Chapter 47: Her Point Of View (Last Chapter)

Verse of the Day.
"All athletes are disciplined in their training. They do it to win a prize that will fade away, but we do it for an eternal prize."
1 Corinthians 9:25

Chapter 47
Her Point of View
[ Zoe Madelyn ]

SHE'S GONE without any traces. And now, I miss her. I miss my sister. I miss the girl who's the cause of my jealousy towards my father. I miss the person who's the only one I treated as my best friend.

Nang dahil dito, naalala ko ang dahilan kung bakit kami nagkakilala hanggang siya ay nawala...

"Madelyn, come over here." I heard Dad called me. He's on his throne, wearing his almighty black royalty suit. Dali-dali naman akong lumapit sa kaniya, natatakot na baka ano pa ang kaniyang magawa sa'kin kung hindi ako lalapit.

"Mabuti," saad niya. "Nais kong gawin mo ang misyon na aking ibibigay ngayon."

Napakunot ang aking noo at nagtanong, "Ano'ng misyon iyan, Ama?"

Tumayo siya mula sa pagkakaupo dahilan ng aking pag-atras. Siya'y tumingala, biglang ngumisi at humalakhak. Nagpalakad-lakad pa siya bago muli akong tignan. "Nabalitaan ko sa dati nating punong siyentista na nawawala ang kaniyang itinuturing pamangkin. Hindi na mahalaga kung paano ko ito nalaman. Alam mo naman siguro kung sino ang batang iyon, hindi ba?"

"O-Opo," kinakabahang tanong ko.

"Hmm," he hummed. "Come o'er here. I want you to listen carefully to my commands."

Sinunod ko ang kaniyang gusto. Lumapit nga ako pero ang hindi ko inaasahan ay ang paghigit niya sa aking mukha at hinigpitan ito ng kapit. "Gusto kong bantayan mo ng maigi ang babaeng iyon. Ang babaeng gusto kong humalili sa akin sa tronong ito. Sigurado akong mapupunta iyon sa basurang akademyang pinapasukan mo ngayon kaya bantayan mo siya ng maigi kung ayaw mong saktan ko na naman ang iyong ina."

Ang boses ng aking ama ay nakakatakot kaya agad akong napatango. Pabalang niyang binitawan ang aking mukha sanhi ng aking pagkatapon sa sahig dahil sa lakas ng pwersa nito. Sunod-sunod na tumulo ang aking mga luha habang nanginginig ang mga labi. Hindi dapat ako sumusuko.

Sanay na ako pagmamaltrato ng ama sa ina ko at pati na rin sa aking sarili. Natatakot akong baka pagbuhatan na naman niya ng kamay at ikulong sa isang nakadidiring selda si Mommy.

Totoo nga ang sinabi ni Daddy. May bagong estudyante ang pumasok sa akademya. Malayo pa lang, alam kong kakaiba siya sa lahat. Nagtataglay siya ng malakas na pwersa kaya ang ibang estudyante ay hindi siya kayang tignan o dumaan man lang sa gilid niya.

Pinuntahan ko siya sa isang lamesa kung saan siya kumain. Umaalon ang kaniyang tsokolateng buhok at para siyang anghel sa paningin ko— o ng lahat.

Pilit kong pinaliwanag ang aking mukha at bumati sa kaniya. "Hi!"

"Hello?" hindi siguradong sagot niya. Nakikita kong parang hindi siya sanay na may lumalapit sa kaniya.

"Oh, come on! Huwag ka nang mahiya, I can be your friend. My name is Zoe Madelyn Wainright, the Top 8 in Rank SUPREMUS!" Napapansin kong sa bawat labas ng mga salita sa aking bibig ay tila sumasaya ako. Siguro sumasaya ako dahil sa wakas, makikilala ko na ang aking kapatid sa ama.

"Megami Maureen Shimizuo, new student here in your school," she introduced and showed her brilliant smile. "Are you sure you wanted to be friends with me? Besides, you're at the Rank SUPREMUS. We're not on the same shoes, though I'm beautiful."

"Don't worry about the ranking system... Hindi naman talaga importante 'yon." I smiled. Parang may kumakatok sa sistema ko, konsensya. Pero alam ko naman sa sarili ko na hindi lang ako lumapit sa kaniya dahil utos ito ni Ama. Lumapit din ako kasi gusto ko siyang makilala ng lubusan.

Masaya nga siyang kasama. Alam kong mabait siya— sobrang bait niya— sa kaloob-looban niya pero pinili niyang magpanggap sa ibang pagkatao. Pakiramdam ko ay kailangan niya ng karamay sa buhay. Pakiramdam ko'y wasak na ang kaniyang sarili.

Sumugod sa pyesta ang isa sa mga alagad ni Ama na si Calum. Akala ko ay malalaman na ng mga kaibigan ko ang totoo kong pagkatao pero hindi. Mas nakatuon ang kanilang atensyon kay Maureen na hesterikal sa araw na iyon.

Sumikip lalo ang aking dibdib. Pakiramdam ko ay unti-unting nabubuhay ang dugo ko bilang isang manggagamit ng itim na salamangka. Nilulukob nito ang aking puso at parang sinasabi na ang babaeng iyan ang siyang umaagaw ng lahat sa'kin. Simula sa atensyon ni Ama, atensyon sa mga kaibigan, at ang talino at galing niya sa lahat. Isa siyang depinasyon sa salitang 'perpekto.'

Umuwi ako sa palasyo nang gabi ring iyon. Naabutan ko si Daddy na parang kausap ang kaniyang mga pangit na alagad. Pumunta ako sa harap niya at biglang niyakap pero ako'y tinulak niya lang.

Maluha-luhang tinignan ko siya. "Dad... What must I do in order for you to love me as your daughter?" mahina lang ang aking boses pero alam kong narinig niya iyon.

"Matagal ko nang sinagot ang tanong mo na iyan. Sumunod ka lang sa lahat ng gusto ko at nang magkasundo tayo." Lumingon siya sa tauhan niyang nasa harapan. "Bago magsimula ang seremonya nila sa Asul na Buwan, sugurin ninyo ang babaeng nagngangalang Maureen. Bigyan ninyo ng palatandaan ang akademya na nalalapit na tayong lumusob muli sa pamamagitan ng babaeng iyan."

Nagkatotoo nga ang plano niya. Bago ang Blue Moon Ceremony, sinugod nila si Maureen at nalaman ko na lamang iyon nang pinatawag kaming lahat sa isang meeting.

James wasn't there because he's with Maureen, obviously trying to comfort her.  I was always wondering that what if I am the one who's in her shoes, will they do the same? Tons of thoughts that was produced by jealousy are inside my head. I can't carry on erasing these because this runs in my blood as a dark witch.

Madalas ko siyang ikumpara sa aking sarili upang ako'y umangat. Kinikilala ko siya bilang aking kapatid pero may parte pa rin sa puso ko na hindi ito lubusang matanggap.

Naglalakad ako ngayon sa isang pasilyo kung saan patungong selda ni Mommy. Oo, kinulong na naman siya at parang tinatapakan ang dignigad ko roon. Dahilan ng pagkakakulong niya ay ako. Palpak dahil hindi nila nakuha si Maureen noong nakulong sila sa Juvenile Incubator.

Kumapit ako sa rehas at inabot si Mommmy. "Mom, how are you? Pinapakain ka ba ng maayos sa mga katulong?" I only heard her groaned. Halatag pinapahirapan na naman siya.

Napakuyom ako sa aking kamao at agad na umalis doon. Nang marating ko ang paaralan, nagulat ako dahil nakita ko ang rebulto ng taong hindi ko aakalaing susundan ako. Hindi ko alam kung paano niya nalamang pumunta ako saglit sa palasyo. Patago ko lamang iyong ginawa dahil matagal na akong hindi nakakauwi. Gusto ko lang namang bisitahin ang aking ina.

Pumunta ako sa liblib na lugar ng akademya at agad na hinarap ang lalaking sagabal sa buhay ko. "What do you want? I am living peacefully here! Dad doesn't need me, right? Dahil palaging palpak ang nagagawa ko! Kaya ano pa ba ang kailangan ninyo?"

"Huminahon ka, Mahal na Prinsesa..."

"Sabihin mo na kasi! Baka may makakita pa sa'kin dito! I don't want my image to ruin because of you, fucktard!" sigaw ko sa kaniya at kinuyom ang aking mga kamay. I can't afford to let them know my identity. Hindi pa ngayon ang tamang panahon.

Ngumisi siya. "Gusto ng hari na manmanan mo ang kanilang mga galaw at plano, kagaya ng dati, ngunit ngayon ay mas maingat na. Hindi maaaring mahuli tayo sapagkat kasalukuyan nang gumagawa ng plano ang ating hari. Gusto niya munang manahimik at surpresahin ang mga kalaban kapag nagkataon." Pagkatapos ay tumawa ito ng mala-demonyo.

"What?" kinakabahang tanong ko. "A-Anong pinaplano niya? Bakit hindi ko ito alam? I should've known this by now!"

Calum simply shooked his head. "Simple lang naman iyan, Mahal na Prinsesa, umuwi ka ngayong gabi nang sa gano'n ay mapag-usapan ninyo ito..."

"Calum!" I was about to use my shadow magic and locked him up in the shadow dimension but he's fast enough to disappear.

Napatingin ako sa malayong parte ng gubat nang may nakita akong parang mabilis na hangin ang dumaan. Kumabog ng mabilis ang aking dibdib. May nakakita ba? Imposibleng oo... nasa liblib kami na lugar at alam kong nakikipagusap pa ang mga kaibigan ko sa bagong dating na babae.

I sighed and ruined my hair in frustration. Pinaglaho ko ang sarili at humalo sa mga anino na nasa paligid. Nakarating ako sa mansyon sa hindi inaasahang pangyayari. Nag-aaway ang bagong babae at ang kapatid ko. Gusto kong sampalin din ang babaeng iyon, mas malakas pa sa pagsampal niya sa kapatid ko.

Pero hindi na iyon nagtagal pa. Naging maayos na at nang nagkabati na silang lahat, tumingin bigla sa'kin si Maureen. And I think, by the stares she gave, my entire being boomed away. Napaiwas agad ako ng tingin. I think she already knew that I'm a traitor. But does she already know that she's my sister?

Hindi ako umuwi sa araw na iyon, hindi gaya ng inaasahan ni Calum. Pero kinaumagahan, nagulat na lamang ako nang pinapahanap na sa'min ng prinsipe ang kapatid ko. Hinanap namin siya sa kung saan-saan ngunit wala pa rin.

Sa hapon ng araw na iyon, sinugod ko si Ama nang hindi nag-iisip. "Dad! Kinuha ba ninyo si Maureen?!" paratang ko habang sunod-sunod na tumulo ang aking masaganang luha.

Hindi ko hahayaang pati kapatid ko ay gagamitin niya sa kaniyang masamang mga balak. Maureen is too pure to be involved in this kind of situation. She's too precious, she needs to be protected. Iyan ang tingin ko sa kaniya. She's the angel who comes from heaven who guides me through my bright side.

"Pakiulit ng iyong tanong."

"Huh?" naguguluhang saad ko. "I said, did you get Maureen?"

Biglang nanlisik ang kaniyan mga mata at tinignan ako ng masama. "Nababaliw ka na bang bata ka?! Hindi pa nangyari ang aking plano at sinasabi mong kinuha ko ang kapatid mo? Ano ang pumasok sa iyong maliit na kukote at ako ang pinaparatangan mo?!" dumadagundong ang malakas nitong boses sa buong bulwagan.

Biglang akong nanginig sa hindi malamang dahilan. Ibig sabihin ay hindi siya ang kumuha kay Maureen—kung kinuha nga ba siya... Kung sana alam kong mawawala lang pala siya matapos ang masayang araw namin, sana sinulit ko na ang lahat.

Napabuntong hininga ako at tiningala ang langit. "Maureen, kung nasaan ka man ngayon, sana nasa maayos kang kalagayan. Hindi ko man nasabi sa'yo ang totoo na ikaw ang matagal ko nang inaasam na kapatid, masaya naman akong nakasama ka nang ganoong panahon."

A green light suddenly appeared from the sky that makes me smile. Maybe that's the sign that she's okay, even from afar.

***
DESSY's NOTE:
O to the M to the G! Congratulations for reaching this far, demigods! You've reached the last chapter of this tale. Thank you for being with me along the pages of this book. So happy right now. I can't explain the feeling... haha. Next is the Epilogue. It will be posted this night, before March 3 will end. Sayōnara~!

@eggarru

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top