SIX • Time
"Sh*t. Tumatawag na." Sabi ko sa sarili ko.
"Sino ba yan? Shota mo?" Tanong ni Kier.
"Oo. Nasa bahay 'to e. Tinakasan ko. Busy manuod ng basketball e."
"Raulo ka talaga. Mabadshot pa ako dyan. Sagutin mo na. Ihahatid na kita."
I sigh before I answered the call.
"Hello?" Kinakabahang bungad ko.
"Nasan ka?" Kalmado pero alam mong galit ang boses ng kabilang linya.
"Nasa Starbucks. Kasama si Kier." Matipid na at malumanay na sagot ko.
"Wag kang aalis dyan. On the way na ako."
He hunged up.
Napatingin ako kay Kier.
"Galit noh? Tantado ka kasi." Sabi ng bestfriend ko.
"Eh baliw ba sya. Busy sya e. Ano ineexpect nya?" Nagpapangap lang akong matapang.
"Engot. Kahit ako yun, magagalit ako. Iniwan mo ba naman sa bahay nyo eh. Baka nga ako pa upakan nyan e."
"Di sya uubra sakin. Hindi nga nya ako pinapansin sa bahay e. Sige na, mauna ka na. Baka dito pa kayo magpangabot."
"Baliw ka ba? Babae ka, iiwan kita dito magisa? Magsuntukan na lang kami, lint*k."
Pero yung totoo, kinakabahan na ako. Lalo ng makita kong hindi maipinta ang mukha ni Lights pagbaba nya ng kotse. Nakatingin lang sya kay Kier. Nagsisimula na ako magisip ng paraan para maawat sila sakaling magkaron ng boxing match.
"Marcolights, pare." Madiin pero kalmadong bungad ng boyfriend ko kay Kier habang inaabot ang kamay nya.
Nakipagkamay si Kier, "Kier, tol."
Binawi agad ni Lights ang kamay nya at ipinasok sa bulsa ng varsity jacket nya. Pinagpapawisan na ako ng malamig as I feel the tension in the air.
"Tapos na ba kayo magusap ng girlfriend ko? Pwede ko na ba sya iuwi?" Lights asked.
"Ah, oo. Salamat tol. Panget, una na ako."
Hinalikan ako ni Kier sa noo tska binuhay ang makina ng motor nya.
Hindi kami nagkikibuan ni Marcolights sa buong 5 minutes na byahe mula coffee shop gang sa bahay namin. Huminto lang sya sa tapat ng bahay namin pero hindi na nagpatay ng makina. Hinihintay ko na lang na iunlock nya ang pinto para makababa na ako. Dahil pakiramdam ko, hindi magiging maganda kung maguusap pa kami ngayon. Pero bigla sya nagsalita ng subukan ko na bukasan ang pinto.
"What was that?" Tanong nya. Halata sa boses nyang nagpipigil sya ng galit.
"Ewan ko. Tanong mo sa sarili mo." Naasar na rin ako. Sino ba nangbaliwala sakin maghapon?
"What the.. Dominique, iniwan mo ako sa bahay nyo. Nang walang paalam. Ano yun?" Medyo tumataas na ang boses nya.
Kaya mas tinaasan ko ang boses ko. "Eh pano ba ako magpapaalam? Busing-busy ka kakanood ng laro na napanuod mo na naman."
"Grabe. Pwede mo naman ako tawagin. Pwede ka naman magpaalam. Pwede mo naman sabihing magkikita kayo ni Kier. Baka sinamahan pa kita. Or if you need time alone, ihahatid man lang kita. Si Kier naman yun."
"Kaya nga diba? Si Kier naman yun. So ano inirereact ko dyan?" Galit na ang boses ko.
"Hindi mo naiintindihan noh?" Kalma pa rin sya.
"Oo! Hindi ko magets kung bakit mas gusto mo pa manuod ng basketball kesa bigyan ako ng atensyon."
"Iba ka Dominique. Sana naisip mong nakikibonding lang ako sa daddy mo. Na namiss ko yung pakiramdam na may tatay. Akala ko pumunta tayo dito sa inyo para nakilala ko pamilya mo. I was not informed na kahit pala sarili mong tatay, di pwede makihati sa attention ko sayo." Paliwanag nya.
"Ok lang naman Andro e! Pero maghapon? Ni hindi mo ako sinabayan kumain?"
Napailing sya. "Sige. Kasalanan ko na. Matapos na lang."
"Alangan namang kasalanan ko?"
Hindi na sya kumibo. Nakatingin lang sya ng blangko sa windshield nya. Ako na ang nagunlock ng pinto ko, at bumaba na ako. Hindi ko na rin pinanuod habang umalis ang Strada nya.
Hindi sya nagparamdam sakin kinabukasan. As in ni tawag, text, chat - wala. Hanggang ng Lunes ng umaga, umaasa pa rin akong mageeffort sya sunduin ako ng Bulacan at sabay kami papasok. Pero wala. Buti na lang at pupunta rin si Kier sa school namin para magenroll na, kaya may nakasabay ako papunta.
Absent minded ako habang nilalakad ko ang papunta sa building namin. Lumilipad ang isip ko. My iniisip ako pero hindi ko alam kung ano. Siguro nga, ako ang may kasalanan. Dapat inintindi kong nakikisama lang sya kay daddy. Dapat nagpaalam akong aalis ako. Napaparanoid ako. Magbe-break na ba kami kasi nakita na nya toyo ko?
"July pa lang pang semana santa na mukha mo ah."
Tumingin ako sa nagsalita. Si Ace, sinasabayan na ako maglakad.
"Sorry Ace, wala ako sa mood." Simpleng sabi ko.
"Nagaway kayo ng jowa mo noh?" Tanong nya?
"Huh? pinagsasabi mo?"
"Alam ng buong campus."
"Ano?"
"Tumingala ka."
Hindi ko naiintindihan si Ace, pero sinunod ko sya. At yun nga, nakita ko na. May malaking banner sa Engineering Building, sa building nila Lights.
SORRY DOMS. IT'S MY FAULT. I LOVE YOU. The banner says. Naramdaman kong umakyat ang dugo ko sa mukha habang unti unti kong napapansin na nakatingin nga sakin lahat ng tao.
"Kaya ayoko ng love life e." Sabi ni Ace sa tabi ko. "Puro lang kakornihan."
Pinuntahan ko si Lights sa gym ng hindi pa rin sya nagpakita sa labas ng huling klase ko nung araw na yun. Sabi ng mga pinagtanungan ko, nadun daw sya at nagte-training pa. Naabutan kong kinakausap sila ni Coach Mark. Andoon nga si Lights. Tinignan lang nya ako, tska yumuko ulit para makinig sa nagsasalita. Lahat ng players ganun, parang may hindi magandang balita.
Umupo ako sa bleachers, habang patapos na ang meeting para dun na sya hintayin para makapagusap kami. Handa na akong aminin ang mga pagkakamali ko, maging OK lang ulit kami.
"Hi miss. Pwede ko makuha number mo?" Pabirong bungad sakin ni Lights pagtapos ng meeting nila.
"Kung kukunin mo number ko, ano na gagamitin ko?" sagot ko na may kasamang ngiti.
Ngumiti din sya, pero nawala din agad. "Doms, we need to talk."
Bigla akong kinabahan, di ko alam kung bakit. Nagbiro na sya. Hindi pa ba kami Ok?
Umupo sya sa tabi ko sa bleachers, tska nya hinawakan ang kamay ko at inilagay sa dibdib nya.
"Sorry nung Sabado. Kasalanan ko. Dapat hinati ko attention ko sa inyo ni daddy. Sorry talaga."
"Baliw. Kasalanan ko din. Dapat nagpaalam ako sayo na lalabas ako kahit sandali lang."
Hindi pa rin nya binibitawan ang kamay ko. "So, you still love me?"
"Oo naman. Mas lalo na."
"If you love me then, you'll understand everything. Right?"
Kinabahan ako lalo. Bakit sya ganito? "Ano bang meron Andro. You're acting so weird."
Pero mas hinigpitan lang nya ang hawak sa kamay ko at mas diniin sa dibdib nya. "You'll understand everything, right?"
Tumungin ako sa kanya. Nayuko sya at nakapikit. "Andro? What's happening?"
Tumingin sya sakin ng di itinataas ang ulo nya. "Nakita ko mung Saturday kung gano kahalaga sayo ang oras at attention for you."
"Yes. Then?"
"Ayaw na daw ni dean na may mamimiss kaming klase dahil sa training. Student athlete daw kami. Student comes first before athlete."
And he keeps on going. "So, training kami ng super aga dahil 8AM ang first class ni Ryuh araw araw. Dati, excused sya e, kasi minor subject lang. Ngayon, ayaw na ni dean. So, training kami 6AM, tapos klase. Pag nakapasok kami playoffs, meron pa ulit training sa hapon."
"I don't see how it affects us."
"Ayun nga Doms. Hindi na kita masusundo sa umaga. Kakausapin ko siguro si Kier. Tapos di ko na alam kung swerte pa bang matatawag kung makakapasok kami ng playoffs - kasi di na rin kita mahahatid pauwi."
"Andro," Hinigpitan ko rin ang hawak sa kamay nya. "kaya yan. Edi ako magaadjust kung kaya. Hihintayin ko matapos training nyo. Ganon."
"Thanks Doms. I love you."
Ngumiti ako. "Oras lang yan. Hindi tayo kaya nyan."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top