Chapter 17- God's Plan
Salazar
Tahimik si Elisha habang kumakain kami. Nakikinig siya sa mga sinasabi ni Doc. Chan at ni Doc Maricar. Laking pasalamat ko nang hindi sumabat si Elisha.
"Kailan namin malalaman ang sagot mo?"
Bumuntong hininga ako at tiningnan si Elsiha na nagkukunwaring humihigop ng sabaw. "Hindi ko alam, Doc. Chan."
"Kailangan ka namin, Doc. Sal. Lalo na sa mga pasyente na bigla na lang iniwan ni Doc. Santiago. Nakapending ang operation ng isang bata na nadaganan ng cabinet," wika ni Doc. Maricar na ikinasinghap ni Elisha.
"Sorry, Doc., ilang taon na po ang bata?"
"Around three. Ginawang ladder ang drawer at tumaob sa kanya ang buong cabinet."
"Oh my God, kailan po ang operation?" tanong muli ni Elisha.
Napatingin sa akin ang dalawang doctor bago sagutin ni Doc. Maricar si Elisha na mukhang manok na nawawalan ng itlog sa pugad. "As soon as possible sana. Coma ang bata for three days now."
"Doc. Sal—"
"Don't start with me, Elisha."
"Doc. Sal— pero— Doc. Sal."
"Bitawan mo ako." Magugusot na ang polo ko kakahila nitong si Elisha.
"I will open your schedule today, pwede kang pumunta sa hospital."
Doc. Chan chuckled and Marcis looked amused. "Ayon naman pala," wika ni Doc. Chan.
"Wala akong sinabi." Baling ko sa mga kasama kong doctor.
"We will be there, kaya po kayang ischedule ang operation sa makalawa?" pangingialam ni Elisha.
"Elisha!"
"Why are you afraid?" deretsang tanong ni Elisha na nagpataas yata ng blood pressure ko.
"Know your place, Elisha!" bulyaw ko dito na ikinalingon ng ibang mga kumakain. "Assistant lang kita na binigyan ko ng second chance na mabuhay."
Sinalubong nito ang nagbabago kong tingin. "That's the point. You gave me a second chance, bakit mo ipinagkakait sa iba?"
"Hindi ko pinagkakait."
"Ano ang ginagawa mo? Bakit pabebe kang sumagot?"
"Hindi ako pabebe." Malapit na kitang sakalin.
"Kung hindi ka pabebe, then we will be there at the hospital and you will operate the child."
"Fine!" mabilis na sagot ko. Nanlaki ng kaunti ang mata ni Elisha at saka ngumiti bago bumaling sa dalawang doctor na nakalimutan ko nang kasama namin.
"Settle na po."
Natawa ng bahagya si Doc. Chan at Doc. Maricar. Naihilamos ko ang dalawang kamay ko sa mukha. "Fine," I murmured.
"Wow, si Elisha pala ang dapat na kausapin namin about sa hospital to convince you." Hindi maitago ni Dr. Chan ang pagka-amuse.
"You need to have the child's history, di ba po, Doc?"
"Para kang nanunuya, Elisha." Malapit ko ng sakalin si Elisha.
"Sabay na tayo sa kanila pagbalik nila sa hospital," she suggested.
"Tell me, meron na bang mental institution sa hospital?" I asked to Doc. Chan na tuluyang ikinatawa nito.
"Doc Sal—"
"Oo na, Elisha. Manahimik ka na."
Isang ngiti lamang ang isinagot ni Elisha sa akin at nagpatuloy na ito sa pagkain.
Sa hospital kami dumeretso pagkatapos naming maglunch. Si Elisha at nagpaalam na dadalawin muna ang mga nurse na nag-alaga sa kanya dito at ako naman ay sumama kay Doc. Chan upang tingnan ang records ng batang ooperahan.
"She has a way of persuading you," Doc. Chan said while I am looking at the CT scan.
"Who?"
"Elisha."
"Ahh," is all I replied.
"'Yon lang ang sasabihin mo?"
"Kailan pa naka-confine ang pasyente?"pag-iiba ko sa usapan. Nakakaloko ang ngiti ni Doc. Chan nang lumapit sa akin at binilugan ang isang date sa report.
"Right," I murmured.
"Mukha kang confused."
"Alam ko pa naman ang gagawin ko. Thank you, Doc. Chan."
Umiiling na tumawa si Doc. Chan. "Welcome back, Doc. Sal."
Nang matapos ko ang kailangan kong basahin na report tungkol sa bata, natagpuan ko si Elisha sa Nurse Station na nakikipagtawanan sa mga nurse.
"Nagtatrabaho sila, Elisha. Dinadaldal mo na naman."
Napatingin ang mga nurse at si Elisha sa akin. "Doc. Sal, tapos ka na?" tanong nito.
"You mean kung tapos na ako sa pinahamak mo sa akin?"
"I mean kung tapos ka nang basahin ang report ng batang ooperahan mo sa susunod na araw," sagot nito. Naiiling ang ibang nurse na bumalik sa chart na hawak nila. "How's his condition?"
"Bakit alam mong lalaki ang bata?"
"I asked them," tinuro niya ang mga nurse na nanlaki ang mga mata sa sagot niya. "So, how is he?"
"He will be fine," I replied.
"Thank you, Lord," bulalas niya. "At dahil d'yan, kailangan nating magnovena, Doc."
"Kailangan nating bumalik sa office."
"Magno-novena muna tayo bago tayo bumalik sa office," giit ni Elisha.
"Nakakapagod kang kausap, alam mo iyon?"
Nagtawanan ang mga nurse na nasa paligid namin.
"Makulit, ano, Doc?" biro ng isa.
"Para ako ang assistant e," I replied that made Elisha chuckled.
"Off we go. Magno-novena na tayo. Bye, see you soon," paalam ni Elisha.
"Doc," tawag niya nang nanglalakad na kami sa hallway ng hospital.
"Malapit na akong tumalon sa bintana. Ang kulit mo."
"Thank you," she murmured that made me looked at her direction. "Thank you for answering your call. God is happy with your progress."
"Close kayo?" sarcastic na tanong ko.
"Kinda," sagot niya.
"Then tell Him huwag na siyang kukuha ng mahal ko sa buhay."
Napahinto si Elisha sa sinagot ko. She looked confused when she looked at me. "He can't promise you that. Somehow everybody will leave. It's just a matter of time."
"Then tell him, ako muna ang unahin niyang kuhanin bago sila."
Sinalubong ni Elisha ang tingin ko. Her eyes have different pigments inside of her iris but her gold pigment stands out. Am I too closed to see these?
"You will live a life he planned for you," sagot ni Elisha na parang alam na alam ang mangyayari. "God's plan is always on time."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top