Chapter 10: To Jeju Island

Clyde! Wake up! Malelate na tayo oh ano ka ba naman 10 am na," paggising sa akin ni Bea habang pilit ko pa ring hinahawi ang kumot sa mukha ko na kanina niya pa hinihila pababa.

"Babe! Can you wake him up? Nakakapagod na kasi sa true lang," sambit ulit ni Bea kaya namanting na naman ang tenga ko. Hays ang lalandi talaga! 

"No thanks, I'm already awake!" pasinghal na tugon ko kay Bea. Napapailing na lang sa aming dalawa si Roy habang bitbit nito ang maletang dala dala ni Bea.

"Hindi talaga kumpleto ang araw kapag hindi kayo nagbabangayan," nakatawang sabi ni Roy sa aming dalawa ni Bea.

"Kasi naman 'tong tao na to. He's always late! Lalo na sa mga importanteng pagkakataon!" asar na sabi ni Bea habang inaasar ko pa siya lalo sa pamamagitan ng pamemelat sa kanya.

"For example na lang nung final exam natin nung high school! Buti na lang pinalampas ni Sir Ren nung 2 minutes late tayo! Hmp," 

"Hey, stop it..." pabulong na sabi ni Roy kay Bea pero rinig na rinig ko pa rin ito. Bumalikwas ako ng tayo at dumiretso sa cr. Naligo na ako at pagkatapos ay lumabas ng cr para magbihis. Dinouble check ko ang mga gamit ko kung tama ba lahat ng nadala ko. 

"Pasok," marahan kong sambit ng makarinig ako ng pagkatok mula sa labas ng kwarto ko. Nang buksan nito ang pinto ay bumungad sa akin si Tita Nel. Ngumiti ito at muling nagsalita, "Are you ready?" tumango naman ako bilang pagtugon ko sa tinanong nito.

A week ago, I received a proposal from International Academy of Jeju, a school near in Jeju. They are looking for an English teacher who can teach in their respective school. As on the proposal letter, they'll accommodate all of my boarding expenses. They've provided a house which we can stay near the sea side.

I'm thankful to Ms. Quintana which is already a Mrs. Martinez who recently got married with her childhood bestfriend for recommending me to the school. We visited our alma mater were memories from the past slowly unfolded to me.

"Once again, thank you for giving me a chance to have this opportunity," tugon ko kay Mrs. Martinez aka Ms. Quintana. Niyakap ko siya ng mahigpit bago umalis sa St. Martha.

Lumabas na ako sa kwarto habang hila-hila ko ang maletang dala ko ng makita ko silang nag aantay na sa labas. Sumama sila Bea at Roy dahil gusto rin daw nilang magbakasyon for a week bago mag umpisa ang kanya kanyang trabaho nila sa opisina.

They've both graduated as a Software Engineer and will start working together in one of the biggest company dito sa Pilipinas. They have each other's back and going stronger with their upcoming five years in a relationship. Habang ako naman, I took a Bachelor Of Secondary Education and already had a TEFL Certificate to teach English in other countries.

When I told Tita Nel about the proposal, hindi na rin siya nagdalawang isip pang sumama dahil gusto niya raw bumawi kina mommy at daddy dahil matagal na siyang hindi nakakabisita sa kanila.

"Atleast, I can visit them everyday for a week dahil sobrang lapit na natin sa kanila," sambit ni Tita Nel habang halata rito ang sobra sobrang kasiyahang nadarama niya. Kaya hindi na ako nagdalawang isip pang tanggapin sa akin ang offer na yun.

"Uy Clyde! Let's go na. Dali excited na me," sambit ni Bea kaya naulian ako mula sa malalim na pag iisip. Iniabot naman ni Roy ang bagaheng dala ko at inilagay sa likod ng kotse ni Tito Bobby. 

"Mamimiss ka namin Clyde. Mag iingat ka palagi doon. Huwag mong kalilimutang tumawag sa amin," sambit ni Tito Bobby habang nagdadrive papuntang airport.

"Don't worry tito, babalitaan po kita palagi. Lagi po akong tatawag sa inyo," tugon ko kay Tito Bobby at ngumiti rito.

"Ang drama mo naman pa, kayang kaya yan ni Clyde di ba Tita Nel?" sabi ni Bea kay Tita Nel at tumango naman si tita, "Syempre naman, hindi ka rin pababayaan ni Ate Monica at Kuya Red doon. Lagi mo silang kasama dahil nandito sila," tugon ni Tita Nel habang tinuturo nito ang parte kung nasaan ang puso ko. 

"Syempre po tita. They are always with me. And besides pupunta lang po ako doon para magtrabaho. Pwede din kayo pumunta sa akin anytime you want," sabi ko sa kanila at ngumiti.

When we reached the airport, ay nagpaalam na ako kay Tito Bobby at nagpasalamat sa paghatid sa amin. Sakto at departure time na ng makarating kami sa airport kaya dire-diretso na kami sa loob. I was sleeping during the entire time we're on the plane.

Nang makarating kami sa Jeju International Airport, I was instructed na may susundo sa amin na one of the school's staff who will bring us to the said destination. 

Paglabas namin ng airport ay nahagilap agad ng mata ko ang lalaking nakatayo sa may arrival area at nakasulat sa papel na hawak nito ang "Coronel". Agad ko itong nilapitan at pinakita ang ID ko na nagpapatunay na ako ang inaantay niya.

"Are you Mr. Seung Min?" tumango siya sa akin bilang pagtugon at agad kinuha ang mga dala kong maleta. Sumunod naman kami sa kanya na siyang tumigil sa may harapan ng magandang kotseng nakaparada sa tabi. Pinagbuksan niya kami ng pintuan ng kotse kaya pinauna ko sina Bea, Roy at Tita Nel habang tinulungan ko si kuya mong Seung Min na ilagay ang mga bagahe sa likod. 

Pagsakay ko ay nagsalita si Bea, "Ang sosyal naman ng school niyo Clyde parang magsusundo lang ng VIP, nakatuxedo pa si kuya at ang gara ng car," sambit ni Bea kaya nagsalita si Roy.

"Well deserved naman ng ating teacher right Clyde?" pangagatong nito kaya napangiti na lang ako sa kanilang dalawa.

Pagkarating naman sa bahay ay halos mahulog ang panga ni Bea dahil hindi ito makapaniwala na yun ang bahay na pinrovide sa akin ng school. Well, it was a simple bungalow house but the design and interiors are surely pretty expensive. And as their promise, it was near on the seaside kaya nagpaalam agad sa akin ang dalawa na maglalakad lakad muna daw sila sa tabing-dagat at sumama na rin sa kanila si Tita Nel.

Agad naman akong sumalampak sa higaan pagkarating namin dala na siguro ng sobrang pagod ko dahil medyo nahihilo pa rin ako sa biyahe. Halos alas siyete na rin ng gabi ng makarating kami. Maya maya ay may nareceive akong email mula sa school na naglalaman ng terms at conditions as well as regulations about sa pagtuturo ko sa school nila.

Tumawag na rin ako to let them know na nakarating ako ng maayos sa Jeju and I will go to the school tomorrow para makita ko ang mga klaseng tuturuan ko. I will only teaching them English as it was my major subject. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa sobrang pagod.

Kinabukasan, pagkagising ko ay nag ayos na ako ng sarili ko at bumaba sa kwarto papuntang kusina. 

"Ohayogozaimasu!" bungad sa akin ni Bea kaya napakamot na lang ako sa ulo. Jusko kang babae ka, nasa South Korea tayo hindi sa Japan. 

"Nakatulog ka ba ng maayos sa Clyde? Hindi ka na namin ginising kagabi para makapagpahinga ka ng maayos mula sa biyahe," sambit ni Tita Nel habang iniaabot sa akin ang inihanda niyang almusal.

"Yes tita, thanks. I need to visit the school later after nun may one day akong rest day then proceed na ako to my regular schedule," pagpapaliwanag ko kay Tita Nel.

Pagkatapos kong magbreakfast, nagpaalam na ako kay Tita Nel na pupunta sa school. Plano ko sanang magcommute ng dumating naman bigla si Mr. Seung Min para ihatid niya daw ako sa school. He wasn't speaking English kaya mabuti na lang talaga I was influenced to learn Korean and their culture kaya naman I can speak, read and write Hangul kahit papaano. 

I went straight to the school principal and saw by the other teachers. They gave me the warmest welcome by handling me a box na nakabalot sa isang magandang lagayan. Binuksan ko iyon sa harapan nila and to my surprise it's an ID who only wore by teachers in that school. Nagpasalamat ako sa mainit na pagtanggap nila at sinamahan naman ako ng principal pumunta sa mga rooms na tuturuan ko.

"Good morning visitor," sambit ng mga estudyante sa akin. They greeted me in  English language because the principal told them that I'm going to be their English teacher.

After that I was told that I'm going to start the next day. Nagpaalam na muna ako sa principal pagkatapos ay dumiretso na ako pauwi na bahay. Nagulat ako ng makita ko sila Tita Nel sa labas ng school kaya dali-dali akong lumapit sa kanila. Si Roy ang nagdadrive ng kotse kung saan sila nakasakay.

"Sakay na Clyde!" sambit ni Roy.

"Let's explore the area! Bea in your area!" kanta naman ni Bea na ang tono ay maihahalintulad sa isa sa mga kanta ng sikat na Kpop group na Blackpink. Napangiti naman ako kay Tita Nel ng makita ko na bakas sa mukha niya kung gaano kahirap ang may kasamang baliw na kagaya ni Bea.

"Ipinagpaalam niyo ba ito kay Mr. Seung Min?" tanong ko kina Roy at Bea.

"Syempre naman, siya nga mismo nag abot ng susi bago pa man kami nagsabi,"

"Medyo nahirapan nga lang kami sa pakikipag usap sa kanya kasi hindi kami magkaintindihan. Buti na lang, dumating si Tita Nel. Napahanga mo talaga ako tita grabe," sambit ni Bea.

"Really tita? Hindi mo man lang sa akin sinabi na marunong ka pala mag Hangul," pagtatampong sabi ko kay Tita Nel.

"Like what I've said, we used to go here right? Kaya kahit lumipas ang panahon hindi ko pa rin iyon nakakalimutan. Nakatago lang ito sa puso ko at doon ko iniingatan," sabi ni tita. Halos matamaan naman ako sa malalim na katagang sinabi ni tita ng mga sandaling iyon.

We went to the places na nakalagay sa travel map namin. I'm so happy witnessing the inner beauty of this place especially the pretty lights of the Jeju when it's night.

I would like to see the night lights of Jeju together with you.

We should travel to Jeju Island together.

I love Jeju Island the most because that is where we've met for the first time.

Unti unting bumabalik sa akin lahat ng mga alaala nung gabing iyon. Sobrang bigat na ng pakiramdam ko kaya nagpaalam na ako kina Tita Nel na mauuna na akong bumalik sa bahay kasi may mga aasikasuhin pa akong papers.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay hindi ko na napigilan ang sarili ko at lumabas lahat ng nararamdaman ko. Ilang minuto akong umiiyak habang ramdam na ramdam ko lahat ng sakit na para bang kahapon lang nangyari ang lahat. Five years is a long time.

They said time heals all wounds but I guess it doesn't work for me. Dahil kahit anong gawin ko there is something missing. I was incomplete. Mom, dad please help me get through with this. Hindi ko namalayan na nakatulog na lang ako habang iniisip ko iyon. 

Kinabukasan, maghapon akong nasa kwarto dahil sabi ko sa kanila na aasikasuhin ko lang ang mga lessons ko para bukas.

"You can go out without me. Tatapusin ko lang po ito," sambit ko kina Tita Nel. 

"Okay, just call us if you need anything," tugon nito. Tumango ako bilang pagtugon at muling isinara ang pintuan ng kwarto. 

The day ended just like that. There's nothing more. I'm happy but inside, I wasn't and I don't know why. Even I, can't understand what's happening to me.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top