✿ | 56
7:15pm
Joza: Jinx!
Jinx: Oh bakit?
Joza: Ang ganda ko :'>
Seen 7:16pm
Joza: Ay grabe, ang sama mo talaga sa akin tss
Joza: Hindi porke't nag-enjoy ka sa "date" mo!!!
Jinx: Anong date? Hindi date iyon!
Joza: Anong hindi date ka diyan? Ano tawag mo kanina?
Jinx: Window shopping
Joza: With whore?
Jinx: bastos neto, baka whom
Joza: so ano nga?
Jinx: tigilan mo nga ko Jaikoll, may BOYFRIEND iyon.
Joza: wow, buti alam mo
Jinx: ewan ko sayo, ikaw ata ang masama sa ating dalawa eh. pinupush mo ko sa taong may iba na.
Joza: ayooown, nagising rin sa realidad na may iba na.
Jinx: Inulit pa
Seen 7:18pm
Jinx: okay na rin
Joza: na alin?
Jinx: na ganon lang kami ni Jeramiah
Jinx: ang maging magbestfriend
Joza: Bakit? Suko ka na?
Jinx: Hindi pero kasi
Joza: Pero kasi?
Jinx: Kasi alam kong mahal talaga ni Jebz si Jeramiah.
Joza: Paano mo nasabi?
Jinx: Hello? Mag-one month na kaya sila
Jinx: Tapos, alam ko naman pro-protektahan ng kapatid ko si Jeramiah.
Jinx: Kahit ba karibal ko ang ebak na iyon, suportado pa rin ako sa relasyon nila.
Joza: So, suko ka na talaga?
Jinx: Hindi ko alam
Joza: Ganyan ka naman eh, hindi mo muna alamin ang lahat pero eto ka ngayon suko na agad.
Jinx: Alamin? Alamin na wala na talaga pag-asa? Ayon ba ang gusto mo iparating?
Joza: Hindi naman sa ganoon pero Jinx, bakit hindi mo muna i-try sabihin ang naramdaman mo sa kanya na gusto mo na siya mula pa noon hanggang ngayon at ito ay hindi pa naglalaho?
Jinx: Para saan pa? Para paalalahanin na eto ako, nasasaktan? Palagi.
Joza: Hindi, para pagaanin ang loob mo. Kaysa naman tinatago mo lang at ikaw lang ang nakakaalam.
Jinx: Siguro Jaikoll, ako yung tipong patagong nagmamahal, patago ring nasasaktan.
Joza: putangina mo, ako yung nasasaktan para sayo eh!
Jinx: Hahaha.
Joza: Huwag kang tumawa diyan! Naiiyak ako!
Jinx: Oh bakit ka naiiyak?
Joza: Naghihiwa kasi ako ng sibuyas
Joza: Isama mo pa yung pinag-cha-chat mo!
Jinx: Dinaig mo pa ko.
Joza: Pero Jinx, huling desisyon mo na ba talaga na isuko na lang ang anim na taong pag-ibig sa kanya, kay Jeramiah?
Jinx: Siguro?
Joza: Hay
Joza: Pero ang tibay mo ha.
Jinx: Sa alin?
Joza: Na itago ang nararamdaman mo sa kanya. 6 years of love??! Kung ako iyan, nabaliw na ko.
Joza: Ang tibay rin ng pagkatorpe mo 'no?
Jinx: Tsk, gayahin mo ko.
Joza: lul, mag-isa ka.
Joza: hindi ako torpe noh di tulad mo. ako sinasabi ko sa taong gusto ko ang nararamdaman ko.
Jinx: sige nga, sabihin mo nga sa kanya.
Joza: Jinx
Jinx: oh?
Joza: gusto kita :')
Jinx: pakyu, hindi sa akin!
Joza: ay hindi ba sayo?
Jinx: kadiri ka hayup!
Joza: ay sorry sorry hahaha
Jinx: leche ka
Joza: sorna, pinapatawa lang kita ;)
Jinx: salamat
Joza: ayoko ng salamat mo, gusto ko kiss sa lips!
Jinx: heh
Joza: Kiss sabay hug, Jinx!
Jinx: SABIHIN MO IYAN SA TAONG GUSTO MO KUNG HINDI KA TORPE
Seen 7:29pm
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top