Special Chapter
When Cassandra asks Miggy to come at their usual spot.
‘Uwi ka na sa ‘kin...’
‘Kasi gustong gusto ko nang
umuwi sa ‘yo’
I can’t stop the tears as they continuously flow from my eyes while I’m typing my reply to Hekamiah. Damn, I missed him. No, miss is such an understatement for this kind of feeling. I don't even know how to put it into words.
When he said he’s coming, I put my phone down to calm myself and started admiring the sea as it glistened by the reflection of the magnificent crescent moon. I sat down on the sand while waiting for him to come. As the cool salty breeze of air gently caressed my skin, that nostalgic feeling suddenly kicked in.
Isang maliit na ngiti ang nagawa ko habang inaalala ang lahat ng mga pangyayari sa lugar na ito kasama siya. Simula noong unang pagkikita namin dito no’ng binalak kong tapusin ang buhay ko at siya para umiyak dahil masyado nang mabigat ang kanyang dinadala. Hanggang sa naging tambayan na namin ito, naging saksi sa lahat ng tawanan, iyakan, at kwentuhan namin tungkol sa buhay at sa hinaharap. Naging saksi sa unang halik namin. Naging saksi tuwing kinakantahan niya ako habang nakayakap siya sa akin. At ang nakasaksi sa pinakahuling araw na magkasama kami. At ngayon saksi sa muling pagkikita namin makalipas ang maraming taon na inakala kong wala na siya.
When his grandma announced that he’s dead, a huge part of me died too. I don’t know what to do that time. I feel lost. Still shocked at the news and it feels like a dream pero nang tumagal doon lang ako natauhan wala na nga siya. Higit pa sa salitang masakit ang naramdaman ko nang malaman ko iyon.
He’s my favorite song. The song that keeps me going. The song that comforts me. The song that’s keeping me sane. The song that calms me. The song who knows how to deal with my emotions. The song who made me feel loved every seconds of the day. And suddenly that song... died.
Kaya nang makita ko siya sa reunion ng batch namin halos mabaliw na ako. Hindi ko alam kung masyado na ba akong hibang para isiping buhay pa siya. Hindi ko alam kung totoo ba ang nakikita ko o guniguni ko lang. Pero totoo siya. Halo halong emosyon ang naramdaman ko noon. Galit, kasi bakit kailangan pa niya akong saktan at pagmukhaing tanga? Lungkot, kasi bakit ang tagal? Inis, kasi bakit ngayon lang siya nagpakita? At higit sa lahat, saya. Masayang masaya ako kasi buhay siya. Bumalik siya. Hindi ako iniwan ng musika ko.
At salamat kay Haianah dahil nalaman ko ang tunay niyang dahilan. Nawala ang galit at inis ko, tanging saya at pagkasabik na lang sa kanya ang nararamdaman ko.
Nasaan na kaya siya?
Bakit ang tagal niya?
“Cassandra...” isang malalim at pamilyar na boses ang lumukob sa tainga ko. Agad na nanubig ang mata ko. Sumikip ang dibdib sa sobrang saya kasabay ng malakas na pagtibok ng puso ko. Wala na akong inaksaya pang oras, dali dali akong tumayo at lumingon sa likuran. Doon, nakita ko ang musika ko. Agad kong tinapon ang katawan ko sa kanya at mahigpit siyang niyakap. Agad ko ring naramdaman ang pagganti niya sa yakap ko. Nag-uunahan sa pagtulo ang mga luha ko habang nakasubsob sa matikas niyang dibdib.
“H-Hekamiah...” his name is the only word I can utter.
“Shush... tahan na, nandito na ako. I’m sorry kung ang tagal kong nawala. Patawarin mo sana ako sa lahat ng sakit na binigay ko sa ‘yo,” he whispered close to my ear.
Agad akong umiling. “I understand you, Hekamiah... Napatawad na kita.”
Napahinga siya nang malalim, tila nawala bigla ang bigat na kanyang dinadala. Ramdam ko ang paghigpit pa ng yakap niya sa akin. “Thank you...” he whispered before planting a gentle kiss on the side of my temple.
We remained silent for a few minutes while still hugging each other. Tahimik pero ang komportable sa pakiramdam. Tanging mga hampas lang ng alon at ang paghinga namin ang maririnig. I realized that I’ve never been at peace since the day I thought he was gone, not until now that I am wrap around in his arms. This is the peace that I needed. The rest that I needed. The home that I needed.
“Kumusta?” Hekamiah asked after the long stretch of silence. We are now quietly sitting on the sand while watching the waves reach our feet. Binaling ko ang mga mata ko sa kanan upang tingnan siya.
“Doing great,” I shrugged. “And better...” because I’m with you now. “You?” balik ko sa tanong niya.
He just stared at me for a few seconds before the ghost of a smile appeared on his lips. “Masaya...” he uttered huskily. Namumungay ang mga matang nakatingin sa akin. Bigla akong nailang, ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko kaya nag-iwas ako ng tingin at ibinalik iyon sa dagat.
“Bakit ka naman masaya?” maang maangan kong tanong. Pero mukhang mali atang desisyon iyon. Napatigil ako sa paghinga nang bigla niyang hapitin ang baywang ko papalapit sa kanya. Agad naman akong napasandal sa matigas niyang dibdib.
Bigla akong napipi. Umurong ang dila ko at nanatiling tikom ang bibig ko habang sumusuot sa ilong ko ang kanyang pabango. Ramdam ko rin ang mabilis na pagtibok ng puso niya at alam kong sumasabay ito sa akin. Mas lalo akong hindi nakagalaw nang dahan dahang nilapit niya ang kanyang labi sa kanang tainga ko.
“Dahil yakap kong muli ngayon ang musika ko,” malambing niyang bulong.
Ramdam na ramdam ko ang pagkatunaw ko habang yakap yakap niya ako. God, this man. Hindi pa rin talaga nagbabago. Alam na alam niya kung paano niya ako patatahimikin at pakikiligin. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko nagpipigil ng ngiti.
“Kinikilig ka?” he teased then followed by his chuckles.
Agad kong hinampas ang braso niya. “Shut up!”
Mas lalo pa siyang natawa. “Huwag ka nang mahiya, pareho lang tayo,” tawa niya. Hinampas ko siyang muli pero hindi ko na rin mapigilang hindi matawa. Ilang minuto pa kaming tumawa bago kami natahimik muli.
Habang pinapanood namin ang mga hampas ng alon naisatinig ko rin sa wakas ang kanina ko pang gustong itanong sa kanya. “What took you so long, Hekamiah?”
Napatigil siya sa paglalaro sa mga daliri ko at naramdaman ko ang malalim niyang paghugot ng hininga saka niya ito dahan dahang pinakawalan. Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin tila ano mang segundo ay maglalaho ako, kahit na hindi naman at wala na akong balak pang iwan siya. Gusto ko lang ng paliwanag niya.
Kinuha niyang muli ang kamay ko at sinimulan niya ulit itong laruin. “Kasi gusto kong bago ako bumalik sa ‘yo, maayos na ang lahat. I want to be better and deserving first before taking you back because you only deserves the best. At sa tingin ko ito na ang panahong iyon.”
Dahan dahan akong napatango. “Okay...”
“Cassandra...” tawag niya sa ‘kin.
“Hmm?” Lumingon ako sa kanya. Namumungay ang mga matang nakatingin siya sa akin. “Ako pa rin ‘di ba?” umaasang tanong niya.
Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko upang pigilan ang pagtawa. “Anong klaseng tanong ‘yan?” tawa ko. He pouted. “Ganito ba ang ayos natin kung hindi?”
He bit his lower lip to hide his wide smile then he buried his face on my neck. I giggled because it tickles me. “Mahal na mahal mo talaga ako,” kinikilig niyang sabi habang tumatawa.
Hindi ko mapigilang hindi mapairap kahit na hindi naman niya kita. “Parang siya hindi a?” I said sarcastically. Tawa lang ang tugon niya.
“Paano kung namatay nga ako? Edi tatanda kang dalaga?”
“Hindi ka naman namatay kaya hindi,” sagot ko.
Natahimik siya, nakasubsob pa rin ang mukha sa balikat ko. Pansin kong nakakarami na siya sa pagbuntong hininga. I was about to ask him when he started humming a familiar song. Napapikit ako mas lalo pang sumandal sa kanya. The way he hums the song made me even comfortable with him.
Noon pa man ganito na ang epekto niya sa akin tuwing kumakanta siya. Palagi akong parang dinuduyan, napupunta sa ibang dimensyon. Nagiging panatag at komportable. Sabayan pa niya ng pagtugtog sa kanyang gitara, para akong nakauwi mula sa mahaba at nakakapagod na biyahe.
While he's still humming the song, he lifted up his head to look at the rising sun at the horizon. Kalmado ang hampas ng alon kagaya ng puso ko ngayon.
“Umaga na sa ating duyan, ‘wag nang mawawala... Umaga na sa ating duyan... magmamahal o mahiwaga...” ang malamig at malalim niyang boses ang sumakop sa tahimik na lugar.
Nagsimulang manikip ang dibdib ko habang pinapakinggan ang patuloy niyang pag-awit. For seventeen years I avoided that song because it reminds me of him everytime I hear or listen to it. Palagi akong naiiyak tuwing naririnig ko ‘yan. Pero ngayong siya na ang kumakanta nito, sobrang sikip ng dibdib ko sa saya kasi sa wakas mapakikinggan ko nang muli ito nang hindi nasasaktan.
“Kay tagal ko nang nag-iisa, andiyan ka lang pala... Mahiwaga... Pipiliin ka sa araw-araw... Mahiwaga... Ang nadarama sa ‘yo‘y malinaw...”
Pinunasan ko ang luhang kumawala sa mata ko. Hindi dahil sa lungkot kundi sa sobrang saya. Hindi ko alam na mararanasan kong muli ang sumaya ng ganito katindi. Kung panaginip man ‘to ayoko nang magising pa.
“Sa minsang pagbali ng hangin... Hinila patungo sa akin, tanging ika'y iibiging wagas at buo... Payapa sa yakap ng iyong hiwaga... Payapa sa yakap ng iyong... Mahiwaga... Pipiliin ka sa araw-araw... Mahiwaga, ang nadarama sa yo'y malinaw...”
Habang patuloy siya sa pag-awit kinalas niya ang isa niyang braso na nakayakap sa akin.
“Mahiwaga...” naging mas malumanay pa ang boses niya. “'Wag nang mawala araw-araw oh... Mahiwaga...
Pipiliin ka... araw-araw...” eksaktong pagkatapos ng kanta ay lumipad ang kamay ko sa bibig ko.
Mas lalo pang dumami ang mga luhang lumabas sa mata ko. Kasabay ng buong pagsikat ng araw ay ang paglabas niya ng singsing sa harapan ko.
“Architect Takahashi, panahon na siguro para tawagin kang Architect Alvarez?” aniya bago tuluyang umalis sa likuran ko at hinarap ako. Nakaluhod na siya ngayon sa harapan ko. Malabo ang paningin ko dahil sa mga luhang hindi maawat sa pagtulo.
“Tahan na,” he said followed by his chuckles while wiping the tears on my cheeks. “Paano ako makapagpo-propose niyan kung hindi pa kita napapatahan?” pang-aasar niya.
Malakas ko siyang hinampas sa braso. “Gago!”
“Hala, namura pa nga,” tawa niya. “Tahan na, bebe.” Patuloy lang siya sa pagpunas ng pisngi ko.
Imbes na tumahan ay mas lalo lang akong naiyak. Damn! I missed that ‘bebe’! Ilang minuto pa bago ako tumahan.
Umayos na siya sa pwesto niya habang nakaharap sa akin hawak hawak ang singsing.
“Cassandra Megumi, will you marry–”
“Yes!” Hindi na ako nakatiis pa agad ko siyang nilundag at mahigpit na niyakap. Naramdaman ko ang paggalaw ng balikat niya akala ko tumatawa siya pero nang sinubsob niya ang kanyang mukha sa balikat ko, doon ko nalamang umiiyak siya.
“Thank you, Lord... thank you again for the answered prayer,” he whispered before pulling away from our hug. “Thank you...” he said to me as he gently grab my hand. Hinalikan niya iyon bago dahang dahang sinuot sa daliri ko ang singsing.
Tumulo ang luha ko kasabay ng sa kanya. “Thank you, I love you...” he uttered while caressing my cheeks with his both hands. Slowly, he leaned closer to me. I automatically closed my eyes and as I heard the crashing of the waves, his lips gently crashed on mine, too.
I can hear the fast beating of my heart as his lips move to mine. Hindi ko alam kung kailan pa ako tumigil sa paghinga. Nakakahilo ang halik niya. It's like a drug that I wanted to taste forever. I gasped when he gently bit my lower lip. I heard him chuckled and instead of breaking our kiss, I felt hot and I craved for more!
It's like he knew what was on my mind because he held on to my nape and pulled me to closer him for a deeper and passionate kiss. We kissed until we're catching our own breath.
I’m still closing my eyes while catching my own breath. Hekamiah rested his forehead on mine as he breathed heavily. I slowly opened my eyes when he caressed my cheek. Agad kong nasalubong ang mga mata niyang nakatingin sa akin na punong puno ng pagmamahal.
“I love you...” he said wholeheartedly.
Namumungay ang mga mata kong nakatingin sa kanya, hilo pa rin sa halik niya. Ramdam ko ang panghihina ng tuhod ko nang lumapit ako sa kanya at niyakap siya. I rested my chin on his broad shoulder. “I love you, too...” I replied.
“Tara na, magpapakasal pa tayo,” aniya.
I giggled and for the last time I stared at the sea and the clear blue sky. It looks brighter than the other day, just like my life. I have him now and I couldn't wish for more than to be with him forever.
Because with Hekamiah my life is brighter.
***
A/N:
Hello! It's been a while!
Because I badly missed them, I wrote this special chapter. And I want this day to be special kahit sa ganitong paraan manlang. So, yeah, happy birthday to us, Cassandra!
I hope you enjoyed this special chapter just like how I enjoyed writing it. And lastly, thank you for reading! Ily!🤍
-Vidacarryon-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top