Chapter 4: Is it true?
Chapter 4: Is it true?
TAKING risks is terrifying but it can result in a happier and more eventful life.
Joy remembered that quote from somewhere. Nung una niya itong binasa, all she could think of was academic-related risks or even wanting-to-have-fun risks. Ni kailanman ay hindi niya naisip na pwede rin ikonekta ang kasabihan na iyon sa pag-ibig. Wala rin naman kasi siyang pakealam sa mga bagay na iyon at mas nakatuon ang atensyon niya sa pag-aaral.
But what Secia and Mizelle said... Napailing na lamang siya saka napabuga ng hangin. Akmang magbabasa na siya ng reviewer niya nang tumunog ang telepono niya.
Simula noong hindi siya pinansin ni Rose hanggang sa hindi niya na rin ito pinansin ay puro messages lang ang palitan nila o ways of communication. Rose would often leave food or candies sa desk niya pero hindi siya nito kinakausap sa personal. And it irritated the hell out of Joy.
Pero ngayon, habang tinititigan ni Joy ang telepono, hindi niya mapigilang makaramdam ng saya. For the first time after months of kung ano pa man 'to, she finally got the guts to call me.
At syempre, hindi na nakatiis si Joy at sinagot na ang tawag ni Rose. Hindi rin naman kaagad umimik si Joy at hinintay na magsalita ang nasa kabilang linya. "Joy..."
Hindi malaman ni Joy kung bakit niya naramdaman iyon pero tila ba gumaan ang pakiramdam niya nang marinig ang boses ng matalik niyang kaibigan.
"I-I'm sorry... I really don't know what came to my mind and I avoided you — I mean, I know why, I just don't wanna say it." Halata sa boses nitong naguguluhan ito at hindi napigilan ni Joy na mag-alala, lalo pa nang marinig niya itong umiiyak. "I-I'm really sorry, Joy. Please, pansinin mo na ulit ako. H-Hindi ko pala kaya kapag h-hindi mo 'ko pinapansin — kapag wala sa akin yung... yung atensyon mo." Mas lalo pa 'tong humagulgol.
Para namang pinipiga ang puso ni Joy habang pinakikinggan ang pag-iyak at ang mga salitang binitawan ni Rose. She never liked seeing and hearing her best friend cry, and so she stopped sulking. "Shh... Tahan na. Oo na, papansinin na kita. Kaya tumahan ka na. 'Wag mo rin kasi akong bigla-bigla na lang iniwasan—"
"H-Hindi na. H-Hindi na kita iiwasan. I'm so sorry, Joy. I'm really really sorry. Please forgive me." Tuloy pa rin naman ito sa pag-iyak.
"Pinapatawad na kita kaya tumahan ka na. Nasaan ka ba? Nasa bahay ka ba? Nandyan ba si Tita?"
Ilang saglit namang natahimik ang kabilang linya hanggang sa magsalita muli si Rose. "N-Nasa labas ng bahay niyo."
Agad napatayo si Joy saka sumilip sa bintana ng kwarto niya. Mula roon, nakita niyang nakatayo si Rose sa tapat ng gate nila habang nakatingin sa direksyon niya. "Ayy! Pumasok ka na, alam mo naman kung saan nakatago yung susi, diba?" sabi niya sa may telepono. Nakita niyang tumango si Rose saka nito pinakelaman ang gate hanggang sa makuha na nito ang susi at binuksan iyon. "Ibababa ko na 'tong tawag, umakyat ka na lang."
"Joy," pigil nito sa kaniya.
"Mmm?"
"I-Is it true that you and Ryan aren't an item?"
Bahagya namang natigilan si Joy saka naalala ang mga sinabi nila Mizelle at Secia. "Oo. Walang namamagitan sa amin."
Hindi naman na nakita ni Joy ang munting ngiti ni Rose. "Okay. I'm coming up." With that, they ended the call and Joy waited for her best friend inside her bedroom.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top