Chapter 6: From That Day 17 Years Ago
Ngumisi ito na animo’y wala sa sarili kaya dahan dahan akong tumayo mula sa pagkakasubsob sa kaniya. Mabilis naman niyang ipinulupot ang mga kamay niya sa leeg ko kaya lalo akong hindi makawala sa mga bisig niya. I love that feeling when I’m near him. I can feel his skin touches mine. But I need to wake up from this and I need to properly confess before I do anything with a permission of him.
“Simon, I need to go to the bathroom,” sambit ko sa kanya na may halong paglalambing.
“Uh hmm...” tugon lang niya sabay yakap sa akin ng mahigpit.
“I wanted to kiss you so bad I might not control myself right now. So please... Don’t punish me like this,” pagmamakaawa ko sa kanya.
“You can kiss me if you want to,” nagulat ako sa sinabi ni Clyde pero mas nanaig sa akin ang respeto at pagmamahal ko sa kanya. Kahit gustuhin ko man, atleast he’s in his right state of mind.
“No, I won’t. Not until you’re in the right age, maybe... 19 or 20?” tugon ko sa kanya habang nakayakap pa rin siya sa akin.
Hinaplos haplos ko ang buhok niya hanggang makatulog siya at kusang bumitaw ang mga kamay niya sa leeg ko. Inayos ko ang pagkakalagay ng kumot sa kanya at nagtungo na sa palikuran.
I took a shower on the bathroom inside his room. Luckily, I bought an extra short in case emergency happens and that’s what I’m talking about. Pagkalabas ko ay sinilip ko si Clyde at mahimbing pa rin itong natutulog. Lumabas na muna ako ng kwarto niya ng maabutan ko si Tita Nel na naghahanda na ng hapunan.
“Kain na tayo,” sambit ni Tita Nel kaya naman umupo na ako agad. Sino ba naman ang makakatanggi sa ganitong pagkain na ihahain sayo. May adobo, fried eggs, ginisang gulay at mainit na kanin ang nakahain. Matagal na rin kasi simula ng makakain ako ng lutong bahay dahil puro inoorder ang mga kinakain ko.
“Salamat po sa pagkain,” sambit ko at nakakain ako ng maayos ng gabing iyon. Pagkatapos namin kumain, tinulungan ko magligpit si Tita Nel ng pinagkainan. Pagpunta ko sa lababo ay ayaw niyang ipahawak sa akin ang mga hugasin.
“Magpahinga kana muna, ako na ang bahala dito iho,” sambit niya kaya naglakad lakad na muna ako sa may bandang sala. Nakita ko ang mga baby pictures ni Clyde na nakaframe sa ibabaw ng drawer.
Isa-isa ko itong tiningnan at napangiti ako ng makita ko ang isang picture na may pamilyar na mukha. Kinuha ko iyon at tiningnan ng mabuti. Makikita sa larawan ang isang lalaki at babaeng karga-karga ang isang baby at nasa tabi nito ay batang lalaki na mga nasa sampung taong gulang. Iniisip ko kung bakit parang pamilyar sa akin ang mga tagpong iyon.
“Yan ang mga parents ni Clyde,” sambit ni Tita Nel na hindi ko namalayang nasa likod ko na pala.
“P-pasensya na po pinakialaman ko,” paghingi ko ng paumanhin at muling inilapag ang picture frame sa pinagkuhaan ko nito. Ngumiti lang si Tita Nel at muling nagsalita, “Mag-iisang taon pa lang si Clyde ng mga panahong iyan. Nagbakasyon kaming mag-anak sa Jeju Island sa South Korea.
Tandang-tanda ko pa, ako ang kumuha ng larawang iyan,” pagkukwento ni Tita Nel habang nakangiting tinititigan niya ang larawan.
“N-nasaan na po sila ngayon?” pagkatanong ko non ay mapait na ngiti ang isinukli ni Tita Nel kung kaya naman humingi ako ng paumanhin dahil sa pag uusisa ko.
“Nung kinuha ang larawan na ito ay kinagabihan ang schedule ng flight namin pabalik ng Maynila. Pinauna kami ni ate umuwi sa hotel na tinutuluyan namin. Kasama ko si Simon ng mga oras na iyon ng mangyari ang hindi namin inaasahan.
Naaksidente ang sinasakyan nila ate nung pabalik na sila sa kinaroroonan namin. Nawalan ng preno ang kotse na minamaneho ni kuya at bumangga sila sa poste. Dead on arrival sila pareho ng dalhin sa ospital. Simula noon, ako na ang nag alaga kay Clyde.
Iniuwi ko siya mag isa pabalik sa Pilipinas at namuhay kaming dalawa na magkasama. Sobrang hirap kasi nag first birthday siya na ako lang ang nasa tabi niya,” pagkukwento ni Tita Nel sa mga nangyari.
Hindi ko maiwasan na pumatak ang luha kong kanina ko pa pilit na pinipigilan.
“Sobrang hirap lalo na nung lumalaki na siya at naghahanap ng magulang. Ang laki ng pasasalamat ko dahil nasabi ko lahat sa kanya nung nagtapos siya ng Grade 6.
Naiintindihan niya lahat at sa awa ng Diyos ay napalaki ko siya ng maayos. Kaya Sir Ren, sobrang pasasalamat ko na itong darating na linggo gagraduate na si Clyde. Maraming salamat sa paggagabay mo sa kaniya kahit sa maiksing panahon,” pagpapaliwanag ni Tita Nel. Ngumiti naman ako sa kaniya at nagsalita,
“Huwag po kayong mag alala. Responsable at matalinong bata si Clyde kaya sigurado po akong mapagtatagumpayan niya ang mga pangarap niya sa buhay,” tugon ko kay Tita Nel.
Bigla naman siyang bumaling sa batang nasa picture. “Sa pagkakaalala ko, nawawala ang batang ito nung makita namin siya. Kaya kinuhaan ko sila ng litrato dahil ito yung time na nahanap na namin at isasauli na namin siya sa mga magulang niya. Actually, naikwento ko na rin yan Clyde.
Matagal na niyang hinahanap yan pero hanggang ngayon hindi pa rin namin siya makita. Sabi ko kay Clyde, dapat sa South Korea ka maghanap kasi hindi mo talaga siya makikita sa Pilipinas,” pagpapaliwanag ni Tita Nel habang nakangiti ito.
“Pero bakit parang may punit po yung gilid ng picture?” pag uusisa ko.
“Ah eto ba? Dalawang copy kasi yan na magkadikit. Ibinigay ni kuya ang copy niyan sa bata. Wala kasi silang gunting na ginamit at pinilas lang ito para mapaghiwalay kaya hindi tuwid ang pagkakahati diyan,” tugon ni Tita Nel habang tinuturo ang pinagpilasan ng isang copy ng picture.
Sumagi sa isip ko ang kwento na sinabi sa akin ni Dominic kaya nagmadali akong umuwi para itanong sa kaniya iyon. Nagpaalam na muna ako kay Tita Nel na may aasikasuhin lang ako at muli siyang nagpasalamat sa akin.
Humarurot ako papunta sa bahay nila Dominic. Naabutan kong kumakain sila ng fiancé niyang si Cherry kaya inalok ako ng mga ito. Tumanggi ako dahil kakakain ko lang naman. Umupo ako sa harap ni Dominic at nagtanong,
“Hyung, totoo ba talaga yung sinasabi mo sa akin na nawala ako nung bata pa ako?”
“Ano ka ba naman Ren syempre naman totoo yon. Kaya nga simula noon di ba hindi ka na pinapayagan umalis mag-isa kasi naligaw ka na nga noon. Sa pagkakatanda ko eh 14 years old na ako non. Nasa Jeju Island tayo noon for vacation, paglingon namin ni Tita wala ka na sa tabi namin kasi maraming tourists that time,” pagkukwento ni Dominic.
“So, anong nangyari? Paano ako nakabalik sa inyo?” desperado kong pag uusisa sa kanya. Kailangan ko munang kumpirmahin ang lahat bago mag jump out sa mga conclusions ko.
“Sandali... Hindi ko matandaan eh ang tagal na kasi nun 32 years old na ako ngayon,” tugon ni Dominic habang napapakamot sa ulo nito sa pag iisip.
“May picture ba tayo nung time na yan? Check mo nga sa mga photo albums diyan,” natatarantang sambit ko sa kaniya.
“Saglit... Kumalma ka nga. Ano ba nangyayari at nag uungkatan tayo ng nakaraan dito?” pagtatakang tanong ni Dominic. Agad ko namang kinuha ang cellphone ko at ipinakita ang larawan na kinuhanan ko ng picture kanina. Kumukunot ang noo na tinitigan ito ni Dominic at muling nagsalita, “Ikaw yan di ba? Saan mo nakuha yan?” gulat na mga tanong niya.
“Dalawang copy daw yan at nasa bata yung isa kaya sigurado akong nandito yan sayo,” pagpapaliwanag ko kay Dominic. Dito kasi ako tumira dati simula ng magpunta ako dito sa Pilipinas pero ng magbukod na ako ng bahay ay sila na ni Cherry ang tumira dito.
“Hanapin mo sa kwarto mo baka nandoon,” sabi niya sabay turo ng dati kong kwarto sa bahay na iyon.
“Nandito pa pala yung kwarto ko?” tanong ko kay Dominic at napakamot lang ito sa ulo.
“Paano ba naman ayaw ipagalaw ng kuya mo kasi pagmamay-ari mo daw yan at ang mga memories niyo,” natatawang kuwento ni Cherry. Tiningnan ko ng may halong pang aasar si Dominic.
“Hyung... Hindi ko alam na may sentimental side ka pala,” pang aasar ko sa kanya at niyakap siya mula sa likuran.
“Syempre, paano ba naman. Simula ng gumraduate ka hindi kana bumibisita dito. Ngayon mo nga lang naisipan pumunta ulit,” pagtatampong tugon ni Dominic.
“Ganun ba. Sige every week bibisita ako dito after ng graduation ceremony. Pumunta ka okay para makita ka ng mga dati mong estudyante,” sabi ko sa kanya sabay takbo sa dati kong kwarto. Kahit matagal na akong hindi nakakapunta rito ay malinis ang kwarto na dati kong ginagamit. Walang bahid ng dumi at nakaorganize pa rin ang mga gamit.
Halatang alaga ito sa linis ni Dominic. Hinanap ko ang mga photo albums namin at isa isa kong tiningnan ang mga ito pero wala yung picture na hinahanap ko. Sa pagkakalkal ko ng mga gamit ay biglang may nahulog na kahon sa gilid ng cabinet. Bumukas ito dahil sa pagbagsak at kumalat ang laman ng kahon na iyon. Kasama sa loob noon ang picture na hinahanap ko at may punit rin ito sa gilid. Halos magtatalon ako sa tuwa ng makumpirma ko iyon.
Tumakbo ako palabas at niyakap ng mahigpit si Dominic. “Hyung... Hyung! Nahanap na niya ako hahaha,” iyak-tawa kong sambit kay Dominic sabay abot ng picture na nahanap ko.
“Did you mean nahanap mo na silang mag-asawa?” pag uusisa ni Dominic. Tumango naman ako at muling yumakap sa kanya.
“Congrats bro, I’m happy for you,” sambit ni Dominic habang kumalas ng yakap sa akin at tinapik ako sa magkabilang balikat. Tears keep rushing down on my cheeks. I guess this is tears of joy.
*Hyung - a word used by Korean males to address another male older than them who they are close to. Hyung literally means “older brother”.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top