DOS

Hindi porke't hindi kita binabawalan, eh payag na ako sa mga katarantaduhan mo.

And now that I'm strong I have figured out
How this world turns cold
And it breaks to my soul
And I know I'll find deep inside me
I can be the one

   Nagising ako sa sigaw ng isang babae. Tinignan ko ang relo ko, 2:38 ng madaling araw.
   Tumayo ako at tumingin sa bintana. Nakita ko si Nikki, nakikipagaway sa pang 5 na nyang jowa sa loob ng isang buwan.
   Pakiramdam ko ako ang may kasalanan sa kung ano man si Nikki ngayon. Natuto na sya uminom at magmura. Kung sino sinong lalaki ang kasama. Nakita ko sila nagkiss, pero hindi naman daw nya shota. Naging pa-fall si Dominique. Naging paasa.
   Pumito ako at itinanong ko sa bata kung ano ba ng nangyayari. Hindi chismoso ang mga tao ko, sadyang trabaho lang nila alamin kung ano ang nagyayari sa teritoryo namin.
   "Nag-aaway po si prinsesa at yung boyfriend nya." Sabi ng neofyt.
   Prinsesa ang tawag ng buong chapter ko kay Nikki, sa simpleng dahilan na yun ang turing ko sa kanya kaya dapat ganon din ang buong kapatiran. Kung may angal man sila, wala na akong pakialam.
   "Gago, ano tingin mo sakin? Tanga? Alam kong nagaaway sila. Tinatanong ko kung bakit nag-aaway." Singhal ko.
   "Patawad GT. Ayaw daw po patulugin nung lalaki si prinsesa dito."
   So eto nga ang senaryo. Dahil sa mga nangyari, palaging nakatambay si Nikki dito sa frathouse para kay Kier. Na palagi naman wala si Kier kaya ako lang ang madalas nakakasama ni Dominique tumambay.  Hanggang sa naging mas close pa kami. Hindi ko siguro mapapantayan yung level nila ni Kier pero sapat ng inalisan ko na ng kwarto yung MKS ko na bihira naman umuwi dito at inaya na lumipat si Nikki para dito na mag-stay. Masyado ko yatang dinibdib ang bilin ni Calaguas na parang ang alagaan na lang si Nikki ang gusto ko gawin sa buhay. Hindi ko lang maipaliwanag kung bakit, sa ngayon.
   "Tanong mo kung kelangan ko na ba makialam." Utos ko.
   Pinanuod ko mula sa bintana ng kwarto ko ng bulungan ng neofyt ko si Nikki habang nakikipagtalo sya sa kung sino mang animal yun. Tumingin sya sa bintana ko at gumuhit sa leeg nya ng makitang nakatingin ako. Deads na daw. Tumango lang ako.
Nakakatulog na rin ako ng maramdaman kong may yumakap sakin mula sa likuran.
   Eto ang problema ko kay Nikki. Yung pagiging pa-fall nya hanggang sakin, pinapaandar nya. Hindi kami. Bestfriend lang daw sabi nya. Si Kier, ako at si Seb. Pero ako lang saming tatlo ang niyayakap nya, nakaka-holding hands nya at hinahalikan nya sa pisngi.
   "Babe.." Pakingan mo pa tawag nya sakin.
   "Oh babe." Pero pumapatol naman ako. "Bat ayaw ka daw patulugin nung lalaki dito?"
   Umayos ako ng higa para nakaunan sya sa braso ko.
   Ako yun uri ng lalaki na ayokong nasisira sa salita at pangako. Aaminin ko, nung una - andito lang ako para kay Dominique kasi naipangako ko kay Calaguas. Pero hindi nagtagal, inaalagaan ko si Nikki dahil gusto ko. Prinsesa ko sya kasi prinsesa ko sya. Wala ng ibango, dahilan whatsoever.
   "Bat daw ako dito nakikitulog, eh hindi naman daw ako Tau." Sabi nya.
   "Gago ba sya? Hindi ka kamo dito nakikitulog. Dito ka kamo nakatira. Tanong mo nga kung gusto nya ipanlampaso ko ng sahig mukha nya?"
   "Wala na. Hindi na kami magkikita nun. May beer ba sa ref?"
   "Babe, 3AM na. May pasok pa bukas. Sa weekends ka na uminom."
   "Taena."
   "Oh, diba sabi ko wag ka na magmumura?"
   Problem #1. Naging palainom si Nikki at palamura, pero sinusubukan ko naman syang bawalan. Kaso hindi naman sya nakikinig. Ni minsan wala naman ako sinabi sa kanya na sinunod nya.
   "Kasama ko GT ng Tau, ano nga ba ang hindi pwede?" Sabi nya na may pagka-sarcastic at may kasamang simangot.
   Problem #2. Hindi ko alam kung bakit pero ayokong nakikita si Nikki na nakasimangot. Kaya din yata nakukuha nya lahat ng gusto nya mula sakin. Kasi alam nyang kahinaan ko ang makita syang malungkot at dismayado. Pakiramdam ko, hindi ko nagagampanan ang pagpaparamdam sa kanya na prinsesa ko sya pag nalungkot sya.
   At problem #3. Ako lang ang napapasunod nya.
   "Kuha mo nga ng beer ang prinsesa mo," Sabi ko sa lumapit na bata pagkapito ko. "dalawahin mo na."
   Napatingin ako kay Nikki na ngayon ay nakangiti na.  
   Lintek talaga mga babae. Minsan mapapailing ka na lang.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #setyoufree