❀ | 31

11:35am

Jeramiah: Uy Jinx!

Jinx: Oh

Jinx: best..

Jeramiah: Nakita kita

Jeramiah: Nagpunta ka ngayon sa kusina

Jinx: Ha?

Jeramiah: Nandito ako sa sala niyo!

Jeramiah: Nagmomovie marathon kami ni Jebz ngayon

Jinx: Ay oo nga pala

Jeramiah: Tara, nood tayo!

Jinx: Masama pakiramdam ko sorry

Jeramiah: Ha? Mukhang wala ka naman sakit eh

Jeramiah: Nakabusangot ang mukha mo kanina at parang nangdidiri ang yung mukha bago ka pumasok ng kusina eh

Jinx: Buti pa ang expression ko, napapansin mo. Eh ang nararamdaman ko kaya para sa'yo, kailan? | deleted

Jinx: Masakit kasi yung tiyan ko

Jeramiah: Ganon ba?

Jeramiah: Uminom ka ng maraming tubig

Jeramiah: Pero teka, kumain ka na ba?

Jinx: Ahm busog pa ko

Jeramiah: tanghali na ah

Jeramiah: Kumain ka muna kaya

Jeramiah: May dala akong KFC dito

Jinx: Huwag na, aalis rin ako mamaya eh

Jeramiah: Saan ka pupunta?

Jinx: Sa kaibigan ko

Jeramiah: Kaninong bahay?

Jinx: Kila Jozeph.

Jeramiah: Sino kasama mo?

Jinx: Sila Knight

Jeramiah: Ano gagawin niyo doon?

Jinx: Bakit ang dami mong tanong?

Jeramiah: Wala lang..

11:39pm

Jeramiah: Masama?

Jinx: Ang sakit ng tiyan ko Jeramiah ngayon, huwag ka na muna magchat

Jeramiah: Eh

Jeramiah: bakit nagrereply ka?

Jinx: Kasi nagcha-chat ka.

Jeramiah: At bakit? Pwede mo naman mamaya ako ireply-an pagkatapos mo magbawas ah

Jinx: Eh kasi

Jeramiah: Tignan mo, nagcha-chat ka pa rin

Seen 11:40pm

Jeramiah: Tapos i-seen mo ko

Jinx: Nagbabawas nga kasi ako

Seen 11:41pm

Jinx: Tapos ako naman ang i-se-seen mo?

Seen 11:41pm

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top