E
I was minding my own business.
Nang mag sign up ako sa wattpad, ang gusto ko lang ay magbasa. Tapos ilang stories ang natapos ko nang mainspire ako at nagsimulang magsulat ng mga one shots.
Hindi ko hugot ang mga one shots. Hindi pa kasi ako nakakaexperience ng pagmamahal. Pero may alam ako. Observant kasi ako eh. From time to time, nakakabasa ako ng mga comments from people that they like my works. Na nakakarelate daw sila. Na ang galing ko raw.
May mga nagkocomment pa nga na tulad ng:
"Ms author ang galing mo po!"
Na tinatawanan ko at rereplyan ko ng:
"Ms author? Hahaha grabe naman 'yun!"
Syempre, masaya ako. Masaya akong nakakarelate ang mga tao sa sinusulat ko. Masaya akong nafifeel nila ang pagmamahal sa pagsusulat ko.
Until one day, may nagmessage sa akin. Kinagulat ko ang message na 'yun dahil hindi ako nag-eexpect. Kinabahan pa nga ako. Bakit? Galing kasi sa'yo.
Bhozxzsx_MapaqmahaL024
Wow angas ng ginawa mong one shot. Tuwang tuwa ako ramdam na ramdam ko eh. Crush ka ng kaibigan ko kaya sinubukan kong magbasa ng stories mo. Mukhang crush ka dahil sa mga gawa mo.
Hahahahaha! Galing!
Kilala kita. Kaya siguro ako kinabahan. Nakita ko na ang username mo noon. Nakabasa na rin ako ng one shot mo. Hindi ko lang inaakalang babasahin mo ang sinulat ko kasi sobrang dami mong nakakausap na babae sa wattpad. Minsan nga iniisip ko malandi kang gago ka dahil puro babae ang kausap mo.
Puro fangirls. Anong panama ko sa mga 'yun, hindi ba?
Doon tayo nagsimulang mag-usap. Nagkwentuhan tayo at nagkulitan. Marami tayong sikretong sinasabi sa isa't isa. Marami rin tayong inside jokes. Araw-araw kong hinihintay ang reply mo. Hindi kasi ako nakaramdam ng kahit anong pandidiri mula sa'yo kapag niloloko kita.
Ako: Oy ano na? Kamusta na inlab ka na ba sa akin?
Ikaw: Hahahaha adik ka talaga!
Naaalala mo ba? Na kapag pinapasok ko ang usapang pag-ibig sa ating dalawa, lagi mo akong inaaadik? Noong una, ngingiti pa ako pero syempre hindi mo nakikita dahil laptop lang ang katapat nating dalawa.
Tapos magrereply ako.
Ako: Oo nga eh. Adik na adik kasi ako sa'yo!
At ang irereply mo?
Ikaw: Hahahahahaha!
Pakyu ka talaga sagad. Hahazoned ako sa'yo. Paksyet.
Masakit eh. Alam mo 'yun? Yung feeling na dinadaan ko na lang ang lahat ng nararamdaman ko sa kalokohan para matawa ka. Dinadaan ko na lang sa tawa ang lahat ng gusto ko sabihin sa'yo kasi ayaw mo namang maniwala sa akin.
Alam ko naman kasing hindi eh. Online lang ito. Tinawag mo pa akong best friend.
Sinasadya mo ba? Na i-friendzone, hahazoned at adikzoned ako sa'yo? Pakyu ka ah.
Dati, wala akong pakialam sa iba.
But when you cum--este came, nagsimulang magbago ang lahat. I was minding my own business. You kept bugging my mind. Then you became my only business.
~ ~ ~
NOTE: Click external link to read the other side of the story.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top