Chapter 20- Noon

Elisha

I had a dream. In my dream I was flying like a bird. I have wings; a white wings. I wore white dress with strips of gold. In my dream there is a voice. He was saying that it's near, that I am doing well. In my dreams He asked me and I replied I don't know.

Nagising ako na hindi ko maalala ang tanong sa panaginip ko. Ano ang hindi ko alam? Sino ang kausap ko?

"Elisha," someone called me.

"Hindi ko talaga matandaan."

"Ang alin?" Napapikit ako ng mabilis na para akong napuwing. Pagdilat ng mga mata ko ay nasa harapan ko si Doc. Sal.

"Alin na naman ang hindi mo maalala?" tanong nito.

"Doc. Kanina ka pa?"

"Kanina pa. Tulala ka nga eh. May masakit sa iyo?"

Umiling ako at inayos ang mga folder sa harapan ng table. "Hindi ko lang maalala ang panaginip ko kagabi."

"Natural lang ang hindi makaalala ng panaginip. Ang hindi natural ay ang amnesia mo. Wala ka pang glimpses na naaalala?"

Napaisip ko at parang dumaan sa memories ko ang mga ulap.

"Mga ulap."

"Ulap?" mabagal na ulit ni Doc.

Tumango ako sa kanya. "At feathers. Wings. A voice."

Napabuntong hininga si Doc. sa akin. "You have mistaken a dream for a memory."

"Ganoon ba? Para kasing totoo siya sa akin."

Napailing si Doc. Sal sa harapan ko. "Kumain ka na ba? Nainom mo na ang mga gamot mo?"

"Yup."

"Kung ganoon, gusto mong puntahan si Maggie?"

Sukat sa sinabi ni Doc. ay nagliwanag ang mukha ko. Napatayo ako dala ang bag ko na may lamang mga pagkain.

"Tara na," yaya ko.

"Aba'y teka lang. Kakagaling ko lang magrounds. Pwedeng magshower muna ako para wala akong dalang sakit pagpunta doon?"

"Okay," nakangiting sagot ko. Tumango si Doc. Sal at saka ngumiti ng maliit. Sobrang liit na parang gumalaw lang ang isang gilid ng labi niya paitaas. And for me, that's enough.

Naiyak si Maggie nang nakita ako.

"Akala ko ay nakalimutan mo na ako," sabi nito.

"Maaari ba iyon? Tumahan ka na, nakakahiya kay Doc."

"Hello Doc. Sal. Kumusta po?" humihikbing tanong nang bata.

"Mabuti naman."

"Makulit pa rin si Ate Elisha?" tanong nang bata.

"Ay, sinabi mo pa. Parinig ako ng puso mo ha?" Tinutok ni Doc. Sal ang stethoscope sa dibdib ni Maggie. Kahit namumutla at nanghihinga ang bata ay pinilit nitong umupo nang makita kami.

"Pero napapangiti ka naman niya, 'di ba Doc?"

"Uh-huh!" tumatango-tango na sagot ni Doc. Sal.

"Hulog siya ng langit."

"Hindi naman masyado," sabat ko na Ikinatawa ni Maggie at Ikinalingon ni Doc. Sal sa akin.

"Hanggang dito lang ang usapan. Huwag kang sumabat, Elisha." Hindi ko alam kung biro iyon pero natawa ako kay Doc.

"Nasasanay ka na ba sa work mo, Ate?"

"Hindi yata ako masasanay sa sulat kamay ni Doc. Sal."

Natawa si Maggie at lumingon na naman si Doc. Sal sa akin. "Excuse me," walang ngiting wika nito at saka tuluyang tumayo. Inalis ang stethoscope sa tainga at umupo sa tabi ni Maggie.

"Masyado lang malabo ang mga mata mo, Elisha."

"Hindi ah. Mayroon akong 20-20 vision. Kita kita."

Inirapan ako ni Doc at bumaling muli kay Maggie. "May good news ako sa iyo."

"Ano iyon?" excited na tanong ko.

"HIndi ikaw, Elisha," playful na sagot ni Doc. "Maggie, kailangan kong ng malakas na katawan mo. Babalik ako sa susunod na araw para tingnan ka. Ililipat kita ng hospital."

Napasinghap ako at napatakip sa bibig ang kamay. Ngumiti si Maggie kay Doc. Sal at saka yumakap.

"Thank you, po," wika niya.

"Naku, magpalakas ka muna ng katawan. Sa ngayon, dito ka muna habang hinahanda ko ang room mo sa hospital na pinagtatrabahuhan ko."

"Thank you po," umiiyak na sagot ni Maggie kaya naiyak na rin ako sa tuwa.

Tumingin si Doc. Sal sa gawi ko. Nakangiti siyang inabutan ako ng panyo.

"Tahan na," wika ni Doc. Hindi ko alam kung para sa akin o para kay Maggie.

Pinilit kong tumahan dahil hindi kailangan ni Maggie ng luha ko. Ngumiti ako at nakipagkulitan sa kanya. At nang mapagod ang bata ay nagpaalam na kami. Paglabas namin ni Doc. Sal ng pintuan ay hindi ko naiwasang hindi umiyak muli.

"Thank you," wika ko at yumakap sa kanya. Kung nagulat man siya ay hindi ko na iyon nakita. Itinago ko ang mukha ko sa malikat niya at doon umiyak.

"We will save her. You will help me," wika niya habang hinahagod ang likod ko. His touch calmed me. "You will pray while I am doing the operation, right?"

"Yeah," sagot ko. Nahihiya akong bumitaw sa pagkakayakap. May bakat ng luha si Doc. sa balikat. "Sorry. Nabasa ko."

"Matutuyo rin iyan. Okay ka na?"

Tumango ako at saka ngumiti. "Thank you."

"Isang thank you lang ang kailangan ko, Elisha. Let's go?"

Muli ay tumango ako. "Daan tayo ng simbahan."

"Sure," simpleng sagot ni Doc. Wala na siyang resistance, hindi gaya noong una.

"Doc, naniniwala ka sa angel?" I asked when we were at the road, Nakikinig ako ng radio and this song... Iris— speaks to me.

"I don't know."

"Naniniwala ako sa kanila."

"May pakpak ba sila?" natatawang tanong niya.

"Yeah," mahinang bulong ko. Hindi ko namalayang Inabot ko ang parteng likod ko kung saang naroon ang aking... pakpak noon.

'May pakpak ako noon?' tanong ng isip ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top