SYETE
ANG PAGIINTAY SA TAONG HINDI KA KAYANG MAHALIN, AY KATUMBAS NG PAGIINATAY TUMAMIS ANG ASIN.
Use me as you will
Pull my strings just for a thrill
And I know I'll be okay
Though my skies are turning gray
Nagising ako sa tawa ng isang babae at sa tabi ng isang hubo't hubad na Trisha. Mukhang lasing na naman ako kagabi dahil wala akong maalala. Tinignan ko ang katabi ko at muli ko na namang hiniling na sana ibang babae na lang sya.
Isang hindi nakaka-adik na shabu si Trisha. Nandyan pag masalimuot ang gabi na gagamitin para makalimot sa lungkot. Isang bwan ko syang tatawagan pag kelangan at babaliwalain na pagtapos. Hindi sya nagreklamo ni minsan.
Naglakas loob ang isang neofyt na magtanong kung si Trisha na ba ang bagong prinsesa. Pero sinabi kong hindi. Wala kakong ibang pwedeng maging prinsesa. Walang pwedeng pumalit kay Nikki.
"Lintek ka Seb. Di ka pa rin nagbabago." May nagsalita.
Napatayo ako bigla sa kinahihigaan ko. Nagdidiliryo ba ako? Bumibilis ang tibok ng puso ko. Nararamdaman ko ang pintig ng pulso sa leeg ko. Sa sobrang pagkamiss ko kay Nikki, naririnig ko na sa hangin ang boses nya.
"Si Ace ba, andyan?" Sabi ng isang pamiluar na boses.
Agad agad akong tumayo at lumabas ng kwarto. Hindi na yun kathang isip lang. Alam ko sa sarili kong totoo na yun at hindi lang gawa ng imahinasyon ko. Muntik pa akong mahulog sa hagdan sa kakamadali. At hindi ako binigo ng pagkakataon sa puntong iyon. Kung ikaw, hindi mo nakikita ang hangin na hinihinga mo - ako, yung oxygen ko, nakatayo ngayon sa harap ko.
Walang kasing ganda ang ngiti nya ng magtama ang mga paningin namin. At ako, pakiramdam ko muli akong nabuhay nang makita ko sya. Pakiramdam ko natupad na ang lahat ng pangarap ko. Nasagot na lahat ng tanong ko. Nabigay na ng diwata lahat ng hiling ko.
"Hi, babe." Bati nya.
Gusto ko na talaga dukutin ang puso ko sa dibdib ko at ialay sa kanya. Dahil bawat pintig nun at sya, at sya lang talaga.
"Babe." Bulong ko.
Sa tigas kong ito, isang maliit na babae lang ang nakapagpalambot sa akin. Maraming takot sakin at tumitingala, minsan lumuluhod pa. Pero napatiklop ako ng babaeng hanggang balikat ko lang.
"May sasabihin sana ako sa'yo babe. Pwede ba tayo magusap?" Sabi nya habang lumalapit sya sakin. Pero natigilan sya at maramdaman kong may tumabi sakin.
Gising na si Trisha, at halatang wala syang ibang suot bukod sa t-shirt kong suot ko pa kagabi.
Nakatingin lang si Dominique sa kanya habang unti unting nawawala ang ngiti sa mata ng diwata ko at napapalitan ng pagtataka.
"Hon, sino sya?" Tanong ni Trisha.
"Sya si Dominique. Ang tunay kong diwata." Sagot ko ng hindi tinatangal ang tingin kay Nikki.
"Hi. Ako si Trisha, girlfriend ni Ace." Pakilala ni Trisha habang inaabot ang kamay kay Nikki.
Medyo matagal bago tinangap ni Nikki ang kamay at sumagot. "Nikki. Ikaw ba ang girlfriend? Ako kasi ang mahal."
Tumahimik ang lahat sa puntong iyon. Lahat nakatingin samin at nakaabang sa susunod na magyayari. Nakangiti si Nikki, pero hindi ngiting masaya. Ngiting tagilid.
"Alam ko." Ang tangimg sagot ni Trisha. Rinig ko ang biglang lungkot sa boses nya. "Bihis na ako hon, tas uwi na rin ako."
Nakita ko na sinusundan ni Nikki ng tingin ang pagakyat sa hagdan ni Trisha, kaya ibinaling ko na lang sakin ang atensyon nya.
"Akala ko babe may paguusapan tayo?" Tanong ko.
Nagbigay sya ng isang matipid na ngiti, "Wala naman. Itatanong ko lang sana kung pwede pa ba akong bumalik dito."
Lumapit ako sa kanya at tinignan sya sa mga mata. Inilagay ko sa tenga nya ang buhok nyang tumatakip sa kalahati ng mukha nya. Hinawakan ko ang kamay nya at hinalikan. "Prinsesa ka ng GT ng Tau. Ano ang hindi pwede?"
Isang puting Strada ang naghihintay sa baba ng building nila Dominique isang Miyerkules ng hapon kung san ko sya susunduin. Si Calaguas. Natanaw kong may isang boquet ng tulips sa loob ng sasakyan nya ng huminto ako sa tabi nya. Ngumiti sya at bumaba ng sasakyan ng makita nya ako.
"Oh tol, kamusta ba?" Bungad nya.
"Ok naman pre. Mass Comm din ba yung shota mo?" Usisa ko.
"Sinong shota?" Nagtatakang tanong nya.
Nagsindi ako ng yosi. "Yung lagi mong kasama?"
Natawa sya. "Hindi ko girlfriend yun. Si Jen? Co-indorser ko yun dun sa kumuha saking brand ng sports wear?"
"Ay, p*ta. Commercial model ka na? Hanep. Bat nagawi ka dito?"
Kumamot sya sa ulo at yumuko. "Susunduin ko sana si Dominique para makapagusap na rin kami bro."
Tumitig lang ako sa kanya habang nagbubuga ng usok. Lintek. Akala ba nitong kausap ko ibibigay ko lang si Nikki sa kanya ng ganon? Ungas. Kung alam ko lang na may balak syang magapaandar sa prinsesa ko, yung kotse ko sana dinala ko. Hindi naman yun kasing gara ng auto nya, pero at least may laban ako.
Iniisip ko ng humarurot pauwi at kuhanin ang Honda Civic ko. Baka kasi ikatwiran nya na sa kanya na sumabay si Nikki kasi mas safe at naka aircon pa. Kaso..
"Lights?"
Sabay kaming napalingon sa nakangiting Dominique na nasa harap na namin. Bakas sa ganda ng ngiti nya masaya syang nakita ang lalaking minsang bumasag sa puso nya- ang lalaking gusto ko basagin ang mukha.
Nilapitan ko si Nikki at humalik sa kamay nya na lagi ko mg ginagawa mula ng bumalik sya. Pero hindi nya ako pinansin at lumpit lang kay Calaguas.
"Hi Doms. Kamusta?" Sabi ng lalaki habang inaabot ang mga bulaklak sa pagsinta ko. Animal.
Tinagap ni Nikki ang bulaklak. "Ayos naman ako. Ikaw?"
"Ok na ako. Nakita na kita e. Pwede ka ba ayain magmiryenda?"
"Pano mo nalaman na dito klase ko?"
"Tinanong ko si Kier." Sagot ng lalaki.
Oh, tang*na ka Kier. Magtutuos tayo mamaya.
"Baliw talaga yung bestfriend ko."
"Nasan yung bracelet mo?"
Noon ko lang din napansing hindi na suot ni Nikki sa braso nya ang tanda ng pagmamahalan nila ng lalaking kausap nya ngayon. Huling beses ko yun nakita e nung nagtapat pa ako sa kanya na mahal ko sya.
Tumingin sakin si Nikki at umiwas akong magkasalubong ang mata namin, "Napigtas. Inaaya mo ako magmiryenda?"
Yun na ang hinihintay ko. Nanalo na si Calaguas. Pinili na sya ng babaeng pipiliin ko ng paulit-ulit ng walang duda habang buhay.
"O sige, una na ako." Paalam ko sa dalawa.
Pero laking gulat ko ng ibalik ni Nikki kay Calaguas ang mga bulaklak at nagmamadaling umangkas sa likod ng motor ko.
"Ay, Lights. Una na daw kami."
Kaya hinaruot ko na ang motor ko bago pa man makapagsalita si Calaguas.
Nagtatatalon ang puso ko sa tuwa. Ako ang pinili nya. Ako ang nagwagi. Mas ginusto ng prinsesa na ako ang makasama nya kesa kay Calaguas. Dun pa lang, solve na ako sa buhay na ito. Pero lahat ng saya na naramdaman ko, nawala ng makarating na kami sa frathouse.
"Hindi pa kasi ako handa makausap sya." Ang sagot sakin ni Nikki ng itanong ko bat hindi sya sumama sa ex nya. Akala ko pa naman, mas gusto na talaga nya ako kasama.
"Babe, date tayo?" Tanong pa nya sakin.
"Date? Baka gimik." Tugon ko.
Nakita lang nya si Calaguas at nakausap sandali nasira na naman ang mood nya.
Magsalubong ang kilay nya. "Date tayo?"
"Kelan ba?" Pagpatol ko.
"Mamaya."
"Hindi ako pwede mamaya. Si Sebastian na lang ayain mo."
"Kelan ka pa hindi naging pwede para sakin?"
Natigilan ako sa tanong nya. Kung alam lang nya na wala akong hindi ibibigay para sa kanya.
"Sorry babe. Nakapangako na kasi ako kay Trisha na magkikita kami. Mas sasabihin daw na importante. Minsan lang naman maki-usap ung tao."
Nalukot ang mukha nya. "Ay, tang*na. May girlfriend ka na nga pala."
Pero hindi na ako nakasagot ng tumalikod sya at umakyat na sa kwarto nya.
At muli, nadurog na naman ang puso ko. Dahil dinurog na naman ni Calaguas ang puso ng buhay ko. Anak ka talaga ng lintek Calaguas. Lakas mo manira ng araw.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top