:

Sa sulok ng isang madilim na kwarto, sa tabi ng maliit na bintana kung san pumapasok ang mumunting sinag na liwanag na nangagagaling sa maliwalas na labas, may isang babaeng nakaupo sa harap ng bukas na lumang telebisyon na tila ba'y kinain ng sarili niyang mundo.

Sya si Maria Ibarra, ang dating masayahing at mapagarugang asawa na ngayo'y nawalan na ganang mabuhay dahil sa isang trahedya.

Tahimik ang kwarto at ang ingay mula sa bukas na lumang telebisyon lang ang nagbibigay ng sigla sa buong silid. Doon lang nakapirmi sya at tutok na tutok sa anumang ipinalalabas sa antigong kahon.

Sa tabi nya ay nakakalat ang mga basyo ng alak na gumugulong na sa buong kwarto, mga upos ng sigariyo na nagsisiksikan sa ashtry at gusot at gamit na mga tissue halos basa dahil sa mga luha nya.

'Ang saya, salamat hal ko, pinasasaya mo talaga ako'
'Aba'y syempre naman hal ko, para sayong lahat to anniversary natin diba!'

Eto lang ang maririnig sa telebisyon na pinagmamasdan ni Maria, mga dating video nilang mag-asawa. Sinusulit nila ang bawat minuto na magkasama sila kaya kahit maliliit na detalye ng buhay nila nakadokyumentaryo gamit ang secondhand video na nabili pa ng asawa nya nung syang binata pa. Masaya pa ang lahat, naghoneymoon pa sila sa Indonesia para sa kanilang unang gabi bilang mag-asawa.

Bawat rinig nya sa boses ng lalaki na mula sa screen ay napapangiti sya at napapaluha. Ang lalaking nagsasalita ay si Crisostomo Baldez, ang namayapa nyang asawa. Matikas at may maamong mukha, walang bahid na bisyo at mapagmahal na asawa, yan ang mga katangian na nagustuhan ni Maria sa kanya. Dahil sa likas na kasipagan at tyaga na tinataglay, nakapundar sya ng sariling coffeeshop na ngayon ay pinapalakan ni Maria kasama ng kanyang biyanan na si Corazon Baldez.

"Hal ko, namimiss na kita. Sana ay namatay na lang din ako para hanggang ngayon magkasama tayo". Habang sinasambit ni Maria ang mga katagang ito'y mahigpit nyang niyayakap ang wedding picture nila nakalagay sa elegante pero basag na frame. Nabasag na lang ito dahil sa yakap yakap nya araw araw.

"Sasama ako sayo Hal, sunduin mo na ko dito asawa ko. Hindi ko na kayang mabuhay pa ng ganito katagal nang wala ka". At tuluyan na syang umiyak, yakap yakap pa rin ang larawan ng pinakamamahal nya.

'Hal tingnan mo ang linaw na tubig dito na ang gandang pagmasdan ang reflection ng araw neto pag lumubog na sya."
'Oo nga Hal maganda nga, crystal clear! Pero Hal alam mo kung anong pinakamagandang nakikita kong reflection?'
'Ano? Ako!! Hehehehe'
'Hindi, ako hahahaha'
'Hahaha ka dyan'
' di, joke lang syempre ikaw pero mas gumaganda ka kung lagi kang gumingiti asawa ko, kaya wag ka nang malungkot dyan. Mamayang gabi babawi ako sayo. Hehehehe'
'Talaga Hal ko?'
'Opo Hal ko hehehehe , I love you Hal, mahal na mahal kita asawa ko'
'Mahal na mahal din kita Hal ko, I love you too asawa ko'

Biglang tumayo si Maria at pinagtatapon ang nagkalat na tissue sa sahig na parang may hinahanap. Nakita nya ang remote control, dalidali nyang kinuha ito at tumakbo sa harapan ng TV. Paluhod nyang itinutok ang remote sa screen, pinindun ang rewind button at pinindut ang play button kung saan ang scene ay nasa talampasigan sila ng dagat at nagsasabihang 'i love you' sa isa't isa.

Pinaulit ulit nya itong pinindut , at napapangiti sya sa bawat bigkas ng mga katagang 'i love you, Hal' ni Crisostomo sa kanya.

Hindi nya kayang pigilin ang pagbagsak ng mga luha sa kanyang namumugtong mga mata. Halos nakadikit na ang kanyang mukha sa screen ng TV habang nakaluhod na wari'y gusto nyang pumasok sa loob. Kung saan makakapiling nya ang kanyang minamahal.

Pinindot nya ang pause botton sa remote control na hawak nya at niyakap nya uli ang TV.

"Hal ko, sasama na ko sayo. Hindi ko na kayang mabuhay pa nang ganito. Kung sumama lang talaga ako sayo pauwing Mindoro edi sanaaa-" napigilan sya ng makita nya ang basag na boteng nakakalat sa tabi nya.

Kinuha nya ito nang dalawa nyang kamay na para bang mahalagang dyamante na madaling mawala. Tiningnan nya na maiigi ang bawat anggulo ng bubog at saka itinapat sa kanyang leeg.

"Hal ko, mahal na mahal kita at ayokong mawala ka nang tuluyan sa akin asawa ko. Hindi ko na kayang ang pagdurusang mabuhay na wala ka. Mas gusto ko pang mamatay na kasama mo di tulad ngayon. Humihinga ako pero parang hindi ko maramdaman na buhay talaga ako. Mahal na mahal kita Hal, sobra pa sa buhay ko ngayon"

Habang sinasambit nya to dahan dahan nyang iniangat pataas ang kanyang mga kamay hawak hawak ang bubog na nakatutok sa kanyang leeg.

Pumikit sya habang ang kanyang mga luha ay umaagos pababa sa kanyang porselanang pisngi.

"AAAAHHHRGggg!!" At bigla nyang ibinaba nya ang kanyang kamay na may pwersa, itinarak nya ang bubog sa kanyang maputi na ngayon ay puro dugo nyang leeg.

Hal ko patawarin mo ako, hayaan mo magsasama na tayo mga salitang di na naibigkas ni Maria, sa isipan na lang na humihingi nga kapatawaran sa kanyang sinasabikang asawa at tuluyan na humimlay habang dumadaloy ang dugo sa kanyang katawan.

Bumukas bigla ang pinto ng kwarto at sumilip ang isang babae mula sa likod nito. At bumungad sa kanya ang nakahandusay sa sahig na si Maria.

"DYOS KO! MARIA, ANONG GINAWA MO? " ang sigaw ni Corazon patakbong palapit sa kanya na ngayo'y naliligo sa sarili nyang dugo.
"Agrh aargh...borrgk..aargh" hindi makapagsalita si Maria dahil sa bumubulwak na dugong lumalabas sa kanyang bibig.
"MARIA MARIA LUMABAN KA DYOSKO TULONG MGA KAPITBAHAY! TULUNGAN NYO KAMI! PAKIUSAP" Binuhat ng matanda ang naghihikahos sa hangin na si Maria palabas ng bahay.

"SUS MARIAOSEP SANTISIMA, ANONG NANGYARI?" Ang biglang alalay ng isang kapitbahay kay Corazon.
"Tulungan mo ko parang mo na dalhin natin sya sa ospital" ang maiyak iyak na sambit ni Corazon habang buhat pa rin ang halos walang buhay na si Maria.

~~~~author's note~~~~
Hi guys ako pala si niina_chan. Intense ba? Matagal ko rin pinagisipan kung pano ko isusulat yung navivisualize ko sa utak ko. Hehehe Hindi ko intent na maging grulesome to kasi una hindi ko gusto ang dugu-dugo. Pangalawa, takot ako sa mga ganitong genre kaya wala kang makikitang horror stories sa reading list ko. At pangatlo ayoko nakakakita ng mga laman ng kung anu-ano kaya never mo ko mapapanood ng surgery docu. pero kung anime style,pwede pa. Hahaha yung kay BlackJack na anime..hehehe Anyway sana magustuhan nyo po . Don't forget to vote and comments po kasi I need critics to improve pa. Kasi alam nyo tamad kasi akong gumawa ng story, ngayon lang akong ginanahan uli. Ayun salamat po ng marami sa pagbasa sana mabasa mo po yung sunod na chapter at ung susunod pa

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top