5- Her Birthday
Luna Kiara's POV
"BLAG!"
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa gulat. Ano yun?! Sina Insan! Dali dali akong bumaba ng walang tingin tingin sa salamin. Baka kung ano ng nangyari sa mga yun.
"HAPPY BIRTHDAY LUNA!" nagitla naman ako dahil sa sigaw na yun. Nang magsink in sa akin ang mga nangyayari ay inilibot ko ang paningin ko. Nandito yung mga pack members namin at nakangiti sa akin. Napangiti na rin ako at nagpasalamat sa kanila. Birthday ko na nga pala. Nawala sa isip ko. Gulat kaya ako kanina!
Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri ko dahil ang gulo gulo pero natigil ako ng maamoy ko na naman ang scent ng mate ko. Kaso ngayon mas malakas na siya. Gusto ko siyang lingunin pero pinigilan ko ang sarili ko dahil ramdam kong kasama niya si Jane. Walanjo! Hindi na nahiya ang lintang yun! Talagang pumunta siya sa pamamahay ko?!
Hindi ko talaga siya nilingon at nagkunwaring hindi sila nararamdaman. Kahit naman ganito ako, may pride pa rin naman ako no.
"BUWAN!! HAPPY BIRTHDAYY!!" Masayang sigaw sa akin ni Alex lalaki nga pala yan kung hindi niyo naitatanong. Maingay lang kaya napagkakamalang babae. Wahahaha!
"SALAMAT ALEXA!" asar ko sa kanya habang tumatawa.
"Anong Alexa?! ALEX! Pasalamat ka birthday mo ngayon!" inis na sabi niya kaya mas lalo akong napatawa at sinuntok na lang siya ng mahina sa braso.
"Tsk! Nanakit pa! Bahala ka diyan!" inis pang dagdag niya. Wahahaha! Laptrip!
"Joke lang naman Alexa! Este Alex pala! Kiss na lang kita!" natatawang sabi ko. Ihinarap niya ang pisngi niya sa akin at hahalikan ko na sana siya ng biglang may humatak sa akin papalayo. Nagpapadyak naman siya sa inis kaya napatawa na naman ako. Hahahaha! Muntik pa akong mapaigtad ng may kumoryente sa katawan ko.
Patuloy pa rin ang paghatak sa akin ng kunsinuman siya kaya lumingon ako sa likod at sinagawan na lang si Alex. "ALEX! MUAH! MUAH!" sigaw ko habang nagpadala ng flying kiss. Maloko naman niya itong sinalo at inilagay sa puso niya dahilan para mapahagalpak ako ng tawa. Wahahahaha! Parang timang talaga kahit kalian!
Ng makalabas ng bahay ay bigla naman akong binitawan ng humatak sa akin kaya napapikit ako sa sakit ng braso at nag-stretching muna. Pagdilat ko ay napatalon ako ng mahina ng makita si Linus sa harap ko. Kaya para nakokoryente ako kanina ng hawak niya! Akala ko kung ano na!
"Ahm, hi?" awkward kong sabi ko nagmukhang tanong. Ramdam ko ang mate bond namin pero hindi ko ito ipinahalata at umaktong normal tulad ng dati. Hindi siya nagsasalita at malalim parin ang paghinga habang nakatingin sa akin.
"Wala ka bang sasabihin?" tanong ko na hindi niya sinagot. "Sige aalis na ako," sabi ko na lang bago tumalikod at disappointed na humakbang papalayo.
"Change your clothes," utos niya na nakapagpatigil sa akin. Tingnan ko ang suot ko at nakitang naka silk night gown lang pala ako four inches above the knee.
Hinarap ko siya ng may nagtatakang tingin. "What does my clothes have to do with you? Wag mong sabihing naiinggit ka? Alpha naman! Bumili ka na lang ng sari-"
"You are my mate," putol niya sa sinasabi ko habang nakatititig sa mga mata ko.
"Alam ko. I said that the moment I first saw you," sagot ko na parang balewala lang pero para akong matutunaw sa klase ng titig na ibinibigay niya.
I can feel the sparks erupting everywhere. Grabe ang pagpipigil kong huwag siyang sunggaban at halikhalikan, pero ang pagpipigil na iyon ay biglang nawala sa isang iglap ng hilahin niya akong muli at ikinagulat ko ng halikan niya ako.
The moment his lips touch mine, electricity flowed through my veins. I kissed him back with the same intensity and damn it! This is the feeling I've been longing for! I snaked my arms around his nape, and he pulled me closer to him leaving no space in between us. Sana hindi na matapos.
"Sweetheart," a sweet voice said. Para namang natauhan si Linus kaya bigla siyang bumitaw at lumayo sa akin. I smiled bitterly. Sinasabi ko na nga ba. Tumingin siya kay Jane and guilt flashed in his eyes.
"Sabi mo she's not you mate. S-sabi mo. You liar!" nanginginig na sabi ni Jane bago tumakbo papaalis. Aba ang lintang yun! Nagpapaawa pa!
Susundan na sana siya ni Linus pero hinawakan ko ang kamay niya dahilan para linunin niya ako. "Don't, please," bulong ko sapat lang para marinig niya pero sapilitan niyang tinanggal ang kamay niya sa hawak ko at mabilis na tumakbo para sundan si Jane.
"I'll come back," he said before leaving.
Come back? Hahaha, that's bullshit. Why do you need to come back, if in the first place you decided to leave?
I knew this would happen, pero hindi ko pa rin mapigilang masaktan. He rejected me again. Maybe not in words, but it pierced through the deepest part of my heart.
______Rhy428______
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top