Chapter 5- Mukhang Anghel
Elisha
Umuuwi pa kaya sa bahay itong si Doc. Andrada? Bakit parang parating nasa hospital?
"Bebe, bakit ganyan ang tingin mo kay Doc?" Bulong ni Nurse May— ang nurse na naging malapit na sa akin. Siya ang tagahatid ng balita sa akin dahil hindi pa ako nakakalakad. Siya ang kinikilig sa mga muscles ni Dra. Andrada kapag nagkakasabay sila ng pagche-check sa akin. Gaya ngayon, kilig na kilig siya.
"Umuuwi pa ba si Doc. sa bahay niya?" Gating bulong ko.
"Umm, mamaya kita babalitaan baka marinig ako." Sagot ni Nurse May bago tumayo ng deretso at tinulungan akong magsuklay. Merong cast ang kaliwang braso ko at ang kanan ko naman na walang cast ay merong dextrose. Limited ang mga galaw ko pero sa awa ni Lord, nakakaupo na ako— bagay na pinagkaguluhan na naman ng mga doktor dito sa hospital kaya hindi nila ako nilulubayan.
"Elisha," tawag ni Dr. Santiago sa akin. Lumayo sa akin si Nurse May upang bigyan ng space ang matandang doktor na kasama ni Doc. Andrada.
"Wala pa bang flash back sa isipan mo sa mga nakaraang linggo?" Tanong niya.
"Flash back po ng alin?" Boses, meron akong naririnig na boses.
"Past life mo." Sagot niya.
"Like past, past life ko? Like panahon ng hapon?" Naguguluhang tanong ko.
"Hindi." Mukhang naiinis na sagot ni Dr. Santiago. "Your life before the accident."
"Ahh, hindi n'yo po nilinaw. Wala po." Sagot ko naman.
"Meron ka bang ibang flash back? Bakit mo nabanggit ang hapon?" Tanong muli ng makulit na doktor.
"Wala lang po." Maikling sagot ko.
"Hindi ka gagaling kung hindi ka makikipag-coordinate." Tumaas ng kaunti ang boses ng doktor at napahawak ang kanang kamay ko sa puso.
"Bakit parang galit ka po?" Naitanong ko tuloy bigla.
"Ako na ang kakausap." Awat ni Doc. Andrada sa matandang doktor.
"Mga pasyente ngayon, namimili pa ng doktor." Bubulong-bulong ang matanda na lumabas ng kwarto ko.
"Kaloka," comment ni Nurse May sabay tawa. Nailing na lang si Doctor Andrada.
"Pagpasensya mo na. Matanda na kasi." Hinging paumanhin ni Doctor sa akin.
"May nasabi ba akong mali?" Naguguluhang tanong ko.
"Wala naman, Elisha. May naaalala ka na ba? Anything?"
Marahan akong umiling.
"Kapag meron kang glimpse ng memory mo, sabihin mo sa akin." Utos ni Doc.
Marahan akong tumangong muli. Merong kinuha sa bulsa na larawan si Doctor Andrada at itinapat sa harapan ko.
"Nakikilala mo ba?"
Isang larawan ito ng isang babae na may hawak na sanggol.
"Hindi,"
"Ito?" Pinalitan ng doktor ang larawan sa harapan ko ng isang lalaki na may hawak na batang babae.
"Hindi rin," maikling sagot ko. "Who are they?"
Matagal akong pinakatitigan ni Doc. Andrada bago siya sumagot.
"Your family. The baby in the picture is you. This is your older brother. These are your parents." Tinuro niya isa-isa ang mga tao sa larawan but I am completely blank.
"Any memory that flashes?"
Nalilito akong umiling. "Parang ngayon ko lang sila nakita. They are my family?"
Huminga ng malalim si Doc. Andrada at itinago ang mga picture sa bulsa. He wrote something on his pad at dumukot ulit ng isang picture. This time it's a building.
"Do you recognize this building?"
Uh, should I need to play along? Pero magagalit si Lord kapag nagsinungaling ako.
"No," I replied honestly.
"Pakatitigan mo, Elisha."
So I did. Pinakatigigan ko ang picture ng building.
"Do you remember anything?"
"No," maikling sagot ko. "Meron ba akong dapat matandaan sa building na iyon?"
Again, hindi sumagot si Doc. at nagsulat lamang sa notebook.
"Doc., aalis ka na?"
Hindi man lang tayo magkukwentuhan?
"Is there anything you need?" tanong niya sa akin.
"Paanong naging isa na lang ako sa buhay? Ano ang kwento bakit naiwan ako?"
"I don't think this is the right time for you. Baka makagulo lang sa memory recovery mo ang mga sagot sa mga tanong mo." He replied to me.
"Hindi naman siguro. The Lord always guides me. He will not abandon me. He will not forsake me. Ano man ang naging dahil kung bakit ako naulila, gusto ko lang malaman. At gusto kong magmula sa iyo."
"I don't know the whole story." He replied.
"Then tell me half of it. How did they die?"
Hindi tuminag si Doktor sa gitna ng kwarto ko.
"Babalik na lang ako mamaya, Doc." Paalam ni Nurse May. Huminga ng malalim si Doc. Andrada at lumapit sa akin. Umupo siya sa isang upuan sa tabi ng kama ko.
"How did they die?"
Two years ago, nagsagawa ng raid ang PDEA sa isang subdivision sa Quezon City. Isa ang bahay ninyo sa naraid.
"Ano ang PDEA?" Nagtatakang tanong ko.
"Philippine Drug Enforcement Agency."
"Amm, my parents are drug dealers?" Naguguluhang tanong ko na naman.
"Hindi. Napagbintangan lang sila. Apparently, the 'weeds' that they saw on your house were actually medicinal plants. Your grandmother was using it to cure you. And she found it effective so she sells it to your neighbors. Napagbintangan ang pamilya mo na nagbebenta ng marijuana. Wala kayo ng lola mo at that time. Everybody in the house was shot. Including your dogs."
Bigla akong nalungkot. I don't have the memories of them but it's sad.
"Nasaan ang lola ko?"
"She died after a few months. Hindi nakayanan ang nangyari at inatake sa puso." Sagot ng doktor.
"Mag-isa na lang pala talaga ako." Huminga ako ng malalim at pinasigla ang sarili.
"Wala ba akong boyfriend?"
Natawa si Doctor Andrada sa tanong ko. "Wala, ayon sa report."
"Bakit?"
"Malay ko sa iyo." Sagot niya.
"Hindi ba ako mabait? Hindi ba ako mabuting tao?" Sunod-sunod na tanong ko.
"Hindi mo ba tatanungin kung maganda ka?"
Hindi ko naiwasang umikot ang mga mata ko. "Mababaw lamang ang tao na tumitingin sa panlabas na anyo. Baka hindi pa ako nakikita ng itinadhana sa akin."
"O maari ring wala." Natatawang sagot ni Doc.
Nanlaki ang mata ko ng magregister ang sinabi niya.
"Joke lang. Magpahinga ka na ulit." Nakangiti siyang tumayo at gaya ng nakagawian niya, pinisil niya ang kamay ko bago siya lumabas ng kwarto ko.
Mukha kaya akong anghel. Loko talaga si Doc.kung minsan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top