TRES
ANO TINGIN MO SAKIN? CHOPPING BOARD? KAHIT TADTARIN MO HINDI NASASAKTAN?
It's okay. It's okay. It's okay.
Seasons are changing,
And waves are crashing,
And stars are falling all for us.
Pang 5 gabi in a row na halos umaga na umuuwi si Dominique kasama si Sebastian. Mga animal. May isang pagkakataon pang literal na umuwi na lang sila para maligo tas rekta pasok na. Tas paguwi nya sa hapon, bagsak na sya sa kama nya. Graduating na si Nikki, hindi pwedeng mapabayaan nya ang pag-aaral nya. Kaya napagusapan naming pwede sya gumimik basta hindi sya aabsent at hindi bababa grades nya. Pero lintek, abusado pala ang gaga.
Tumingin ako se relo ko, 5:30AM na ng marinig kong namatay ang makina ng sasakyan si Seb sa tapat ng frathouse.
Hinintay ko talaga sila. Hindi na pwede yung ganito.
Nanunuod ako ng action movie na hindi ko maintindihan sa init ng ulo ng pumasok sila. Ang masaklap si Dominique pa ang may akay akay kay Sebastian dahil lasing na si gago.
Na nawala ang kalasingan ng sapakin ko na sya.
"Ay! Ano ba yan Ace!" Sigaw ni Dominique sa pagkagulat.
Tumayo si Seb at pinupunasan ang dugo na lumalabas ngayon mula sa bibig nya.
"Pumanik ka muna sa kwarto mo Dominique." Utos ko ng hindi tumitingin sa kanya. Hindi ko sya nakikita pero alam kong hindi naman nya sinunod ang utos ko. Nasa likod ko lang sya.
"GT." Bulong ni Seb habang tumitingin sa mga mata ko.
Isa yun sa mga batas ko. Hindi nila ako pwede kausapin kung hindi nila ako kayang tignan sa mata. Kasi dun ko nalalaman kung totoo ba ang kausap ko.
"Kasama mo ang prinsesa ko, nagsagad ka ng inom?" Sinusubukan ko maging kalmado.
"Sinalo lang nya mga tagay ko kasi ayaw nyang ako maging wasted." Banat ni Nikki sa likod ko.
Hindi ko tinatangal ang tingin ko kay Seb. "Dominique, sinabi kong umakyat ka na sa kwarto mo." Utos ko ulit na hindi nya ulit sinunod. "Ano Seb? Tas nagmaneho kang lasing? Buti ba kung ikaw lang mamamatay e. Eh kasama mo nga si Dominique!"
"T*ngina naman Ace eh! Ako ang nagdrive. Marunong naman ako! Wag mo ng anuhin si Seb!" Apila ng babae sa likod ko.
"Pinagtatangol mo pa 'tong animal na 'to? Pumanik ka na sa kwarto mo."
Nakita kong bumaling ang tingin ni Sebastian kay Nikki tska tumango. At naramdaman kong kumilos na at narinig ko na ang mga hakbang nya sa hagdan. Lalong naginit ang ulo ko. 3 beses ko sinabing umakyat na sya, pero ni minsan hindi nya sinunod. Tas si Seb, isang tango lang? Anak ng...
"Makinig ka nga maiigi Sebastian. Ayoko ng mauulit ito. Samahan mo sya, pero tiyakin mong maipagtatangol mo pa rin sya kung ano man ang mangyari. Intindi?"
"Klaro GT."
"Ano na naman yun?" Bungad ni Dominique skin pag pasok ko ng kwarto ko.
"Pina-alala ko pang kay Sebastian ang papel nya."
Pumalatak ang dila nya. "Tsk. Sinasamahan lang naman ako nung tao. Ano gusto mo? Makipaginuman ako sa mga blockmates ko magisa? Dati umiinom din tayo at ganitong oras din naman tayo nakakauwi ah."
"Yun na nga lintek e. Bat hindi na ako kasama mo? Andito lang naman ako? Bat hindi ako ang inaaya mo? Kasi wala akong kotse, ganon?" Hindi ko na napigilan ang bawat salita.
"Ay p*ta, nagseselos ka ba?" Biglang tanong nya.
"Hindi. Gago. Bat ako magseselos?"
"Tunog nagseselos ka eh."
"Hindi nga. Maligo ka na nga. May klase ka pa ng 7AM. At ako ang maghahatid sayo ah."
Nakangiti sya habang lumalabas ng kwarto ko. "Kunwari ka pa. Nagseselos ka lang."
Nagseselos nga ba ako? Hindi. Malabo. Bakit ako magseselos? Gage. Wala naman ako gusto kay Nikki. Malabo. Ang tigas tigas ko e.
"GT. We have a situation."
Hinihingal at pawis na pawis na Kier ang tumambad sakin isang araw ng Martes. Walang klase buong linggo dahil sa University fair. Busy ang lahat. Ako lang ang hindi. Pinabayaan ko na sa mga bata ying Henna Booth na project namin, habang ako nagma-marathon ng The Lord of the Rings.
"Kier, hindi ko ba binilin na wag nyo akong istorbohin? Nasan si Jethro? Diba sabi ko kahit ano pa yan, sa kanya muna?"
Si Jethro ang kanang kamay ko at susunod na GT pagka-graduate ko. Pero bigla ako napatayo sa sinabing susunod ni Kier.
"Pwede po ba kay DGT pag tungkol sa prinsesa?"
"P*ta, ano nangyari kay Dominique?"
"Project po ata ng org nila na ipa-auction si prinsesa. Pinaka mataas po na bid, movie date daw po."
"Oh, edi sige. Akala ko ba naman kung ano. Kilalanin mo yung mananalo. Pasundan mo, baka manyakin si Nikki sa sinehan, makapatay pa ako ng tao."
"Pero kilala na natin GT yung mukhang mananalo."
"Oh, edi hindi mas problema. Ok naman pala e. Ano pa yung situation na sinasabi mo."
"GT, si Marcolights po highest bidder. Hindi pa naman po tapos. pero last 15mins na."
"Ay put*ngina!"
Walang ano ano ang pumunta sa school grounds habang sinabi ko kay Kier na papuntahin din si Sebastian dun. Mas ok pang manyak na lang maka-date ni Nikki e. Madali mangbugbog. Pero kung si Calaguas ang mananalo, tas makakapagusap sila.. tas magkakabalikan sila.. tas.. ay langya! Ayoko! Akin lang ang prinsesa ko. Teka, ano ba yung nasabi ko?
Last 2 minutes na ng dumating kami dun. Ayon sa LED monitor, si Calaguas nga ang highest bidder. 5K. tinignan ko ang wallet ko, kakapadala lang ni Ama. Bumulong ako kay Kier, at sumigaw sya. "7K. Richard Ace Tanierla!"
Last 1 minute. Nakita kong napatingin sakin na nakangiti si Nikki. Napangiti din ako. sagad na pera ko. yun lang ang meron ako sa wallet. Kaso nawala ang ngiti ko ng sumigaw pa ulit ang mortal kong kalaban.
"10K! Marcolights Andro Calaguas!"
Napalunok ako. Last 30 secs. Kinakalabit ko si Sebastian, sana dala nya ang pera ng kapatiran. Papalitan ko na lang, pukit mata akong sumigaw. "12K. Tanierla!"
At narinig ko na ang end of time buzzer na nagsasabing ako ang nanalo.
"Astig babe noh?" Sabi sakin ni Nikki paglabas namin sa sinehan sa napalalunan kong date.
"Nagenjoy ka ba?" Tanong ko habang hinahawakan ang kamay nya.
"Oo naman." Sabi nya ng nakangiti at hinahawakan din ang kamay ko.
"Kahit hindi si Calaguas ang naka-date mo?"
"Mas gusto kita kasama. Ayoko pa sya maka-usap."
So ni pang yosi wala ako ng mga isang bwan. Pero masaya ako kasi hawak ko sa kamay ko ang prinsesa ng buhay ko. Teka, lintek. Parang nagiging baduy na ako?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top