Chapter 19- Kiss of an Angel
Salazar
I was at my office, facing back and forth. My hands are shaking and my anxiety shoots like a rocket. In my mind, I can see Mira on the operation table over and over.
"Calling the attention of Doctor Salazar, Doctor Salazar, you are needed at the Operating Room..."
Nagtatawag na ang mga kasama ko. Kanina pa nagriring ang telepono ko pero hindi ko magawang pumunta sa team ko. Ready na ang lahat. Naghihintay na ang bata na nangangailangan ng tulong.
"Doc.," tawag ni Elisha mula sa labas ng pintuan ko. "Nand'yan ka ba?" Kumatok siya ng tatlong beses bago sumilip mula sa pintuan. Nahinto ako sa paglalakad at natingin sa kanya. Napahinga siya ng maluwag.
"Hinihintay ka na nila."
"I... can't," umiiling na wika ko. Pinagpapawisan ako kahit malakas ang buga ng hangin sa vent.
Ngumiti si Elisha at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang mga kamay ko na nanginginig. I felt something runs through my vein. Heat is what I can describe it. It calms me in an instant.
"Kaya mo iyan. Nangako ako sa iyo na ipagdadasal kita. Habang nasa operating room ka ay nasa chapel naman ako."
"Elisha—"
"You're angel will guide your hand, Doc. Sal. Hinga ka muna."
Huminga ako ng malalim and my anxiety that was chocking me earlier started to lessen.
"May the Lord, the healer of all nation, be with you, your team and the child on this operation. May the Holy Spirit calm your hearts and gives you the strength to perform this task. Jesus, we humble pray for your mercy as this child is fighting for his life. May you continue to embrace the parents as they are suffering from the pain of seeing their child on this condition. Lord, bless the hands that are shaking, for these hands are Your instrument to save Your nation. Amen."
As Elisha lower her head to kiss my hands, the last straw of shakiness and anxiety disappeared.
"You are ready to go, Doc." Nakangiting wika niya. "Nasa chapel lang ako. Don't forget to pray with your team. The Lord is at the operating room. He is waiting for you."
And so, Elisha left but my strength came back. My mind is on focus and my hands are steady.
Pagpasok ko sa Operating Room, parang nabunutan ng tinik ang buong team dahil napahinga sila ng malalim. Ang nurse na kasama namin ay nilagyan ako ng gown habang nakataas sa harapan ko ang dalawang kamay.
"Saan ka nahanap ni Elisha?" tanong ni Doc. Maricar. Nilalagyan na niya ang anesthesia ang patient at kami naman ay naghihintay ng go signal niya. I looked at the vitals sa monitor, everything is in perfect.
"Sa office."
"Akala namin ay umalis ka," wika ni Doc. Chan. "Kabang-kaba kami dito."
Sa likod ng face mask ko ay isang simpleng ngiti ang naisagot ko.
"Everything is ready. Vital is okay," sabi ni Doc. Maricar.
Nilahad ko ang kamay ko sa assistant ko and asked for my scalpel. Tahimik kami habang binubuksan ang ulo ng bata. At the back of my mind, the dark thoughts are lurking but I can feel a light defending me from those thoughts. I can feel it. The power of calmness, the presence of the unseen, the guidance of the spirit.
Sa kalagitnaan ng operation ay may nakita kaming Isang maliit na bukol sa utak ng bata. Nasa maselang parte ito ng utak na kung hindi ko magagawa ng maayos ay maaring hindi na maging ang bata. Kung hindi naman matatanggal ay maaring lumaki at ikamatay nito after ng ilang taon.
"We need to talk to the parents. HIndi natin nakita ito sa report," mungkahi ni Doc. Chan. "I'll go outside and explain to them."
"No. I will. Guard the vitals. Keep my patient alive. I'll be back."
Tumakbo ako palabas ng operating room. I throw my gloves and gown bago ko harapin ang mga magulang na nag-aalala sa labas.
"Doc, kumusta po ang anak ko?" namumutlang tanong ng ina.
"The vitals are fine, huwag po kayong mag-alala. May nakita po kaming bukol na nakatago sa utak niya. Hihingin ko ang permiso ninyo na alisin iyon."
Nagkatingin ang mga magulang. "Delikado po ba?" tanong ng ama.
"Medyo maselan ang operation. Kung hindi naman tatanggalin ay lalaki Ito at maaring ikamatay ng bata kinalaunan. Nasa inyo po ang desisyon."
"Huwag na lang muna," sabi ng ama na ikina-kuyom ng mga kamao ko.
"Mamatay po ang bata," paalala ko.
"Paano kung sa operasyon mamatay ang anak ko? Maibabalik mo ba?" biglang tumaas ang boses ng ama na pinipigilan ng asawa.
"Doc, gawin n'yo po ang makakabuti sa anak ko. Iligtas n'yo po siya," pagmamakaawa ng Ina. Isang tango ang isinagot ko at nagmamadaling bumalik sa operating room. Naghugas muli ako ng kamay. Mula sa viewing window ay isang tango ang Ibinigay ko sa team ko na nakatingin sa akin. Muli, parang nabunutan sila ng tinik at inayos ang bata.
Hindi namin akalain na tatagal ng limang oras ang operasyon. Ni minsan ay hindi bumaba ang blood pressure ng bata habang inooperahan. Naisarado namin ang ulo niya ng hindi siya nag-agaw buhay.
"Pahinga na kayo," paalala ko sa buong team.
"Ayusin lang namin sa ICU ang pasyente," sagot ng nurse at ni Doc. Chan.
Sa chapel ko natagpuan si Elisha. Nakaluhod siya at taimtim na nagdadasal. Sa malamlam na liwanag ng chapel, pakiramdam ko ay may liwanag na bumabalot sa kanya. Napagod yata ang mata ko dahil sa liwanag sa operation room.
Nilapitan ko si Elisha at tumabi sa kanya. She didn't open her eyes but a small smile appeared on her lips.
"Amen," bulong niya. She made the sign of the cross and sit beside me. "How are you?"
"Nagdadasal ka for five hours?"
"I am part of the team. I am your prayer warrior," nakangiting sagot nito. And because she's wearing a white dress, nakita ko ang tuhod niya na namumula.
"Alam mo, pwede ka namang magdasal ng nakaupo. Look at your knees."
"When you are asking for something, you should be on your knees. Why? Because Doc. Sal, Jesus kneeled when He prayed, then why shouldn't we? It is a way to express supplication and adoration. And it humbles you to be on your knees, don't you think?"
"Gusto mo bang kumain? Nagugutom ako e."
Kumurap-kurap si Elisha at sa isang iglap ay ay lumitaw ang pilyang ngiti. "Gusto mo ng dinuguan?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top