Chapter 1

“Ante, wala ka bang balak magpa enroll ngayon?” Naalimputagan ako dahil sa sinabi ni Nadelienne sa ‘kin.

Shit, ngayon ba iyon? Sa pagkakaalala ko kasi ay next week pa ang schedule.

“Nads, next week pa, excited ka naman masyado mag-aral,” inaantok na sagot ko sa kanya.

“Gaga, ngayon ang simula nang schedule, hindi ka talaga nagbabasa, eh,” the frustration was so evident on her tone.

Base sa tono nito, mukhang naiinip na ito sa 'kin.

“Gago, eh, next week iyong nasa sched!” Pakikipagtalo ko pa rin sa kanya.

“Ikaw ba may-ari nang paaralan? Patayo ka nalang ng sarili mong paaralan, ante, nakipagtalo ka pa, eh, ako ‘tong nakakita no’ng announcement nila.” Naiinis na sambit ni Nads na nasa kabilang linya ng telepono.

Hindi ko na mapigilang matawa dahil ramdam ko na kung nandito lang ang babaeng ito sa aking tabi ay kanina pa ako nito nabato ng unan.

“Ito na, mag-aayos na, feeling ko susugurin mo na ako rito sa bahay kapag hindi pa ako kikilos.” Nakangising sabi ko habang tumayo na sa aking higaan.

I heard a sigh of relief from her on the other line.

“Buti alam mo. Sige na, hihintayin kita sa gate ng school.”

The call ended after that.

***

Habang nakasakay ako sasakyan ay napamuni-muni ako. Gusto ko ba talagang mag STEM? Kasi sa pagkakaalala ko hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung anong track sa senior high ang gusto kong kunin.

I am still undecided that it fears me when I enter college I'll regret the decision I'll make.

Sabi nang mama ko noon na dapat umisip ako nang kursong makakatulong sa akin.

Sabi naman nang papa ko na sundin ko ang kung ano ang gusto ko.

Kaya ngayon ay mas lalo akong nalito. Hindi naman talaga ako sure sa STEM, eh, pinili ko na lamang ito dahil sabi ni mama na maganda raw doon at mas mabuti raw iyon.

That's what they said, so I just agreed.

Nang makarating ako sa paaralan ay agad akong nakaramdam ng paninibago. First time kong mapalayo sa aking pamilya at mag independent living dahil may kalayuan ang paaralan na ito sa dati kong inaaralan.

Kaya mo ito, Dawn.

Like what Nadelienne said to me lately, naghihintay na nga siya sa gate ng paaralan.

Ngumiti ako kay Nads ngunit hindi na maipinta ang mukha niya habang nakatingin sa ‘kin. Nakaramdam ako ng kaba dahil sa pinakitang mukha ni Nadelienne.

“I'm sorry, Nads, hindi ko talaga nakita sa iyong announcement, eh. Akala ko talaga next week pa.” Agad akong humingi ng tawad kay Nads nang makalapit ako rito.

Sa lahat nang ayaw ko ay may mga taong magalit o mainis dahil sa ‘kin o sa mga ginagawa ko.

I don't want them to feel disappointed because of what I did. That's my fear—to disappoint the people around me.

“Gaga, ayos lang. Para namang pas-an mo ang buong problema nang mundo,” Nads assured me. “Pasok na tayo, future silvinians.”

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Parang nabunutan ng tinik ang buong puso ko.

Nads is my cousin and my friend at the same time. Hindi kami gano'n ka close rati, nagsimula lang ang closeness namin nang maisipan namin pareho na lumipat ng paaralan at dito na mag senior high.

She's a kind of friend who's a friend to all. Kahit saan may kilala siyang tao. That's how opposite we are. Kaya nga siguro ako walang kaibigan no'ng junior high.

I am not a loner, I have acquaintances but I cannot call them my friends. We just knew each other, talked, smiled, that's it. But a deeper connection? I can't recall even one.

Southern Ville High

A new place to start.

“Bilisan natin, Dawn, baka marami nang nakapila para sa enrollment,” nagmamadaling sambit ni Nads.

I read their post lately while I was in the car, they have different ways of sectioning. They have ten sections per strand. A to J, in order to be in Section A, you should be an early bird.

Maraming maghahabol sa section A dahil una, sigurado ako riyan. Hindi naman sa ayaw ko sa section A, pero kasi parang nandoon lahat ng mga competitive.

Hindi ko rin naman gusto sa last section kasi panigurado na nandoon iyong mga taong, “ay, last nalang tayo, para chill.”

I don't want to chill. I am competitive but at the same time not. Magaling ako pero hindi ko gustong madiskubre ng iba. I hate attention, it fears me that if I disappoint them, they'll be disappointed in me in all aspects.

“Paunahin nalang natin sila,” saad ko. “'wag tayo sa A.”

Napatingin sa'kin si Nads dahil sa aking sinabi.

“Ayaw mo no'n first section tayo?” Tanong niya. “Pero nagsimula na ang enrollment, baka sa B na tayo.”

I have no problem with that. Basta huwag lang sa unang section.

“I am okay with that,” sagot ko sa kanya.

Tila nagulat siya sa naging sagot ko.

“Seryoso, hindi ka makikipag kompetensya para mapunta sa Section A? Where's my intelligent and competitive cousin? Ibalik mo siya, naninibago ako sa ‘yo.” Hindi makapaniwalang aniya nito sa'kin.

Napailing nalang ako dahil sa sinabi niya.

“Hindi naman kasi ibig sabihin ‘pag nasa A ka matalino ka na, what if nasa H o B pala iyong mga overall top students? We can't determine just because you are in A you'll be on top. Kahit saan nalang tayo basta ma enroll tayo,” pag explain ko sa kanya.

I am not aiming for anything as of now. Mamaya ko nalang iyan iisipin.

Naglakad kami ni Nads papunta sa enrollment area ng STEM. Since nandoon ang enrollment sa 4th floor. Pagdating namin sa itaas ay marami na ngang mga tao.

Binigyan kami ng enrollment form at nagsimula kaming mag fill up ni Nads. I read it thoroughly. Seryoso na ba talaga ako sa desisyon ko na ito?

It's now or never, Dawn.

I get the pen inside my bag and start filling out the form. Hindi nagtagal ay natapos ko rin iyon. Tumayo ako sa upuan upang ibalik ang form sa facilitator.

Ngunit gano'n nalang ang gulat ko nang may nakaabang na pala sa harapan ko.

“What the f—” Gulat na saad ko dahil sa lalaking nasa harapan ko.

He's that guy I met last summer. I don't know if he remembers me, but his face is still vivid to me. The guy that brings life to my summer.

Mabuti nalang at napigilan ko ang sarili kong magmura dahil baka hindi pa tapos ang enrollment, expelled na ako.

“Fudgee bar!” Dagdag ko.

Gulat din siyang nakatingin sa 'kin dahil sa sinambit ko. Nakakagulat naman kasi siya, bigla-bigla nalang susulpot sa harapan ko.

Saan ba galing ang lalaking ito?

“Wala po akong fudgee bar.” Nakangising aniya nang ma realize niya ang sinambit ko. “Bad po ang nagmumura.”

Narinig niya pa ang muntikan kong pagmumura? Talas naman ng listening skills nang lalaking ito.

“I didn't curse,” I defended myself. “Ba't ka kasi lumapit sa 'kin?”

Napagtanto kong masyadong direct ang naging tanong ko. I cannot really control this tongue of mine sometimes.

He acted as if he was hurt because of my question.

“Grabe parang hindi tayo nagkakilala no'ng Summer ah,” he make face like a little kid na inagawan ng laruan.

Beat.

He still remembers that encounter.

“Hayes, right?” I asked him.

“One and only.” Nakangising sagot niya. “STEM ka rin?”

“Oo, naka fill-up na, eh,” I answered.

He nods.

“Baka maging magka klase tayo. Tapos ka na?” Tanong niya ulit.

“Oo, mag s-submit nalang.” casual na sagot ko.

“Kaya talaga kita nilapitan kasi . . .” he stop for a moment that made me wonder.

Napakamot siya sa kanyang ulo. Tinignan ko lang siya ng usual kong tingin.

“Kasi?” Nagtatakang tanong ko.

“Kakapalan ko na ang mukha ko. Pwede bang manghiram ng ball pen?” He showed me his smile once more. Diyan niya ako nadali no'ng summer, eh. “Isasauli ko rin agad pagkatapos, pwede rin sa'kin na kung ibibigay mo. Bff na tayo, eh.”

Bff huh. Paano kung gusto ko nang more than friends?

“Wala ka bang kaibigan?” Kuryusong tanong ko.

Sa personalidad niyang iyan, ang imposible kung wala siyang kaibigan. Parehong-pareho sila nang ugali ni Nadelienne, iyong tipong kahit saan may kakilala.

Bigla kong natampal ang aking bibig nang napagtanto ko ang tinanong kay Hayes.

“Syempre meron, pero ikaw ang gusto ko.”

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Gago?!

“Okay,’’ walang pag-alinlangan na sagot ko.

Gusto rin kasi kitang maging kaibigan kaya sige lang.

“Thanks, future seatmate! See you around.”


Parallel Pulsations
By DeeYanny
Plagiarism is a crime

Votes and comments are highly appreciated. Enjoy reading!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top