Chapter 14- Manila Envelope
Elisha
Tahimik na nakamasid si Doc. Sal sa mga bata. Kung minsan ay kumukunot ang noo niya kapag binabasa ang mga report sa metal folder. Ako naman ay abot ang kaba dahil hindi naman siya nagbibigay ng clue. Walang 'hay, Diyos ko,' na comment. Hindi ko man lamang kakitaan ng pagkagulat. Ano kaya ang ibig sabihin ng pagkunot ng noo niya?
"Ate, boyfriend mo?" tanong ni Maggie— isa sa pasyente na may tumor sa ulo.
"Hindi ah." Napalakas yata ang boses ko at natingin sa akin si Doc Sal. "Boss ko siya," dagdag ko sa malumanay na boses.
"Siya ba iyong kinukwento mo na hero mo?"
Mas lalong lumalim ang kunot sa noo ni Doc. "Oo, siya iyon. Pero hindi niya alam," bulong kong muli habang nakatingin kay Doc.
"Elisha,"
"Yes Doc... ay Sir. Bakit Sir?" Napaupo ako ng deretso nang wala sa oras na ikinatawa ni Maggie.
"Ako ba ang pinag-uusapan ninyo?"
"Ammm..." hindi? Aray! Bakit ko nakagat ang dila ko.
"Masama ang nagsisinungaling," paalala ni Doc. na ikinalaglag ng mga balikat ko. "Ano ang pinag-uusapan ninyo?"
"Kayo raw po ang hero niya," sabat ni Maggie. "Nilagtas n'yo raw po siya dati. Parati n'ya po kayong kinukwento."
Tumaas ang dalawang kilay ni Doc. Sal kay Maggie. "Pangit daw po kayong magsulat." Natawa ako nang maningkit ang mga mata ni Doc at tumingin sa akin. Lumapit siya sa kama ni Maggie at naupo sa upuan sa kabilang bahagi ng kama.
"Sabi ko po kay Ate, gano'n talaga magsulat ang mga doctor kaya nga nagpapractice na ako." Tumatawang pagpapatuloy ng kwento ni Maggie.
"Gusto mong maging doctor?" manghang tanong ni Doc. Sal kay Maggie na bibong bibo sa kabila ng sakit na nararamdaman.
"Gusto ko pong maging kagaya ninyo," sagot ng bata na ikinawala ng ngiti ni Doc. "Gusto ko po sumagip ng buhay kung—" huminga ng malalim si Maggie bago magpatuloy. "—kung mabubuhay pa ako."
"Ayaw mong maging teacher or dentist?" tanong ni Doc Sal na ikinailing ni Maggie.
"Gusto ko pong maging kagaya ninyo. Kung malalampasan ko ito, mag-aaral akong mabuti. Para magamot ko ang amnesia ni Ate. Para magamot ko ang mga bata dito. Unti-unti ng nawawala ang mga kasabayan ko. Dati, tatlo kami dito sa kwarto, ngayon, ako na lang ang natira."
Napatingin sandali sa akin si Doc bago bumalik ang atensyon kay Maggie.
"Naikwento rin ba ni Ate Elisha mo na nakalimutan niya ang pinagkaiba ng asukal at asin?" tanong ni Doc. Ay, nilaglag ako. Natatawang tumingin sa akin si Maggie.
"Ginawa niyang lasang dagat ang kape ko."
"Ay grabe Sir, kaunti lang ang nailagay ko noon," sagot ko. Masisira ang reputasyon ko sa mga kwento ni Doc sa mga alaga ko.
"At feeling n'ya doktor siya nang bigyan n'ya ako ng loperamide panlaban sa lactose intolerance."
Natawa maging ako. Kung ganoon ang pagkakakwento ni Doc. medyo sablay nga naman ako.
"Grabe ka Ate," natatawang wika ni Maggie.
"Kaya kailangan mong magpalakas at magpagaling. Baka sakaling ikaw ang makapagpagaling kay Elisha," saad ni Doc. Sal kay Maggie. Nakangiting tumango si Maggie sa kanya. "Yes Doc. Sal. Magpapagaling ako tapos magiging surgeon ako kagaya mo. Tapos ikaw ang mentor ko. Papanoorin kitang mag-opera habang nagtatake down ng notes."
Hindi kumibo si Doc. Nakikinig siya sa mga kwento ni Maggie. Ano kaya ang iniisip ni Doc bukod sa pagtanggi na magulo siyang magsulat?
Si Doc. Sal na ang nag-aya sa aking kumain ng lunch bandang ala una. Nakalimutan ko na naman ang oras.
"Parati kang nalilipasan ng gutom kapag nandito ka?" tanong ni Doc sa akin habang nakapila kami sa canteen.
"Minsan," sagot ko at muli kong nakagat ang dila ko.
"Ayan, magsinungaling ka pa para makagat mo ulit 'yang dila mo. Dapat sa iyo may smart watch para lagi kang nareremind."
"Doc," tawag ko kay Doc. Sal na narinig ng mga tindera.
"Ay, wala pong bayad ang doktor. Okay nap o," wika ng cashier.
"Hindi po ako doktor dito," sagot ni Doc. Sal at iniaabot ang pera niya. "Pati sa kasama ko."
Ngumiti na lamang ako sa cashier at tinanguan siya. Napilitan siyang kuhanin ang binibigay na bayad ni Doc. Sal.
"Doc, sa nabasa mo about sa report ni Maggie, may chance pa ba siya?"
Naitikom ni Doc. Sal ang bibig niya. Parang may ginawang masama sa kanya ang kanin kung haluin.
"Elisha, ilang beses ko kailangan sabihin na huwag mon a akong tatawaging Doc?"
"Kamusta ang report ni Maggie?" tanong kong muli. Napabuntong hininga si Doc. Sal sa kakulitan ko.
"She needs further test."
"Mga magkano?"
"Hindi ko alam. Kumain ka na bago ka pa maconfine dito."
Hindi na muling binanggit ni Doc ang case ni Maggie. Hindi ko na rin siya nakitang humawak ng metal folder after lunch. Bandang alas dos ng hapon nang tulungan ko ang mga staff sa pag-aayos ng mga upuan sa gaganaping healing mass. Si Doc naman— ewan ko kung nasaan si Doc. Sal. Baka mapagalitan na naman ako kapag kinulit ko siya. Pagkatapos kong maiayos ang mga upuan ay hinanap ko si Doc. Magsisimula na ang rosary at kailangan ko siya sa tabi ko. Inisa-isa ko ang mga kwarto pero walang Doc. Sal na nagpapakita.
Ipapa-page ko na sana sa nurse station ng mabangga niya ako paglabas niya sa isang kwarto.
"Doc, kanina pa kita hinahanap," hinihingal na wika ko. "Ipapa-page na nga kita eh."
Naiiling si Doc na hinila ako palayo sa pintuan at pinipigilang lumingon. "Ano 'yang hawak mo?"
"Manila envelope," sagot niya.
"Oo nga pero bakit may hawak ka? Ano iyan?"
"Wala. Ang ingay mo. Tara na. uuwi na ba?"
"Hindi. Magrorosary pa tayo saka mass."
Lumiko si Doc sa hallway paexit kung kaya hinila ko siya pabalik. "Dito... dito... hindi d'yan."
Para akong humihila ng oso. Hindi naman siya gumagalaw. Mukha lang akong nagte-thread mill sa hallway dahil feeling ko ang layo na ng nilakad namin. "Konti na lang, uusad na tayo." Hirap na hirap akong hilahin si Doc.
"Diyos ko, ang hirap," wika ko na ikinatawa niya.
"Halika na nga. Puro ka kalokohan." Tumayo ng maayos si Doc at nahila ko na rin sa wakas ngunit hindi ko alam ang nangyari kung bakit nabaliktad kami. Akon a ngayon ang hinihila niya sa hallway.
"Doc, bagalan mo ang paglakad."
"Dapat mabilis ang galaw kapag nasa hospital ka, Elisha," sagot niya na walang lingon.
Hawak niya ang kamay ko habang hila-hila sa hallway. "Ang init ng kamay mo," puna niya.
"Hindi ko rin alam kung bakit."
"Pero bakit kinikilabutan ako?"
"Baka natatae ka, Doc," sagot ko naman. Huminto si Doc na naniningkit na tiningnan ako.
"Lagyan mo nga ng filter iyang bibig mo. Kung ano-ano ang lumalabas," wika niya na ikinatawa ko. Natatawa pa rin ako nang makaupo na kami sa kumpol ng mga magrorosaryo.
"Heto na ang rosary mo, Doc,"
"Sir," pagtatama ni Doc. Sal.
"Ganito magrosary. Unahin mong mag sign of the cross, tapos,"
"I know how," sagot niya.
"Sabi mo hindi moa lam," it's my turn na maningkit ang mata sa kanya.
"May mga bagay kasi na gusto kong kalimutan, Elisha."
"Pero iyang rosary ang isa sa huwag mong kakalimutan."
"At may mga bagay na pilit mong binabalik sa akin kahit gusto ko ng kalimutan."
"Kasi Doc, kailangan."
"Pag-iisipan ko," sagot niya. Naguguluhan akong tumitig kay Doc. Pasimple niyang itinaas ang manila envelope na hawak at saka inipit sa ilalim ng hita.
"Pero sa ngayon, pag-aaralan ko muna ulit. Para sa future doctor mong alaga."
"Talaga,"
"Shh... huwag kang maingay. May mga nagdadasal," pagbabawal ni Doc Sal sa akin.
"Doc,"
"In the name of the Father," nagsimulang mag-antanda si Doc. effectively dismissing me. Nakangiti akong umayos ng upo at sumabay sap ag-aantanda ng iba. Nagsimula na kaming magrosaryo at pakiramdam ko, naka-one point ako ngayong araw na ito. Sana tuloy-tuloy na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top