Chapter 10:Seen✔

Sa pangatlong gabi ay nagtaka na talaga si Elizabeth kung bakit gising pa rin si Ian Gabriel ng ganung oras kaya naman dahil sa takot ay hindi na niya ito pinansin pero nagulat siya nang biglang nag-chat sakanya si Ian Gabriel sa Facebook.

Ian Gabriel: Eli, nandito ako sa tapat ng bahay niyo ngayon. Lumabas ka, dali.

Elizabeth: Bakit naman nandyan ka sa labas ng bahay namin? Anong nakain mo at pumunta ka dito ng ganitong oras?

Ian Gabriel: Miss ko na ang mga ngiti mo eh. Masama ba na makita ka ngayon? Sige na, please?

Elizabeth: Alastres na ng hatinggabi, hindi na ako pwede bumama dyan. Baka kung sino pa ang makakita sa atin.

Ian Gabriel: Sige na, please? Kahit ngayon lang, hindi na ako mangungulit sa susunod.

Elizabeth: Sige na nga, bababa na ako, pero saglit lang ha?

Wala na nagawa si Elizabeth kundi ang bumaba na ng kwarto niya para pagbuksan ng pinto si Ian Gabriel. Nagulat siya ng makitang nakaputi ito at nakatayo sa tapat ng pintuan nika, para bang may hangin na malamig na dumampi sa mga balat ni Elizabeth, para siyang nakakita ng multo.

May dala itong rosas at chocolate. Hindi naan mahilig si Elizabeth sa mga iyon pero wala na siyang nagawa kundi tanggapin ito. Tama nga ba na tinanggap niya ang mga ito?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top