✿ | 66

Jeramiah: Uy, anu na Jinx?

Jeramiah: Kinilig ka ba o talagang iiwasan mo ako?

Jeramiah: matatapos na lang yung kwento, ganyan ka pa rin?

Jeramiah: tinatanong kita

Jinx: sinabi kong humarap ka

Jeramiah: bakit ako haharap? ang daming tao sa paligid ko

Jeramiah: baka mamaya niyan, ma-snatch-an ako.

Jeramiah: tiyaka sabihin mo na lang

Jeramiah: oy

Jeramiah: Jinx?

Jeramiah: huy!!

  "Uy, yung phone ko!" biglang sigaw ni Jeramiah at tumalikod nang may biglang humablot sa kanyang cellphone.

  "Sabing tumalikod ka eh."

  "Jinx," pabulong na sabi ni Jeramiah. "Paano mo nalaman na nandito ako?" tanong nito kay Jinx pero nginisihan lang siya nito. 

  Itinaas ni Jinx yung cellphone ni Jeramiah. "Alam mo pa lang baka ma-isnatch-an ka pero bakit dito ka nagcha-chat sa lugar kung saan maraming tao?"

  Pinagsingkitan ni Jeramiah si Jinx, "Kasi nga, ayoko ng magsayang ng oras, minuto o segundo. Bakit ba ang kulit mo?"

  "Bakit ba ang kulit mo rin?" tanong rin ni Jinx sa kanya pabalik.

  "Teka, bakit hindi ka na nagchat back kanina?" biglang tanong ni Jeramiah.

  "Ah kasi, ninakaw."

  "Ano?! Ninakaw yung cellphone mo? Kanina lang nangyari edi nandito pa iyon. Bakit hindi mo hinabol?"

  Tumango si Jinx, "Oo, nandito pa iyon."

  "Nakita mo? Nasaan? Nasaan na yung nagnakaw ng phone mo?" tanong ni Jeramiah habang lilinga-linga na nagbabakasakaling makita ang nagnakaw ng cellphone ni Jinx.

  "Nasa harapan ko," asik ni Jinx.

  Napatingin si Jeramiah sa kanya na nakakunot ang noo. "Huh?"

  "Actually hindi naman cellphone ang ninakaw niya."

  Itinuro ni Jinx ang kanyang dibdib, "Eto, ninakaw niya. Ninakaw niya ang puso ko, matagal na pala."

  "Jinx Kim.."

  "Jeramiah Ford, mahal rin kita."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top