Chapter 26- Memories Bring Back

Elisha

"Nasaan ang costume mo?"

"Parating na," sagot ko sa tanong ng makukulit na nurse. Ang dami nilang bitbit na gamit. Nag-hire pa sila ng dalawang make-up artist at isang hair artist para ayusan kaming lahat. Share-share na lang kami sa bayad.

"Mauna ka na, Elisha. Baka umalis ka agad dahil may kameet-up ka pa sa costume mo," suggestion nila. Nauna akong inayusan ng make-up artist na panay tanong kung ano ang skin care ko, ano ang shampoo ko.

"Lagyan ba kita ng extension sa buhok? Medyo maikli ang buhok mo eh. Para magmukha kang alluring mamaya."

"I am aiming for a respectable look. Okay na ako sa buhok ko."

"Ay, taray. Sa library ka ba nagtatrabaho?" tanong ng bakla na ikinangiti ko lang.

"Kahit hindi mo gawing alluring si Elisha, mapapansin pa rin 'yan ni Doc. Sal. Ayyieee." Nagsimula ang tuksuhan sa maliit na kwarto ng hotel na naka-assign sa mga nurse para sa Christmas Party na ito."

"Kayo, panay kayo tukso. Mamaya mainis si Doc. Sal."

"Namumula siya," patuloy nila s apagtukso at nakisama pa ang mga make-up artist.

Nahihiya akong nagyuko ng ulo.

"Patingin nga kung gwapo si Doc," wika ng hair artist na pinatay pa ang plantsa na hawak para makiusisa sa mga nurse na naghahanap ng picture ni Doc. Sal.

"Ay bakla, ang yummy ni Doc." saad nito pagkatapos tingnan ang picture. "Ang pula ng lips, masarap ba?" baling nito sa akin.

"Aba, malay ko," mabilis na sagot ko.

"Hindi mo pa nahalikan?" usisa na naman nito sa akin. Bumalik ito sa pagpaplansta ng buhok ng kasamahan ko.

"Hindi. Bakit naman?" nagtatakang tanong ko.

"Sayang!" sabay-sabay na sagot ng mga nurse.

"Kayo talaga. Always pray so you won't fall into temptation," pangaral ko sa kanila na ikinatawa nila.

"Kung si Doc. Sal naman ang temptation, mag-kukumpisal na lang ako every Sunday," pilosopong sagot ng isang nurse.

"You should not abuse the power of confession. Although God has forgiven you, but at the end of the day when you face the judgement and look back on your life, will you be able to tell yourself that you are worthy of Jesus sacrifice?"

Natahimik ang buong kwarto. Pati ang tunog ng blower ay natigil.

"People are sinners but learn from your sin."

"Bakit pakiramdam ko ang dumi-dumi ko dahil sa babaeng ito?" tanong ng isang make-up artist na ikinangiti ko.

"Ganyan 'yan si Elisha. Kaya mahal namin iyan eh. Siya ang taga-paalala sa amin na mali 'yan. Feeling ko nga holy water ang kape na binibigay niya sa amin sa umaga."

Natatwa ako. I always pray before I gave that food to them.

"Pero yummy talaga si Doc," sabat muli ng hair artist. Nagtakip na lang ako ng tainga na ikinatawa nila.

Nagpaalam ako sa kanila na mauuna nang lumabas at magkita na lamang mamaya sa Ballroom kung saan magaganap ang Christmas Party. Hidi ko alam kung saan kami magkikita ni Lord pero sumunod ako kung saan ako dalin ng soul ko. Sa isang chapel sa hotel.

Naupo ako doon at saka pumikit.

"Handa ka na?"

"Kinakabahan po," sagot ko.

"Natatakot ka?"

"Opo. Natatakot ako sa ngunit nagtitiwala at nananampalayata sa Inyo."

"Kahit hindi mo sabihin ay alam ko ang iyong damdamin. Ang nais ko lamang Anak ay pag-isipan mo."

"Opo. Alam ko pong gagabayan ninyo ako."

"Handa ka na ba?"

Nangiti ako ng bahagya.

"Nami-miss ko po minsan ang aking pakpak. Nais ko pong maging ako sa gabi na inilaan ng buong Hospital para gunitain ang kapanganakan mo."

"Kung ganoon ay humayo ka na, anak."

"Salamat po, Ama."

Pagmulat ng mga mata ko ay nakasuot ako ng puting bestida na kulay puti. Wala itong manggas ngunit may kulay ginto na mukang sash na nasa balikat ko. Ang mga pakpak ko na kaylambot ng mga balahibo at halos mataas pa sa akin kapag nakatayo ako. Ang ala-ala ko ay nagbalik ngunit hindi ang ala-ala ni Elisha.

Huminga ako ng malalim upang kalmahin ang sarili. Alam ko na kung bakit ako narito sa lupa. Alam ko na ang misyon ko, naiintindihan ko na ang mga panaginip ko. Nauunawaan ko na ang lahat. At may lungkot sa puso ko na malapit na itong matapos.

Nagpasya akong pumunta na sa party at baka ipahanap pa ako ni Doc. Sal.

Sa hallway ng hotel ay natitingin ang mga tao sa akin. Ngumingiti lamang ako at sinasabi kong may costume party kami na totoo naman. Namamangha sila sa pakpak na mukhang tunay raw sa likod ko.

Late ako... dahil nasa loob na ang mga kasama ko nang makarating ako sa Ballroom. Naririnig ko na ang tugtog mula sa kabilang panig ng pintuan. Huminga ako ng malalim at saka ko binuksan ang pintuan. Natingin sa akin ang mga tao at nahinto ang Jingle Bells sa speaker.

"Hi, sorry late ako," nakangiting wika ko. Tahimik sila at naiilang akong tumayo lamang sa pintuan kung kaya pumasok na ako sa loob. Sinusundan nila ako ng tingin papunta sa table na designated sa amin. Naroon na si Doc. Sal at maging siya ay nakatingin sa akin habang palapit ako nang palapit sa grupo.

And I give up forever to touch you.

Nagsimulang tumugtog ang awitin na iyon na nanatili sa isipan ko mula nang marinig koi to sa radio.

"Good evening Doc. You look nice in your Iron Man costume."

He didn't say anything. He was just staring at me.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top