○:::::

Pinutok ni Maria ang bula at biglang may malakas na hangin nagmumula sa butas na nilikha nya. Unting unting hinihigop sya nito at tuluyang inahigop sya sa loob ng bula at nilamon na ng malakas na hangin pati ang mismong pinagagalingan nito.

"Eliyaaah! Nasaan kaaah?" ang sigae ni Maria habang lumulusong na naman sa pamilyar na lugar.
Naaninag nya ang hibla ng mga pangyayari nasa dati nyang buhay sa gulid ng kanyang mga mata habang nahuhulog palusong na kawalan.

Napansin nya na puro mukha ng bata ang nakikita nya, naglalaro, umiiyak, naglalakad,at kumain. Pamilyar ang mga iyo kasi parang nakita na nya ang batang ito. Kahit na mabilis lang na dumadaan ang mga hiblang ito, unting unting inaabot ni Maria ang mga naganap.

Naabot nya ito kaso hinigop sya papasok sa isa mga hiblang ito. "Hal, tulongan mo ako! Eliya, pakiusap tulungan nyo akoooh" panay ang sigaw nya habang pinipilit nyang makapumiglas sa animong black hole pero walang tulong na dumating at tuluyan na syang nahigop nito.

Sa loob nun ay madilim na lugar at isang munting liwanag ang maaninag ni Maria, inisip nya ito ang daan palabas nitong mundo ng kawalan.

Tinahak nya ito sa gabay ng munting liwanag na ito na unting unting lumalaki habang papalapit ng papalapit si Maria dito.

Lumusot si Maria sa liwanag at hindi sya panawala kung nasan sya. Nasa loob pala sya ng isang manhole sa gitna ng abalang syudad.

Lumabas si Maria sa butas mula sa kongkretong daan ng syudad nang Beeeeeppp.... isang malakas na busita ang tumanbulat sa kanya.

" HOY MAGPAPAKAMATAY KA BA? WAG MO AKONG IDAMAY SA KATARANTADUHAN MO. UMALIS KA DYAN" sigaw ng isang jeeney driver na nakaharap sa likuran ni Maria. Tarantang tumakbo papalayo sa gitna ng kalsada si Maria. Hingal kabayo sya pero hindi naglaon ay nahabol nya ang kanyang hinga at wala syang ginawa kundi tumingala at humanga sa mga buildings na katatayong na animo'y maabot na ang kalangitan. Napansin din nya na halos lahat ng tao dito ay mabilis magsilakad, naghahabol ng oras at halatang marami pang dapat tapusin na gawain. Di talaga sya nagtaka na, nasa Maynila na nga sya pero hindi nya matukoy kung anong araw at taon sya naroon. Ang alam nya nasa sa isa sya sa mga nakaraan nya.

"Ate, pengeng piso" nagulat na lang si Maria na may kumalabit na gusgusing batang babae sa likuran nya. Mukang nasa edad dose ito at pulubi dahil na rin sa madumi nyang damit at walang syang sapin sa mga paa nya ang taging nyang dala ay isang plastic bag na di maaninag na laman.

"Ay neng sorry wala rin akong maibibigay sau" ang tinugon ni Maria habang kaharap ang kaawa awang bata. "Ay bata pwedeng magtanong, nasa anong year na tayo?" Pinaling ng bahagya ang ulo ng bata at halatang nagtaka sa tinanung ni Maria sa kanya di kasi normal magtanong ng taon, kadalasan anong araw o anong date ang tinatanong. Yumuko sya at may kinuha sya mula sa kanyang dalang selupin, isang dyaryo. "Ate hindi kasi ako marunong magbasa pero pwede mo dyan malaman yung tanatanung mo basta isouli mo rin sa akin yan kasi wala akong pansapin mamayang gabi" ang sabi ng bata habang inaabot ang maduming dyaryo sa binibini.

November 15, 1994
TIDAL WAVE HIT THE SMALL ISLAND OF MINDORO

An earthquake occured this morning of November 15 at 03:15 local time near Mindoro, Philippines. It had a moment magnitude of 7.1. It is associated with a 35 kilometer-long ground rupture, called the Aglubang River fault. Seventy eight people were reported dead, and 7,566 houses were damaged. The earthquake generated a tsunami and landslides on the Verde Island

Hindi makapaniwala si Maria sa kanyang binabasa. Hindi nya mapigilang tumulo ang kanyang luha habang binabasa ang lumang dyaryong binigay ng batang pulubi sa kanya. "Ate okay ka lang?" Ang pagalalang tanong ng bata ngunit hindi na rinig ni Maria ang sinabi ng bata at nagpatuloy parin sa pagbabasa.

The epicenter of this earthquake was located in the Verde Island Passage, a strait separating Luzon and Mindoro. The focal mechanism showed predominantly right-lateral strije-slip faulting. The released seismic moment was about 5.12×1019 Nm. The Aglubang River fault, which shows a right-lateral strike-slip sense of movement, extends from Malaylay Island in the north of Oriental Mindoro to Alcate, Victoria in the south. Measurements along the rupture reveal a maximum horizontal displacement of 4 meters and a maximum vertical displacement of 1.9 meters.

At humagulgol na si Maria sa kanyang binabasa. Nag-aalala pero nagtataka rin ang bata sa reaksyon ng binibini ng dahil lang sa dyaryo. "Ate akina yang dyaryo! "Ang sambit ng bata pero hindi ito pinansin ni Maria at patuloy pa rin sa pagbabasa kahit na yung luha nyang ay tumutulo na sa papel at nababasa na ito.

The earthquake generated a tsunami, which affected Mindoro, the Verde Island, the Baco Islands, and Luzon. Some concrete structures also suffered moderate damage in the tsunami. In Baco Islands, the vertical run-up reached 8.5 meters (28 ft). The tsunami was also recorded in Lobo. The tsunami was larger than expected considering the strike-slip movement of the earthquake.

At tuluyan na ngang naglumo ang binibini at napaluhod na lang sa nabasa nya. Ito kasi yun. Ito yung araw na namatay ang kanyang asawa.

A/n
Halouuuuuu... long time no wattpad..hahahah ayun na nga eto na yun updated na rin sya.. sa wakas nadugsungan ko na nga.. hahaha ayun nasa tamang taon at tamang mundo na si Maria pero maling oras ang napuntahan nya. Pano na to sa muling magkakataon makikita nyang muli ang kanyang asawa ngunit huli pa rin ang pagkakataon.. my God kung sa akin to nangyari yung mararamdaman mo uli lahat na sakit na akala mo ay nakamove-on ka na. Naku ano na.. naku sana maging maayos na ang lahat.. Eliyaaahh!!! Bakit mo pinabayaan na naman si Maria mag gala ayan tuloy umiiyak na naman sya.. naku..

Credits nga pala po sa mga website na ito.

ttps://en.m.wikipedia.org/wiki/1994_Mindoro_earthquake

http://reliefweb.int/report/philippines/philippine-earthquake-nov-1994-un-dha-situation-reports-1-4

https://youtu.be/qWP9ZBLcqUs

https://youtu.be/EIlGG1ybWPE

Ito po ay tunay na nangyari noong 1994 sa Mindoro po isa po kami sa biktima ng kalamidad. Bata pa po ako nan kaya kunti lang ang naalala ko sa event na ito. Sa awa ng Dyos wala naman pong nasaktan sa aking pamilya ganun pa man humihingi ako ng kunting sandali sa inyong mga readers na ipagdasal ang nawalan ng mahal sa buhay dahil sa traheyang ito.

Ama namin nawa'y nasa mapayapang lugar na at kapiling nyo na ang mga taong nabawian ng buhay sa trahedyang 1990 Mindoro tidalwave. Nawa'y nasa bigyan nyo ng katahimikan ang kanilang kaluluwa. At pati na rin po sa naiwan nilang pamilya, nawa'y may peace of mind na po sila at gabayan na. Paalalahanin nyo po sana oh God sila na huwag nang magalala kasi kapiling nyo na ang kanilang kapamilya at gumagabay rin sa kanila dyan sa kalangitan. Amen.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top