21- The Meeting

Luna Kiara's POV

Nandito kami ngayon sa pack house at nag-cecelebrate. Nagulat pa nga yung mga matatanda dahil ni isa sa amin ang wala man lang kagalos galos.

"Ang galing galing niyo po talaga! Napatumba niyo lahat ng kalaban!" puri sa akin ng isang babaeng warrior.

"Oo nga po, ang asting niyo! Lalo na nung tinanggal niyo yun wolf ng kalaban!" sang-ayon naman ng isa.

"Mas astig kaya yung pinutol niya yung mate bond!" Napatawa na lang ako sa mga sinasabi nila. I did the right thing. Buti na lang at hindi ko sila pinalaban.

"Wag niyo nang palakihin ang ulo ko. Kumain na lang tayo ha? Let's celebrate," natatawang sabi ko, at yun ang naging simula ng kainan.

Lahat ay masayang kumakain at nagkukwentuhan na para bang walang nangyaring gulo kanina lamang. What a beautiful sight to see.

"Mine," I heard Linus called kaya napalingon ako sa kanya.

"Thank you for protecting us," he said sincerely. I smiled at leaned closer to kiss his forehead.

"I will always keep you safe right? So, no need to thank me," sagot ko.

Walang sabi sabing hinila niya ako paalis dun sa pack house at dinala sa bahay niya. Wala namang nakapansin sa amin dahil abala silang lahat sa pagkain.

"Why did you bring me here?" takang tanong ko pagdating namin sa kwarto niya.

"Did you think I forgot that overexposed armor you're wearing, hmm?" sabi niya habang nakatingin sa akin ng madilim. Napaatras naman ako dahil dun.

"Uy! Easy ka lang!" awat ko pero parang wala siyang naririnig at dirediresto papalapit sa akin.

"Now remove it or I will," banta niya na ikinalaki ng mata ko. Gaya gaya ng line!

"Yes sir!" mabilis kong sabi at sumaludo muna bago tumakbo papasok ng CR.

***

Isang buwan na ang nakalipas simula ng Emerald Moon at ngayon payapa na uli dito sa pack namin.

Naglalakad kami ni Linus papunta sa silid pagpupulong dahil sa pagpupulong na ipinatawag ng mga Elders. Pagdating namin ay nandoon na ang lahat.

"Anong ginagawa ng babaeng yan dito? She's not part of this meeting!" sigaw ni Isabel. Napangisi ako. Buhay pa pala siya?

"Is that how you greet you Alpha?" tiim bagang na sabi ni Linus.

"I'm sorry Linus, but why is she is that ambisyosa doing here?" Baka kung saan pa mapunta yang ambisyosang yan ha!

"She's my mate and your soon-to-be Luna. That reason alone is why she's here," seryosong saad ni Linus.

"Alpha, iyon na nga ang dahilan kung bakit lami nagpatawag ng pagpupulong. Please take your seat para makapagsimula na tayo," magalang sa sabi ni Elder Maria.

Umupo na si Linus sa gitna at pupunta na sana ako sa dulo ng table ng pigilan ako ni Linus.

"You," turo niya kay Elder Maria. "Change your seat," utos nito na ikinagulat ng lahat.

Kalaunan ay nakita ko ang natatawang mukha ni Elder Lino na prenteng nakaupo sa kanan ni Linus. I'm happy na magaling na siya.

"But Linus-"

That's an order!" putol niya sa sasabihin ni Isabel. Sinamaan naman niya ako ng tingin dahil dun.

Walang nagawa si Elder Maria at napapahiyang lumipat ng pwesto, samantalang ako naman ay awkward na umupo sa pinagalisan niya.

"Now talk," utos ni Linus. Anim ang elder na nandito at sila ng bumubuo ng Council. Nagtataka nga ako kung bakit nandito Isabel eh.

"Almost all of our pack members are demanding you to get married to Kiara Rileston, pero kaming mga Elders ay nababahala," simula ni Elder Antonio.

"Ikaw lang gago," bulong ni Elder Lino na ikinangiti ko ng palihim. Sinamaan naman siya ni Elder Antonio ng tingin.

"And why is that?" kunot noong tanong ni Linus.

"Dahil siya ay kakaiba! Hindi nga natin alam kung anong uri siya ng nilalang. Nagdadala lamang siya ng kapahamakan sa ating pack dahil sa kapangyarihang taglay niya!" sigaw naman ni Elder Maria.

"Is that how you thank my mate for saving our pack alone? And you, what did you do? You did nothing but hide your asses while waiting for her return! And now you're saying those stupid things in front of her?! Hah! Now, tell me, what do you want me to do?!" galit na sigaw niya.

Ang totoo niyan, hindi ko pa sinasabi ang totoo kay Linus. Gusto ko kasing nandito ang pamilya ko bago ako magpakilala.

"Reject her and marry Isabel," sabi ni Elder Luis. Kita ko naman ang ngiting tagumpay ni Isabel. I can't wait for that smile to fade.

"And why would I?" walang emosyong tanong ni Linus.

"Because that girl is just the Beta's cousin. Nothing more! Hindi nga natin alam kung sino ang magulang niyan eh! And isa pa, Isabel will be a better Luna. She belongs to a high-class family of werewolves and she can help you expand your connection. She is more useful rather than an ordinary pack member." Sabi naman ni Elder Romano na ikinataas ng kilay ko. Ordinary huh?

Connection? I even have a connection to the other worlds! At high-class family? My family is the highest among the highest for their info.

"Let me tell you a secret," sabi ko dahilan para mapunta sa akin ang atension ng lahat.

"Did you know that I can kill by just staring at a person?" nakangisi kong sabi habang tinitingnan sila isa-isa.

Napaatras naman sila kapag nadadaanan sila ng paningin ko, samantalang si Elder Lino at Elder Cely ay nakangiti sa akin. Buti naman ay may natira pang matinong Elder dito sa pack.

"Especially those people who are badmouthing me," dagdag ko pa dahilan para bumakas ang takot sa mga mata sila.

"You are a monster," bulong ni Elder Maria dahilan para mapangisi akong muli.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ko noon? Oh, nagtatago nga pala kayo ng mga panahong yun. Now let me repeat what I've said to that pathetic best friend of that Isabel," saad ko habang nakatingin sa babaeng yun.

"I am worst than that, so don't try me," I said dangerously before walking out of the hall. Hindi porket elders sila ay hahayaan kong laitin nila ako.

Mas mataas ako sa kanila at wala silang karapatang ganunin ako. May sinabi pa si Linus sa kanila pero wala ako sa mood para intindihin pa iyon.

Ramdam kong sinusundan ako ni Linus pero lakad lang ako ng lakad hanggang sa makarating kami sa mataong lugar. Nakita kong halos lahat ng pack members ay nandito kabilang na sina Hiro, tito, tita, Jay at Diane. Bad timing psh.

"Hoy ambisyosa!" sigaw ni Isabel na nagpatigil sa akin. Napasinghap naman ang lahat dahil dun. Nilingon ko ito with no emotions on my face. Kita kong nasa likod niya ang anim na Elders.

"Don't scare me with that death glare of yours! You can't fool me! Just accept that I will marry Linus. You loser!"

"Hoy babae! You have no rights to call Luna a loser! Pisting yawa! Baka naman sarili mo ang tinutukoy mo?!" sigaw ni Jay.

"Wag kang sumabat! Hindi ikaw ang kausap ko! And how dare you call this girl Luna?! I am your Luna and not that ambisyosa!"

"Ha-ha-ha dream on! Magulat ka kung hindi ko siya tawaging Luna, dahil bukod sa siya naman talaga ang LUNA ng pack na'to, ang pangalan niya ay LUNA. Her name is LUNA Kiara Rileston. Please naman, common sense! Ang tanga mo eh!" bara sa kanya ni Jay.

Nagulat naman silang lahat lalong lalo na si Linus. Nakatingin siya sa akin ng mag-uusap tayo mamaya look.

"What the! The name Luna is just for the daughter of the moon goddess! Ang ambisyosa naman ng ina mo para pangalanan kang Luna! Fvck her! Fvck your family! Fvck them all! Ako lang ang Luna, kaya hanggang pangalan ka na lang!" nanggagalaiti niyang sigaw.

"God Bless na lang," bulong ko habang umiiling iling.

"Right. Mapaparusahan ang iyong ina dahil sa pagpapangalan sa iyo ng Luna. Ito ay isang sagradong utos mula sa Moon Goddess. Ikaw rin ay mapaparusahan dahil sa paglapastangan sa mas nakakataas sa iyo, sa paglapastangan sa mga Elders," nakangising saad ni Elder Romano.

Kagat kagat ko ang labi ko para pigilan ang pagtawa pero hindi ko na ito napigilan ng malakas na humalakhak si Jay habang hawak ang tiyan, pati si Insan na naglupasay na sa sahig dahil sa lakas ng tawa.

Tinakpan ko ang bibig ko pero tuwing naririnig ko ang tawa ni Insan at Jay, isama mo pa ang kay Elder Lino at tito, ay kusa ding tumataas ang balikat ko sa pagtawa. Laptrip sila hahaha.

Kumunot ang noo nila at galit na tiningnan ako. "I will make your punishment severe for disrespecting us!" nanggagalaiting sigaw ni Elder Maria.

"Luna! What the heck are you doing?! Stop it! I don't want to lose you!" nag-aalalang sigaw ni Linus pero kinindatan ko lang ito at natatawang hinarap uli ang mga Elders.

"You can't do that," nakangiting sambit ko.

"At bakit?! My lolo at lola are Elders! They can do whatever they want! Mapagtatanggol ka ba ng mga pesteng grandparents mo?! They can't! Because they are nothing compared to mine! So just accept your punishment!" nang-uuyam na sigaw ni Isabel.

My mouth was left hanging because of what she said. Walanghiya! Dinamay ba naman ang Almiro at Almira ko?! Walanghiya talaga!

"Hiro! Evacuate all of them!" sigaw ko habang hawak ang noo ko. Nagpapanic na tumango naman siya ngunit bago pa siya makatakbo ay napapikit silang lahat ny may lumitaw na nakakasilaw na liwanag. Sinasabi ko na nga ba! Run for your lives bitches. Ang tabil kasi ng dila.

A beautiful maiden appeared in front of everybody. Nakasuot ito ng itim na flowing dress. Si Almira Vera! My grandma! She smiled when she saw me.

"Almisha come," she said while looking at me. Napangiwi naman ako at lumapit na lang sa kanya. Ng makalapit na ako ay hinawakan niya ang buhok ko and stroked it gently.


"Who are you?!" sigaw ni Elder Maria ng makitang tulala ang tatlong lalaking Elder kabilang na ang asawa niya. Natulala ata sa kagandahan ng Almira ko.

"Did you just shout on me pathetic Elder?" Almira said with an evil tone. Napaatras naman ang lahat dahil dito.

"Who are you?! Go away!" takot na sigaw uli ni Elder Maria. Hindi ko naman sila masisisi. Nakakatakot naman talaga si Almira Vera. Goddess of Darkness yan eh!

"Hahahaha. Are you scared, dear? Oh! Let me introduce myself. I am Vera, Luna Kiara's grandmother, and I'm here because I heard somebody called me peste and nothing. I want to meet this lovely girl and bond with her," she said while smiling evilly.

Nashook naman ata silang lahat at halos ay laglag ang panga. Sabagay. Sinong maniniwala na mas maganda pa sa akin ang lola ko?

"Beautiful lady, napakaganda mo naman para maging lola ng lapastangang babaeng iyan," nakangiting saad ni Elder Luis dahilan para samaan siya ng tingin ni Elder Maria. Asus! Selos si Misis!

"I know. No need to state the obvious. Pero hindi yan ang ipinunta ko dito," Almira said bago tingnan ng masama si Isabel. Yung tingin na tagos sa buto.

Lumapit si Almira kay Isabel at pinadausos ang mahaba niyang itim na kuko sa pisngi nito. Dahil sa talas ay dumugo ang pisngi ni Isabel at nakaatras ito dahil sa takot at panginginig.

"You evil!" takot na sigaw nito habang hawak ang pisngi nitong dumudugo.

"Hahahaha, Thank you for the compliment," Almira chuckled joyfully. Gustong gusto kasi niya sinasabihan siya ng evil.

"Stop hurting my granddaughter or I will also punish you!" sigaw ni Elder Maria.

"Punish me? Sino ka ba? You are just a pathetic woman with a title that perfectly suits you. Elder. Old. Ugly. Loser. Weak," pang-uuyam ni Almira sa ngayon ay nanggagalaiti na sa galit na si Elder Maria. Kita ko namang nagpipigil na ng tawa ang mga nasa paligid namin dahian para mas lalong magalit si Elder.

"Warriors! Bring her to the cells!" galit na sigaw nito. Nagdadalawang isip pa ang mga warriors ng itaas ni Almira ang kamay niya.

"Wait. I just want to inform you all kung ano ang ginagawa ko sa mga nagtatangkang kumalaban sa akin. Hmm, kung hindi ko pinuputol ang braso at binti, dinudukot ko ang mata nila, o kaya naman sinusunog ko sila ng buhay. Now come, fight me." Nakangising saad ni Almira sa mga warriors na ngayon ay umuurong na dahil sa takot.

"Don't believe her! She's just lying! Kunin niyo siya kung ayaw niyong kayo ang parusahan ko!" sigaw ni Elder Maria.

"Lying? Hmm? Do you wanna see some of my masterpieces? Oh! I'll let you see my favorite one! My Almisha gave it to me last month," masayang sabi ni Almira kaya napangiwi na lang ako. Linus was still looking at me with curiosity and shock.

Almira Vera snapped her fingers, and everyone gasped ng makita si Jane na putol ang braso at nakalabas ang isang mata. Sunog din ang katawan niya at walang buhay na nakatingin kay Isabel. Napasigaw naman ito dahil sa takot. Jusko. Malala.

"So, you believe me now? Come. Nasa mood ako ngayon," hamon ni Almira bago paglahuin si Jane. Takot na takot ang lahat dahil sa nakita. A dead person just appeared at hindi yun pangkaraniwan sa kanila.

Gusto ko mang pigilan si Almira Vera ay hindi pwede, dahil walang nakakapigil sa kanya kapag siya ang nagalit.

"You are a demon! You are a demon! What did you do to Jane?!" takot na takot na sigaw ni Isabel.

"Hahahaha. I'm not a demon," nakangiting saad ni Almira. Lumapit ito kat Isabel na ngayon ay nanginginig na dahil sa takot.

"I'm their Queen dear," she said with her evil queen tone that makes everyone be enveloped with fear.

Yes, you heard her right. My Almira Vera is the Queen of Underworld, the Goddess of Darkness, and no one dares to fight her. Not even Almiro Kyros, her husband, the King of Elysium, God of Light. Both of them are the most powerful creature here and all the supernatural worlds. Our supreme God and Goddess.

"Now I'm thinking about what to do to all the people who hurt my precious granddaughter. Should I extract their hearts using my hands? Strangle them to death? Or should I just cut their heads off their body? Hmm, Alpha what do you think?" she asked Linus while smiling evilly.

"With all your respect, please stop what you're doing. You are scaring everybody." Linus said dahilan para mapahawak ako sa noo ko. Wrong move.

"Hmm, don't worry Alpha, you're included in the list. I heard you rejected my Luna for some other girl, am I right? Hmm, should I cut your bond with Luna?" she said threatening Linus.

Napalingon naman si Linus sa akin at bumakas ang takot sa mga mata niya dahil sa sinabi ni Almira.

"Almira, bumalik ka na sa Tavira (Underworld/Hell). Ako na ang bahala dito. Salamat sa pagpunta." Magalang na saad ko na ikinasinghal niya.

"Fine! Goodbye, my granddaughter, I enjoyed my stay here in your world. Visit me on hell sometimes." Sabi niya bago maglaho.

Nakahinga naman ng maluwag ang lahat dahil sa pag-alis ni Almira, pero nahigit na naman nila ito ng bumalik siya. Nakakagulat!

"Ang before we part ways, remember that I'm watching you all. Hurt my Almisha ang you will be like that pathetic Jane." She warned. Hindi pa siya nakakaalis ay may isa na namang liwanag ang sumilaw sa kanilang lahat.

Tsk. Another one! So intro lang pala yung kanina? Walanghiya!

______Rhy428______

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top