chapter nineteen

High guys! High na high ako. joke haha happy april fools sainyo. baka this coming week end hindi ako maka ud. Punta kaming bora. :)) hehe

Enjoy your summer. :))

**

Chapter eighteen: first day of....

Anju's POV

Naalipungatan ako dahil sa ingay na nanggagaling sa baba. Parang may nag wewelga. Anong oras na ba?
6:00 am Palang!! Bwisit ang aga-aga pa!! mamayang 8:00 am pa yung pasok ko. Alam ba nilang nakakapagod yung ginawa ko kagabi!! Nakakainis bagsak nga ako eh. Teka...teka.. sino naman ang bumuhat sakin papuntang kwarto ko? Baka si Toshi.

Nagkibit balikat nalang ako at tuluyan nang bumangon. Hindi na rin naman ako makakatulog ulit dahil napaka ingay nila. Hindi nako nag-abalang mag ayos pa kahit na fresh from the bed pa ko, mamaya nalang nakakatamad pa eh. Wala naman akong panis na laway at muta eh. Magulo lang yung buhok ko talaga.

Bumaba na ko, wala akong nadatnan na tao dun. Nasan na kaya yung mga yun? Sinundan ko yung ingay at dinala ako nun sa may papuntang gate. Sumakay ako dun sa isang unicorn dun sa may garden na kulay rainbow yung kulay. Pagala-gala lang naman yung mga hayop dito eh, I mean yung mga harmless lang ha.

Nadaanan ko si Ran na tumitingin-tingin dun sa gilid ng garden sa may bungad ng gate. Seryosong-seryoso sya, may hawak na isang maliit na notebook tapos naka salamin pa. Naka-uniporme na, malamang dito sya dumeretso. May pass nanaman sya eh.

"Good morning Ran." Napatingin naman sya sakin, tapos dun sa Unicorn.

"Good morning Santhe." Nakatingin sya dun sa unicorn. Seriously ako kaya yung kausap nya.

"hindi Santhe ang pangalan ng Unicorn na to, sya si Will." Sabi ko. Napatawa naman sya.

"Sorry, wala na kasing ganyan sa labas ng mansyon na to eh. Bakit nga pala Will?" tanong nya.

"Rainbow; color wheel; Will." Gets nya na yun. Matalino naman sya eh.

"makes sense, anyway first day mamaya ah, Good luck." Sabi nya tapos bumalik na ulit sya dun sa ginagawa nya.

"Thanks, nga pala wag mong hahawakan yung bulaklak na blue na kumikinang, delikado yun." Sabi ko sakanya, tumango lang sya bilang tugon.

"SANTHE!! PAPASUKIN MO KAMI!! WAHHHH!!" yung mga kaibigan ko pala yung nagwewelga sa labas.

May mga placard pa sila, para talagang nagwewelga.

"oh! Kayo pala yan." Walang buhay kong sabi sakanila, aasarin ko muna.

"Oy!! Papasok kami!! Dalina!!" sabi ni Ane.

"Bakit?" tanong ko

"maganda dyang sa loob eh." Sabi nya

"ayaw." Maikling sagot ko.

"breakfast tayo jan sainyo, may dala kaming foods!!" sabi nila.

"ah. Sige na nga. Asgard let them in." sabi ko dun sa bahay.

"Yes, My lady." Tugon ng bahay.

"YEY!! Wow ASTIGGGG!!" yan ang sabi nilang lahat. Nakanganga pa.

"hay tara na nga." Sabi ko.

"teka? Diba si Ran yun?" tinuro ni Oen si Ran na may dahon pa sa buhok.

"oo nga no" sangayon ni Elle. Si Ane naman nakatitig lang kay Ran.

"Pag-ibig na kaya, pareho ang nadarama ito ba ang simula~" kumanta pako. Haha namula si Ane.

"B-Bakit nandito yang damuhong yan!!" pa-taray effect pa tong si Ane, namumula naman yung peslak.

"Ashhuuu~ uber ang blush-on mo teh!" saway ko. Lalo pang namula.

"uy tara na kaya. Maliligo kapa pag tapos ng breakfast." Sabi ni Nat.

Napansin kong naka uniform na sila.

"wala akong uniform pati yung mga gamit." Sabi ko

"dala na namin tara na." sabi ni Oen.

"hay~ ang lawak netong Venifious mansion." Sabi ni Elle habang nililibot ng tingin nya yung paligid.

"oo nga pala pano nangyari ang lahat ng ito?" tanong ni Elle.

"mamaya ko na sasabihin." Pumito ako at may lumapit na iba pang unicorn pero kulay puti lang. Isa lang kasi talaga sa lahi nila ang may kulay na iba-iba.

"astig." Sabi ni Nat.

Sumakay na kami sa unicorn at dumeretso sa may likod ng mansion kung saan may table na pwedeng kainan, ang ganda talaga ng view dun. Sa kaliwang bahagi ay ang malawak na hardin ng ibat-ibang bulaklak na tanim ng mga ninuno ko ka kanan naman ay yung Falls. Alam ko weird diba, parang dalawang magkaibang lugar sa iisang lugar.

"WOW ANG GANDA!!" napanganga nanaman sila.

"bunganga nyo please paki sara, baka mamaya kung ano pang kakaibang insekto ang pumasok jan sa bunganga nyo." Sinara naman nila.

Nilatag na nila yung mga pagkain. Bacon, eggs, fried rice, tapos pancakes. Yung dala nilang pagkain.

"nga pala ikaw lang ba tao dito?" tanong ni Elle

"Hindi, dito rin nakatira ngayon si Toshi at Shio, tapos si Anthony." Sabi ko

"WOW! Bigatin ha. Lahat myembro ng ministry of magic." Sabi ni Ane

"Hindi lang basta member, mga leader pa." sabi naman ni Oen.

"bakit me-ano ba sakanila?" tanong ko. Nagsimula na kaming kumain.

"Si Anthony aka Thunder Emperor, he can use 3 elements ng sabay sabay, plus magaling din sya sa combat, tapos marami syang alam na spells na sya lang ang nakakapag-cast. Sya din ang leader ng special research squad ng ministry of magic. Ang pinaka prestihiyosong research team dito sa magic realm. Nagtry nga akong pumasok dun kaso kulang pa yung kaalaman ko, kahit si Ran ay hindi natanggap." Sabi ni Ane. Wow! Big shot pala si MIkielo dito.

"at isa din sya sa may pinaka-hot na boylet dito sa Magic realm!" nagniningning pa ang mga mata ni Elle nung sinasabi nya yun.

"teka lang ha." Umalis muna ko. Pipitas lang ako ng prutas para may energy ako mamaya. Seryosong na drain ako kagabi. Hindi ko inaasahang ganun kadaming enerhiya ang naipon sa katawan ko.

Lumakad ako dun sa may maze, dun lang kasi sa gitna nun makakakita ng P-berries. Yung berries na nakakarecharge ng energy. Pumitas ako ng lima. Baon ko yung iba. In-case lang naman, baka may mga surpresang maganap eh.

Teka oo nga pala nasan na kaya yung si Ran. Sana lang hindi nya ginalaw yung sinabi kong wag nya galawin, yung blue bell venifious flower, kakaiba ang ganda ng bulaklak na iyon, kaso lang paghinawakan mo malalason ka. Imba pa naman ang lason nun lalo na kung hindi ka venifious. Nasubukan ko ding hawakan yun dati, grabe ang sakit nya sa katawan gawa nga nung epekto ng lason. Parang nag work out ka ng dalawang araw na strait, walang pahinga ganun.

Pagtapos kong mamitas ng berries ay lumabas na ko ng maze pero biglang may sumigaw.

"Sht!" si Ran yun sigurado ako.

Dali dali akong kumain ng isang berry, tapos nag teleport dun sa may halaman na yun. Matatagpuan yun dun sa may center fountain. Nakita kong namimilipit si Ran dun sa may gilid nung halaman.

"Argggg!" malamang sobrang sakit na yung nararanasan nya.

"Ran! Ran! Wag kang pipikit ha." Nilapitan ko sya. Tinignan ko yung kamay nya. Namamaga na.

May mga namumuong pawis na sa may noo nya. Hindi ko pa kayang gumamit ng heavy spells ngayon. Mayamaya pa kasi ang epekto ng berry sa katawan ko. Kaya minabuti kong akayin sya tapos nagteleport kami papunta dun kila Elle. Nagulat naman sila.

"ANONG NANGYARI SA KANYA?!" nag hi-hysteriang tanong ni Ane.

"Hinawakan nya kasi yung Blue bell. Malakas ang lason ng bulaklak na iyon. Winarningan ko na sya kanina eh." Sabi ko.

"Anong gagawin natin?!" natataranta na si Ane.

"Chill couz. Dalin nalang natin sya kay Lui." Suhestyon ni Elle.

"Tara na!" sabi ni Ane na alalang alala na kay Ran.

"Teka muna, kailangan natin ng Calypso flower, yun ang kakontra ng Blue bell." Sabi ko.

"San ba makukuha yun?" tanong ni Oen.

"dun sa restricted area." Sabi ko, dun nakalagay ang wild Plants. Kilala din yun na Garden of Ares.

"san naman yun?" tanong ni Nat.

"sa loob nun." Tinuro ko yung malaking dimensyon Tree. May limang dimension Tree dito sa loob ng mansyon na to.  Delikado lahat ng yon. Kung hindi mo kabisado tong mansyon malamang hindi ka na sisikatan ng araw.

"puno?" tanong nila

"yep. Ako nalang ang kukuha para mas mabilis, tapos maghahanda nako papasok tas sabaysabay na tayo pumasok. Nandun naman ata si Luigi eh." Sabi ko.

"matagal yun!! Tignan mo baka mamatay na sya hindi ko pa napapakasalan!!" narealize ni Ane yung sinabi nya kaya namula sya ng bongga.

"Ahh Wait! Eto ipakain nyo sakanya every minute." Tapos pumitas ako ng cloud puff. Isa yung puno na mukang ulap yung bunga. Kulay puti ang mga bunga nun.

"ano yan bulak?" tanong nila

"hindi, basta pira-piraso every minute ang ipakain nyo sakanya. Sakto na yan five minutes lang naman akong mawawala." Sabi ko sakanila tapos pumasok na ko sa Dimension tree.

Ang tagal ko nang hindi nakakapasok dito sa garden of Ares. Good luck nalang sakin. Mukang sasakit nanaman yung katawan ko neto ah. Aish~

Elle's POV

Pumasok na si Santhe dun sa malaking puno. Grabe! sobrang enchanting ng mansion na to. Super laki tapos ang daming kakaiba. Hanggang ngayon nagtataka parin naman kami kung pano naging Venifious yang si Santhe. I mean they are really exticnt, Ikalawang pang daigdigang gera palang ng mga mage wala nang venifious. Pero everybody has their own secret naman diba? Siguro marami syang sikreto. Pero i respect her naman, may maganda naman siguro syang rason kung bakit nangyari ang mga ito at kung bakit marami syang sekreto. Kung bakit maraming nagbago sa pisikal nyang anyo. Yung kagabi lang eh! Nagkaron sya ng pakpak na parang sa anghel, muka talaga syang anghel!! Tapos yung kulay ng mata nya naging magkaiba ng kulay, naging kulay ginto at kulay ulap. Pumusyaw din ang kulay nya. Namumula yung labi, naging sexy din sya lalo. Muka talaga syang dyosa. Ibang- iba sa Santhe na nakilala ko dati. Kahit sa personality nya, kung dati seryoso at sobrang reserved ngayon medyo playful na at nakakaintimidate.

" Uhuhuhuhu~ kawawa naman ang future husband ko." Unconscious na nasabi ni Ane. Mukang wala na talaga sya sa sarili nya ngayon. Namimilipit parin si Ran, gawa daw nung lason. Matangos din ang ilong nya, manipis ang labi, medyo singkit ang mata. Ibang-iba ang muka nya sa kakambal nya. Fraternal twins sila kaya hindi sila magkamuka. Kung si Ran medyo chinito, si Ray malamlam ang mga mata at parang palaging nangungusap, si Ran manipis ang labi si Ray medyo pouty, si Ran walang kainteres-interes sa mga babae, si Ray sobrang hilig sa babae. Sa grupo nila mukang si Ran lang ang Virgin. Si Ran shy type pero may confidence parin sa sarili, si Ray Adobe type pero wala nang hiya sa sarili. By adobe type it means SOBRANG KAPAL ng muka. Adobe yung ginagamit sa construction.

Pinapaypayan ni  Ane si Ran na pawis na pawis paren. Nakabalik na si Santhe, may mga galos sya at ang haggard na. May mga lupa lupa pa sa damit nya. Magulo pa ang buhok. Lumapit sya samin, Hingal na hingal pa.

"HOOOO! Nakuha ko na, Eto O. lagay nyo sa Jar or yung plastic na may lock. Basta kulob. Dali. Maliligo na ko !! nasan ba yung uniform ko? Pakiayos na yung bag ko please." Sabi nya tapos tinuro ko yung uniform kung nasan. Si Oen naman nilagay yung Calypso ba yun? Basta nilagay nya yung kadiring thing sa jar.

"Yung bag ko ha." Sabi ni Santhe, tapos lumayas na sya. Inayos ko naman yung mga gamit nya.

Provided na kasi ng school yung mga gamit namin pati yung wand. Maraming activities ang mga freshmen ngayon. Isa na dun yung pinaka ayaw ko, yung dragon hunting. Yun yung maghahanap ka ng sarili mong dragon sa Valkeria Forest. Delikado dun pero, hindi naman nakakamatay. Baka mabalian lang sila ng buto, mga ganun. Kami namang mga Senior ay manunuod lang at yung iba ay magiging watcher.

"Tara na Guys." Biglang sumulpot si Santhe. Nakasuot sya ngayon ng navy blue na uniform yung parang sa japan na style. Longsleeve tapos may vest at maikling skirt. Tapos kulay light blue yung necktie nya. Yun siguro yung sa mga venifius. Depende kasi sa necktie mo kung anong element mo. Red sa fire, Green sa Water, Brown sa Earth at white sa Wind.

May mga badge den silang binibigay kung may mga katungkulan ka or pusisyon. As for me, Ane, Oen at Nat parepareho kaming 3 star dahil mataas ang titulo namin. Hindi lang naman dahil hereditary o dahil sa namana namin kung bakit kami may gantong titulo, syempre malakas din kami at may ipagmamalaki naman. Kilala ang lahat ng may mga titulo. Ang mga kasali sa Royal Realm na kagaya namin at ng mga kings ay may Tatlong star. Dalawa naman para sa mas mabababang titulo, at isa naman para sa isang simpleng knight. Meron ding may apat na star kagaya nila thunder emperor at nung kambal na yinyang. Sila ang mga pinuno ng Ministry of Magic. Si Thunder emp. Ay sa Research team. Yung kambal ay sa mga special missions, basta hindi ko din gets kung anong tunay na posisyon nila eh, basta misteryoso silang dalawa. Five Star naman sa mga Fortis wizard which is madalang may lima lang ang may gantong istado at Diamond badge naman sa mag Deus. Wala pa akong nakikilala na may ganatong pusisyon

Anju's POV

Aish!! Nakakapagod talaga ang pumasok sa Forest of Ares. Kakasimula panag ng araw ko ay pagod na ko kaagad!! Nag-ayos na ko ng sarili ko, binilisan ko pa. Grabe mamaya neto bagsak nanaman ako. Plakda kung plakda!!

Inakay ko na si Ran. Pero inagaw sya ni Ane, sya nalang daw. Possessive. Hahaha Pegebeg nge nemen eh!

Napangiti ako sakanya na parang nangaasar. Umirap lang sya.

"Tara lets. Kita kits nalang tayo dun sa Lair ng mga damuho." Sabi ni Elle nadito kami ngayon sa labas ng gate ng mansion.

Isa-isa na silang nagteleport. Shempre ako den.

*SA LABAS NG LAIR NG KINGS*

Natahimik sila nung dumating ako. Ano bang problema nila?

"huy! Namimilipit na yang si Ran wala parin ba kayong gagawin?" tanung ko. Natauhan naman ulit sila. Naging aligaga naman sila, sus wala naman silang matatapos, paikot-ikot lang sila.

"Luigi alam mo bang gamitin yung Calypso Flower?" tanong ko sakanya.

"oo, pero kailangan ko ng assistant." Sabi nya.

"sige sige ako nalang." Presinta ko.

"ilagay natin sya dun sa table." Sabi ni Luigi. Tulong tulong naman si Kuya, si Ray, at si Luigi sa pagbuhat kay Ran.

"tumawag na kaya tayo ng expert." Suhestyon ni Ane

"matatagalan sila, isa pa busy ang lahat dahil first day ng mga freshmen ngayon at may dragon hunting  mamaya." Sabi ni Luigi. So tama lang pala na nagbaon ako ng maraming P-berries. Malamang mauubos ko yun.

"lets start," tinatanggal ni Lui yung butones ng polo ni Ran. Nakangiwi pa.

"Bro di ko kaya to, ang awkward!" sumuko sya."Ane do the honour. Unbutton his shirt." Seryosong sabi ko.

Nag-aalinlangan pa sya.

"Just do it. Bilis." Sabi ko

"why me?" tanong nya

"psh. Ako na nga! Arte pa." sabi ko, tatanggalin ko na sana yung buttons nga pero inagaw yun ni Ane at mabilis tinanggal, wow ha. Abses! Kahit geek may ganyan. Hanep! Si Ane bonggang pula nanaman ng pes.

"first we need to extract the oil from the flower." Tas yun inextract ko. Sya naman may ginagawa sya dun kay Ran. Sumunod ay kumuha sya ng scalpel.

"WAIT! ANONG GAGAWIN MO?!" sigaw ni Ane.

"don't worry parang kagat lang to ng langgam." Sabi ni Lui. Bibiyakin nya ata yung sa may bahagi ng puso ni Ran.

"Wait!" si Ane

"What?! Gusto mo bang gumaling si Ran. Then stop interrupting." First time kong nakita si Luigi na mag bust ng irritasyon. Napatigil naman nun si Ane.

Sinimulan na ang operasyon. Kailangan kasing maipatak dun sa puso ni Ran yung Fresh Oil of Calypso flower.

Maedyo matagal din yun. Natapos ang operasyon at pawis na pawis si Lui.

"Maya-maya magigising na si Ran. Dont worry. Magaling na din yung hiwa nya sa may dibdib." Bilin ni Lui.

"Santhe, maleleyt kana." Sabi ni Kuya.

"Oo nga no, sige bye." Sabi ko sabay takbo palabas, pero may bwisit na bumangga sakin kaya tumalsik ako.

Ang walangjo na si Pierre. Nagtinginan lang kami ng masama. As ussual nakadikit parin sakanya si Astrid.

"Good luck mamaya, sana mabali lahat ng buto mo, better yet mamatay ka sana." Kapat talaga ng muka ng lintang to. Yaan mo may oras kadin.

"well thank you. Asahan mong pag namatay ako, babalik ako." Sabi ko tapos lumayas na dun sa scene. Pangit ng ambiance.

Natatanaw ko na yung entrance ng hall. Napakaraming estudyante, salisaliwa yung direksyon nila ng paglalakad. Hiwalay ang grupo ng mga Esquire o Normal na mage sa mga mage na may mataas na titulo.

"ALL FRESHMAN PLEASE PROCEED TO THE SOUTH WOODS." South woods. Mag sisimula na ata yung dragon hunting event na yun eh.

At dahil kanina pa ako teleport ng teleport medyo nanghihina na din ako. Kumain na ulit ako ng P-berry. Mayamaya ko pa mararamdaman ang epekto neto. Sumabay nalang kaya ako? Kaso wala naman akong kakilala dito. Naglalakad ako ngayon sa napakahabang hall na to. Tong Main campus kasi ay napaka laki!! Nakakapagod. Naglalakad parin ako kaso lang umiikot na yung paningin ko. Bumabaliktad na ang mundo ko. Napahawak ako dun sa pader at hindi muna nag lakad.

"AT EXACTLY 10:00 am, THE DRAGON HUNT WILL START." Wala namang kaso kung ma-late ako. Yun nga lang iikli yung oras kong maghunt ng dragon. Nagpahinga pa ako ng konting oras 9:45 am na 15 minutes nalang.

Umiikot parin yung paningin ko, kaya niluwagan ko yung necktie ko. Mas lalo akong nahihilo sa init.

Hay baka hindi na ko makasali sa dragon hunt.

****

maykaduktong pa to eh kaso dipa tapos. :))

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top