QUATRO
HINDI MO LANG NAKIKITA KASI HINDI MO TINITIGNAN.
Days grow longer
And nights grow shorter
I can show you, I'll be the one
Nakaupo ako sa isa sa pinaka-boring na klase ko. Tatlong oras ng Philippine Law and Constitution. Nag-journalism ako para magsulat. Hindi para makinig ng mga articles na di ko maintindihan.
Kung normal ang buhay ko, dating Tau itong prof ko kaya madaling pakiusapan na wag ko na attendan. Kaso nga, hindi normal. Mula ng dumating sa buhay ko si Dominique, wala ng normal.
Sa isang iglap, may kailangan na ako tanungin bago ko gawin ang isang bagay. Lintek kasi, nagagalit sya sakin pag gumagawa ako ng katarantaduhan. Tapos di nya ako kakausapin. Na ako nauulol na pag di nya ako kinikibo. Na hindi ko pa alam kung bakit sa mga puntong ito.
Sa isang iglap, may kailangan na akong isaalang alang pag gagala ako. Baka kasi may gala sya. Tas si Seb na naman kasama nya. Tapos mawawalan na naman sya ng oras sakin. Na ako hindi na mapalagay pag lumipas ang isang araw na hindi ko sya nakakakwentuhan. Na hindi ko pa alam kung bakit sa mga puntong ito.
Ilang beses ko tinanong sa sarili ko kung gusto ko na ba sya. Palaging hindi ang sagot. Sinasabi ko sa sarili kong hindi. Matigas ako. Ayoko lumambot para lang sa kanya.
Bumalik ako sa totoong mundo ng mag-vibrate ang phone ko. Hindi ako ma-cellphone na tao. Sinabi ko rin sa buong kapatiran na wag ako tatawagan o itetext kung hindi importante. Si Jethro na lang kako istorbohin nila. Kaya tinignan ko agad ng si Kier ang nagtext. Si Dominique daw lasing at iyak ng iyak.
Nagreply ako. Tinanong ko kung nasan ang emergency dun.
Ayoko na. Tama na ang puro Dominique na lang.
Wala na akong ginawa sa buhay ko kundi alagaan si Dominique. Tiyaking okay si Dominique. Eh ano naman kung umiiyak sya? Malamang dahil lang naman yun kay Calaguas. Tutal mas gusto naman nya kasama si Sebsatian, edi dun sya padamay.
Okay naman si Seb. Mayaman. Di lang kagwapuhan pero may gwapong gwapong kotse. Maganda ngumiti. Mabait. Multi-talented pa. Nagbabasketball. Kinukuha na ng varsity yun matagal na. Ayaw lang nya. Nagda-drums. Kumakanta. Sumasayaw. Kaya nga madaming babae yun e.
Pero pano kung damayan nya si Nikki, tas mafall sa kanya si Nikki. Tas ilayo nya sakin si Nikki. Tas..
Ay put*ngina!
Agad agad akong lumabas ng klase ko ng di man lang nagpapaalam at umuwi sa frathouse. Naabutan ko si Kier at Jethro sa sala, naguusap ng mahina na di ko marinig.
"GT." Bati ni Kier.
"Oh, ano ba nangyari?" Kunwari di ako masyado nagaalala. Pero gusto ko na talaga liparin ang paakyat para makita ang lagay ng prinsesa.
Si Jethro ang sumagot. "Nakita ko si prinsesa GT nakahiga na sa bangketa sa kalasingan, at umiiyak kaya inuwi ko na lang po dito."
Tumango ako. Nagpapangap na matigas pa rin ako pero gusto ko na talaga sya nakita. Aakyat na sana ako kaso nagsalita pa ulit sya.
"Alam ko GT may utos kang bawal namin hawakan ang prinsesa ng walang pahintulot mo, kaso-"
Pinutol ko na sya dahil yung dibdib ko sasabog na sa pagaalala.
"Ok na Jethro. Salamat. May utang akong isa sayo."
Kung nagsalita pa sya, hindi ko na alam. Ay wala na akong pakialam.
Tingin ko yun na ang pinakamabilis na beses na naakyat ko ang hagdan na yun. Kinuha ko ng 4 na hakbang ang dating labing dalawa. Sumilip muna ako bago tuluyang bukasan ang pinto ng kwarto nya at nakita ko si Nikki na nakahiga sa kama nya.
Hindi ko alam kung gising sya pero tinabihan ko sya, tska pilit ipasok ang kamay ko sa leeg nya para sa braso ko sya nakaunan. Naramdaman nya siguro kasi bigla syang bumaling sakin, yumakap at umiyak na naman.
Naramdaman kong pinupunit ang buo kong pagkatao sa bawat paghikbi nya. Pakiramdam ko pinupugutan ako ng ulo gamit ang butterknife, ramdam ko ang bawat hiwa at sakit. Kasi alam kong wala akong magawa para kay Nikki. Para gumaan ang nararamdaman nya. Kung pwede ko lang ibenta sa demonyo kaluluwa ko para ako na lang masaktan, gagawin ko e. Kaso nga wala akong magawa.
Eto pa naman yung pinaka ayaw kong pakiramdam. Yung wala akong magawa. Lintek. Eto yung pakiramdam nung binubugbog ako sa CR nung 2nd year highschool eh. Yung sumumpang darating ang araw na wala ng pwedeng manakit sakin. Akala ko ako na yun ngayon. Tas eto.. anak ng putakte, bugbugin nyo na lang kaya ako sa CR ng paulit-ulit?
Hinalikan ko sya sa noo, "Ikukwento mo ba o uupakan ko na lang si Calaguas?"
"May girlfriend na ata syang bago, t*ngina nya" Sabi nya sa pagitan ng mga hikbi.
Hindi ako nakasagot. Kasi ang totoo, nabalitaan ko na ito. Pero hindi ko pa ma-confirm. May babaeng laging kasama daw si Calaguas na kung san saan. Nanunuod ng mga laro nya. Kasama pag interview nya. Alam mo na.
"Oh diba sabi ko wag ka na magmura." Ang tanging nasabi ko.
"Wala daw syang time. Hindi na raw nya kayang pagsabayin ang lovelife at pagbabasketball, e ano ito? Put*ng ina nya. Put*ng ina nilang dalawa." Litanya nya.
"Oh, mura na naman."
"Sabi nya dati ako ang dahilan ng bawat lahat nya. May nalalaman pa syang gumigising sya para lang mahalin ako. Na ginagawa daw nya ito para samin"
"Baka hindi lang ikaw ang tunay nyang diwata."
"T*ngina nya."
Titingin sana ako sa kanya para awatin ulit sya sa pagmumura pero hahalikan nya ata ako kaya sa labi ko lumanding yung halik nya. Natigilan kaming dalawa. Hindi talaga kami nag-kikiss sa lips. Mga ilang segundong nakatitig lang ako sa kanya, pero susunod ko na lang nalaman, hinahalikan na nya ulit ako. Naghahalikan na kami.
Hindi ako yung tipo ng lalaking umaatras sa ganito. Minsan na akong tinawag na papapakboy ng dati kong GT sa dami ng babae ko. Na wala naman akong sineryoso ni isa. Wala akong ginalang ni isa. Lahat sila, pang kama lang.
Kinakagat ng marahan ni Nikki ang labi ko habang tinatangal nya isa isa ang butones ng polo ko. Sinabayan ko ang sayaw na iniindak ni Nikki. Sa dami ng babaeng natikman ko, si Dominique pa rin ang pinaka matamis kahit maalat ang luhang umagos sa mga mata nya. Mapangakit ang mga ngiti nya ng sabihin ko sa kanyang awat muna at isasara ko lang ang pinto.
Pero wala na syang damit pagbaling ulit ng paningin ko. Naka itim na bra at panty na lang sya at hinihintay na tabihan ko sya sa kama. Nakalantad sa harap ko ang makinis at bilad nyang katawan. Hindi ako bago sa ganito pero nakita ko ang sarili kong nagtatanong ulit kung san magsisimula.
Sinimulan ko sa labi nya, tang*ina. Nakakagigil. Bumababa ako sa leeg nya habang nagsasayaw ang mga kamay ko sa dibdib nya. Habang sya, naghahanap ng paraan para tangalin ang belt ko. Bukas na ang pantalon ko ng matangal ko ang lock ng bra nya. Isang pitik, solid. At sa mabibilis at magkakasabay na galaw, nakita ko si Nikki na nakaibabaw na sakin. Bumaba ang labi ko sa dibdib nya. Pero bumalik ako sa mundo sa tunog ng pagbukas ng zipper ng pantalon ko.
Gamit ang lakas ng buo kong pagkatao, inihiga ko sya sa tabi ko at tumayo ako. Pinulot ko ang polo ko at itinakip sa hubad nyang katawan. Nilagyan ko na ng distansya ang pagitan namin. Hindi ko kaya gawin yun kay Nikki. Hindi dahil ayoko sa kanya. Pero dahil ganito ang lagay nya. Basag, lasing. Hindi ko aabusuhin na ganon sya para lang makaiscore sa kanya.
"Matulog ka na babe, lasing ka pa." Sabi ko bago tuluyang lumabas ng kwarto nya.
Lumipat ako sa kwarto ko at umupo sa kama ko. Nagsindi ako ng yosi. Pumikit ako para kumalma ang init ng pagkalalaki na nasa loob ko.
Kinapa ko ang nararamdaman ko kay Nikki. Ayokong may iba syang nakakapalagayan ng loob. Puso na ng buhay ko ang kaligayahan nya at ang mga ngiti nya. Hindi ko sya matiis kahit ano pang pagpipigil ang gawin ko sa sarili ko. Nirespeto ko sya higit pa sa kahit sinong babae.
Dumilat ako at alam ko na ang sagot. Hindi ko gusto si Dominique. Mahal ko na sya. Tang*na. Totoong hindi sya ang nilalang para kay Calaguas. Dahil sakin sya. Si Dominique ang tunay kong diwata.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top