:○:::::

Umiyak ng umiyak si Maria, at dahil dun nataranta ang bata.
"Sige ate sau na lang yan, hanap na lang ako iba"
At umalis na ang bata na litong lito at nahihiwagahan kay Maria. Iniisip din ng bata na nababaliw na ang dalaga.
Umiiyak pa rin si Maria, akala nya na natanggap na nya ang pagkamatay ng kanyang minamahal pero hindi pa pala. Napagtanto nya na madaling sabihin na nakamove on na pero pag nandun ka uli sa sitwasyon napakahirap isagawa.

Biglang tumayo si Maria sa kanyang pagkalumok at tumakbo sa direksyon kung nasan ang fire station. Alam nyang may mga taong na nakadistino ngayon na pwede syang tulungan. Napansin nya na pamilyar ang lugar at mga gusaling nalalampasan nya, nasa lungsod pala sya ng Makati. Wala pang gaano na matatayog na gusali at may malalanghap pang sariwang hangin pero may bakas pa ng prenepenaliya ng Marial Law dahil sa mga nakasabit na dilaw na laso sa bawat bintana ng mga gusali.

Dahil dito nagkakaroon sya ng pag-aasa makita nya ng buhay ang kanya pinakamamahal kahit sa huling hininga nya.

Nagtungo sya sa fire station at may nakita syang mga grupo ng kalalakihan na nagkukumahog mag ayos ng gamit na pangkaligtasan.

"Mga kuya tunungan nyo po ako?pwede nyo po ako maihatid sa pier ngayon" ang hingal na hingal na pagsamo ni Maria.
"Miss dun ka magtungo sa women's desk, mas matutulungan ka nila kasi magrerespunde kami ng sunog ngayon", ang mabilisang sagot ng isang bombero na nasa loob ng fire truck.
"Sa kabila ng gusaling ito ay may police station, sila ang makakatulong sayo Miss", dagdag ng isang bomberong nakasakay sa taas ng truck at may may tinuturo.
"SAN NGA BA?" Sigaw ng driver ng truck.
"PIER 15! SA MAYNILA, BETA NA" sigaw ng lalaki sa likod.

Hindi na nag-aksaya ng minuto si Maria nang marinig ang mga katagang yun at sumampa sa likuran ng truck. Hindi na napansin ng mga bombero ang dalaga sa pamamadali.

Mabilis ang takbo ng truck habang kinakalembang ng isang bombero ang maliit na kampanilya kasabay ng pag-alingawngaw ang serena nito, nagbabadya na dadaan sila sa mga pasalubong mga sasakyan na bumabaybay din ng kalsada. Sa sobra bilis ng pagpapatakbo muntik na mahulog si Maria, buti na lang may nakapasin sa kanya sa isa sa nasampang bombero at hinatak sya paitaas.

"Gusto mo bang magpakamatay? bakit ka pa sumama?"
"Ang asawa ko gusto ko sya makitang buhay!" Ang sagot ni Maria ng buong tapang. Hindi na umimik pa ang lalaki, kitang kita kasi sa namunugtong mga mata ni Maria ang diterminasyon.

...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top