Chapter 5: An Unexpected Confession

"Hoyyy!"

"Clyde!" sigawan ng mga kaklase ko matapos nila akong subukang pigilan na wag ituloy ang pag inom ng alak na hawak ko pero wala silang nagawa dahil binottoms up ko lahat ng laman ng baso.

"I-ikaw pala haha," sambit ko pagkatapos ko mainom lahat ng yun. Gumuhit ang mainit na likido sa lalamunan ko at mabilis na gumapang sa buong katawan ko. Nakaramdam agad ako ng konting pagkahilo pero sa akin ang mga pangyayari ng mga oras na iyon.

"Roy? Omggg..." pagkagulantang ni Bea.

"Well... Uhm- kasi..." bago pa man makapagsalita si Roy ay nagsalita naman si Sir Ren.

"Let's wrapped this up, it's 5:30 pm already. Stand up, ayusin niyo na ang mga gamit niyo. We need to go home and refresh our minds from this long, long weekdays we've been through. It's Saturday tomorrow so rest well in your place and prepare yourselves para sa magiging practice natin sa Monday para sa graduation day," sambit ni Sir Ren kaya kanya kanyang nagsitayuan ang mga kaklase ko. Tumayo na rin ako pero lumapit si Sir at kinausap ako. 

"Stay here. We need to talk," 

"About the monthly report," dagdag ni Sir Ren ng magpaalam isa isa ang mga kaklase ko.

Bumalik ako sa pagkakaupo ko ng lumapit si Bea. 

"Clyde, mauuna na ako ha. Nagtext kasi si daddy. May dadaanan pa ako. Okay lang?" sambit ni Bea. 

"Okay sige na, uuwi na rin ako maya maya," tugon ko kay Bea.

"Sir, ikaw na bahala kay Clyde," baling niya kay Sir Ren. Pagkaalis nilang lahat ay nagkaharap na kami ni Sir Ren. Lahat ng itinatago kong dignidad ay nailabas ko. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng kakapalan ng mukha. Marahil, resulta ito ng nainom ko kanina.

"Let's play a game. I will ask a question kapag hindi mo nasagot, just drink this," paghahamon ko kay Sir Ren.

"Stop this Clyde, halos maubos mo na yan," pagpipigil sa akin ni Sir habang inaagaw ang bote ng alak na hawak ko.

"Nagdedate ba kayo? I'm referring to Ms. Quintana," 

Kinapalan ko na ang mukha ko dahil gusto ko makarinig ng sagot mula sa kanya. Lumakas din ang loob ko dahil na rin siguro sa nainom ko. Ininom niya ang nilagay ko sa isang shot glass. Napangisi naman ako dahil sa ginawa niyang iyon.

"Do you want to marry her?" I asked after I poured a drink on the shot glass. He surprisingly drank it immediately. 

"Do you want to build a family with her?" I asked again after pouring a drink.

"Stop it Simon!" bulyaw niya sa akin sabay hawak sa braso ko.

"Did you just call me with my second name? Ikaw lang ang gumawa sa akin niyan but I won't complain. W-w-wait do I like you?" tanong ko sa kanya habang nakatitig sa mukha niya. Hindi ko alam kung bakit hindi ko macontrol ang mga kinikilos ko pero bigla akong natawa dahil sa mga pinaggagagawa ko.

"Hell yes!" sagot ko sa sariling tanong ko sa kanya sabay inom ng alak na nasa shot glass at pagkatapos nun ay dumilim na ang paligid ko.

Ren's POV

After hearing what he said, bigla na lang tumulo ang luha ko without realizing it. I felt relieved knowing I am loved by the person I loved. I know it's hard to believe but yes I'm head over heels inlove with this guy ever since the day I first saw him.

Flashback

"Joong, pwede ba humingi ng pabor sayo?" tanong ng nakatatanda kong pinsan but we're like real brothers dahil siya ang umaalalay sa akin simula ng mag aral ako sa high school at magkasama sa lahat ng bagay not until we've grown up as an adult. My name is Song Jeong Heon but when I live here in the Philippines I've decided to adapt an English name which is Ren Alejandro. He's my cousin, Dominic Buenavista Song. His mom is a Filipina and they're the ones taking care of me ever since I moved here in the Philippines when I was in high school. He's already 32 while ako naman is turning 28 this year.

"Bakit? Ano na naman bang problema ang ginawa mo?" sarkastikong tugon ko sa kanya.

"Grabe ka naman, sige na alis muna ako," sabi nito habang nakatingin sa akin. Winawagayway ko ang kaliwang kamay ko na animo'y itinataboy ko siya. Lumakad naman ito palabas ng silid ko at nagpatuloy ako sa ginagawa ko. Maya maya lang ay nakatanggap ako ng email. Nang buksan ko ito ay nakita kong naglalaman ito ng mga terms and conditions as well as guidelines para sa school kung saan pwede ako magturo. Nanlaki ang mga mata ko ng mabasa ko iyon habang unti unting kumawala sa labi ko ang mga ngiting pilit kong pinipigilan. Tinitigan kong mabuti ang laptop at inulit ulit na binasa ito to make sure na hindi ako nagkakamali. Finally, this is going to be a dream come true for me. I graduated Bachelor of Secondary Education in one of the top universities here in the Philippines and also got a teaching license. But I've never been tried to teach from one of the schools here.

 After I successfully claimed my degree, I went to South Korea to teach on a secondary class and never have given a chance to share my knowledge sa lugar kung saan ako nagsimulang nangarap. I came back a year ago but unfortunately I only did tutoring online because of my tight schedule and this is the first time I am going to teach in front of a whole class here. I'm excited and a little bit nervous. This is their last quarter so in two weeks they are preparing for their final exam. This is a little bit complicated but I think I can handle them. I pursued this path because I wanted to. I continued it even my family was not approved of it because it's not in their cup of tea. I'm a korean but I grew up here in the Philippines at simula noon ay niyakap ko na ang kulturang pinoy. 

Suddenly, nag ring ang cellphone ko kaya naman inabot ko ito at tiningnan kung sino ang tumatawag. It's my cousin whom I talking earlier. 

"Surprise! I need to take care of some things with Cherry so it may take a while. You'll teach to St. Martha until the school year ends. Thank me later," sabi nito sabay baba ng phone. Napangisi naman ako sa tinuring niya. Why not? Kahit sa saglit na panahon man lang maranasan ko makapagturo dito sa Pilipinas bago pa man ako ma appoint as the CEO of our own company and fly back to Korea. Our family holds one of the largest company in South Korea and have a subsidiary company here in the Philippines. The Ashton Liberty Co. Ltd. is one of our company here in the Philippines where we sell cars and stuff. The other one in South Korea is Ashton Global who holds a billion stocks worldwide. I am living a life that others are dreaming of. But I guess, iba talaga kapag yung pangarap mo mismo ang ipagpapatuloy mo. Kaya walang pag aalinlangan na tumawag agad ako sa head ng school to confirm my schedule and my own regulations. Kinabukasan, I visited the school to check the place at yung section na supposedly ay tuturuan ko. I saw him with my cousin, Dominic. His smile brought so much happiness in my heart. No words can express the feeling I felt inside. Is this what you called love at first sight?

The time I went to Tierra hotel together with Ms. Quintana because we're supposed to meet our co-teachers to held a welcoming celebration and also for the few weeks I need to spend in the department. Nung time na nakita ko sila ni Bea na magkasama, I thought they were dating because I believe what I've saw. I felt jealous that time so I drag him in the dark side of the cafe. I wanted to tell him everything but I'm controlling myself. I wanted to tell him that he shouldn't loved anyone pero mas pinili kong gawin ang tama. 

I'm a teacher  and he's my student kaya tinatago ko ang lahat dahil ayokong malagay sa alanganin ang paggraduate niya. I need to be professional at kailangan itago ko ang nararamdaman ko. Final quarter na at tapos na rin ang final exam. After the graduation ceremony, I'm going to confess. I can't wait until that day comes when I can freely hold him in my arms. Minsan, hindi ko mapigilan ang sarili kong lumapit sa kaniya and also because of too much jealousy kaya nagagawa ko ang mga bagay na yun simula ng unang araw ko sa school. I really hate it pag nakikita ko sila ni Bea na magkasama. I can see na there is something happening between them base sa saya nila tuwing magkasama sila. Pero ako? He always hates me, always avoiding me to the point na wala akong magawa to express what I truly felt at baka sakaling magbago ang pagtingin niya sa akin. But when I heard those words from him para akong nabunutan ng tinik sa dibdib.

Kinuha ko ang cellphone na nasa bag niya at agad na tinawagan si Bea. Sumagot naman ito sa pangatlong pagring, "Hello Clyde, nasaan ka na?" bungad na tanong nito.

"Bea, ako ito si Ren. Nandito pa kami sa resto pwede mo ba ibigay sa akin ang address ni Simon? Nakatulog na siya,"

"S-simon? O-okay sige po isesend ko sa inyo, wait lang uhm nasaan po si Clyde? Okay, wait itetext ko po sa inyo antayin ko kayo sa labas," natatarantang tugon ni Bea pagakatapos ay pinatay na nito ang tawag. Dahan dahan kong itinayo si Clyde at inalalayan papunta sa kotse kong nakaparada sa labas. Inayos ko siya ng pagkakaupo at sinuotan ng seat belt. Hinawi ko ang buhok na tumatakip sa mga mata niya. Sobrang saya ko ng mga sandaling iyon na dumating ako sa point na parang gusto kong isigaw lahat ng nararamdaman ko. Siya namang dating ng text message ni Bea, nilalaman nito ang address ng bahay ni Clyde. Dali dali akong nagtungo sa address na iyon.

Pagdating ko doon ay agad ko siyang nakita sa labas ng bahay. Biglang sumugod si Bea sa kotse at nagmamadaling pinabuksan ang pinto nito. Agad ko namang binuksan ang pinto ng kotse kung kaya't,

"Clyde! Clyde! Sabi ko naman sayo kanina wag mo ng inumin yun," mangiyak ngiyak na sabi nito. 

"Kailangan niya lang ng sapat na pahinga nalasing lang siya," pagpapaliwanag ko kay Bea pero ayaw pa rin tumigil nito at inuga uga pa si Clyde habang ginigising ito. Alam kong masamang pumatol sa bata pero, "Stop it! Stop shaking him! Can you please move aside para maihatid natin siya sa kwarto niya at makapaghinga," tiim bagang kong sambit kay Bea na siyang ikinatigil nito at napatingin sa akin. "Oh, I'm sorry, I didn't mean to raise my voice. It's just that, kailangan na kasi niyang magpahinga," pagpapaliwanag ko kay Bea. Marahan itong tumango at umalis na sa may pintuan ng kotse. 

Sinalubong naman ako ng isang babae  na nagpakilala bilang tita ni Clyde. "Jusko Clyde, anong nangyari sayo at naglasing ka," sambit ng tita niya.

Dahan dahan kong itinayo si Clyde mula sa pagkakaupo sa loob. Iniyakap ko ang dalawang kamay niya sa balikat ko para maalalayan ko siya paglabas ng kotse. Ngunit nangyari ang hindi inaasahan, sinukahan ako ni Clyde kung kaya naman binuhat ko na siya na gaya ng pang bagong kasal at ipinasok sa kwatro niya na itinuro ng tita niya. Nakangiti ito habang inilalapag ko siya ng dahan dahan sa higaan niya. Hindi ko rin naman mapigilang ngumiti ng makita ko si Clyde sa ganoong sitwasyon.

Pumasok naman ang tita niya at muling nagsalita, "Pasensya kana sir sa pang aabala nagawa ng pamangkin ko at sorry sa..." paghingi ng paumanhin ng tita ni Clyde pagkatapos nito ituro ang damit kong puro suka ni Clyde. 

"Okay lang po yun mam, magpapalit na lang ako," tugon ko sa tita ni Clyde. 

"Tawagin mo na lang akong tita, maiwan na muna kita diyan at maghahanda lang ako ng hapunan. Dito kana rin kumain,"

"S-sige po, thank you," tugon ko sa kanya. Paglabas nito ng kwarto ay dahan dahan kong hinubad ang suot niyang sapatos after that, I unbuttoned my polo one by one and take it off. Bigla namang hinila ni Clyde ang braso ko kung kaya't napasubsob ako sa dibdib niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top