nagulat na lang ako ng bigla syang yumakap sakin at narinig ko na naman at paghikbi nya sa balikat ko.
"Ok lang yan. Andyan si Kier para sayo."
"Tama." pag-sangayon ni Kier.
Kaso lalong lumakas ang pagiyak nya kaya napayakap na rin ako sa kanya para himasin ang likod at. At dun ko binitawan ang apat na salitang sisira sa buo kong pagkatao, "At andito din ako."
Lint*k ka talaga Ace. Ano ba yang pinaggagagawa mo?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top