Chapter 8: The Fate Brought Us Together

After ng program ay ginather kami ni Mrs. Silva para kumuha ng class picture. Katabi ko si Sir Ren nun at kami ang nasa gitna. Sandaling nagdikit ang mga balikat namin pero sa sandaling pagkakataon na yun ay naramdaman ko ang malakas na pagkabog ng dibdib ko tuwing malapit siya sa akin.

He looks so handsome on a tuxedo he's wearing right now. He looks like a handsome, rich CEO kagaya ng mga nababasa ko sa Wattpad.  Hindi na kami nakapag usap ng maayos ever since that day happened in the house but the tension between us is still the same. Sumama na rin si Sir Dominic sa class picture dahilan para makapag usap kami. 

"I know you can make it until the end Clyde, proud na proud ako sayo," sambit niya at ginulo gulo ang itaas na bahagi ng buhok ko. Bigla namang lumapit sa amin si Sir Ren at hinawi ang kamay ni Sir Dominic.

"Bakit na naman Joong?" tanong ni Sir Dominic kay Sir Ren na ikinakunot ng noo ko. Joong? Am I heard it wrong? Close ba sila or what? Ren Alejandro is really a guy full of mystery. Maya maya lang ay biglang bumaling ulit sa akin si Sir Dominic at nagsalita,

"Clyde, pupunta ka ba sa Kyotodel after ng graduation? Punta ka okay," nakangiting tugon ni Sir Dominic at marahan naman akong tumango. Sabi ko na, class celebration ang magaganap mamaya pagkatapos ng ceremony. 

Lumapit naman sa akin si Bea at Roy, 

"Congratulations," sambit ni Roy at nag offer  ito ng shake hands. Tinanggap ko ang pakikipagkamay niya at nagsalita, 

"Congratulations din sa inyo,"

"Congrats Clyde, we did it!" sabi ni Bea habang patalon siyang yumakap sa akin.

"Chill baboy, kalmahan mo okay," tugon ko sa kanya habang marahan kong tinatapik at inaalis ang mga kamay niyang nakapulupot sa leeg ko. Tumayo siya ng tuwid ng makita niyang nasa tabi pala namin si Roy. 

"Finally, may jowa ka na. I'm happy for you both," sambit ko sa kanilang dalawa.

"Well, ikaw sana eh but luckily naging matiyaga ako and I found him," tugon niya habang napatingin siya kay Roy na siya namang ikinabigla ko. 

"W-what? You used to like... me?" tanong ko kay Bea habang hindi makapaniwalang itinuturo ang sarili ko. Marahan namang tumango si Bea kaya para akong napako sa kinatatayuan ko ng mga sandaling iyon.

"I-I'm sorry!" pagsigaw ko sa harapan ni Bea na siya namang dahilan ng kanya kanyang lingunan sa amin ng mga tao dahil medyo napalakas pala ang boses ko. Napatingin naman ako kay Roy dahil nag aalala ako sa magiging reaksiyon ni Roy sa pag amin ni Bea.

"Don't worry Clyde, I know everything," pag amin ni Roy sa akin.

"Oo alam niya lahat kaya nga sinikreto nila ni Sir Ren yung- aasdfghjkl" tinakpan ni Roy ang bibig ni Bea habang nagsasalita ito kaya hindi ko maintindihan ang sinabi niya.

"Anong alam niyo na hindi ko alam?" tanong ko kina Bea at Roy.

"Kita tayo sa Kyotodel," sabi lang ni Roy at ngumiti sabay hila kay Bea papalayo habang nakatakip pa rin ang kamay nito sa bibig niya. Kumakaway pa si Bea sa akin habang hinahatak siya ni Roy. Napapangiti na lang ako sa kanilang dalawa dahil nakakatuwa silang tingnan. Luckily, she found her the one or else hindi ko na alam kung ano pang dapat kong gawin kay Bea para tumino ito.

Nagpaalam naman sa akin si Tita Nel na sasabay na daw siya kay Tito Bobby sa pag uwi. Nagbihis muna ako saglit at pumunta na ako sa Kyotodel. Pagpasok pa lang ay maririnig mo na ang ingay ng mga kaklase ko. Nakita ko ang buong Grade 12-Westley na nagyayakapan ng biglang sumigaw si Billy ng makita niya ako. 

"Here comes our Mr. Valedictorian," sambit niya at nagpalakpakan naman ang buong klase. Masaya akong sinalubong ni Sir Dominic at nagkuwentuhan kami ng mga gusto kong pasukan na university sa college, "To be honest, I have something in my mind. Gusto kong pumunta sa isang lugar na may masakit at masayang alaala para sa akin. It's weird right?" sabi ko kay Sir Dominic.

"No it's not, people can decide on their own. There is no one who have the right to tell you what you should do or what you should not. Follow your heart to where or to whom it leads you," tugon ni Sir Dominic kaya naman sumagi na naman sa isip ko si Sir Ren.

"You reminded me of this certain person who said something the same as yours. Nagagalit siya kapag sinasabihan siya ng kung ano ang dapat at hindi niya dapat gawin. He's always acting like a child but it really suits him. He's like a giant baby," I told Sir Dominic.

"Of course, we have the same humor. We're cousins after all," tugon ni Sir Dominic.

"S-sino po sir?" 

"I'm talking about Ren. He's my cousin," parang umurong ang dila ko sa narinig ko at halos mabitawan ko ang basong hawak ko ng marinig iyon.

"Please excuse me po, kailangan ko ng umuwi," sabi ko kay Sir Dominic at akmang tatayo ako nang mahawakan niya ako sa braso kung kaya't napasalampak ako ng upo sa sahig. I gritted my teeth to hide my frustration. 

"Korean Air Terminal 1. You should clear some things with him before he leave. It's already 6 pm. He's going to board the plane at 6:30. Kung aalis kana ngayon, maaabutan mo pa siya," sa mga sinabing iyon ni Sir Dominic ay bumalik sa akin ang mga sinabi ni Sir Ren kanina sa graduation.

Flashback

I've decided to walk on our family's path because I already fulfilled my own dreams by teaching here. After this ceremony, I voluntarily step down as a Grade-12 Adviser. Isang bagay lang ang ieencourage ko kayo and that is you need to follow what's in your heart. You need to listen to it. Kung saan ka sasaya ay there's nothing wrong to pursue it. It feels so good if you're being flowed by courage than being fed up with regrets.

Napabalikwas ako ng tayo at humingi ng tawad kay Sir Dominic, "I'm sorry sir, I think I can't join tonight's celebration," ngumiti at marahang tumango si Sir Dominic kasabay ng pagtakbo ko palabas ng resto. May nahanap naman agad akong taxi kaya dali-dali akong sumakay dito.

"Sa NAIA Terminal 1 po. Pakikibilisan po kuya," sambit ko taxi driver at agad naman nitong pinaandar ang sasakyan. Kinakabahan ako habang papalit palit ako ng tingin sa orasang nasa itaas ng taxi meter at sa screen ng cellphone ko. I tried contacting him using the section Westley's group chat on messenger.

Umalis ka na? 

Saan ka?

I'm on my way, pakiantay lang ako saglit.

Have you lost your mind? Leaving us just like that?

Sunod sunod kong pagmessage sa group chat namin. After 20 minutes, we've reached the destination. Pagkabayad ko sa taxi ay agad akong tumakbo k papasok ng airport at hinanap ang departure area ng Korean Air. 

Where the hell are you?

Can you please reply on my message?

Ren Alejandro!!!

Pagmemessage ko sa group chat but I guess he's not online. Nag ikot ikot pa ako ng biglang,

Good evening passengers of flight 17 bound to South Korea. The departure gate has been closed. The ground crew is in the process of deicing the wings in preparation for departure. We should be boarding in about fifteen minutes. Thank you for your patience.

Napaupo na lang ako sa tabi ng marinig ko ito. Para akong nasakluban ng langit at lupa ng mga sandaling iyon. Hindi ako makapaniwala na umalis na lang siya ng hindi kami nagkakaayos. It's my fault after all. I keep pushing him away even though it hurts me the most. 

I swear I really hate you the most. 

This is the last message I've sent in the group chat. Pinatay ko na ang cellphone ko at tuluyan ng bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Nakayuko lang ako ng mga oras na iyon dahil pakiramdam ko ay wala na akong lakas pa. Ilang minuto pa ang ginugol ko bago ako nakapagdecide. Nanghihina ang buong katawan kong tumayo sa kinauupuan ko.

Nag umpisa na akong humakbang palayo ng may marinig akong tumawag sa akin, "C-clyde?" isang pamilyar na boses na sa sandaling marinig ko iyon ay parang gustong kumawala ng puso ko sa sobrang lakas ng pagkabog nito. When I lift up my face to check the person who called my name, I didn't have the chance to utter some words but instead I ran into him and hug him tightly without caring about anything.

Tears keep rushing into my eyes for a few seconds we're both in that state. He's hugging me tightly and patted my back gently when he saw me crying.

"Sshhhh... Don't cry," sambit niya habang pinupunasan ang mga luha sa mata ko.

"Oh. Can I ask why you're here?" biglang tanong niya sa akin na ikinakunot ng noo. Why the hell did you even ask? It's pretty obvious. This guy's really insane...

"Why are you even asking? Sir Dominic told me you're going to South Korea tonight," nahihiyang paliwanag ko sa kaniya. 

"Si Dominic?" marahan itong napakamot sa batok niya habang pilit niyang pinipigilan ang mga ngiting sumisilay sa tabi ng labi nito. 

"Well the truth is, nandito ako kasi hinatid ko si Tita Celine which is his mom. Pabalik na siya ng Seoul after staying with them for a week. That's why I didn't bring anything and I'm sorry I forgot my phone in the car. I was going to catch up with you guys on the resto but it's not necessary because you're already here," pagpapaliwanag ni Sir Ren kaya pinipigilan kong huwag ipahalata ang totoong nararamdaman ko.

"I was tricked by him? Magpinsan nga kayo," 

"How did you know?" curious na tanong sa akin ni Sir Ren.

"Because he told me," pagkasabi ko ay tumalikod na ako at nag umpisang humakbang palayo kay Sir Ren.

"W-wait, Clyde!" tawag niya sa akin. Hinawakan niya ako sa braso at iniharap sa kanya.

"Let's go somewhere else," pagkasabi niya ay hinawakan niya ako sa kamay at sabay kaming tumakbo palabas ng airport. Walang mapagsidlan ang sayang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon habang magkasama kami.

Pagkasakay namin sa kotse niya ay lumapit siya sa akin kaya mariin akong napapikit. I thought he's going to kiss me but to my surprise, he pinched my nose and put a seatbelt on mine. For a second, uminit naman ang mukha ko dahil sa nahihiya ako.

"S-saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Malalaman mo rin mamaya. I'm  going to show you something," nakangiting tugon niya sa akin. Nanlamig ang mga kamay at paa ko dahil sa pinaghalong kaba at excitement.

"W-What?" singhal ko sa kanya ngunit ngumiti lang siya.

I was caught looking at him when he was driving kaya naman nataranta akong umiwas ng tingin.

Around fifteen minutes, we stopped on a house with big doors. The doors automatically opened when it sensed that there is a car in front of it.

Pagpasok namin sa gate ay nagdrive pa kami papasok sa loob bago makarating sa mismong bahay dahil sa lawak ng garden nito. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse at pagpasok namin sa loob ng bahay ay muli siyang nagsalita, 

"Akala ko hindi na kita makikita, but fate already drew a line to make us cross our paths again," he told me as he walked towards me.

"To be honest, I was really leaving the country anytime this week. But, I can't without telling you everything," the more he's being near the faster my heart feels.

"W-what do you mean?" nauutal kong tanong sa kaniya. Pagkatapos ay iniabot niya sa akin ang isang larawan. Halata sa larawan na luma na ito ngunit maayos pa ang hitsura nito. Nang makita ko iyon ay halos hindi ko maigalaw ang buong katawan ko dahil sa sobrang pagkabigla.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top