Chapter 7: Stop Confusing Me
Clyde Simon's POV
Simon.... Simon....
Hmm..
Simon...
You can kiss me if you want to...
No, I won't. Not until you're in the right age... 19? 20?
Simon... Simon!!!!
No.. Aaaahhhhhh!!!!!
Nagising ako sa sakit ng panga ko dahilan ng paraan ng paggising sa akin ni Bea.
"Bakit mo ko pinaghahampas?" tanong ko sa kanya habang hinihimas himas ang namumula kong mukha.
"Bakit kasi sigaw ka ng sigaw? Binabangungot ka ba?" tanong ni Bea. Marahan akong tumango at nanlaki naman ang mga mata niya dahil sa sinabi ko.
"Talaga? Kaya dapat nga tumayo ka na jan at maligo ka na para marefresh yang utak mo lasenggero ka kasi," pabulyaw na tugon sa akin ni Bea. Ako? Nalasing ako? So hindi ba panaginip lahat ng nangyari?
Tiningnan ko ang buong katawan ko pero yun pa rin ang suot ko simula ng matapos namin kahapon ang exam. Ibig sabihin, nakatulog lang ako agad kasi pagod ako. Wala akong maalala na ginawa ko kagabi pero grabe yung panaginip ko parang totoo. Hinila pababa ni Bea ang kumot na nakatakip sa ibabang bahagi ng katawan ko at hinila ang dalawa paa ko dahilan ng pagkahulog ko sa higaan.
"Maligo ka na Clyde ang sangsang na ng amoy mo!" sambit ni Bea sabay labas ng kwarto at padabog na sinarado ito. Tumayo naman ako at napakamot sa ulo dahilan sa wala talaga akong matandaan na nangyari pagkatapos namin kumain sa resto. Para akong nagkaroon ng amnesia at pilit na inaalala ang mga huling yugto ng buhay ko . Sumakit na ang ulo ko kakaisip kaya naman dumiretso na lang ako sa cr para maligo. Binuksan ko ang shower at tahimik na naligo ng mahagip ng mata ko ang isang pamilyar na bagay na hindi ko pagmamay-ari.
Nang kunin ko iyon ay nakita kong ito'y isang sky blue na polo na kagaya ng suot ni Sir Ren kahapon. Nasisigaw ako habang itinapis ko ang tuwalya sa ibabang bahagi ng katawan ko at tumakbo palabas ng cr. Paglabas ko ng kwarto ay agad kong kinompronta si Tita Nel, "Tita, bakit nasa cr ko 'to?" tanong ko sa kanya habang binuklat ang polo ni Sir Ren sa harapan niya.
"Nakalimutan ko nga pala yan kagabi," sambit ng isang pamilyar na boses nanggaling sa kusina. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon. Shit. Anong ginagawa niya rito? Napatakbo ako pabalik sa kwarto at naglock ng pinto. Ano bang nangyayari?
Si Sir Ren ba talaga iyon? That means, nakita niya akong nakatapis lang ng tuwalya, basa ang katawan at may shampoo pa sa buhok? Jusko, nakakahiya. At ano daw? Naiwan daw niya kagabi? Ano bang nagawa ko kagabi? Grabeng kahihiyan na talaga ang dinadala ko sa sarili ko. Hindi ko siya kayang harapin na magulo ang utak ko.
Bumalik ako sa cr at itinuloy ang paliligo ko. Wala na talaga akong mukhang maihaharap sa kanya. Naiiyak na lang ako sa mga pinaggagagawa ko. Huhu. Nakapagbihis na ako ngunit wala pa rin talaga sa loob kong lumabas ng kwarto baka kasi nandoon pa si Sir Ren sa may kusina.
"Clyde, kakain na," pangangatok ni Bea sa pintuan ng cr. Teka? Nilock ko yung pinto ng kwarto ah.
"Hoy babae, alam mo bang trespassing yang ginagawa mo? Paano mo nabuksan yung pinto ng kwarto ko?" tanong ko sa kanya mula sa loob ng cr.
"If there's a will, there's a way kaya tama na ang pag iinarte at lumabas ka na diyan!" pabulyaw na tugon ni Bea pero nagmatigas pa rin ako.
"Hindi ako aalis hangga't nandiyan siya!" muli kong pagsigaw mula sa loob ng cr.
"Ano ka ba kahit hindi ka lumabas diyan ngayon, makikita mo pa rin siya sa school at wala ka ng magagawa doon. Unless, ayaw mong gumraduate," pagpapaliwanag ni Bea.
"Ah basta! Wala akong pakialam! Dito lang ako!" mariin kong tugon sa kanya.
"Okay bahala ka, sige na. Aalis na ako. May date pa kasi kami ni Roy mamaya kailangan ko na rin maligo," sa sinabing iyon ni Bea ay bigla akong napalabas ng kubeta.
"Anong sabi mo? May date kayo ni Roy? Eh di ba...." pagtatakang tanong ko sa kanya.
"Mahabang kwento pero mabuti ng siya na mismo ang magsabi sayo," pagkasabi na yun ni Bea ay biglang pumasok si Sir Ren sa loob ng kwarto ko at biglang tumakbo palabas si Bea.
"Uh- ano po palang ginagawa niyo dito sir?" kinakabahang tanong ko kay Sir Ren. Umupo siya sa higaan ko at napabuntong hininga.
"I was the one who gave you the iced-coffee on the first day of the exam. Hindi si Roy. He just pretended because I told him to," pag amin niya sa akin.
"What? So all this time, pinagloloko niyo lang pala ako? Pati si Bea kinasabwat mo? Para saan?" sunod sunod kong tanong kay Sir Ren dahil hindi ko makita ang motibo niya kung bakit sila nagkasundong gawin sa akin iyon.
"I'm sorry... I didn't mean to do that. Do you remember what happened last night?" pagtatanong niya sa akin.
"I can't remember anything! And kung ano man yun, I honestly doesn't give a shit. I don't know what's going on in your mind dahil ang lakas mong mantrip! All this time, you always makes me anxious.
Nakoconfuse ako kung ano ba talaga nangyayari sa akin everytime na nandyan ka. I don't know what to do or what to say.
"Well, if this is also a part of your plan. Congratulations! You've succeeded. Now leave!" pabulyaw kong sambit sa
kanya habang pinagbuksan ko siya ng pinto at itinurong lumabas. Walang imik si Sir Ren na lumabas ng kwarto ko. Sinara ko kaagad ang pinto at nilock ito.
Simula ng araw na iyon, hindi ko na kinakausap si Bea. Hinayaan lang ako ni Tita Nel sa gusto ko. Hindi siya nagtanong kung bakit. Kumakain kami ng sabay pero hindi namin napag uusapan ang tungkol kina Sir Ren.
Hanggang sa pagpapractice namin sa graduation hindi kami nagpapansinan. Minsan, nakita ko silang magkasama ni Ms. Quintana. I just ignored them and keep on walking at the corridor.
Tight rin ang schedule ng mga teachers as well us, the students. One week na ang lumipas and today is our last day in school. Tomorrow is the day ng tuluyan naming paglisan sa St. Martha. Lumakad papalapit sa akin si Roy at nagsalita, "Clyde, I'm sorry for everything. Sir Ren has his own reasons why he did that. He's just waiting for the right time to tell you. It's not our intention to hurt you so I'm standing here in front of you to personally apologize to what we've done," sabi niya at mapait na ngumiti sabay tumalikod. Nang tawagin ko siya ay muli siyang lumingon mula sa kinatatayuan ko.
"Take care of Bea. Don't try to hurt her or else-"
"I won't, I love her since day 1," pagputol ni Roy sa sinabi ko sabay ngumiti ito at lumakad na palayo. Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko yun mula sa kanya. Bea doesn't have anyone aside from Tito Bobby and me with Tita Nel. But now, she has her own Roy who will treat her as a princess just like Tito Bobby did.
Dumating na nga ang araw na pinakahihintay naming lahat. Soon, we are going to close our doors in our high school life and will open the other one for another journey in college. Mamimiss ko ng sobra ang school na ito dahil dito marami akong napatunayan sa sarili ko. I learned to value ones life and treasure those people who truly loves and cares for you. Dumating na sa venue ang karamihan sa mga kaklase ko, sa klase ni Ms. Quintana at sa iba pang natitirang section. I keep on checking the time dahil wala pa rin si Tita Nel. I've decided na pumunta muna ng classroom para magpalipas oras habang wala pa siya.
Pagpasok ko ay may nakita akong kapirasong papel na nakapatong sa ibabaw ng desk ko. Nang buksan ko iyon ay may nakasulat dito at marahan ko iyong binasa "Kyotodel Resto pagkatapos ng graduation,"
Ito yung resto na pinuntahan namin pagkatapos nung final exam. Napatigil ako ng sumagi sa isip ko na pakulo ito ni Sir Ren para surpresahin kami lahat after ng graduation ceremony. I took a deep breathe when I remembered him. Muli kong itinupi iyon at isinilid ang kapirasong papel sa bulsa ko.
Tumungo na ako sa venue hall ng matanaw ko si Tita Nel kasama si Tito Bobby at si Bea sa may pwesto ng section namin.
"C-clyde... I'm sorry-" salubong sa akin ni Bea nung makita niya akong nakatayo sa tabi ni Tita Nel. Ngumiti lang ako sa kanya bilang paalala na hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa kanya. Napangiti rin si Bea ng mga sandaling iyon ng may biglang magsalita sa microphone.
"In a few minutes, magsisimula na po tayo sa ating program. Kindly occupied the designated chairs my dear students and parents," sambit ni Ms. Quintana sa microphone. Tumabi naman si Tita Nel sa tabi ko at pumunta na si Bea sa pwesto niya kasama ang papa niya, si Tito Bobby. Nagsimula ang ceremony sa pamamagitan ng prayer followed by the National Anthem. Mga speech ng limang teachers sa Grade 12 including Sir Ren.
Section 1 kami pero nahuli si Sir Ren ng pagsasalita dahil mukhang may pinuntahan ito at kararating lang dahil halata naman dito ang pagmamadali.
"I'm sorry for being late, my apologies. Unang una maraming salamat sa mga estudyante ko na hindi ako tinuring na iba sa mga naging teacher nila. Although, saglit na panahon lang tayo nagkasama hinding hindi ko malilimutan lahat ng masasayang alaala na itinatak niyo sa puso ko," pagsasalita ni Sir Ren. Kasabay ng pagtahimik ng buong paligid at makikita sa tabi ko ang mga pagluha ng buong klase ng Grade 12-Westley na hinawakan ni Sir Ren ng saglit na panahon.
"Lagi kong sinasabi sa inyo na I know I'm not enough for you guys but I will entirely do my best para maibahagi ko sa inyo ang mga lessons na ginawa ko kahit hindi ako kasinggaling ni Dominic which is frankly speaking, he's standing right now together with us," pagpapatuloy ni Sir Ren sabay turo kay Sir Dominic sa likuran namin. Nagsilingunan at nagpalakpakan ang buong mag aaral ng makita namin si Sir Dominic sa likuran namin habang nakangiti ito at sumaludo kay Sir Ren.
"But the truth is... You've change me guys a lot. For the short time we've spent together, ipinaalala niyo sa akin ang worth ko as a person and as your second parent in this school. And I would like to take this opportunity to thank my dearest co-teachers and our school principal Mrs. Silva for guiding me throughout my journey in this school. To all my dear students as I speak in front of you now, gaya ninyo guys, I've decided to walk on our family's path because I already fulfilled my own dreams by teaching here. After this ceremony, I voluntarily step down as a Grade-12 Adviser. Isang bagay lang ang ieencourage ko kayo and that is you need to follow what's in your heart. You need to listen to it. Kung saan ka sasaya ay there's nothing wrong to pursue it. It feels so good if you're being flowed by courage than being fed up with regrets. To all the graduates, congratulations." nagpalakpakan ang buong mag aaral pagkatapos ng speech ni Sir Ren. Ang iba naman ay nagtataka sa biglaang announcement niya about sa pagtigil nito sa pagtuturo.
Sumunod na ang awarding of honors at mga subject awardees. After nun ay ang valedictorian speech na kung saan ay inihanda ko na ang sarili ko at humakbang na ako paakyat ng stage. Wala akong dala na kahit anong kodigo or nagmemorize dahil gusto kong magmula lahat sa puso ang mga sasabihin ko.
"Good morning to all my fellow classmates, schoolmates, parents and to our dear teachers na hindi nagsasawang gabayan kami sa lahat ng bagay kahit sobrang kulit na namin," sambit ko habang nagsitawanan naman ang buong Grade 12.
"To our principal Mrs. Silva, you've been a huge part in our lives from this very moment we're standing right in front of you. Thank you for being a greatest mom sa aming lahat dito sa St. Martha. To Ms. Quintana, sa lahat ng mga nagawa at nasabi kong hindi maganda buong puso po akong humihingi ng paumanhin. You are loved and deserve to be respected because you're one of a kind teacher I've ever met. We may argue sometimes but I can't hide the fact that I truly adore you as one of the best teachers of St. Martha. Maraming salamat po sa lahat ng alaala kasama ka. Habang buhay pong nakatatak sa mga puso namin ang kagandahan mo," baling ko kay Ms. Quintana habang sinasabi ko sa kanya lahat ng nararamdaman ko. Napaiyak naman siya dahil sa mga sinabi ko pero this time it's a real tears of joy.
Natapos ang pagsasalita ko ng magsalita si Ms. Quintana, "Pinapatawad na kita Clyde," marahang napatawa naman ang mga kaklase ko at mga magulang sa sinabi ni Ms. Quintana. Niyakap niya ako ng mahigpit and she patted my back gently.
Pagbaba ko ng stage ay napadaan ako sa tabi ni Sir Ren. Nakatingin lang ito sa akin with that same emotionless face of him. Pinipilit kong maging okay nung mga sandaling yun pero sadyang nagtatalo ang puso't isip ko. Dali-dali akong pumunta sa upuan ko dahil pakiramdam ko ay hindi ako makahinga dahil sa pagsunod niya ng tingin sa akin habang nasa stage ako hanggang sa makarating ako sa kinauupuan ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top