Chapter 6- Gone
Salazar
Hindi ko pinapansin ang phone na nagriring sa harapan ko. Nasa mga laboratory test, MRI at X-ray ni Elisha ang buong concentration ko. She is ready to be released at nagkakagulo ang media sa kanya. Bukod sa mabilis ang recovery niya, wala talagang mag-aakala na mabubuhay siya mula sa pagkakatalon niya sa building. Napagpasyahan namin na irelease si Elisha ngayong gabi. Kung kailan walang media sa labas. Kaya nakabantay kaming mga doctor ngayon sa kanya.
"Doc, phone call po. Si Ma'am Mira."
Napatingin ako sa secretary ko na nakasilip sa pintuan. Tinuro niya ang land line sa harapan ko na nagbi-blink ang led.
"Sige, thank you." I replied.
"See you tomorrow, Doc. Mauna na akong umuwi sa inyo." Iniwan ako ng secretary ko at na mag-isa sa office.
"Hello,"
"You forgot, didn't you?" Bungad ni Mira sa akin.
"Forgot what?"
"Our anniversary."
"Ngayon ba iyon?" Nagmamadali akong hinanap ang phone ko para makita ang date.
"Yesterday," sagot ni Mira. Napasandal ako sa upuan ko at ipinikit ang mga mata.
"I'm sorry, hon. Babawi ako."
"Seriously, Salazar? Nasa priority list pa ba ako?"
"Mira," napabuntong hininga ako. "marami lang ginagawa dito sa hospital."
"Like your patient that put you at the top." May halong panunumbat na sagot ni Mira sa akin.
"Akala ko ay naiintindihan mo ang profession ko."
"Naiintindihan ko, Salazar, believe me. Hanggang sa ngayon ay iniintindi kita. Pero intindihin mo rin naman ako. May halaga pa ba ako sa iyo?"
"Mira, calm down. Nasaan ka? Pupuntahan kita bukas."
She laughed without humor at the other end. "Bukas? Baka wala na ako bukas, Salazar."
"Mira,"
"I need you now. Please, puntahan mo ako sa condo ni Maggie."
"Ano ang ginagawa mo sa condo ng best friend mo? Anong oras na ba? Kailangan ako sa hospital ngayon. Bukas, I'll take my off tomorrow." I promised to her.
"Doc, pinapatawag kayo sa room ni Elisha." Wika ng isang nurse na sumilip lang sa pintuan ng opisina ko.
"Release na niya in an hour."
"Sige, pupunta na ako. Thank you Nurse May." I replied.
"Hon, I need to go." Paalam ko kay Mira. Narinig ko ang mahinang paghikbi niya sa kabilang line.
"Okay. See you tomorrow." She answered back.
"Babawi ako. Promise."
"I love you, hon." She whispered and cut the line. She didn't wait for me to reply. Hinanap ko ang phone to so I can message her.
I love you too. I typed and send it. And it didn't send. Mayroon lang exclamation point ang message ko and it didn't go through.
"Doc, pinapatawag kayo sa room ni Elisha." Another nurse said from my door. Napabuntong hininga ako at nilagay sa bulsa ng coat ang phone. Mamaya ko na lang ireresend ang message ko para kay Mira. Galit pa siya, alam ko. Babawi ako bukas.
Nakangiti si Elisha ng pumasok ako sa room niya. Nakapagpalit na siya ng normal clothes. Nakakapanibago na hindi siya naka hospital gown ngayon.
"Doc," bati niya sa akin.
"Ready to go?"
"Yeah. Although hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa bahay na mag-isa." She replied.
"Pwede kang matulog muna sa hotel, Elisha." I suggested.
"Iyon din ang sinuggest ni Nurse May. Anyway, Doc, gusto kong magpaalam sa iyo ng maayos at magpasalamat na rin."
"It's my job. No need to thank me. Nurse May, ikaw na ba ang sasama kay Elisha?" Baling ko sa nurse na naging kaibigan ni Elisha sa nagdaang mga buwan.
"Ako na ang bahala sa kanya, Doc. Nalilito pa siya e. Baka maligaw pa. Mapunta sa kung saan." Sagot ni Nurse May.
"Paano Elisha? Dadalaw ka ha. Lalo na sa mga check ups mo."
"Yes, Doc."
"Kailangan nyo ng umalis bago pa kayo abutan ng media." Paalala ko sa kanila.
Nakangiting tumayo si Elisha mula sa kama at kumaway sa akin palabas ng pintuan.
Unbelievable. Three months. Tatlong buwan lang na gamutan at parang walang nangyari sa kanya, maliban sa amnesia.
Mga ilang minuto ng nakaalis si Elisha ngunit hindi ako tuminag palabas sa kwarto niya. Hindi ko maintindihan kung bakit parang ang lungkot na wala na ang tawanan nila ni Nurse May dito. Biglang ang tahimik ng paligid. Biglang... tahimik.
"Calling Doctor Andrada, please proceed to the operating room."
Naputol ang malalim nap ag-iisip ko ng ingay mula sa paging system.
"Doctor Andrada, emergency."
Nagtatakbo ako sa hallway at iniiwasan ako ng mga nurse na nakakasalubong ko.
"Page them, I'm on my way," I shouted nang madaanan ko ang nurse station.
Nagkakagulo sa operating room pagdating ko.
"Doc, hindi ka pala pwede." Pigil sa akin ni Doctor Santiago.
"Bakit?" Natatakang tanong ko.
Kinuha ko ang X-Ray sa nurse at tiningan ito. Basag ang skull at may bleeding ang brain.
"Anong klaseng aksidente ang nangyari?" Baling ko sa nurse na hindi kumikibo.
"Doc, si... " Huminga ng malalim si Doctor Santiago bago nagpatuloy.
"Yung girlfriend mo ang nasa table. Car accident."
"What?"
Hindi nila ako napigilan ng pumasok ako sa operating room. The anesthesiologist is already preparing Mira for the operation. Nakatingin silang lahat sa akin. Ang buong team ko.
"Doc, bawal ka dito." Wika ng assistant doctor ko.
Duguan si Mira sa ibabaw ng operating table. May malaking sugat sa ulo at mga galos sa mukha.
"Scalpel," nilahad ko ang kamay ko sa nurse.
"Doc,"
Babawi ako Mira.
"Scalpel," Nilakasan ko ang boses ko upang tuminag sila.
Baka wala na ako bukas, Salazar.
"Doc., hindi talaga pwede na ikaw ang mag-opera sa kanya. You are related to her." Paalala ni Doctor Santiago sa akin.
"I am the best doctor here. I will save my girlfriend. Now, scalpel." Sigaw ko.
"She is not Elisha. You know she can't make it."
Hinablot ko ang matandang doctor sa kwelyo at agad na inilayo ako ng mga kasamahan ko.
"Doc. huminahon ka. We will save her." Bulong ng assistant doctor ko.
"Palabasin ninyo iyang matanda na iyan bago pa siya ang operahan ko."
Mabilis kong tinungo ang washing area at nagpalit ng gloves. Tahimik ang buong team ko nang bumalik ako sa loob.
"Scalpel,"
We started the operation to Mira. Ito ang pinakamahirap na operation na gagawin ko. The same ang situation nila ni Elisha. Basag ang bungo at may hemorrage. Pero kung nagawa ko kay Elisha, magagawa ko kay Mira. I can save her.
"Doc., she's losing her pulse."
Napatingin ako sa heart monitor. Shit.
"Mira, lumaban ka." I whispered. Inabot sa akin ang dalawang paddles and I put it on Mira's chest.
"200 joules," I ordered.
"Clear,"
Her hearts beat started to lose and I am starting to get scared.
"250 joules,"
"Clear,"
I tried to resurrect her but I failed.
"Doc, her brain started to bleed. She's losing blood."
"Mira..." I said her name like prayer over and over.
Tinapat ko ang paddle sa dibdib niya ng paulit-ulit. Tinaasan ko ang current hanggang sa awatin ako ng doctor at ilayo kay sa katawan ni Mira.
"Mira," I called her name but she is... gone.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top