THREE • Admit One
"Niks, may gagawin ka ba bukas?" Tanong ni Lights one Friday afternoon.
"Ah, uuwi na sana Bulacan. Balak ko na nga umuwi mamaya e. Bakit? Ano meron?"
"Wala naman. First game namin ngayong season e." Medyo malungkot na sagot nya.
Nahahalatang di talaga ako fan ng basketball, ni hindi ko nga alam na nagopen na ang season. "Galingan mo ah." Sabi ko ng may ngiti.
"E, oks lang ba na Sunday ka na ng umaga umuwi? Kahit ihatid na lang kita."
Tumatangi ako palagi na magpahatid kay Lights sa Bulacan dahil taga Taguig pa sya at ayokong tawirin nya ang buong NCR para lang sakin.
"Hm. Pwede naman. Ano bang meron?"
May ibinaba sya sa center table ng sofa set namin. Tinignan ko, hindi ko mabasa. Tanging ang nakasulat na Admit One lang nabasa ko. Ah, ticket para sa game nya bukas.
"Aayain sana kita sa game ko bukas, kung ok lang?" Yumuko sya at kumamot ng ulo. "It would really mean a lot if you will be there on my first game."
Tumingin lang ako sa kanya at naka tingin lang sya sakin, hinihintay ang sagot ko.
"Ok lang ba isama ko si Brigette?"
Ngumiti sya, taking my respond as a yes. "I figured it out, kaya nga dalawang ticket yan."
It turns out, behind the bench pala yung courtesy tickets ni Marcolights. Which is a good thing and a bad thing. Bad thing kasi, wala ako makita sa tatangkad ng mga players. Twing may nangyayaring intense sa court, nagtatayuan sila at wala na akong makita. As in wala. Di naman ako kasing tindi ng pinsan ko na nakikitayo pag may aksyon, ni hindi nga ako makasigaw para magcheer. The good this is, they know you are someone special when you are seating on these rows, somehow nakaka-proud.
"Sya yata yung girlfriend ni Lights." Narinig kong sabi ng isang babae sa likod ko.
Sa isang mabilis na sulyap, nalaman kong taga ibang school sila ng kausap nya. Nakauniform sila ng isang all girls university.
"Suot pa nya yung varsity jacket e." Dagdag pa nung nagsalita.
"Hindi siguro. Baka fan lang or something na may kapit kaya dito naupo. Tska sure ka bang authentic yung jacket nya?" Sagot nung isa pang babae.
Alam ka nya na naririnig ko sya? Napataas ang kilay ko. Kung alam lang nya na amoy pabango at deodorant pa ni Marcolights ang jacket na suot ko, mananahimik tiyak ang impaktitang 'to. Di pa ako famous, may basher na ako.
"Calaguas, 3 points!" Sigaw ng over head speakers.
Napatingin ako kay Lights habang tumatakbo sya sa defense play nila. Then he threw me a flying kiss ng makita nyang nakatingin ako, and the next thing I knew, naka close up na ang pagmumukha ko sa monitors. Ngumiti na lang ako at kumaway.
"Oh sh*t. Sya nga yung babae na nabasa ko sa twitter na nililigawan ni Marcolights." Sabi nung babae kanina.
This time di na ako nakapagpigil, lumungon na ako at sinabing "Oh, well..." feeling proud na, oo - ako nga ang babae sa likod ng bawat points ng UAAP MVP.
OK, so hindi sa pagmamayabang pero confident naman akong mananalo ang team ni Lights sa game na ito. At hindi rin naman masama ang pinakita ng kalaban. Tamang lamang lang kami ng dalawa ng mag-buzzer sa pagtatapos ng 2nd quarter.
Ang kinagulat ko e kung bakit si Marcolights at Ryuh - isa pang player ang lumabas para sana sa half time show. Alam ko, karaniwan may mga kinukuha talaga ang UAAP para magperform. Wala na bang budget? So, sasayaw sila? Pero parang imba, kasi dalawa lang sila. Mas OK sana kung buong team. Teka, may hawak syang mic. Kakanta sya? Narinig ko na dati sya kumanta sa videoke booth nung university fair, at nanaturn off, believe me.
Nakita kong huminga sya ng malalim at pinunasan ang pawis na tumutulo sa noo nya bago sa nagsalita.
"Gosh, I have never been this nervous. Mas kinakabahan pa ako ngayon kesa twing magfi-free throw si Railey tapos lamang ang kalaban ng isa sa last 3 seconds ng 4th quarter." Aniya. Nagtawanan ng bahagya ang mga tao. Everyone knows na medyo kelangan talaga ni Railey ng practice sa aspetong yun.
Huminga ulit sya ng malalim habang nakapikit at pagdilat nya, tumingin sya sakin. tska ngumiti. Nagwala bigla ang mga daga ko sa dibdib, I can feel that something is coming up.
"I am so damn lucky to finally met the girl of my dreams and I wanna share to the world how happy I am to have her in my life.." He said.
Napakapit ako sa silya ko dahil masakit na ang dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Parang gustong basagin ng heartbeat ko ang rib cage ko para makalabas na sya sa dibdib ko.
Namatay lahat ng ilaw ang may spot light lang na nakakatutok kay Marcolights. Nakangiti lang sya sakin habang tumutugtug ang intro ng isang familiar na kanta na sa sobrang nerbyos ko e di ko na maalala ang title at kung sino ang kumanta. Next thing I knew, nakatayo na si Ryuh sa tabi ko and offering his hand. I slowly took it, at hinatid nya ako kay Lights sa gitna ng court, sa spot light.
"I've been inlove with her, and loving her is the heart of my happiness. For what seems like a long time it's just me, the team and basketball." He continued. "But now, everything's seems so amazing and wonderful. Suddenly, hindi ka na gumigising kasi nagising ka. Gumising ka para mahalin sya."
Hinawakan ni Lights ang kamay ko bago nagsalita ulit, "This is Dominique Criea Escota, sya ang dahilan ng bawat kong paghinga. Nabubuhay lang ako para mahalin sya."
Binitawan ni Lights ang kamay ko at inabot kay Ryuh ang mic. Kinuha nya sa bulsa nya ang isang silver chain na bracelet na may palawit din sa silver na puso. Itinapat ni Ryuh ang mic sa bibig nya at lumuhod sa harap ko.
"Dominique, I do solemnly swear to love you with every second of all eternity. Will you be my girlfriend?" Alok nya habang nakaluhod at hawak ang bracelet na handa ng isuot sa braso ko.
Naramdaman ko na lang na nahulog ang puso ko sa talampakan ko ng mga sandaling yun. Alam mo yung ice bucket challenge? masahol pa dun ang nararamdaman ko. Para akong binuhusan ng nagyeyelo at kumukulong tubig sa sabay na pagkakataon. Nanlalambot ang tuhod ko at para akong masusuka.
Nakatingin lang ako kay Lights. Isinumpa ng lalaking ito na mamahalin nya ako hanggang sa katapusan ng walang hanggan. Sa harap ng humigit kumulang ilang libong tao. Sa harap ng national television. Sa harap ng buong mundo.
Itinapat ni Ryuh sa bibig ko ang mic. Inabot ko kay Lights ang nanlalambot at nanginginig kong braso, then I utter the word the brought the whole staduim to uproar.
"Yes."
Kinabukasan, trending ang #LightsDominique at 2 lang ang post ng lahat ng babae sa FB.
1.) Get yourself a Marcolight Andro Calaguas.
2.) I-Dominique mo ako.
OK, so celebrity na din ako?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top