Chapter 5: Taking risks
Chapter 5: Taking risks
"SO... Anything you wanna say to me? Like paliwanag man lang kung ba't bigla mo na lang akong hindi pinansin?" Nakapameywang si Joy habang nakatayo sa gitna ng kwarto niya at nakatingin kay Rose.
Umiwas naman ng tingin ng dalaga saka namula. O baka mapula na talaga yung mukha niya kakaiyak. Napailing na lamang si Joy sa isip niya.
"Ano na? I think I deserve an explanation naman, ano?" pagtataray niya pa.
Tuluyan naman nang yumuko si Rose habang nakaupo sa dulo ng kama niya. "I can't tell you... At least not yet." Halos pabulong na lamang ang pagkakasabi ng babae, pero narinig iyon ni Joy.
Napabuga na lamang ito ng hangin saka tinabihan ang matalik na kaibigan sa kama. "Fine. I'll hold on sa not yet mo, since you looked like you still have plans to tell it to me."
Ilang saglit silang natahimik. Nakayuko pa rin si Rose, habang si Joy naman ay nakatingin sa pader sa tapat niya. Halos maggagabi na rin at pauwi na ang mga magulang ni Joy pero silang dalawa ay nanatili pa ring tahimik sa loob ng kwarto at nagpapakiramdaman, hanggang sa...
"Do you... Do you still like Romeo, Rose?" Hindi malaman ni Joy kung ba't niya 'yon tinanong pero pakiramdam niya ay yun lang ang pwede niyang sabihin noong mga oras na iyon.
Ilang segundo lang naman ang dumaan bago ibinuka ni Rose ang bibig niya. "H-Hindi."
Pinadaan muna ni Joy ang ilang segundo bago muling nagtanong. "Ginusto mo ba talaga siya?"
Huminga nang malalim si Rose. "H-Hindi rin."
So she lied about that but... "Why then? Why tell me that you liked him?"
"B-Because I slipped that time..." pabulong na sagot nito. "I-I told you that I... that I liked someone. And you kept asking me who. But I couldn't tell you about it so... so I used someone else's name."
"So sino ngang gusto mo?" Hindi na muling umimik si Rose. "Si Ryan ba—"
"Hell no." Mabilis pang umiling ang babae na siyang ikinatawa ni Joy. Mukha kasing ayaw talaga ni Rose sa lalakeng iyon.
"So sino?" Muling natahimik ang dalaga. Pumasok naman sa isip ni Joy ang mga sinabi nila Miz kanina. "Kaya ba hindi mo masabi sa akin kasi babae rin ang gusto mo?"
Joy saw and noticed how Rose flinched at the mention of girls. At mukhang tama nga siya.
"I really don't mind it if you like girls too, Rose. It's new to me, lalo na dahil sa paraan ng pagpapalaki sa akin, but I don't think anything would change other than your preferences for a partner. I mean you're still the Rose I know, you're still my best friend—"
"I... I don't wanna be your best friend."
Agad nanlaki ang mga mata ni Joy. "H-Ha?" Biglang bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa takot at kaba. She doesn't want to lose Rose at all. "What... what do you mean by that?"
For the first time after coming inside her bedroom, Rose stared straight into her eyes. "I don't want to be just best friends, Joy. I... I wanna... I-I wanna be—"
"Joy! Nakauwi na kami!" biglang sigaw ng isang babae mula sa sala. Sa sobrang pagkaka-focus ni Joy sa sasabihin ni Rose ay hindi na niya narinig ang pagdating ng kotse ng mga magulang niya.
Para namang natauhan si Rose saka nag-iwas ng tingin. "N-Nandyan na pala sina Tita. Tara na?"
Akmang tatayo na ito nang pigilan siya ni Joy sa braso. "Ituloy mo muna yung sasabihin mo."
Umiling naman si Rose saka pilit na ngumiti habang nakatingin sa kaniya. "Nah, let's go greet your parents first—"
"No," Joy firmly objected. "Say it."
Napaiwas si Rose ng tingin. "Just forget it—"
"You want to be more than best friends?" Mabilis at gulat na napatingin si Rose kay Joy. "Ako ang gusto mo, tama?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top