TWELVE • To Let You Go
Sabi nila, you can never lose what you never had. Ni minsan, hindi naging akin si Ace. Pero feeling ko nawala sya nung nalaman kong may girlfriend na sya.
Isang bwan ko inisip kung bakit ako naiyak at tumakbo ng sabihin nya saking mahal nya ako.
Si Ace ang lahat ng hindi si Lights.
Kay Ace ko naramdaman na hindi ako option na pipiin lang pag may libreng oras. Priority ako, na pipiliting gawang ng paraan kahit walang panahon.
Kay Ace ko naramdaman na hindi ako sunod sunuran na magaadjust sa kung anong gusto mong gawin. Prinsesa ako- na may layang sabihin ang nasa loob ako at umasang mangayayari yun at hindi pwedeng mabigo.
Kay Ace ko nalaman na hindi pala kailangan ng buong basketball team para sumaya. Ilang piliing tao lang na totoo sayo, at isang sumumpang di ka nya hahayaang masaktan, ok na ok ka na.
Nalaman ko na nakakakilig pala yung lalaking maraming alam na para mapangiti ka. Yung ipagsisigawan sa buong mundo na mahal ka nya. Yung ipapakita sa lahat na handa sya magmakaawa sa kapatawaran mo. Yung kakantahan ko kahit wala sya sa tono. Pero kay Ace ko nalaman na mas ok pala yung lalaking walang alam na ibang gawin kundi mahalin ka lang ng buong buo.
Tinanong nya ako kung bakit hindi ko maramdaman na mahal nya ako at hindi ako nakasagot. Kasi ang totoo, ramdam ko. Ramdam na ramdam ko. Pero hindi ko magawang aminin sa sarili ko na mahal nga ako ng lalaking iginalang ako, trinato akong prinsesa at ibinigay ang lahat para sa ngiti ko. Kasi hindi ko magawang aminin sa sarili ko na masaya ako sa kanya. Na mahal ko na rin sya.
Bumalik ako sa pag-asang pwede na namin simulan yung samin. Bumalik ako para sabihin sa kanyang mahal ko sya at humingi ng tawad kung natakot man akong sumugal ng magtapat nya. Bumalik ako para humingi ng tawad kung nasaktan ko man sya sa mga pag-iwas ko twing sasabihin nyang mahal nya ako. Bumalik ako para mahalin sya- at para malamang meron na pala syang iba.
Huling tanda ko ay kainuman ko ang mga blockmates ko dahil sa sama ng loob ko na mas pinili pa ni Ace si Trisha kesa sakin ng ayain ko syang makipag-date. Lakas pa ng loob ko na ipamukha kay Trisha na girlfriend lang sya, ako ang mahal. At sa pagkakakilala ko kay Ace, ako ang pipiliin nya sa ano mang sitwasyon. Naririnig ko sa ulo ko ang malabruhang tawa ni Trisha, nakakabaliw.
Nagising ako sa loob ng kwarto ko sa boarding house namin at suot ko ang polo ni Ace na kulay black. Tanda kong eto ung gamit nya kahapon na nakapatong sa black din na fratshirt. Usual get-up ng babe ko. parehong kulay ng polo na nakapatong sa kung anong kulay ng tshirt. Either black, white o gray lang. Pantalon at itim na high cut na Chuck Taylors. Inamoy ko ang kwelyo at nangiti ako. Kay Richard Ace nga ito. Amoy Black Ferrari.
Pero kung sinundo man nya ako, bat nasa boarding house ako at wala sa frathouse? Nasan si Ace?
"Babe?" Tawag ko sa bukas na pinto.
Pero laking gulat ko ng si Marcolights ang pumasok dala ang dark mocha frappe na inaabot nya sakin.
Umupo sya sa kama. sa paanan ko habang umaayos ako ng upo. "Sabi ni Kier, something sweet and cold daw mag effective sa hang-over e."
Tinagap ko ang kape at inilagay lang sa bedside table ko. Hindi ko masabi kay Lights na hindi ko na iniinda ang hang-over dahil sanay na ako.
"Tinawagan ako ni Tanierla kaninang madaling araw," Sabi pa nya. Napatingin na ako sa kanya sa puntong ito. "Hinatid ka na raw nya dito at kailangan mo daw ako. Hindi ka na raw nya pwedeng alagaan. Ano ba nangyari Doms?"
Dun na nagsimulang pumatak ang luha ko. Alam ko na sa puntong iyon na ibinabalik na ako ni Ace kay Lights. Na isinusuko na nya ako. Na ipinauubaya na nya ako sa lalaking akala nya mahal ko.
"What's the matter Doms?" Tanong ni Marcolights. "Don't be sad. If you want we can start all over again. I wanna marry you after graduation before I start playing for Ginebra. Doms, will you marry me?"
Pagtingin ko ay nakaluhod na si Lights at may inaalay saking sing-sing. Tinignan ko sya sa mata at lalo lang akong naiyak.
"Hey, what's the problem? Maiintindihan ko naman kung di ka pa ready." Sabi pa nya.
Huminga ako ng malalim. "Lights, I have a confession to make. Hindi talaga napatid yung bracelet."
I reached on my bedside drawers at inabot kay Lights ang sabi nyang wag ko huhubarin hangga't mahal ko sya. Ilang minuto syang tahimik at nakatingin lang sa hawak nya. May luha na ang mga mata nya sa pagtingin nya sakin.
"Si Ace ba?" He asked.
Tumango ako. "Oo."
"I see." Tumango din sya.
"I am sorry Lights."
He flashed my favorite smile despite the tears in his eyes. "Don't be Doms, please. Ok lang yun. Kung sa kanya ka mas sasaya. Sino ba naman ako diba?"
At wala na akong nagawa kundi yakapin sya.
"Mukhang uulan. May payong ka ba?" Tanong sakin ni Lights bago ako bumaba sa tapat ng frathouse. Sya ang nagsabi na ihahatid na nya ako para makapagusap kami ni Ace.
"Hindi Lights. Ok lang." I answered. "Salamat ulit ah."
"Anything for you. But can you do me a favor?"
"Ano yun?"
"Just be happy."
Niyakap ko ulit sya bago tuluyang bumaba ng kotse nya.
Naabutan ko si Sebastian na nagpapalit ng band-aid sa sugat nya sa kilay.
"Napano yan?" Tanong ko.
Pero hindi sya tumingin sakin. "Alam ko bat pumunta ka dito. Nasa taas si GT."
Ngumiti lang ako at nilipad na ang hagdan.
Naabutan kong nakaupo si Ace sa kama nya at naninigarilyo. Malalim ang eyebags nya at mukhang hindi pa natutulog.
Tumayo sya ng makita ako at ako yumakap ng mahigpit sa kanya.
"Babe." Bulong ko sa kanya.
"Mukha ka namang masaya. Kukunin mo na mga gamit mo?"
"Hindi. Bat ako aalis dito?"
Hinintay kong gantihan nya ang yakap ko, pero hindi dumating. Tinangal nya lang ang mga braso ko sa katawan nya at lumapit sa bintana at tumingin sa maiitim na ulap.
"Bakit ka pa andito Nikki?" Tanong nya.
Ngumiti ako. "Babe. Ace. Mahal kita. Higit pa sa inaakala mo. Babe, iwan mo na si Trisha. Simulan na natin ang habang buhay nating dalawa!"
Natigilan sya. Walang nagsalita saming dalawa sa loob ng ilang segundo. Tumingin lang sya sakin. At kasabay ng malakas na ulan na bumubuhos sa bintana nya, nakita ko na namang bumuhos ang luha ni Ace.
"Dominique. Hindi mo alam kung ano ang handa ko ibigay marinig ko lang yan." He said.
"Pero eto na! Ano pa?"
Umiling sya. Tuloy tuloy ang pagluha nya na parang bata. Ang pinakamatigas na lalaking kilala ko.Parang batang umiiyak ngayon dahil inagawan ng candy. "Kasi Nikki, dapat sana tayo e. Kaso hindi na pwede. At kung pwede man Nikki- hindi na dapat."
"What do you mean?" Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay nya. Na laking gulat ko ng agad nyang binawi.
"Si Trisha."
Nakatingin lang ako sa kanya habang nagsisimula na namang mamuo ang luha sa mga mata ko. Hindi ko alam ang dapat maramdaman at dapat isipin. Hindi pa sya tapos magpaliwanag pero lumabas na ako at tumakbo sa ulanan.
Pero hindi kaya ng paa at mga binti ko tumakbo. Mas mabigat ang nararamdaman ko kesa sa mga hakabang ko. Bumigay na ako dun at dun lang.
Ano bang nagawa ko sa mundo para maranasan ko ito? Pinakawalan ako ni Lights para sa isang taong kelangan ko ma rin pakawalaan. Gusto ko sabihin kay Ace na wala akong pakialam. Na kahit ano pa man ang mangyari gusto kong ipaglaban ang nararamdaman ko. Pero alam kong hindi yun ang tamang gawin. Ang pakawalan lang si Ace ang nagiisang tamang gawin.
Naramdaman kong may nagpayong sakin sa gitna ng malakas na ulan ng mga nararamdaman kong sakit. Umasa akong makakakita ako ng itim na high cut na Chuck Taylors ang pagtaas ko ng ulo ko. Umasa akong sasagipin ulit ako ni Ace sa pagkakalunod ko. And I am so hurt and disappointed to a pair of Jordan 32 na all white.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top