Chapter 8: Beast Manipulator
Chapter 08
Beast Manipulator
[ Third Person ]
"SAYAW LANG naman, Mau!" pamimilit ni James Bradley ang nangingibabaw sa buong tugtog ng kanta.
Ilang minuto lang ang lumipas simula nang mapanood nila ang pinakahihintay ng lahat. Ang ibang tao na nanonood ay dumayo pa mula sa kabilang bayan para makasaksi sa Traditional Dance ng pinakasentrong bayan ng Rivendelle City. Matapos ang palabas, nagkatuwaan ang mga tao na pumunta sa gitna at sumayaw base sa ritmo ng kanta. At ngayon ay pinagkatutukalakan naman ng magkakaibigan si Maureen para sumayaw sa gitna.
"I swear, I'll punch you again, James Bradley Apartelle!" gigil na sigaw ng dalaga sa binatang nagtulak sa kaniya.
Wala na siyang magagawa kaya pumunta nalang siya sa gitna ng mga taong nagsasayawan. Humawi ang kumpol ng mga tao at naiwan si Maureen na mag-isa sa gitna dahilan na pamulahan siya ng husto. Ipinakita niya ang kuyom na kamao kay lalaking kaibigan.
"Woohoo!" pagpapalakas ng binata na ginatungan naman ng kaniyang mga kasamahan at mga tao sa paligid nito.
Napipilitan na sumayaw ang dalaga hanggang sa unti-unti na niyang nagugustuhan ang ritmo ng kanta. The music was produced by the traditional instruments. Ang mga mamamayan ng bayan ang tumutugtog gamit ito.
"Galing mo pala eh!" puri ni James sa kaniya.
'Ready your face, asshole!' Iyan ang laman ng isip ni Maureen. Nang matapos ang kanta ay dali-dali siyang pumunta sa direksyon ng kaniyang mga bagong kaibigan.
She's about to punch James when a growl echoed all over the place then the ground began shaking. Nagsimulang magsigawan ang mga tao na nasa kasiyahan. Ang iba ay dire-diretso na ang takbo at ang iba ay ginagamit na ang kapangyarihan para lang makalabas sa kumpol ng mga tao. Takot na takot sila sa umungol dahil alam nila na isa itong halimaw.
"What the fck is happening?!" pasigaw na tanong ng dalaga sa kanila. "Gustong-gusto na kitang sapakin, Bradley! Pero 'yang pesteng halimaw na 'yan ay disturbo!"
Para namang nakakita ng multo ang huli. "N-Nagtatagalog ka?" nauutal niyang tanong.
"Yes! Only when I'm irritated or angry! Dahil kanina ka pa, e! Tulak ka nang tulak! Did you know that I never wanted to be pushed?!"
Napalunok naman ang binata at namutla. "S-Sorry," pumeke ito ng tawa at napakamot sa kaniyang batok. "Pero ang cute mong magalit. Mabuti't hindi ka nabulol, ano?"
Inirapan lang siya ng dalaga at ibinaling ang tingin sa halimaw na may mapupulang mga mata at parang galit na galit. Lalapit pa sana siya sa halimaw dahil parang pamilyar ito sa kaniya nang may humigit sa braso niya at hindi hinayaang makalapit.
'GROOOOOOOWL!'
"Don't go near," paalala sa kaniya ni Jack Harrison, ang humigit sa kaniya. Napasinghap ang dalaga dahil parang may kuryenteng dumaloy sa braso niyang hawak ng binata. Inalis naman kaagad ito ni Jack dahil maski siya ay nakaramdam nito.
"Sorry, the beast seems familiar to me." Pinanliitan niya ng tingin ang halimaw para matukoy kung saan nga ba niya ito nakita.
"It's Ami, Maureen!" biglang usal ni James.
Napasinghap naman ang dalaga at lumapit ng dalawang hakbang sa nilalang na nasa harapan nila. "Ami? How did she escaped from the care of the headmaster? And she seems so angry..."
"We don't know, but for now..." Ibinaling niya ang kaniyang atensyon kay Jack na siyang ikinataas ng kilay nito. "...Harrison, can you understand what Ami's trying to say?"
Kahit natatawa si Maureen dahil sa seryoso na itsura ni James ay pinigilan niya dahil nasa delikado silang sitwasyon. "Jack can understand her?"
"Yes, any creatures or beasts." Napatango-tango naman ang dalaga sa kaniya at ibinaling din ang tingin sa binata na ngayon ay matamang nakatitig sa halimaw na tila pilit inintindi ang mga ungol nito.
GROOOOOWL!
As they are waiting what's his understanding, they got shocked when Jack ruined his hair, looking so problematic. "This is the first time I can't understand a beast!" Jack blurted out hysterically.
Napatingin ang lahat sa kakambal ni Jack na si Jane nang magsimula itong magpaliwanag. "Base sa mga librong nabasa ko, kapag ang abilidad ng tao na makaintindi ng lengwahe ng mga halimaw o ibang mga nilalang ay hindi gagana, ibig sabihin nito ay may nagkokontrol sa bawat galaw nila."
"What do you mean?" Sofia curiously asked.
"Hmm..." it was Maureen. "There's someone who controls Ami," she concluded.
"Yes, a beast manipulator. But the question is, how did that person who's controlling the beast entered the academy's premises? Hindi naman siguro lalapit sa kaniya si Ami kung hindi niya ito kilala, hindi ba?"
Tumango naman si Maureen pero may napansin siya nang inilibot niya ang kaniyang paningin sa lahat. "Wait. Guys, where is Zoe . . . ?"
Naalarma sila nang mawala ang isang kasamahan nila kaya agad nilang nilibot ang lugar. Samantalang ang halimaw na si Ami ay ungol lamang nang ungol. Nakabalik na ang lahat sa kinatatayuan nila pero walang nakahanap kay Zoe. Napatingin ang sila sa lalaking bigla nalang sumulpot sa kung saan si Ami at kasabay nang pagtahimik nito.
Hawak-hawak ng lalaking nakabalabal ang babaeng may busal sa bibig. Agad naman nilang nakilala kung sino ang babae na may busal ang bibig. Akmang lalapit na sila kay Zoe nang pinigilan nito. "Huwag na huwag kayong lalapit kung hindi, ipapakain ko itong kaibigan ninyo sa halimaw na ito!" boses nito'y parang galing sa napakalalim na hukay.
Nagsitayuan ang balahibo sa batok ni Maureen dahil sa narinig niyang boses pero pilit niyang tinatagan ang sarili para sa kapakanan ng kaniyang bagong kaibigan. "Don't you dare touch her!" Sa isip niya'y nagtatanong na siya kung paano nadakip ng lalaki si Zoe gayong nasa gilid niya lang ito buong oras at ang katabi ni Zoe ay si Sofia. Hindi rin nito naramdamang may lumapit sa kanila.
'How did he manage to capture Zoe when he can just simply manipulate a beast? Is teleportation his ability?' Maureen thought to herself.
"Oh... who's this beautiful young lady here?" mapang-uyam na tanong ng lalaking may mala-demonyong ngising nakapaskil sa labi nito. "I'm Calum, by the way. It's a pleasure to meet you all, SUPREMUS."
"Well, we are not pleased to meet you," saad ni James na ngayon ay mas seryoso na ang ekspresiyon sa mukha.
"Nandito lang naman ako dahil may pinagsabihan akong alaga . . . o dapat ko bang sabihing . . . alagad?" Humalakhak siya. "Pero nawa'y hindi kayo mag-alala, hindi naman ako ang namumuno sa mga masasamang budhi."
Hindi nila narinig ang ibang sinabi nito dahil likas na napakahina. "What?/Ano?" sabay-sabay na tanong nilang lahat.
"Nothing. Oh, ayan! Kunin niyo na 'yang walang silbing kaibigan n'yo!" Tinulak nito ang umiiyak na si Zoe na kaagad namang napayakap kay Maureen. Bumalik sa pagkakuneho si Ami at kasabay no'n ay ang pagkawala ng lalaki.
Humarap si Maureen sa kanilang lahat habang inaalo pa ang kaibigan. "Why you didn't use your magics in defeating that Calum guy?"
They all sighed when Maureen asked that question. "We can't use them when we're not on a mission," seryosong sabi ni Jack na siyang himalang sumagot.
"What? So kung nagkataon na may nasaktan sa atin ay bawal pa ring gamitin ang mga kapangyarihan ninyo? Kailangan pa pala na mapangalanan 'yan na misyon?Even if it cost your precious life, you'll not use it? Parang ang useless naman niyan!" Galit na ito at masasabi kaagad dahil sa boses.
"Calm down, Mau. We can protect ourselves from that creature so you don't have to worry," pag-aalo sa kaniya ni James.
"Protect?" sarkastiko niyang tanong. "Ha! Kayo 'yon, e! If you're in my position, you can't help but to think like the way I'm thinking right now... We have big difference. Bago lang ako rito and I still haven't discovered my magic and ability, yet. Kaya hindi ko maprotektahan ang sarili ko. I can't protect you even if I want to..."
"Shhh. If you still can't protect yourself, we're here for you." Hinawakan siya ng binata kaya kumalma na siya pero naiiyak pa rin ito.
"Alam niyo bang kayo pa lamang ang mga naging kaibigan ko? Kaya sa abot ng aking makakaya ay poprotekhan ko kayo! But how can I protect you guys if I can't even protect myself? Kailan ko ba..." Hindi na niya natapos ang dapat niyang sasabihin nang nawalan ito ng kamalayan. Bumagsak si Maureen sa mga bisig ni James at agad naman nitong inakay para hindi mahirapan.
Napalingon ang lahat sa matandang tumusok ng pampatulog kay Maureen. "Temporaryo lang 'yan. Hindi lang siguro siya makapaniwala kaya gano'n. Marahil ay hindi ito sanay na makakita ng kaganapan katulad nang kanina."
"Kanina pa kayo r'yan, Lola?" tanong sa kaniya ni Zoe na ngayon ay nawala na ang takot.
"Oo. Nanonood lang ako sa sagutan ninyo. Aalis na ako, mga bata." Nagulat nalang sila dahil naglaho ito na parang bulang pumutok pero binalewala na lamang nila iyon dahil marami sa kanilang mundo ang may abilidad sa paglaho.
"I can feel her emotion. Sad, hatred to herself, guilt, and she's also scared," Sofia admitted to what she felt earlier for she has the ability to feel the person's emotions. Nanatiling walang imik ang kambal dahil iniisip pa rin nila kung paano nakapasok ang kalaban gayong mahigpit naman ang seguridad ng akademya.
Si James ang nagbitbit kay Maureen na mahimbing na natutulog. Nang makarating sa loob ng academy ay si James nalang din ang natira upang ihatid si Maureen sa dormitoryo nito.
Inihiga ng binata ang babae. Pagkatapos ay umuwi na siyang pasan-pasan ang pag-iisip kung bakit tila gano'n ang reaksyon ng babae. Pero siguro ay dahil lang din ito sa una niyang makakita ng gano'n.
Samantala, nag-aalala si Jane Hilary kung ano'ng mangyayari kay Maureen kung mauulit ang pangyayaring iyon. She decided that she's going to train Maureen. Kailangan ng matinding ensayo ng dalaga para maipalabas nito ang kapangyarihan at hindi na magwawala sa oras ng may kalaban.
@eggarru
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top