FIVE • Frappe

     "Ay, tanga! Shoot mo na!" sigaw ni Lights habang nanunuod ng replay ng Western Conference Finals ng NBA sa sala ng bahay namin.
     "Grabe! Ang bobo!" Second demotion ng daddy ko.
Oo. Magkasama silang nanunuod ng basketball. Magkasundong magkasundo sila. At iisa ang favorite NBA team nila. Ni hindi ko na nga kailangan ipakilala ng pormal si Lights sa daddy ko. Pagbaba pa lang ng kotse, inaya agad sya ni daddy manuod ng basketball. Na para sakin ay walang pinagka-iba sa mga behind the bench seats na inupuan namin ni Brigette nung 1st game nila. Both good and bad.
     Good kasi alam kong hindi ako magkaka-problema sa pamilya ko at kay Lights. At pareho kong nakikitang masaya ang dalawa sa pinaka importanteng lalaki sa buhay ko. Parang si daddy yung tatay na kinuha ng maaga kay Lights, tapos si Lights naman yung anak ng lalaking hindi ipinagkaloob kay daddy. They both found what they are missing in each other.
     Ang masaklap, hindi ko na nakausap pang muli ang boyfriend ko. Period. Super glued na sila sa TV set ni daddy to the point na si mommy na lang ang kasabay ko naglunch. Insane, I tell you.
     "Niks, kuha mo nga kami ni Marcolights ng ice cream, please?" Utos ng daddy ko ng mag-timeout ang kalaban na team.
     And so I obeyed. Kaso sobrang frozen yung ice cream sa freezer kaya resume na ng ballgame nag maiabot ito sa kanila. Kinuha ni daddy yung kanya without even looking at me. Ganun din si Lights, kinuha nya sakin yung bowl ng hindi man lang tumitingin. Medyo bumaling pa nga kasi nahaharangan ko yung view nya. Binaba nya yung ice cream sa sahig, sa may paa nya tska sumandal ulit dahil medyo crucial ang game. Take note ah, replay pa itong pinapanuod nila at pareho din nila itong napanuod kaninang umaga lang.
     Pero kasabay ng buzzer ng halftime break. Narinig kong tinatawag ako ni Lights. Finally, aayain na kaya nya ako tumabi man lang sa kanya?
     Lumapit ako. "O bakit?"
     Tumingin sya sakin, "Bakit si daddy kinuha mo ice cream? Asan yung sakin?"
     Napatingin ako sa paa nya. "O anong tawag mo dyan sa nasa sahig? Lusaw na nga e."
     Nahalata nya siguro ang badtrip at sarcasm sa boses ko kaya kinuha nya ang kamay ko at hinalikan. "The best ka talaga Doms. I love you."
     At tumunog na ulit ang buzzer na hudyat na magiging invisible na naman ako sa susunod na 30mins or more.
     "Pag ikaw iniwan ng boyfriend mo para sa daddy mo, hindi na ako magtataka." Biro ni mommy habang bumabalik ako ng kusina kung san naghihimay sya ng lettuce para sa salad pang dinner namin.
     "Alam ko mah, naasar na nga ako e." Pag-amin ko.
     "Pagbigyan mo na. Minsan lang naman."
     Tutulungan ko sana maghiwa si mommy ng iba pang sahog sa dinner namin, kaso nagring ang phone ko. Tumatawag si Kier.
     "Isang buwan ka hindi nagpakita at nagparamdam. Sino ka?" Sabi ko without saying hello.
     "Nasa inyo ka na ba? Kape tayo, yung may yelo."
     Tumingin ako kay Lights na busy pa rin sa panunuod ng basketball. Kasabay ko na lumaki si Kier. Alam ko ang lahat sa kanya. Alam ko kung kelan sya tinuli. Kung kelan sya unang nabroken hearted. At alam ko rin na basta inaya nya ako magkape, lagi syang may sasabihing iba sakin. Kasabay ng kape, sinasabi sakin ni Kier lahat ng tamis at pait ng buhay nya.
     "Ano? G?" sabi ng kabilang linya.
     "G. Sunduin mo ako sa gate, now na."
     Nakatingin sakin ang mommy ko pagbaba ko ng telepono.
     "Sino naman yun at bat nagpapasundo ka sa gate kung kelan andito ang boyfriend mo?"
     "Si Kier lang mah, nagaaya magkape." Sagot ko. Alam nya ang ibig sabihin pag nagaya na si Kier ng kape.
     "Pero andito nga ang boyfriend mo, tas sasama ka sa ibang lalaki?"
     "Mommy, alam nating pareho na hindi ibang lalaki si Kier. Tska tignan mo nga kung gano sila kabusy ni daddy? Ni hindi nga nyang mamamalayan na nawala ako. Mabilis ang ito."
     "Bahala ka," sagot ni mommy, yumuko para ituloy ang paghihiwa nya. "pero pag hinanap ka nyan, hindi ko magsisinungaling."
     Hinalikan ko sa pisngi si mommy bago lumabas sa backdoor ng bahay namin.

     Hindi malayo ang subdivision nila Kier samin, gaya ng hindi rin malayo ang pinakamalapit na Starbucks. Pero alam ko kung pano magmaneho ng motor si Kier na parang naghe-hello na kay Grim Reaper kaya hindi na ako nagulat ng nasa gate na sya ng villege namin bago pa ako makarating. Ang kinagulat ko ay, ang laki ng nagbago kay Kier in that one month timeframe. Pumayat sya, pero lumaki ang katawan. Naging muscular sya.
     "Yung totoo? Sa gym ka naglagi nung isang buwan noh?" Bungad ko. Pero hindi sya sumagot at inabot lang sakin ang helmet.
     Lumabas kami ng shop pagkabili ng kape at naupo lang sa gater ng parking area. Ganito talaga kami.           Ayaw tumambay ni Kier sa loob ng coffee shop. Masyado daw sosyal ang ambiance.
     "Boyfriend mo na yung basketball player?" bungad nya habang tinatangalan ng balot ang straw ko at inilalagay sa Dark Mocha frappe ko.
     "Oo ata. Pero teka, ikaw ang nagyaya ng kape. Ibig sabihin ikaw ang may kwento."
Tumingin ako sa kanya na nakatingin lang sa FZ nya na naka-park sa harap namin. Nasa bibig nya yung straw ng inumin nya, pero I can safely say that he is not sipping his drink.
     "Baka lumipat na ako ng school, pangs." Sabi nya, still without looking at me.
     Tawagan namin yun. Panget - pangs.
     "Huh? akala ko di ka mageenroll this sem?" I responded.
     "Hahabol. May nakilala ako nung aniv ng Tau, tutulungan daw nya ako lumipat sa University Chapter."
     Oo. Member din ng Tau Gamma Phi si Kier, pero sa community chapter. Masyado daw mabigat bigyan sa university nila kaya di na sya lumipat.
     "Edi mainam. Saang school ka lilipat? Sino ba yung nakilala mo?" Usisa ko.
     "Ace Tanierla. Taga inyo daw sya."
     Napangiti ako. At sa unang beses sa araw na yun mula ng maglue si Marcolights sa BasketballTV, nakaramdam ako ng good vibes.
     Nayakap ko si Kier "Yes panget! Magkasama na tayo sa school!"
     Ginantihan nya yakap ko sabay halik sa pisngi ko.   "Wag ka muna masyado matuwa pangs, bihira din tayo magkikita tiyak. Balik neofyt ako, tas magkaiba pa tayo ng course."
     "Madali na yun, tska magkatalikuran lang ang College of Mass Comm at College of Fine Arts."
     "Edi cool!"
     At sa unang beses sa gabing yun, nakita kong ngumiti si Kier. Yung ngiti nyang tagilid na dahilan at kahit di sya gwapo e ang dami nyang babae. At sa unang beses sa gabing yun, nakita ako ang sarili kong nakangiti.
     Ayos na sana ang lahat, nang mag-ring ang phone ko.
     Si Marcolights, tumatawag.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #setyoufree