Chapter 12- Nagbabalik
Elisha
"Good morning, Sir." Napaangat ng tingin si Doc. Sal muna sa laptop na binubuksan niya. "Soya milk for you." Ibinaba ko sa table ang dala kong soya milk na ininit ko mula sa microwave sa pantry.
"Good morning," bati niya sa akin.
"Umm, nagulat ang HR nang magreport ako. May assistant ka na raw so uuwi na ako, Doc, ay Sir pala."
"Ako ang nagpabalik sa iyon, hindi ba?" Walang kangiti-ngiting tanong ni Doc. Sal. Kinuha niya ang landline sa harapan at may tinawagan.
"Nandito na ang assistant ko. Hindi ko na kailangan ang bago na binigay ninyo." Wika niya at binaba na agad ang telepono.
"That's not the right way to talk to your employee. May mga pinagdadaanan din sila sa buhay so at least be polite even you are the boss."
Naningkit ang mga mata ni Doc sa akin. Oh Lord, tanggal na naman yata ako sa work. Kinuha ulit ni Doc. Sal ang receiver ng phone at tumawag ulit.
"Please," he said at binaba na ulit ang receiver.
"Mukhang matagal-tagal pa ang mission ko," bulong ko sa sarili ko. Huh? Anong mission?
"Umupo ka dito," turo niya sa silya na nasa harapan ng table. Tahimik akong sumunod sa kanya. Sinusundan ko siya ng tingin habang naghahalungkat ng bag. Napangiti ako nang inilabas niya ang stethoscope at BP machine. Inilagay niya ito sa leeg at nilabas ang isang folder na kulay puti mula sa bag. Naupo si Doc. Sal sa upuan sa harapan ko at iniusog niya ng kaunti para malapit siya sa akin.
"Doc?"
"Shh, huwag kang maingay." Pagbabawal niya sa akin. Binabasa niya ang file sa folder na hula ko ay ang file ko galing sa hospital.
"May glimpses ka ba ng past mo? Anything na bumabalik sa alaala mo?"
Umiling ako bilang sagot. Tiningnan ko ang sinusulat niya sa record pero hindi ko maintindihan. Bakit ang pangit magsulat ng mga doctor? Sunod na tiningnan niya ang blood pressure ko, then my eyes— inilawan ng maliit na flashlight from his pen. He even checked my stitches sa head. Mabuti na lang at hindi ako kinalbo ng buo. Natatakpan ng ibang buhok ang part na papatubo pa lang ang buhok ko.
"Any head ache? Dizziness?" Tanong niya ulit. Hindi ko na napigilang mangiti.
"Wala, Doc." Sagot ko. "Ikaw na ba ang magchecheck-up ulit sa akin?"
"Hindi. Ibabalik kita kay Doc. Santiago," sagot niya.
"Ay ayaw ko," mariing sagot ko na ikinatawa niya ng bahagya. "Kung ang biruin ako ang makakapagpatawa sayo Doc., magiging joke na lang ako para bumalik ka sa pagtawa."
Tinaasan ako ng kilay ni Doc bago sinenyasang tumalikod. Naramdaman ko ang stethoscope sa likod ko. Tahimik akong sumusunod sa mga pinapagawa niya hanggang sa magdeclare siya na 'all is good'.
Hindi naman mabigat ang work load ko ngayon. Bukod sa taga-sagot ng phone at taga taboy ng media na gustong mainterview si Doc, wala naman akong critical na ginagawa kaya every two hours, dinadalan ko ng soya milk si Doc sa office niya.
"Doc. Sal," tawag ko sa kanya nang pumasok ako s aoffice bandang 2 pm. Hindi na naman kasi naglunch ang isa na ito kaya hinatiran ko ng sandwich.
"Sir Sal," pagtatama niya sa akin.
"Sandwich." Nilapag ko ang sandwich sa harapan niya. "Hindi ka na naman lumabas ng lunch break."
"Thank you," sagot nito na walang kurap sa binabasa sa screen.
"A great doctor said to me once 'masama ang magpalipas ng gutom.'"
Napatingin si Doc Salazar sa akin. "Pakisunod mo ang ipinayo mo sa akin... Sir. 'Yung sandwich kainin mo na."
"Kakain na ako, pakitype mo ito tapos isend mo sa akin for review." Inabot ni Doc ang dalawang bond paper na puro sulat kamay niya. Binasa ko muna ito ng mga tatlong ulit at pinag-isipan kung magtatanong o hindi.
"Huwag mo akong bantayan, kumakain na ako." Seryosong wika ni Doc. sa akin habang ngumunguya ng sandwich na dinala ko.
"Ano kasi Sir, hindi kasi ako pharmacist." I said to him. Nahinto sa pagnguya si Doc. Sal at muling tumingin sa akin. "Hindi ko maintindihan ang sulat mo." Itinaas ko sa harapan niya ang bond paper. "Parang niresetahan mo ako ng mahaba." Dagdag ko pa.
Natawa si Doc at hiningi ulit sa akin ang bond paper na binigay niya. "Ako na nga lang," saad niya.
"Ayusin mo lang Sir, tapos ako na ang bahalang mag-encode."
"Maayos na iyan. Pinakaayos ko na nga para mabasa mo." Parang na-offend si Doc sa sinabi ko.
"Panginoon ko, maayos na ba iyan?" Manghang tanong ko sa kanya.
"Hay, hindi ko alam kung bakit pinabalik pa kita. Kuha mo na lang ako ng tubig." Utos nito na mukhang pinagsisisihan na ang desisyon niya.
"Sir, warm or cold?"
"Room temperature, isang baso lang. Gusto mo ba specific pa?" Medyo sarcastic na tanong ni Doc sa akin. Nabubwisit na naman siya.
"Mga ilang ml? 'Di joke lang Sir. Sige ikukuha na kita ng tubig. 'Yung Evian para may minerals,"
Ang hirap timplahin ng mood ni Doc. Kanina lang tumatawa tapos biglang naiinis. Hanapan ko nga ng calming tea mamaya sa grocery. Nakahanap ako ng evian sa pantry at kumuha ng dalawang maliit na bottle. Isinalin ko ang isang bote sa baso at tinangay ang isang bote pa para may choices siya kung alin ang gusto niyang inuman. Naiiling si Doc nang makita ang dala ko.
"Sir, papaalala ko nga pala na may schedule tayong pagpunta sa hospital sa weekend."
"Para saan? At talagang kasama ako?" Seryosong tanong ni Doc.
"Doon sa napag-usapan natin. May amnesia ka rin ba?" Naguguluhang tanong ko.
"Hindi ba kasali sa makakalimutan mo iyon?"
"Ay naku... nangako ka, Doc."
"Sir... Isang sabi mo pa ng Doc." Banta niya. Matatanggalan ako ng work?
"Anong oras kita susunduin?"
"Uhmm, sure kang susunduin mo ako?" Manghang tanong ko.
"Hindi. Pero nagmamagandang loob ako pambawi sa kasalanan ko sa iyo. Mga anong oras?"
Ohhh... wala naman na sa akin iyon e. Hindi naman ako mapagtanim ng sama ng loob. Mabigat iyon sa dibdib. Mabigat sa pakiramdam.
"Mga 9am, Sir. Alam mo Sir kung saan ako nakatira?"
"Oo. Ilagay mo sa schedule ko para ma-update sa phone. Until what time tayo doon?"
"Hanggang 5pm." Maikling sagot ko. "Sir, pakidala ang stethoscope mo. Thank you," nakangiti akong lumabas ng office ni Doc. Sal.
Hindi nagustuhan ni Doc Sal ang chamomile tea. Muntik ng maibuga sa laptop ang tsaa. Imbis na kumalma ay lalo yatang nagalit si Doc. Ekis na ang tea na iyon. Lasang sampaguita raw. Nakatikim na siya ng sampaguita? Sunod kong binili sa kanya ang earl grey tea, nagreklamo pa rin. Naubos ko na yata ang flavor ng tea sa grocery. Tuwang-tuwa naman ang mga nasa lower floor dahil araw-araw, may dala akong tsaa sa kanila hanggang natagpuan ko ang black tea na nag-iisa na lang sa shelve. Dinasalan ko na talaga ang tsaa na ito at namili ng lemon na medyo magulang na para hindi masyadong maasim.
Tahimik akong naghihintay ng violent reaction ni Doc. Sal sa inabot kong tsaa. Nang walang reaction sa unang higop, nakahinga ako agad ng maluwag. Napangiti na ako nang humigop ulit ng pangalawa.
"Okay na, Sir?"
"Nakuha mo rin. Ano tea ito?" Mabuti naman. Akala ko ay tatawag na ako ng anghel sa langit para magmakaawa na ituro ang tamang inumin mo.
"TWG black tea with lemon." I replied.
"Very good ka dito. Bukas, susunduin kita ng 7am para hindi tayo masyadong malate."
"Okay na ang 8am Sir, hindi naman ako nalalate ng ganoong oras." Sagot ko.
"Kakain pa tayo bago pumunta ng hospital. Masama ang nagpapalipas ng gutom." Napangiti ako kay Sir. "Okay Sir, 7am bukas." I was about to leave when I remember something. "Sir, magdala ka nga pala ng rosary bukas. Mayroong healing mass after ng rosary sa hospital."
You need that mass to be healed. You need to hear the word of God so you won't feel alone.
"Hindi ako nagrorosary,"
"I will teach you how. Ipagdadala na lang kita para hindi mo makalimutan." I went out of his room and sit at my chair.
Tandaan mo ang iyong misyon.
"Opo, heto na,"sagot ko sa nagsalita. "Magsisimula na po ako."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top