:::::
Nakita ni Maria kung sino talaga ang kanina pa nyang gustong makita. Hindi sya makapaniwala, sya ay sya rin. Lumapit ang nilalang sa kanya, tila ba napako si Maria sa tinatayuan nya. Itong nilalang na ito na kawangis nya ay ibang iba sa kanya. Kahit pareho sila ng kasuotan, pigura ng katawan, sa kilos at galaw at maging sa pag buka ng bibig, hindi makakapayag si Maria na sya nga ito. Ang Mariang kaharap nya ay may naglilisik na mga nalalamlam na mata at nakakapangilabot na ngiti nakaguhit aa kanyang bibig.
"Sino ka?" Ang lakas loob na pagsasalita ni Maria sa kaharap nya.
"Ako ay ikaw" ang maigsing salita ng nilalang.
"Imposible" ang mabilis na sagot ni Maria.
"Ako ay ikaw din diba gusto mong makita si Hal, ako rin gustong ko rin sya makita" at sabay ng ngiti na kakapangilabot ang nilalang.
"How dare you call my husband yours?", biglang sumigaw si Maria at tumakbo papalayo sa nilalang.
"Wala kang magagawa, kahit tumakbo ka ng tumakbo hindi ka makakaalis dito, at hinding hindi mo maikakailang ako ay ikaw at ikaw ay ako".
Tumakbo ng tumakbo si Maria, hindi na nya alam ang direksyong tinatahak nya. Kung ito ba'y kanluran o timog, parang wala syang pinatutunguhan.
Maya maya'y humalakhak ang nilalang na parang nasa likuran lang nya. "Sinabi ko na sau, Ako! Wala kang magagawa, dito ka na makukulong at ako ang makakalaya na. Hahahahahahaha"
Dumilim bigla ang paligid ni Maria pero kahit walang liwanag na nasisinagan himalang lumiliwanag ang kanyang katawan, kitang kita nya ang sa sarili nya.
"Hoy, nasan ka anong nangyayari?" Sigaw nya pero walang sagot ang nilalang. "Sumagot kang halimaw ka, anong nangyayari?" Muling sumigaw si Maria pero wala pa rin hanggang sa may naririnig syang boses at papalapit na papalapit.
Palakas ng palakas ang boses na ngayon ay himahalakhak na.
"Maria ako'y ikaw at ikaw ay ako", bumulong ang nilalang mula sa likuran nya pero hindi nya mahuli huli. "Ano bang ibig mong sabihin?" Nagtanung si Maria sa hindi nya, nakikitang nilalang.
"Hak, wala ka nang magagawa, ngayong nandito ka ako naman ang makakalaya, hahahahahaha"
Sa itaas, may naaninag na kaunting liwanag si Maria atnakita nyang lumipat papalapit ang nilalang doon.
"Hoy wag kang tumakas, magtuos tayo hinding hindi ako natatakot sayo halimaw ka. Bumaba ka dito!" Ang sigaw ni Maria pero hindi man lang sya nilingunan ng nilalang bagkus lumipad lang papalapit sa mumunting mga sinag.
Habang pinagmamasdan ni Maria ang nilalang, napagtanto nya ang abg sinabi kanina, baka sakaling may makuha syang sagot.
Hindi maalis alis sa isipan nya ang mga katagang ako ay ikaw at ikaw ay ako.
At napansin din ni Maria na parang may taling nakakabit sa kamay ang nilalang, ngayon nya lang ito nakita dahil parang hibla na puting sinulid at sa tulong ng madilim na paligid at ng mumunting sinag na nagmumula sa liwanag. Nadadampian ng kaunti ang hibla na akala mo tuloy lumiliwanag.
"Halimaw, san ka pupunta? Sinabi kong bumaba ka rito at kalabanin mo ako", muling sumigaw si Maria pero hindi pa rin natitinag ang nilalang at patuloy pa rin ang paglipad nya papalapit sa munting siwang na liwanag na parang takam na takam sya dun.
Habang sumisigaw si Maria sinundan nya ang hibla kung san matatapos at nagulat sya dahil ang dulo na hibla ay nakatali sa kanyang kamay. Parang sila ay konektado sa isa't isa na parang umbilical cord ng ina sa sanggol.
Dali dali nyang hila ang hibla at muli syang nasupresa dahil hindi pa nya nahinila ng malakas ay bumulusok pababa at bumagsak na matindi ang nilalang. Nagkaron din ng maliit na crater sa binagbagsakan ng nilalang.
"Ha! Pano mo-" hindi pa nakakatapos na pananalita ng nilalang ay sinunggaban agad ni Maria ito, hinawakan sa leeg at sinakal mula taas.
"Sinabi ko naman sa iyo hindi ako natatakot sayo, Maria!"
Nabigla ang nilalang sa sinabi ni Maria, hindi maitago ng kanyang mukha ang sobrang pagkatakot nya sa kanya.
"Oo Maria! Tama ka nga sa iniisip mo ngayon. Nalaman ko na ikaw ay ako at ako ay ikaw din" tumigil sa pagsasalita si Maria at hinawakan at hinila ang nilalang para makatayo ito at bilang niyakap.
"Oo ikaw ang masamang bersyon ko, ikaw na makasarili, mapusok, mayabang, na laging nakakulong sa madilim na kwarto at higit sa lahat walang katiwa-tiwala sa Panginoon. Oo ikaw ay ako at ako ay ikaw din. Pero sorry, hinding hindi na ko babalik at maging katulad mong muli kung bibigyan ako ng pagkakataon. Ayoko nang bumalik at lunurin ang akin sarili ko sa kadiliman"
Habang yakap nya ang nilalang unting unting nalulusaw ito at nagiging tubig hanggang sa naging putik ito sa sahig.
Muling lumiwanag ang paligid at lumabas ang tunay na anyo ng lugar, mga salamin ang bumungad kay Maria. Marami ito at nakapalibot sa kanya. Maliit lang pala ito sa inaakala nya kaninang walang hangganan na walang natatanaw.
"Ay teh sorry teh huh! Naihulog ka sa ibang mundo ng mga walang utak at mga chusa kong tupa" Nagmula ang boses sa isa sa mga salamin at nakilala agad ni Maria ito.
"Eliya nasan ka?" Ito na lang ang naisagot ni Maria. "Nandito ako teh, dito sa likod mo!" Hinarap ni Maria ang likuran nya, tumambat sa kanya ang munting bula at nasa loob si Eliya.
"Anong ginagawa mo diyan at bat ka nandyan"
"Hay ang dami mong sinasabi hala putukin mo ang bula at nang makaalis ka na dyan" ang inis na sagot ni Eliya.
"HB! Pero salamat din kasi napagisip-isip ko na mapakasama ko palang tao nung nabubuhay pa ko, sana bigyan pa ako ni God ng second chance para baguhin ang sarili ko"
"Ay sya sige na maya na ang chitchat at gawin mo muna ang pinapagawa ko sau teh!, ang bagal mo chusa ka e"
N/A
Halou..hehehehe sorry sa delay ng update naging busy ako ngayon, pero eto bumawi na ako..hahahaha :D
So ano sa tingin mo, maganda ba? Kasi ang alam ko pangit si Eliya e..hahahaha si ayun upadated na sya pasaway din yung mga tupa ni Eliya noh, wala ng ngang magandang way para magtravel to world after world e mali pa yung destination na binagsakan nya. Kawawa naman si ateng Maria pero anyhow may natutunan naman sya on the process kaya okay narin hehehe so ayun sorry sa super late na update at maraming salamat sa pagbabasa sana wag kang magsasawang subaybayan ito. 😘
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top