ii : epilogue

EPILOGUE : part 2 (final part)

THIRD PERSON's POINT OF VIEW

7:00 PM

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ng babae noong tinignan nya ang kanyang orasan. 'Sisipot pa ba sya?' Tinatanong nya sa kanyang isipan habang pinagmamasdan ang mga taong dumadaan sa harap nya. Isang oras na kasi ang nakalipas sa dapat na usapan nilang magkita.

"Bakit gusto mo kong makita?"

Hanggang sa may isang binatang tumigil sa harap nya. Tinaas nya ang kanyang kilay habang nakatingin sa dalaga. Tinuro nya yung upuan sa tabi nya, sign na umupo na muna sya sa tabi nya.

"No thanks. Aalis din ako kapag walang kwenta pinagsasabi mo."

Napairap nalang ang dalaga. "Whatever, Kim Junkyu."

"Ano ba kasi gusto mong sabihin, lovely?"

Ngumiti ang dalaga at tumingin sa kanya. "Babalik na kong japan!"

Natahimik saglit si Junkyu at tinignan lang si Lovely.

"Sige balik ka na ron. Hanapin mo pake ko tangina mo. Anong importante don? Bahala ka na jan."

Tumalikod na si junkyu at nagsimula nang maglakad ngunit napatigil sya nang marinig nya ang sunod na sinabi ni love.

"I helped you."

Lumingon sa kanya si Junkyu at hinintay ang susunod nyang sasabihin.

"I'm hoping for their happiness."

Nagtaka si Junkyu sa sinabi ni Lovely pero isang ngiti lamang ang pinakita nya.

————

"Good Morning, ma'am." Sabay sabay na bati ng mga katulong sa kanilang amo na kakapasok pa lamang. Lumapit sa kanya ang isang katulong at kinuha ang bag na dala nya. Ngumiti lamang sya at nagpasalamat. Tuluyan na syang naglakad papuntang kusina upang kumain ngunit napatigil sya nang biblang may yumakap sa kanya.

"Loveee!! Bakit ang tagal mo? Kanina pa kita hinihintay eh hmp."

Napairap sya dahil boses palang ay kilala nya na. Humarap si love sa lalaking yumakap sa kanya at pinisil ang kanyang pisnge.

"Ano na namang kailangan mo, Haruto?" Natatawang tanong ni Love.

"Kailangan agad? Diba pwedeng namiss lang kita, ganon?" Nagtatampong sagot naman ni Haruto.

Mas lalo namang natawa si Love dahil sa sinabi ni Haruto. Tinalikuran nya na ito at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kusina.

"Oo na. Pwede na. Basta hanggang 10 PM lang."

Dahil sa sinabi ni Love ay tumakbo papalapit sa kanya si Haruto at niyakap sya. Tuwang tuwa si Haruto dahil pagpayag nya. Napailing na lamang si Love dahil mukha na naman syang bata na nakuha yung gusto nya. Tumakbo na si Haruto papuntang sala.

"Ma'am, ano pa pong kailangan nyo?" Biglang tanong ng babaeng nasa harap nya na ngayon.

"Magbihis ka na. Magdadate raw kayo ni Haruto."

"P-po?"

"AIKAAAA! PINAYAGAN NA TAYO NI LOVE. MAGBIHIS KA NA DALI."

"T-teka-"

"Go, Aika. Basta hanggang 10 lang okay? Ingat kayo."

"Narinig mo yun? Kaya bihis na! Tara."

Hinila na ni haruto si aika papunta sa kwarto. Naiwan naman si Love sa kusina. Umupo sya habang sinusundan ng tingin ang dalawa.

"Salamat."

Tumingin si Love sa taong nagsalita.

"Para san po?" Tanong nya.

"Salamat dahil pinasaya mo ang pamangkin ko pati na rin yung taong gusto nya."

"Kulang pa po yun. Sa dami ko ba namang ginawang masama sa kanila."

Napabuntong hininga na lamang si Love nang banggitin nya ang nga salitang yun. Naaalala nya na naman yung mga ginawa nya kina Haruto at Aika. Dahil sa pagkagusto nya kay Haruto ay nasira nya ang kasiyahan nito.

Ngayon ay pinagsisisihan nya na ang mga ginawa nya. Gumawa sya ng paraan upang magkatagpo muli ang dalawa. Nalaman nyang nagtratrabaho pala sa pamilya nya ang tita ni Aika. Kinausap nya naman ito na kukunin nya rin bilang katulong si Aika dahil napagalaman nyang naghahanap din si Aika ng trabaho. Hindi nya yun ginawa upang pahirapan sya o abusuhin... Ginawa nya iyon para sa kasiyahan nila ni Haruto.

———

"Aika naman, bakit ang tagal mo magbihis?!"

"TEKA LANG KASI SER!"

Dali-daling lumabas si Aika nang nakasimangot. Atat na ata kasi si Haruto eh, naghahanap pa nga sya ng magandang damit para sa date nila. Nang lumabas si Aika ay napatulala si Haruto nang makita nya si ito. Konti na nga lang ay tutulo na ang laway nya.

"Oh ano na? Akala ko ba aalis na tayo? Tara na!" Inis na sabi naman ni Aika at nagdirediretso na palabas.

Sinundan din naman sya agad ni Haruto at inakbayan, "May igaganda ka pa palang dugyot ka ano?" Pang-aasar ni Haruto. Sinamaan lang sya ng tingin ni Aika kaya naman natawa lang si Haruto.

"San ba tayo pupunta? Di ka ba nagsasawa sa mukha ko? Lagi mo nalang ako kasama, ser ah." Biglaang tanonv ni Aika.

Napatigil naman sa paglalakad si Haruto at tinignan si Aika. Nagtaka ang dalaga dahil sa ginawa nya. "B-bakit?" Inilapit pa ni Haruto ang mukha nya sa mukha ni Aika kaya mas lalong nagulat ang dalaga.

"Tingin mo ba magsasawa ako sayo?"

Natahimik na lamang si Aika dahil sa sinabi ng binata. Hindi nya inaasahan ang banat na yun. Napatakip sya sa kanyang mukha dahil ramdam nya na ang pagiinit nito. Parang kamatis na naman ang mukha nya. Hanggang sa narinig nya ang pagtawa ni Haruto kaya napasimangot sya at sinuntok ito sa braso.

"Aray! Inaano kita?"

"Bahala ka jan. Magdate ka mag-isa."

———

Pumasok na sila sa isang restaurant. Namangha naman si Aika sa nakita nya. Sobrang ganda sa lugar na ito at sa tingin nya ay hindi sya rito nababagay.

"S-ser... pwede sa iba nalang tayo?" Request ni Aika.

Ngunit hindi sya sinagot ni Haruto. Sa halip ay hinawakan nya ang kamay nito at naglakad na papunta sa table na pinareserve nya. Nang makaupo sila ay halata pa rin hindi mapakali si Aika. "Ser, baka masyadong mahal dito... Okay lang naman ako kahit sa turo turo lang jan." Sambit ni Aika.

Hinawakan ni Haruto ang kamay ni Aika at ngumiti, "I want to make this day extra special."

Napangiti nalang din ng pilit si Aika. Hindi nya alam kung kikiligin ba sya sa sinabi ng ser nya eh. Hindi pa rin sya komportable, first time nyang makakain sa gantong klaseng restaurant. Hanggang sa isa isa nang dumating yung mga dish. Napalunok nalang si Aika sa mga nakita nya.

"Ano to? Bat ang oonti naman? Tas sobrang mahal?" Bulong ni Aika kay Haruto.

"Ganyan talaga. Kumain ka nalang jan." Natatawang sambit ni Haruto.

Napatingin si Aika sa kubyertos na nasa harap nya. Nagtataka sya kung bakit andaming nakalapag. Hindi nya alam kung ano ang gagamitin nya. Nabaling ang tingin nya sa baso na may lamang wine. Yun na lamang ang hinawakan nya at ininom.

"Oy teka." Pagpipigil sa kanya ni Haruto. Kinuha nito ang baso at ibinaba. "Hinay hinay lang. Malalasing ka jan ng wala sa oras." Pagpapaalala sa kanya ni Haruto.

Kinuha ni Haruto ang tinidor at kutsilyo. Hiniwa nya na yung steak ni Aika. Ngunit napatigil ito nang may babaeng tumigil sa harap nila.

"Haruto?"

"Cheska!" Natutuwang wika ni Haruto. Tumayo na sya at nakipagbeso sa dalaga.

"How are you? It's been years since we last met ah. I missed you." Sabi ng dalaga.

Naparoll eyes nalang si Aika nang marinig nya yung salitang "i missed you". Napahigpit yung hawak nya sa tinidor nung nag i missed you too din si Haruto.

"edi wow." mahinang sambit nya... na hindi pala mahina dahil napatingin sa kanya bigla si Cheska.

"Who is she?" Tanong ni Cheska kay Haruto.

"Ahh... Si Aika, nililigawan ko."

"Oh... I see." Sambit nya at tinignan nya si Aika mula ulo hanggang paa. Hanggang sa muli nyang ibinaling ang tingin kay Haruto. "Didn't know na ang cheap na pala ng taste mo hahahaha just kidding."

Dahil sa sinabi ni Cheska ay napakuyom ang kamao ni Aika. Napahawak din sya sa baso na may laman na wine. Nakatitig lang sya sa dalawa— kina Haruto at Cheska. Masayang nagkwekwentuhan. Bagay sila. Yan ang nasa isip nya ngayon. Kitang kita naman na mayaman yung babae. Sobrang bagay sya kay Haruto. Hindi nya naiwasang maging malungkot dahil sa mga naiisip nya. Parang sinampal na naman sya ng katotohang magkaibang mundo silang dalawa.

"Aika, anong ginagawa mo?!" Biglang sambit ni Haruto.

Nakaramdam ng pananakit ng ulo at pagkahilo si Aika. Sa sobrang pag-iisip nya pala ay nakalahati nya na yung wine. Napatawa nalang si Aika at unti-unting tumayo kahit umiikot na ang paningin nya. "Hindi ako b-bagay d-dito... k-kaya aalis ako... aalis na aika!" Sigaw nya.

Nagtinginan naman ang mga tao sa kanya pero wala syang pake. Pagewang-gewang syang nagmartsa palabas. Hinawakan sya ni Haruto sa braso para pigilan sya pero agad din naman nya itong inalis at patuloy na naglakad.

Habang naglalakad sya ay hindi nya namalayang tumutulo na naman ang luha nya. Sa puntong yun kasi, sobrang daming pumasok sa isip nya. Akala nya okay na, akala nya pwede... akala nya...

Napatigil sya sa paglalakad nang may yumakap sa kanya mula sa likod. "Aika... sorry. Akala ko magiging okay lang sayo... sorry. Hindi na mauulit. Sor—"

"Ser, bakit ako?"

Hindi nya alam kung bakit yang mga salitang yan ang nasabi nya.

"Kasi ikaw lang naman talaga, Aika. Kahit napakajeje mo, napakakulit mo, napakadugyot mo... Kahit sinasabi mong magkaiba ang mundo natin, kahit sinasabi nilang cheap ang taste ko, kahit ano pa man yan. Ikaw at ikaw pa rin talaga, Aika."

Mas lalong tumulo ang luha nya at niyakap si Haruto ng mahigpit. Ayaw na ayaw nya nang pakawalan ang taong ito. Kahit marami pang tutol dahil sa estado nila sa buhay. Hindi na sya maghihinala sa feelings ni Haruto sa kanya.

"I love you." Mga salitang sinambit ni Aika.

Halata namang nagulat si Haruto dahil sa panlalaki ng mata nya. First time nyang marinig yun mula kay Aika. Sobrang saya nya, "I love you more. I love you so much."


Hanggang sa maramdaman nya ang pagsuka ni Aika sa balikat nya.

"DUGYOT KA TALAGA!"

"Hehe."

Imbis na magalit, napatawa nalang si Haruto habang pinagmamasdan ang girlfriend nya.




⚪️ haruto @wharuto • 15 mins

medyo mamimiss ko talaga ang pagtawag mo sakin ng ser because from now on, you can call me yours. i love you, my aika.


( kunware sina haruto at aika yung nasa pic HAHAHHAHAHA)

THE END

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top