Chapter 10- Missing Yakult
Salazar
Hindi ako pinatulog ng huling sinabi ni Elisha. I overboard. Hindi ko dapat sinabi iyon.
Maaga akong pumasok sa opisina na ikinagulat ng gwardiya. Hinintay kong dumating si Elisha ngunit walang Elisha na pumapasok sa opisina ko para maghatid ng kung ano-anong inumin. Okay, mukhang absent siya. Papalipasin ko muna ito, baka galit pa.
Kinabukasan ay wala pa ring Elisha na lumitaw. Hinayaan ko na lang ulit dahil ayaw ko naman ng may assistant talaga. Napapatingin ako sa upuan niya sa labas ng opisina ko sa tuwing lalabas ako upang kumuha ng tubig o kape o... yakult sa pantry.
Ikatlong araw na wala si Elisha, tinawagan ko na ang HR.
"Bakit hindi pumapasok si Elisha?"
"Sir, naghahanap na kami ng kapalit. Bukas na magstart ang nakuha namin." Sagot ng HR manager.
"What? She resigned?"
"Ganoon na nga Sir." Sagot ng HR.
"Bakit daw?"
"Ummm, wala siyang sinabing reason. Immediate resignation ang ginawa niya." Paliwanag sa akin. Lalo akong kinain ng kunsensya ko.
"Send Elisha's file to my email."
"Why Sir?" Nagtatakang tanong ng HR.
"Now," mariing sagot ko. Nagtanong pa. HR Manger sent Elisha's file right away. Hinanap ko ang number niya at hindi na nag-isip pa— tinawagan ko na agad para tanungin siya kung bakit nagresign.
"Hello?"
"Hel..." Bakit parang iba ang boses? "Hello? Elisha?"
"Ay sorry, hindi ito si Elisha. Nurse niya ito."
"Nurse May? Nasaan si Elisha?"
"Sino ito? Bakit mo ako kilala?" She asked instead of answering me.
"Si Salazar,"
"Doc. Sal?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Doc... hindi na ako. "Naku, nasa bahay si Elisha. Iniwan ko sandali at nagpabili ng yakult. Pero paalis din. Napatawag po kayo."
"Ano ang number ni Elisha?"
"Naku Doc, wala siyang cellphone. Ayaw niya kasi wala naman daw silang kilala. Sabihin ko na lang na tumawag ka at magreturn call sa inyo?"
Napabuga ako ng hininga. May pakiramdam ako na hindi siya tatawag. "Okay sige, pakisabi na lang. At Nurse May, Sal lang ang itawag mo sa akin. Hindi na ako Doc ngayon." Natahimik si Nurse May sandali sa kabilang line bago sumagot ng mahina, "Okay," wika niya.
Alas tres ng hapon nang mainip ako sa kakahintay ng tawag ni Elisha. Tumawag akong muli at si Nurse May ang nakasagot.
"Doc. umalis si Elisha," bungad niya agad. "Hinatid ko kanina sa hospital at babalikan ko na lang daw siya ng bandang alas singko."
"Bakit nasa hospital? Check-up niya ba?"
"Err, hindi. Bukas pa ang check-up namin. Nagvolunteer siya sa isang hospital kasi naiinip daw siya."
"Nurse May, alam mong mahina pa ang resistensya ng alaga mo. Bakit mo pinayagang magvolunteer sa hospital? At bakit hindi ka kasama? Updated ba ang vaccine niya? Umiinom ng mga meds?" Pangaral ko kausap. Mali yatang siya ang pinili ko para mag-alaga kay Elisha.
"Doc, teka lang, isa-isa lang. Usually, kasama niya ako kapag nagvo-volunteer kami. Meron lang akong prior commitment kaya nagpaiwan na lang siya sa hospital. Updated ang vaccine niya at umiinom pa rin ng mga gamot. Iyon nga lang binawasan ni Doc Santiago ang mga binigay mo noon." Sagot nito. Ang kulit ng matandang iyon.
"Saka, Doc., kung pwede sana, ikaw na lang magcheck up kay Elisha. Hindi ako palagay kay Doc. Santiago."
May parang yelo na dumaloy sa dugo ko sa sinabi ni Nurse May. "Ano ang nangyayari?"
"Hindi ko alam Doc., pero, hindi yata tama na bigyan si Elisha ng hindi lisensyadong gamot."
"Ano? Anong gamot. Send mo sa akin ang picture. Ngayon na,"
"Hindi ko dala. Pag-uwi ko sa bahay, isesend ko sa iyo. 'Wag moa kong isusumbong, Doc. Baka mawalan ako ng lisensya. Hindi ko kasi ipinainom kay Elisha."
Napahinga ako ng malalim para kumalma. "Trial drugs are way too dangerous."
"Narinig ko kayo dati na nakikipagtalo kay Doc. Santiago. Sabi ninyo ay ayaw ninyong gamitin ang gamot na iyon, kaya noong binigay niya kapalit ng mga gamot na binigay mo, hindi ko na lang pinainom kay Elisha. Pero Doc., huwag ninyo akong isumbong ha."
Kung hindi ka huminto, hindi magkakaganito.
"Send mo sa akin ang picture ng gamot. Hindi ko sa iyo nalaman, Nurse May."
"Thank you, Doc. Message kita mamaya." Nagpaalam si Nurse May sa kabilang line at nanatili akong nakatulala sa kawalan.
"Sal," pumitik si daddy na nasa harapan ko na pala. Hindi ko siya napansin na pumasok sa opisina ko. "Kanina pa ako kumakatok, okay ka lang? Nasaan ang assistant mo?"
Napabuga ako ng hininga muli, "Nagresign."
"Na naman." Flat na comment ni daddy. Naupo siya sa upuan sa harapan ng table ko at saka nagtanong, "What is it this time?"
"Kasalanan ko," I honestly replied. "May nasabi akong hindi... tama."
"Kung may nagawa kang mali, dapat ay humingi ka ng paumanhin." Palala ni daddy. "I know," I murmured.
"Akala ko ay tinanggal mo ang assistant mo dahil sa yakult na dinala," biro ni daddy na ikinatawa ko ng bahagya.
"Nilagyan nga ng asin ang kape e," kwento ko. "Dad, alam moa ng trial drug na Neuroaider?" Pag-iiba ko sa usapan.
"Yes, it's an unstable drug." Sagot ni daddy.
"Pahingi ako ng report. Kailangan ko bukas."
Pinadala ni Nurse May sa akin ang gamot na sinasabi niya. It's neuroaider nga gaya ng hinala ko. At ang report na binigay ni daddy sa akin about sa drugs na ito ay hindi maganda. I decided to swing by tomorrow at the Hospital to have a word with Doctor Santiago.
Kasalukuyang chine-check si Elsiha nang pumasok ako sa clinic ni Doc. Santiago kasunod ang assistant niya na hinihila ako palabas ng pintuan. Nagulat si Elisha at Nurse May nang makita ako.
"Pati yata ang manners ay nawala sa iyo," tuya ng matandang doctor. "Lumabas ka,"
"Nalate lang ako. Sinamahan ko ang... assistant ko sa check-up." Sagot ko na ikinalaki ng mga mata ni Elisha. Si Nurse May ay namutla sa kinauupuan niya.
"Ano ang kailangan mo, Sal?"
"Wala naman, Doc. Just making sure na makaka-alala ang assistant ko. Hindi kasi naalala hanggang ngayon ang pinagkaiba ng asukal sa asin. Baka dahil sa gamot na pinapagamit mo. Hindi kaya?"
"Huwag mo akong pagbintangan," biglang tumaas ang boses ni Doctor Santiago.
"Huwag mong pag-eksperimentuhan si Elisha." Hinagis ko ang test report ng Neuroaider sa harapan niya. "Makakarating sa head ng hospital ang ginagawa mo."
Nag-aalangang lumabas ng kwarto ang assistant ni Doc. Santiago at isinarado ang pintuan ng clinic niya. "At malalaman ng public na ikaw ang may kasalanan sa pagkamatay ni Mira De Venecia." Sagot ni Doc. Santiago na ikinakuyom ng mga kamao ko. Ngunit hindi ako papatalo sa panunuya niya.
"Deal," sagot ko sa kanya. Napamaang sandali si Doc. Santiago bago nagdilim ang mukha.
"Ano ang gusto mong mangyari, Salazar?" May pagbabanta na tanong ni Doc. Santiago.
"Siguro po ay mauuna na kami kung okay naman ang check-ups ko?" Pumagitna sa amin si Elisha. Tumayo siya at pumunta sa harapan ko bago hinarap si Doc. Santiago. "Maari na ba akong umalis?" Hindi kumibo si Doc. Santiago na masama ang tingin sa akin sa likuran ni Elisha. Hinawakan ko sa siko si Elsiha at iginaya palabas. Sumunod sa amin si Nurse May.
Parang kailan lang ay isa akong tinitingalang doktor dito sa ospital na ito. Bagaman kilala pa ako ng mga staff, may alinlangan na silang batiin ako. Yahimik si Elisha habang binabaybay namin ang hallway ng biglang may isang team na tumatakbo papunta sa gawi ng operating room. Tumabi kami sa gilid ng pader upang makadaan ang team— ang dati kong team— na may hila-hilang isang stretcher. Nakasunod sa stretcher ang umiiyak na nanay ng batang pasyente. Hinarang ang team ko ni Doc. Santiago. Nahinto ang stretcher sa mismong harapan namin ni Elisha.
"Hindi pwedeng operahan ang bata." Wika ni Doc. Santiago na mas lalong ikinaiyak ng nanay. Natingin sa akin ang buong team na magdadala sa bata sa emergency room.
"Doc. Santiago," wika ng anesthesiologist ko. "This is an emergency. May pumutok na ugat sa utak ng bata."
"I will not do it and nobody is capable to do it besides me." Sagot ng matandang doctor.
"Bakit? Bakit ayaw mong operahan?" Matigas na tanong ng assistant doctor ko noon. "Dahil sa rating? Then let me." Sabi niya na kahit hindi pa fully capable ay handing gawin ang operation.
"Huwag kang magpatawa Doctor Chan. Hindi ka lesensyadong mag-operate mag-isa." Sagot ni Doctor Santiago.
"You can," bulong ni Elisha sa akin. "'Di ba?"
Napatingin ako kay Elisha na wala sa akin ang tingin kung hindi sa batang namumutla sa harapan namin.
"Parang-awa nyo na po. Tulungan ninyo ang anak ko. Iligtas ninyo siya. Doc," wika ng ina na lumuhod sa harapan ni Doc. Santiago. Humakbang patalikod ang doktor upang iwasan ang nagsusumamong ina. "Parang-awa mo na,"
"Doc. Sal, have faith. Iligtas mo ang bata." Doon tumingin sa akin si Elisha. May determination ang mga mata. "Kasama mo si Lord at ang anghel niya. Gagabayan ka nila. Iligtas mo ang bata gaya ng ginawa mo sa akin." Hiling ni Elisha.
Hindi ko kaya.
"Kaya mo," sagot niya sa piping tanggi ng utak ko. "Kaya mo. May tiwala ang buong team mo sa iyo kaya magtiwala ka."
Pumikit ako at huminga ng malalim. Nanginginig ang mga kamay ko sa kaba pero hindi ko kayang talikuran ang batang nag-aagaw buhay. "Doc. Chan, samahan mo sa admin ang nanay ng pasyente, kumuha kayo ng consent. Ako ang mag-ooperate. Dalin ninyo sa operating room ang pasyente. I need the full report, now." Tumango ang buong team ko at nilagpasan si Doc. Santiago sa hallway. Tinulungan ni Nurse May na tumayo ang nanay ng bata at isinama nila ni Doctor Chan sa admin office.
"You will not..."
"Manood ka." Putol ko sa sasabihin ni Doc. Santiago. I was about to leave the hallway when Elisha hold my arm to stop me. May init na nagmumula sa kanyang kamay ang tumulay sa akin at nawala ang kabang nararamdaman ko. Nawala ang panginginig ng mga kamay ko.
"God bless you. Don't forget to pray before you operate... Doc." Nakangiting wika niya. Isang tango ang binigay ko kay Elisha bago ko sinundan ang team ko na nasa operating room.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top