SAIS

SABI KO MAHAL KITA. HINDI MAHALIN MO RIN AKO. ANO KINAKAGALIT MO?

'Cause I'm there for you
Please don't walk away
And please tell me you'll stay

     "O, ano nga magandang kanta?" Tanong ko sa buong chapter ko.
     Mandatory absent sa lahat ng klase ang buong kapatiran para sa meeting na ito.
     May sumagot na bata "Huling Sayaw ng Kamikazee, GT."
     "Paki sapak nga yan. Punyeta. First Dance pa nga lang nila, Huling Sayaw naman banat mo! Tugak!" Hirit ni Jethro.
     Araw ng mga puso, at eto ang plano: Aayain ni Sebastian gumala si Nikki habang inaayos namin ang frathouse. Nagpabili na ako ng kopya ng Saving Private Ryan. Alam ko hindi romantic pero yun daw ang favorite ni Dominique ayon kay Kier. Tapos candle light dinner. Tas may acoustic music habang kumakain at aayain ko sumayaw ang prinsesa. Masyadong cheesy sabi ko. Pero sabi ng mga bihasang playboy na miyembro, eto raw ang effective sa mga babae.
     Hindi ko alam kung maswerte ba ako sa chapter ko para suportahan nila ako ng ganito sa pakikibaka ko sa puso ni Nikki, o wala lang silang magawa dahil kelangan nila ako sunduin sa ayaw man o gusto nila pero pinasalamatan ko pa rin silang lahat.
     Huminga ako ng malalim at inayos ang amerikana na suot ko habang naghihintay ng pagdating nila Seb sa may pinto.
     Tinignan ko ang buong paligid. Patay na ang lahat ng ilaw at naka-sindi na ang mga nakakalat na iba't ibang kulay ng kandila. Tinitimpla ni Jethro ang gitara at inaayos ni Kier ang mic na gagamitin nya. Malinis ang puting polo na suot ng mga magsisilbing waiter at maayos ang itim nilang bow tie. Ngumiti sila at makita nilang nakatingin ako sa kanila. Mabango ang hawak kong isang dosenang red roses. Nasa ayos na ang lahat. Ang bida na lang ang kulang.
     Puso ko na lang ang wala sa ayos. Ayaw tumibok ng matino. Bumibilis at bumabagal sa sabay na pagkakataon. Para akong maduduwal na hindi ko maintindihan. Nanginginig ang mga kamay ko at pinagpapawisan ang noo ko.
     "Kaya mo yan GT. Malapit na raw sila. Yung sintas po ng sapatos nyo." Sabi ng isang neofyt.
     Tinignan ko sa suot kong chucks. Hindi nga nakabuhol ang sintas sa kaliwa. Binaba ko sa sahig ang hawak kong bulaklak at binuhol ang tali ng sapatos ko.
     "Ano meron babe?" sabi ng pamilyar na boses.
     Tumingala ako at nahulog ang puso ko sa sahig.
     Nakayuko sakin si Nikki at may matamis na ngiti. Hindi na ako umalis sa pagkakaluhod ko at inabot ko sa kanya ang mga bulaklak. "Para sayo, diwata."
     Inamoy nya ito habang nakapikit at nakangiting dumilat. "Oh, basted ulit kaklase mo?"
     Tumayo ako at hinawakan ang kamay nya para alalayan sya sa pagupo sa sala kung san kami manunuod ng pelikula.
     "Hindi. Galing talaga sakin yan." Sabi ko.
     "At may pa-coat and tie si congressman." Bati nya sa suot ko.
     Ngumiti lang ako dahil nagsisimula na ang pelikula. Muli ay umakbay ako sa kanya at inilagay nya ang ulo nya sa balikat ko. Inamoy ko ang ulo nya at hinalikan sya sa noo. Kung matatrap ako sa isang time loop na habang buhay na paulit ulit kong ibubuhay ang isang pangyayari, eto na sana yun. Yung katabi ko si Nikki at amin lang ang buong mundo.
     Inaya ko syang sumayaw pagkatapos ng hapunan at agad naman syang tumayo. Hinalikan ko ang kamay nya bago ko ito pinatong sa balikat ko at humawak ako sa bewang nya. Gusto ko mamatay ng ganito, yung nasa piling ko sya.
     Nagsimula na kumanta si Kier sa tugtog ni Jethro.
     Nakita ko sya sa isang madilim na sulok..
     Sya: "Thank you babe for this. I'm so happy."
     Hindi ko alam kung bakit sa libo-libong babaeng naroon..
     Ako: "Kahit ano para sa'yo."
     Wala pang isang minuto, nahulog na ang loob ko sa'yo..
     Sya: "Pero sana sinabi mo para nakapagbihis man lang ako ng maayos."
     Gusto ko sanang marinig ang tinig mo, umasa na rin na mahawakan ko ang palad mo..
     Ako: "Maganda ka kahit anong suot mo. Pwede na yan."
     Gusto ko sanang lumapit, kundi lang dahil sa lalaking kayakap mo..
     Sya: "Kasama ko GT ng Tau. Ano nga bang hindi pwede?"
     Dalhin mo ako, sa iyong palasyo, maglakad tayo sa hardin ng iyong kaharian..
     Ako: "Ano ang hindi pwede pag kasama mo ako? Isa lang. Hindi ka pwedeng masaktan."
     Wala man akong pag-aari, pangako ko habang buhay kitang pagsisilbihan..
     Sya: "Ang sweet mo talaga."
     Oh aking prinsesa ..
     Hinila ko sya palapit sakin para magkayakap na kami habang sumasayaw at ibinulong sa tenga nya ang katotohanang dahilan ng lahat ng meron ngayong gabi. "Mahal kita, Dominique."
     Ipinatong nya ang ulo nya sa dibdib ko, at muli pinili na naman nya basagin ang puso kong inaalay ko sa kanya.
     "I love you too, babe." Aniya. "Ikaw talaga ang pinaka-best na pinaka-friend."
     Dati akala ko malayo na ang pagitan ng langit at lupa. O ng timog at hilaga. Pero ngayon ko lang nalaman na pinaka-malayo na pala yung katabi ka lang nya, pero hindi nya makita na mahal mo sya.

     Tumingin ako sa relo ko. 3AM na. At wala na naman si Dominique at si Sebastian.
     Uminit ang ulo ko ng marinig ko ang tawa ni Nikki ng dumating sila bago mag alas-kwatro. Ako dapat ang nagpapasaya sa kanya ng ganon at hindi kahit sino pa man. Ako lang dapat.
     "Wag ka matakot, gago. Ako nga bahala sayo." Narinig ko pang sabi nya.
     Pero lalong kumulo ang dugo ko ng makita ko si Nikki pagpasok ko na may gasa sa noo na halatang may dugo. Napatayo ako sa kinauupuan ko.
     "Put*ngina! Anong nangyari dyan?!"
     Mas tanong ko ito kay Sebastian kasi sa kanya ako nakatingin pero nakayuko lang sya, pero si Nikki pa rin ang sumagot.
     "Kumalma ka muna babe, kasalanan ko ito. Ako nag-insist na magdrive. Nawalan ako ng control, bumanga kami- ay shit! Babe, tama na yan!"
     Napasigaw si Nikki ng kwelyuhan ko si Seb at itinulak sa pader.
     "Anak ng... pinagsabihan na kita diba? Hindi mo na ba ako nirerespeto?!"
     "GT, sorry." Pagmanakaawa ni Seb.
     Babasagin ko na sana mukha nya kung di lang humarang si Nikki sa pagitan naming dalawa.
     "Lintek naman Ace eh! Kasalanan ko nga!" Sigaw ni Dominique.
     "Ipagtatangol mo pa yang ungas na yan?!"
     "OK naman ako eh! Ano bang problema mo?"
     "Oh put*ngina, magsama kayong dalawa!"
     Hindi na ako lumingon pa ng umakyat ako sa kwarto ko. Umupo ako sa kama at nagsindi ng yosi. Di ko mapapatawad si Seb kung may nangyaring masama kay Nikki. At hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
     "Hoy, mag-usap nga tayo! Buhay naman ako, gasgas lang ito. Ano kinaiinit ng ulo mo?" Bulway ni Dominique na sinundan ako sa kwarto ko. Alam kong di nya palilipasin ito.
     Pinili kong manahimik na lang dahil nanginginig pa rin ang kalamnan ko sa galit kay Seb at sa sarili ko na ipinagkatiwala ko sa kanya ang diwata ko.
     "Hoy! Sumagot ka! Ano bang problema mo?"
     Pero hindi na ako nakapagtimpi. "Problema ko? Gusto mo malaman anong problema ko?" Nararamdaman kong may namumuo na tubig sa mata ko na handa akong traydurin ano mang segundo. "Problema ko Dominique - put*ngina mahal na mahal kita pero di ko malaman bat hindi mo makita! Punyeta!"
     Natigilan sya. Ilang segundo lang syang nakatayo dun, hindi gumagalaw at hindi kumikibo. Nakatingin lang sya sakin, at sa pagpatak ng luha nya- naramdaman kong tumulo na sa mga pisngi ko ang mga traydor na tubig na kanina pa nagpupumiglas at gustong lumabas sa mga mata ko. Nagtagumpay na sila.
     Lumabas ako ng kwarto at iniwan na si Nikki don, ayaw kong makita nyang iniiyakan ko ang puso kong pinaglalamayan na ngayon dahil sa kanya.

     Napadpad ako sa inuman sa España.
     Ito ang unang beses na umiyak ako para sa babae. Hindi maganda sa pakiramdam. Hindi ko inaakala na sa ganong paraan ko maipagtatapat kay Nikki ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi ganon ang gusto kong isulat na love story naming dalawa. Kung may love story man kami.
     Nasa pang 4 na bote na ako ng may tumabing babae sakin.
     "Diba ikaw si Ace, yung leader ng Tau Gamma Phi?" Sabi ng babae.
     Tinignan ko sya. Hindi sya kagandahan, pero hayop ang ganda ng katawan. Maliit amg bewang, pero malaki ang balakang at hinaharap. Nasisilip ko ang cleavage nya sa V neck na tshirt na suot nya. Bakat ang itim nyang bra sa puting pang taas at naka-kurba ang matambok nyang pwet sa masikip nyang pantalon.
     "Grand Treskillion ako, hindi leader magkaiba yun." Sabi ko habang inaalis ang tingin sa kanya at tumutunga ng beer.
     "Ay, sorry. Di ko naman alam. Ako nga pala si Trisha." Pakilala nya, nakikipagkamay.
     Tiniganan ko lang ng mabilis ang kamay nya pero hindi ko tinagap at patuloy ko lang nilunod ang sarili ko sa alak. Pero itinuloy pa rin ni Trisha ang pagkukwento ng mga bagay na hindi ko maintindihan at wala akong interes pakingan.
     Nasa ika-6 na bote na ako ng magtext si Kier. Tinatanong kung ano ba ang nagyari dahil inimpake daw ni Dominique lahat ng gamit nya at umuwi ng Bulacan.
     Lumagok ako. Lintek, tinapon nya lahat ng ganon ganon lang. Sinabi kong mahal ko sya, pero wala akong maalalang sinabi kong mahalin rin nya ako para magalit sya at iwan ako. Hindi ko naman sinabi sa kanyang piliin din nya ako para ganito ang kahantungan ng lahat. Tang*ina, ano bang nagawa kong mali para nawala sya sakin?
     Bumaling ako kay Trisha at tinanong sya. "Pwede ba kita iuwi?"
     Natigilan sya at tuwirang tanong ko, pero ngumiti din kalaunan. "Pag inuwi mo ako, tayo na?"
     Tipikal na babaeng makukuha mo sa inuman. Easy to get. Pero nagsalita ako, "Deal."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #setyoufree