CINCO
T*ENA, ADIK NA AKO! MAGKANO BA ISANG GRAMO NG PANAHON MO?
'Cause you're my.. you're my..
My true love
My whole world
Please don't throw that away
First time ko mainlove. At para akong bata.
Una, di ko alam ang gagawin ko sa nararamdaman ko. Nakakainis. Gusto ko makita nyang mahal ko sya. pero twing nagtatanong sya, hindi ko naman masabi ang totoo.
Inutusan kong bumili ng bulaklak si Seb isang araw. Tulips kako, kasi yun ang favorite ni Dominique.
"Uy, may pa-flower si gov! ano meron?" Sabi ni Nikki habang inaabot ko sa kanya ang mga bulalaklak paguwi nya ng hapon.
"Ha?" Nawala ako sa sarili sa ganda ng ngiti nya.
"Bakit mo kako ako binibigyan ng bulaklak?"
Napatingin ako kay Seb, nasa likod ni Dominique. Nakangiti sya at tumataas ang kilay. Parang sinasabi sakin na sabihin ko na kay Nikki ang nararamdan ko.
Pero naduwag ako. "Wala. Sa kaklase ko yan. Binasted sya nung nililigawan nya kaya kinuha ko na lang."
Pangalawa, hindi ko talaga alam ang sasabihin at pano sasabihin sa kanya. At inaalala ko rin ang magiging reaction nya. Pano kung lumambot tingin nya sakin pag nalaman nyang tinamaan na ako sa kanya? Anak ng..
"Pasensya na.. kung ako ay.. hindi nagsasalita.." Kinakanta ni Seb ng umakyat na si Nikki sa kwarto nya. "Hindi ko kayang.. sabihin.. ang aking nadarama.."
"Tantado!" Sigaw ko sa kanya.
Maaga kong pinahanap si Nikki kinabukasan. Sabi kasi ni Seb, ayain ko daw ng date. Yun daw kasi ang first step sa panliligaw.
Sinabi ng mga bata ko na nasa tapsilugan daw si Dominique kaya dun na ako pumunta pagtapos ng huling klase ko ng araw na yun.
Dati rati, sa tapat nya ako umuupo at kakain kaming dalawa. Pero ngayon, naglakas loob akong tabihan sya.
"O babe, ano ginagawa mo dito?" Tanong nya.
"Kakain. Ano pa nga ba?"
"Akala ko di ka mahilig sa tapa?"
"Wala. Trip ko lang sya ngayon."
"Minsan, weird ka talaga e."
Huminga ako ng malalim. Nagpapawis na ang kamay ko sa kaba. Uminom ako ng tubig tska tinanong sa kanya ang kanina pa nakabara sa lalamunan ko. "Babe. Date tayo?"
Natawa sya. "Date? Baka gimik. Date para sa nagliligawan lang yun."
Inulit ko ang tanong ko. "Date tayo?"
Hindi pa rin sya tumitigil sa kakatawa. "Bakit, liligawan mo ba ako kaya date ang tawag mo?"
Natigilan ako. Na-corner ako ng tanong nya. Pakiramdam ko pinagpapawisan na ako ng malamig.
Uminom ulit ako ng tubig. "Hindi? Date tayo?"
"Sige na nga. Kelan ba?" Sabi nya habang nakangiti.
"Kung kelan ka pwede. Schedule ko ang magaadujst sayo."
Ngumiti ulit sya. At ako parang nagawa ko na ang misyon ko sa buhay. Ngiti lang nya, pwede na akong mamatay.
Umuwi ako ng maaga sa Cavite para kunin yung kotse na regalo sakin ng tatay ko. Wala sana ako plano gamitin, kasi alam kong pampalubag loob lang nya sakin ito kasi sa 23 years ko sa mundo, 20 years ko na ata syang hindi nakikita. Pero gusto ko maging special ito para kay Nikki.
Tulog pa ata sya ng makarating ako sa frathouse. Nakahiga pa sya ng sinilip ko sya sa kwarto nya. Hinalikan ko sya sa pisngi at niyakap ko sya. Inamoy ko ang buhok nya bago sya tuluyang gumalaw.
"Umaga ko. Bangon na. Araw mo ito." Bati ko.
"Aalis na ba tayo?" Tanong nya.
"Depende sayo. Ang gusto mo lang ang mangyayari sa araw na 'to."
"Sige. Maliligo na ako."
Gusto kong isiping special din kay Dominique ang araw na ito. Dahil imbis na nakashorts sya, na laging porma nya, naka blue na dress sya. Tapos pareho pa kaming naka black na highcut na Chuck Taylor. Suot din nya sa pagbaba nya ng hagdan ang favorite kong accesory nya. Yung nakamatamis nyang ngiti.
Tapos ako, naiwang tulala habang binabagtas nya ang hagdan. Gusto ko na talaga dukutin ang puso ko para ialay sa paanan nya.
"Tara na babe?"
Nagbalik ako sa mundo sa sinabi nya.
Naglakas loob akong hawakan ang kamay nya, na labis kong ikinatuwa ng kumapit din sya.
"Uy, babe. Sayo yan?" Sabi nya ng makita nya ang Honda Civic ko na kulay itim. Sa dalas nya ngumiti, pakiramdam ko mission accomplished na ako sa araw na ito.
"Ah, oo. Regalo sakin ng tatay ko raw para sa graduation." Sabi ko ng may ngiti din.
"Bigtime pala tatay mo eh."
"Ewan ko sa kanya, iniwan nya kami para sumama sa iba nung tatlong taon pa lang ako eh."
"At least di ka nya nakalimutan."
"Aanhin ko mga padala nya? Kailangan ko ng tatay. Kaya ako pag nagka-anak, di pwedeng lumaki sya ng wala ako sa tabi nya."
Binuksan ko ang pinto ng kotse ko para makapasok na sya. Binigyan ulit nya ako ng ngiti bago ko isara ang pinto. Man, sinasabi ko sayo. Lusaw na lusaw na ang puso ko.
Gusto raw nya kumain ng ihaw ihaw kaya dinala ko sya sa Katipunan. At sa bawat isaw na isusubo nya, lalo lang ako naiinlove sa kanya. Lintek, sa ganda nyang yan - mukha syang diwata. Pero ni wala syang kaselan selan sa katawan. Pinapanuod ko sya habang hinuhuli sya ang sibuyas sa sawsawang suka. Totoo palang ibibigay mo ang lahat makita lang syang masaya. Hindi pala ka-corny-han yun.
Gusto rin daw nya manood ng sine. Hindi raw nanunuod ng tagalog na love story si Calaguas kaya yun daw sana panuorin namin. Yung totoo, hindi rin ako nanunuod ng romance. Baduy nga diba? Pero yun ang gusto nya, kaya sabi ko favorite ko rin yun. Popoy-Basha pa kako. Pero hindi ko pa talaga napapanood yun, naririnig ko lang. Pero lahat ng gusto ni Nikki, pipilitin ko rin gustuhin, kahit di ko pa gusto.
Yung totoo, di ko rin naman naintindihan yung pinapanood namin. Pero nakakatuwa makitang kinikilig si Dominique. Ipinatong nya ang ulo nya sa balikat ko ng medyo malungkot na ang eksena. Ginawa ko, inakbayan ko sya at humalik sa noo nya. Hindi ako relihiyoso, pero narinig ko ang sarili kong nagtanong. Sa lahat ng maling nagawa ko sa buhay na ito, anong meron bat nararanasan ko si Nikki ngayon?
Nagpasalamat ako kung ano man yun.
Panget ang buhay. Sa totoo lang, wala naman talaga ako paki kung mamatay ako, kahit anong oras. Pero ngayong nasa braso ko sya, hinihiling ko na wag pa. Na sana magising pa ako bukas. Kasi gusto ko pa sya mahalin. Kasi sa put*nginag mundong ito, si Nikki lang sapat na. Sapat na para tiyakin kong nagpa-pump pa ng dugo ang puso ko at bumobomba pa ng hangin ang baga ko. Panget ang buhay. Pero kung andyan si Dominique, gumaganda.
Gusto daw nya panuorin ang sunset, kaya sino ba naman ako para tumangi. Medyo maaga pa ng marating namin ang Baywalk kaya inaya ko muna sya maglakad lakad. Tumungtong ako sa breakwater, pero tumangi sya dahil takot daw sya mahulog.
"Gage, baka mahulog tayo dyan." Tangi nya.
"Bat ka mahuhulog e kasama mo ako?" Sabi ko ng may ngiti at inaabot ang kamay sa kanya.
Kinuha nya ang kamay ko at umakyat din sa breakwater. "Pag tayo babe, nahulog ah."
Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nya. "Tiwala lang, hawak ka ni Ace."
Umiinom kami ng beer habang nakaupo sa hood ng Civic ko ng malapit na lumubog ang araw. Nakatitig lang si Dominique sa nagpapaalam na araw habang ako, nakatitig lang sa kanya. Sinabi nyang ginawa rin nila ito ni Calaguas dati.
"Oh, ginawa nyo pala ito dati bat ginagawa natin ngayon?" Usisa ko.
"Gusto ko lang malaman kung ano pakiramdam."
"Kamusta naman?"
Tumingin sya sakin bago sumagot, "Malungkot. Pero hindi na masakit."
"Nice."
Bumalik na ang paningin nya sa papalubog na bola ng apoy. Habang ako hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya. Mahal ko na talaga sya. Mahal ko na si Nikki mula ulo hanggang paa. Ng buong puso, pagkatao at kaluluwa. Sama mo na pati pato't panabla.
Ngumiti sya. "Ganda noh?"
Ngumiti ako, nakatitig pa rin sa kanya. "Sobrang ganda."
Huminga ako ng malalim. At gamit ang lakas ng buo kong pagkatao, sinabi ko sa kanya ang kanina pa kumakawala sa dibdib ko. "I love you, babe."
Humalik sya sa pisngi ko at niyakap ako.
Masakit sana kung nginitian lang nya ako. Mas sakit siguro kung tatawanan nya lang ako. Pero pinili pa rin nya ang pinakamasakit na posible nyang isagot sakin.
"I love you too," sabi nya. "bestfriend."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top