::::
Nahuhulog si Maria mula sa burol, kung san walang nakakaalam si God lang ang tangi nyang pag-aasa para mahanap nya ang kanyang pinakamamahal na asawa. Eto lang ang alam nyang paraan dahil simula nang kinuha Nya ang kanyang asawa, nawalan na ang paniniwala nya sa Kanya. Tinaboy na nya ang pagiging Kristiyano nya, nawalan na sya ng pananampalataya nya sa Kanya. Ni hindi nga nya kayang ipagpatuloy ang buhay nya kasi wala ring saysay. Pero ngayong may pag asa pa syang natitira, may dahilan uli sya para mabuhay uli, may misyon pa syang dapat gawin at may paraan pa para makita nya uli ang inaasam-asam na kaligayahan, ang mayakap, mahalikan at makapiling ang kanyang kabiyak.
"Aaaaaahhh Haaaaal, tulungan mo akooo!!" sumigaw ng pagkalakas lakas si Maria habang nahuhulog sa parang balon ng kawalan, madilim at walang anu mang bagay ang naruroon . Makikita lang ay iba't ibang sangay ng pangyayari, parang mga hibla at sumasagi lang sa mga mata ni Maria. Hindi nya alam kung san sya patungo o kung may patutunguhan ba talaga sya.
"Panginoon patawarin Nyo sana ako, sa mga nagawa kong kasalanan. Alam kong nagkamali akong itakwil Kayo at ikulong ko ang sarili ko sa kalungkutan. Malaki rin poang naging kasalanan ko sa aking natatagi at nagiisa kong pamilya, si Nanay Corazon. Humihiling po ako sa Inyo ng kapatawaran at hinayaan kong makain ako ng sarili kong kalungkutan at putulin ang ang aking buhay para masundan ang asaqa ko. Ni hindi ko man lang naasikaso at naiisip na may pamilya pa akong dapat mahalin. Nagmamakaawa po ako sa Inyo Panginoon, kahit gusto kong makita at mayakap ang asawa ko, gusto ko pong humingi ng paumanhin kay Nanay Corazon. Ang tabging nag aruga at nag aalala sa akin kahit na di nya ako kadugo at kahit biyanan ko lang sya, tinuring nya akong tunay na anak" Naghihinagpis si Maria sa pagsambit ng mga ito. Nakapikit lang sya at hinayaan lang ang tadhana ang magdala sa kanyang patutunguhan at ang Panginoon ang magdikta nang kanyng kahahatungan.
Ang mga luha nya ay nagmistulang bituwiin na lumulutang sa kadiliman sa kanyang pagkakahulog.
Pagbukas ng kanyang mga mata, bumungad ang at nakakasilaw na liwanag. Sumabog sa kapaligiran ang liwanag na parang pinturang nabubo sa itim na pader at tuluyan nang naging puti ang lahat.
Hindi tuluyang nahulog si Maria, parang may sumalong mahina at maharahang hangin sa kanyang mga paahan at tuluyan nang bumaba sa puting sahig.
Pagkababa nya lumingon lingon sya pero wala syang naaninag na kahit anong bagay o presensya man lang ng ibang nilalang pero alam nya sa sarili nya na nasa ibang mundo sya.
"ANO, HELLO TAO PO!! MAY TAO PO BA O DYOSYA DYAN?" sigaw nya pero walang kahit na anong bumalik na ingay sa kanya.
Naglakad si Maria ng masulong, pero parang walang direksyon ang patutunguhan nya. Nanatiling kalmado sya kahit ang kamay nya ang nanginginig na sa kaba. Wala syang kasiguraduhan sa nilalakaran at buo nyang pinauubaya ang lahat sa Panginoon.
Naglakad na naglakad pasulong si Maria hindi nya alam king ilang oras o araw na syang naghahanap ng daan, ang alam nya luamakad lang ng pasulong.
"TAO PO!! NAKIKIUSAP PO AKO, KUNG SINO MAN PO PWEDENG KATULONG SA AKIN!! NAKIKIUSAP PO AKO, ITURO NYO PO ANG DAAN PALABAS DITO SA KAWALANnnnn!!"
Despirado na si Maria kahit hindi sya nakakaramdam ng pagod sa kakalakad pero ang pakiramdam nya paikot ikot lang sya.
Sa di kalayuan may dumaplis sa kanyang gilid ng mata ang maitim na bagay o tao. Hindi nya maaninag kung ano to pero despirado syang makapunta o majalapit man lang. Ito ang kauna unahang bagay o taong nakita nya simula na nahulog sya dito.
"DYOS KO SALAMAT, MARAMING SALAMAT PO!" eto lang ang sasambit nya habang tumatakbo sa bagay na yun. Pero bakit ganun sa paglapit nya ay paglayo lalo ng bagay na yun.
"HUWAG.. HUWAG KANG LUMAYO, PAKIUSAP!" pero kahit anong salita nya sa paglapit nya ay sya din ang paglayo nya.
Hindi nya alam kung anong lohiko ang esplika dito. "Pero pano kung", hindi na nya tinuloy ang nasinasabi nya bagkus tumigil sya sa kakatakbo at umatras sya. Sa bawat hakbang nya ay tiningnan nya ng maiigi ang natatanaw nyang bagay, pinagaaralan nya.
Bawat atras ng kanyang mga paa ay sya ding paglapit ng bagay na yun. Ngumiti sa kaligayahan si Maria at mabilis na tumakbo pabalik habang nakatingin sya aa likuran nya at tinitingnan ang bagay na yun.
Di naglaon ay naaninag na nya ang itim na na bagay, unti unting lumiliwanag pero bigla syang tumigil na nakita nya ang bagay na yun.
Ito ay sya. Ang bagay na yun ay ang sarili nya.
A/N:
Ayun na nga. Updated na uli sya..hahahaha niinachan po .. hmm nabitin ka na naman no ako rin. Hehehe so as you can read nasa ibang mundo sya pero san naman kaya ito? Bakit ganun? Di ko rin alam..hahaha basta malalaman din natin yan sabay sabay.. loveyou all..hehehhee
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top