12- The Training

Luna Kiara's POV

"Bakla! Ayoko na! Did I just punas your pawis?! Eww!" diring diring sabi ni Jay pagkarating namin sa kwarto ko. 

"Mapagpanggap ka kase!" tawa ko. "Tara na nga sa Elium. Isasama kita para alam ko ang gagawin." Pagchi-change topic ko.

Naglaho na ako kasama ang bakla at pagdilat ko ay nasa Elysium na kami. "AY KALOKA! BAKLA DITO NA AKO TITIRA! ANDAMING GWAFU!" tili niya ng makita ang mga Miro ko.

"Misha!" bati ni Miro Volos bago ako yakapin.

"Miro! Namiss kita!" masayang saad ko.

"Syempre ako din!"

"Bakla! Pamangks! Musta na?" masayang bati naman ni Mira Audrianna bago kami yakapin ni Jay.

"Bakla! Andaming gwafu dito! Ipakilala mo naman ako!" bulong ni Jay kay Mira na narinig ko naman.

"Mga Kuya!" sigaw ni Mira kaya napalingon yung apat kong Miro sa kanila.

"Yes, Aud?" tanong ni Miro Aeolus. "Kuya, kaibigan ko nga pala, si Jay. Jay mga kuya ko," pakilala ni Mira.

"Ikinagagalak kong makilala ka, Aeolus nga pala ang aking ngalan."

"Oceanus, Cean for short!"

"Tsk. Aestus."

"Volos, ang pinakagwapo sa lahat."

Pagpapakilala nila bago magpaalam muli. Ng makasiguradong wala na yung apat at tumili-tili si Jay na parang baliw. Wahahahaha! "Mga bakla! Ampunin niyo na ako!" sigaw niya kaya napailing na lang kaming dalawa ni Mira.

"Let's go to the garden. Naghihintay na ang iyong ina. At take note, badtrip pa rin siya. Hahaha! Buti napigilan mo pamangks kung hindi baka kung ano na nangyari hahaha!" natatawang sabi ni Mira.

"Eh kasi naman kaloka! Tinawag ba namang ambisyosa si Mudra!" dagdag pa ni Jay na ikinairap ko na lang.

Pagdating namin sa hardin ay ramdam ko pa rin ang nakakatakot na awra ni Ina. Badtrip pa nga. "Selene! Nandito na ang anak mo!" sigaw ni Mira dahilan para biglang pagharap ni Ina. Napakapit naman si Jay sa braso ko dahil sa takot.

"Bakla! Katakot ng mudra mo ah! Baka kainin ako niyan." Bulong ni Jay na ikinatawa ko na lang ng mahina.

"Ina! Wag ka ngang ganyan. Mukha kang kakain ng tao." sabi ko sa kanya.

"Isa pa talaga Luna Kiara. Isa pang lait ng babaeng asong yun, humanda siya sa akin, at wag na wag mo akong pipigilan," banta niya. Psh! Galit pa nga.

"Opo ina," sagot ko na lang.

"Oh siya, move on move on din pag may time! Tara na! Let's talk!" pag-iiba ni Mira ng usapan. Sumeryoso naman ang lahat pati na ang bakla.

"Luna, Golden Moon Pack is in danger. May isang malakas na pwersa akong nararamdaman na nais pabagsakin ang pack ninyo. Kayo ko kayo pinabalik ay dahil nais kong ikaw ang magtanggol dito. Prepare, train, and be ready. Help the Alpha and your cousin. Maintain peace in our world anak," seryosong sabi ni Ina bago bumaling kay bakla.

"You. Ikaw ang inaatasan kong magbantay sa anak ko. Wag na wag mo siyang hahayaang masaktan dahil kung hindi, bibigyan kita ng babaeng mate," banta ni Ina kay Jay na parang tinakasan ng kulay dahil sa narinig.

Pasimpleng natatawa si Mira Audrey kay napatawa na din ako, pero pinigilan ko kaagad ng makitang ang sama ng tingin sa amin ng bakla.

"Ina, Mira, aalis na kami. Don't worry, I will not let anything happen to our world." I reassured them before disappearing pabalik sa Selenia kasama ang bakla.

"Hon! Kakatakot si mudra! Bibigyan daw akez ng Mate!! NAKAKALOKA!!" paghi-hysterical ni Jay.

"Tsk! Matulog na tayo okay? Antok na ako," sabi ko bago dalawin ng antok.

Kinabukasan ay maaga akong nagising at kita kong katabi ko ang bakla. Baka kung anong iniisip niyo dyan ha! Hindi kami talo! Over my dead gorgeous body!

Bumaba na ako at nakitang kumakain na sila. "Couz! Good Morning!" bati niya.

"Good Morning din insan! San ka?" tanong ko bago umupo at sumandok ng pagkain.

"May weekly training ngayon kaya maaga akong aalis," sagot naman niya na nakakuha ng atensyon ko.

Napangiti ako, ngiting may balak. Wahaha! "Insan, hintayin mo ako. Sasama ako sa'yo," sabi ko bago mabilis na kumain at dumeresto sa CR para maligo.

Pagkatapos ay nagsuot lang ako ng sports bra na pinatungan ng loose sleeveless shirt, leggings, at rubber shoes. Nagpuyod na din ako ng high ponytail bago lumabas. Tulog pa rin ang bakla kaya hindi ko na ginising.

"Insan! Tara na!" sigaw ko kay Hiro kaya sabay na kaming lumabas. Nagpaalam muna kami kay tito at tita, at ibinilin ko na rin sa kanila ang bakla bago tuluyang umalis.

"Couz! Ano bang naisipan mo at sumama ka? Eh malakas ka na naman ah! Alam mo na, magic magic lang." tanong ni Hiro.

"Kailangan kong malaman kung gaano kalakas ang pack na ito." 

"At bakit naman?" Hinarap ko siya at tinitigan.

"Insan, sa tingin mo ba babalik ang dito ng bigla bigla ng walang dahilan?" tanong ko na ikinakunot ng noo niya.

"Danger is near Hiro, at kapag dumating ang oras na yun, kailangang handa ang pack natin." Seryosong sabi ko kaya napamaang siya dahil dun.

"What do you mean?" tanong niya.

"May nararamdaman si Ina na nagbabadyang panganib kaya nandito ako para siguraduhing ligtas ang Selenia sa kahit anong kasamaan," paliwanag ko.

Wala sa sariling napatango na lang si Insan hanggang sa makarating kami sa training grounds.

Nandito na ang lahat ng mg warriors pati na rin ang mga babaeng may edad na 18-40. Nakita ko ring nakalingkis si Isabel kay Linus na may iritang mukha. Wahahaha! Nakakatawa talaga siya kapag iritado.

Ang pinagtataka ko lang ay bakit si Isabel ang kasama niya. Akala ko ba si Jane? Sabagay, bakit ko nga ba sila pinoproblema?

"BUWAN!!" nabaling ang atensyon ko sa sumigaw at napangiti ako ng makita si Alex.

"ALEXA!" sigaw ko bago siya yakapin. "Namiss kita!" masayang sabi ko.

"Tsk! Buwan naman eh! Hindi ka pa rin nagbabago no?! Well, except sa katawan mo. Alexa pa din?! Tsk!" inis na sigaw niya.

"Except sa katawan ko? Bakit anong nangyari sa katawan ko?" taas kilay kong tanong.

"Tsk! Mas gumanda ka!" inis na sabi niya kaya sinuntok ko na lang siya ng pabiro sa braso. Ngayon pa nga lang pala nila ako nakita simula ng naging ganap akong dyosa, kaya sa paningin nila at nagbago ako.

Bigla naman akong nakarinig ng growl na nakapagpatahimik sa lahat. Linus, psh. Matalim ang tingin niya kaya napatungo si Alex at lumayo ng kaunti sa akin.

"Let's begin," walang emosyong niyang sabi.

"Pick a partner and practice the technique I've shown you before," utos naman ni Insan hudyat ng pagsisimula ng training.

"BUWAN TAYO N-AHAHAHA! Joke lang!" sabi ni Alex bago dali daling tumakbo papalayo. Anyare?

Tinignan ko si Insan at nakita kong kapartner niya ang Gamma, si Kevin, the 3rd in command. So sino palang kapartner ko? Pero maganda na din to para mapag-aralan ko ang kilos ng bawat isa.

Umakyat ako sa isang puno at umupo sa isang matibay na sanga. Ramdam ko ang titig ni Linus pero itinuon ko na lang ang pansin ko sa mga warriors.

I'm proud to say that they are skilled. Hindi na ako magtataka kung bakit ang pack na ito ang strongest.

Kaso hindi talaga maiiwasan ang mga pabida tulad na lang ni Isabel. She chose a girl omega to be her partner para maipakitang malakas siya kahit ang totoo, napakareckless ng mga galaw niya. Paulit-ulit at predictable. Napailang na lang ako. Pareparehas sila ng mga minions niya.

Hindi naiwasan ni Isabel ang suntok na pinakawalan ng omega kaya natumba ito at galit na galit na tumingin sa babae. Takot namang tinignan ng omega si Isabel at tangkang tutulungan itong tumayo pero tinabig ni Isabel ang kamay nito.

Pagkatayong pagkatayo niya ay sinabunutan at tinadyak-tadyakan niya ang babae. Hindi naman siya makalaban dahil sa takot kaya napapikit ako at hindi napigilang magsalita.

"Stop that," maotoridad kong sabi dahilan para matigilan siya at ang lahat. Tumalon ako sa kinauupuan kong sanga at tinignan si Isabel with authority. Lumapit ako sa omega at tinulungan itong tumayo.

"Next time don't let anyone hurt or insult you okay?" bulong ako at dali dali naman siyang tumango.

"Bitch! How dare you stop me!" sigaw ni Isabel.

"How dare you hurt that innocent girl?" malamig na sambit ko.

"It's not my fault na mahina ang babaeng yun kaya siya nasasaktan!" sabi niya na ikinatawa ko ng sarkastiko.

"Are you saying you're strong?" natatawang tanong ko.

"Of course, I am! For your information, ako lang naman ang pinakamalakas na girl warrior sa pack na ito! Gusto mong subukan?" mayabang sa sabi niya na ikinataas ng kilay ko.

"Are you challenging me?" di makapaniwalang asik ko.

"Why, are you scared?" pang-aasar niya na ikinangisi ko.

"Oo eh. Mukha mo pa lang nakakatakot na," nandidiring sabi ko dahilan para umusok ang tenga niya. Psh. Pikon.

"What's the commotion all about?" sigaw ni Alpha na nakapagpatahimik ng lahat. Kasama niya si Insan na papalapit sa direksyon namin.

"Linus! That ambisyosa is challenging me into a fight! Hah! Akala niya siguro ay matatalo niya ako. Hindi ata siya tinuruan ng nanay niya-"

"Wag mo ng ituloy kung gusto mo pang mabuhay," putol ni insan sa sinasabi ni Isabel.

Pinigilan ko na lang na mapangiti sa sinabi niya. I look forward sa paghaharap nila ng Moon Goddess.

Nag-aalala naman akong nilingon ni Linus at parang sinasabihang wag na akong tumuloy. Napairap na lang ako ng wala sa oras. Is he under-estimating me? Hah! Watch and learn baby!

"Prepare for battle, strongest girl warrior," nakangisi kong saad dahilan para inis niya akong singhalan.

"Ako dapat ang magsasabi niyang bitch!" mayabang na sabi niya bago mag-flip ng buhok at maglakad papuntang platform. Susunod na rin sana ako ng pigilan ako ni Linus.

"Be careful," sabi niya kaya tumango na lang ako at sumunod na kay Isabel.

"Hey woman! Be careful!" sigaw ni Insan kay Isabel at narinig ko naman ang pagtataka ni Linus.

"Why are you worrying about your cousin's opponent?" rinig kong tanong niya.

"Baka kasi mabalian siya ng buto ng wala sa oras Hahahaha!" tawa ni Insan na ikinangiti ko rin. Baka nga balian ko siya ng buto pag hindi ako nakapagtimpi.

Hinubad ni Isabel ang shirt niya kaya ang natira na lang ay ang kanyang sports bra dahilan para titigan siya ng mga lalaki. May mate man o wala. She smirked because of that. Kita kong nakatingin din si Linus sa kanya. Psh! Kainis!

Hinubad ko na din and sleeveless shirt ko kaya kitang kita ang malaporcelana kong balat. Hapit na hapit ang sports bra at leggings kong itim kaya kitang kita ang mga curves ko sa katawan, at Malaki ang hinaharap ko no!

Sa isang iglap ay nalipat ang atensyon ng lahat sa akin at rinig kong kahit mga babae ay pinupuri ako. Bigla namang nag-growl si Linus uli. Bahala siya! I'm a goddess kaya natural lang na perpekto ang katawan ko. Kasalanan ko ba yun?

Inis naman akong sinugod ni Isabel. First mistake, hindi siya nag-iisip at nagpapadala sa bugso ng damdamin. Atake lang siya ng atake at hindi iniisip ang kalalabasan ng atakeng yun. Makapanakit lang ganun. 

Mabilis ang reflexes ko kaya madali ko lang itong naiiwasan. Ramdam kong sisipain niya ako kaya agad ko itong hinarangan. 2nd Mistake, sobrang predictable ng mga galaw niya kaya mabilis kong naiiwasan ang mga atake niya.

She tried to trick me by punching my face, then kicking pero naiwasan ko ulit ito, tapos inulit niya uli. 3rd mistake, inuulit niya ang isang technique na hindi naman gumana.

"Tsk! Why are you not attacking?!" inis na tanong niya.

"You'll die if I do." Nang-uuyam na sagot ko.

"In your dreams bitch!" sigaw niya bago ako atakihing muli. Hindi siya naniniwala? Ng magkaroon ako ng pagkakataon at binigyan ko siya tumatagingting na back kick. Sapul sa mukha! Nagpaikot ikot siya bago sumalampak sa sahig. Knock out agad?! Hina naman!

Nilapitan naman siya agad ng mga minions niya at masama akong tiningnan. What?!

Nakangiting papalapit sa akin si Linus pero natigilan siya ng may yumakap sa akin, si Jay. Nagdilim naman ang paningin niya. Selos ba siya?

Humiwalay na sa akin si Jay at kita kong wala siyang suot na pantaas. Maganda naman ang katawan niya kaya kahit baliko yan ay hindi mo mapagkakamalang bakla kung hindi niya iibahin ang boses niya. Kita ko ang takot at pag-aalala sa mga mata niya.

"Hon may masakit ba sa'yo?! May sugat ka ba?!" nagpapanic na tanong niya bago libutin ng tingin ang katawan ko para tingnan kung may sugat ba ako. Takot na takot ang baklang magka-mate ah!

"Ano ka ba Hon! Yan lang ba ang pinunta mo dito, na nakalimutan mo ng magdamit? Wala okay! Walang masakit sa akin kaya kumalma ka na!" nakahinga naman siya ng maluwag dahil sa sinabi ko.

"Jusko day! Akala ko magkakamate na akez!" mind link niya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papalayo sa training ground.

"Hon naman! Wag ka ngang aalis sa tabi ko at baka mapahamak ka! Hindi kakayanin Kiara," malalim ang boses na sabi niya. Yun oh! Kung hindi ko siya kilala, aakalain kong jowa ko to, pero ang totoo takot lang ang baklang yan na maparusahan ni Ina.

Paalis na sana kami ng biglang may kumalmot sa braso ko. Napasingahap naman ako sa sakit. Nilingon ko ang gumawa nun at nakitang naka-partial shift ang isang minion ni Isabel.

Nakita ni Jay ang dugong tumutulo sa mga braso ko kaya nagdilim ang paningin niya at bigla na lang sinugod ang babaeng yun. Uh-oh! Patay kang bakla ka!

______Rhy428______

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top