Dahil sa gulat ay nagpakita na si Elizabeth sa kapatid ni Ian Gabriel na si Nikkia sa isang malapit na coffee shop sa school nila.
Elizabeth: Hindi ko din alam kung bakit siya nagpapakita sa akin eh pero hindi naman niya ako sinaktan. Ang bait-bait niya sa akin.
Nikkia: Buti ka pa, nagpapakita at nagpaparamdam kapatid ko sa iyo pero sa aming pamilya niya ay hindi.
Elizabeth: Totoo bang patay na siya? Baka naman hindi pa. Ayaw ko pang maniwala na patay na ang taong halos araw-araw kong kasama.
Agad na pinakita ni Nikkia ang picture sa burol at libing ni Ian Gabriel. Totoo nga, si Ian Gabriel ang nakaburol sa picture at ang nilibing nila.
Agad namang kinuha ni Elizabeth ang cellphone niya at pinakita kay Nikkia ang mga pictures nila ni Ian Gabriel pero gulat na gulat siya dahil sa mga pictures na iyon ay wala siyang kasama.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top