01

"Ladies and gentlemen, and everyone in between, welcome to the most anticipated event of the year for the YTI Network, where love and talent collide in a spectacular union! Today, we gather to witness the resigning of contract of the iconic loveteam of the year, a duo whose chemistry on and off-screen has captured the hearts of millions. Get ready to witness magic unfold as we celebrate the beginning of a new chapter in their extraordinary journey together. Let's welcome, Hope Dee and Evan Lane."

Biglang napakalakas na palakpakan ang bumati sa 'ming dalawa ni Evan nang lumabas kami mula sa backstage.

"You look so gorgeous, Hope."

"I know, Mr. Evan."

Inalalayan ako ni James na maupo sa isang mahabang table na nasa stage kung nasaan ang mga bosses namin sa network. Of course, nangunguna roon ang CEO ng network, si Mr. Soren Lim kasama ang wife niyang si Mrs. Liora Lim. Nando'n din ang mga head of different departments at kahit mga executive producers. Everyone na matataas ang rango sa network ay nando'n.

"Thank you everyone for coming tonight. Alam ko na aware kayong lahat kung paano tayo binuhat ng dalawang magagaling nating actor at actress na nasa harapan natin ngayon," tukoy sa 'min ni Mr. Lim. "They hardly slapped us with their achievements as loveteam and of course, as excellent talents and actors. Their love for their craft is undeniably amazing indeed. We are so proud of these two and we can't wait to begin a new journey with them... again."

That's true. We slapped them so hard with our achievements. May mga kabi-kabilang best actress at best actress award, love team of the year, nominations at iba pang mga awards. Minsan nga ay nabansagan kaming hakot awardee sa isang prestigious awarding event.

"Are you happy?"

No.

"Why?"

Malambing na tiningnan lang ako ni Evan bago kinuha ang kaliwa kong kamay at pinagsiklop iyon sa kaniya. Nang makita niya ang mga camera na nakatutok sa 'min ay inilagay niya ito sa mesa para mas makita pa 'yon.

"Parang hindi ka kasi masaya. Ayaw mo na ba akong ka-loveteam?"

"Of course not," agad na sagot sa kaniya. "Nao-overwhelm lang ako."

Marami pang sinasabi ang host pero hindi na namin 'yon napagtuonan ng pansin. Nandito lang naman talaga kami para magpirma ng kontrata at magpakita sa media. Iyon lang. Never na akong nakaramdam ng excitement o kahit kaba tulad no'ng una. Wala ng gano'n.

Sa una lang naman talaga masaya. Kahit na hindi ako nasisiyahan ngayon ay syempre, hindi namin 'yon pwedeng ipakita sa public. Hindi dapat.

I love acting. I really really love acting pero ayoko na sa pamamaraan ng management kung paano nila kami tinatrato. Nawawalan na kami ng freedom, sa totoo lang. Kahit nga sa pagpapaputol ng buhok ay kailangan namin iyong ipagpaalam sa kanila. Kahit na gano'n, thankful pa rin naman ako sa kanila dahil sa laki ng itinulong nila sa 'kin para makamit ko ang tuktok. Sa edad na 16 ay sila na ang gumabay sa 'kin pero sa edad na 16 ay gano'n ko rin kaagang nawalan ng freedom sa sarili ko.

Now, I am 26. 10 years na ako sa showbiz industry at hanggang ngayon, nakatali pa rin ako sa loveteam naming ito ni Evan. Yes, 10 na kaming magkasama at never akong nagkaroon ng single project talagang lahat ng mga projects ko ay kasama ko siya. Pero si Evan, nagkaroon siya ng maraming projects na hindi ako kasama. That is very unfair para sa 'kin pero wala na akong magagawa pa dahil hindi naman ako gaanong paborito ng management pero okay lang sa 'kin 'yon.

Ngayon, pipirma kami sa pinakahuling contract namin as love team. 6 months lang ang validity no'n na talagang ikinatuwa ko. Ngayon ay gagawa lang kami ng movie together tapos right after that, pwede na kaming magkaroon ng single or separate projects.

"A big thank you to everyone who supported us right from the very start. Hindi namin 'to maaachive lahat kung hindi dahil sa suportang binigay niyo sa 'min," panimula ko sa speech. "To our fans, we love you, everyone. Thank you for your all-out support, sa pag-nominate niyo sa 'min, sa pagsuporta at sa lahat-lahat. Thank you so much. And most especially to our management, thank you so much sa guidance niyo."

Si Evan ang sunod ang sunod na nagsalita sa harap. Tulad na lang no'ng akin, puro pasasalamat lamang 'yon sa mga fans, management, sa bosses at sa lahat ng mga taong tumulong sa 'min.

"Congratulations, Evan and Hope," bati sa 'min ni Mr. Lim matapos ang contract signing.

"Thank you so much, Mr. Lim," pormal naman naming sagot ni Evan.

Sinabi pa niya sa 'min ang mga paghanga niya raw sa 'min na paulit-ulit na niyang naiparating sa 'ming dalawa ni Evan. Matapos niya kaming batiin ay nagpaalam na silang dalawa ng kaniyang asawa. Lumapit naman sa 'min ang ibang mga boss ng network at binati rin kami.

Agad kaming nilapitan ng manager namin na si Mommy O. Bakas na bakas ang saya sa mukha niya kaya hindi ko matagalan ang tingin sa kaniya.

"Excuse me, pupunta lang ako sa rest room," paalam ko sa kanila.

"Samahan na kita," si Evan.

"No, please. Samahan mo na lang dito si Mommy O. Mabilis lang ako."

Mabilis akong pumunta sa restroom at doon tahimik na umiyak. Nang makita ko kung gaano kasaya si Mommy O ay hindi ko alam ang naramdaman ko. Feeling ko, siya ang isa sa pinakamasasaktan kung gagawin ko ang binabalak ko.

6 months lang naman. 6 months na lang.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top